Chapter 9: KABANATA 9 (1843 words)
Nang makaalis sa lugar na iyon ay hindi mapigilan tumulo ang mga luha ni Leah. Hindi aakalain ng dalaga na lolokohin siya nito.
Ano ba ang ginawa niya dito at pinaglaruan lamang siya nito. Akala ng dalaga ay sincere ito sa kanya dahil may nangyari sa kanila kagabi.
Iyon naman pala ay kasama ito sa mga plano niya.
“Akala ko ba ay mahal mo’ko? Pero bakit…”
Minahal niya ito at handa na siyang sabihin lahat sa mga magulang niya ang namamagitan sa kanilang dalawa at malalaman niya lang na gina-g*go siya nito.
Hindi rin matanggap ni Leah na anak siya ng isang kabit. Ngayon alam niya na kung bakit ganoon ang trato sa kanya ng Mommy niya at ng Ate Sabrina niya. Akala niya ay ayaw lang talaga sa kanya pero may malalim palang dahilan.
Alam na rin niya ang dahilan kung bakit ayaw sabihin ito ng Daddy sakanya. Gusto siguro nito na maging isa silang masayang pamilya ngunit hindi umaayon dito ang nangyayari. Kaya naman ay ganun-ganun na lamang ang trato sa kanya.
Hanggang sa maka-uwi ng condo ay umiyak lang ng umiyak si Leah buong araw. Tumutunog rin ang selpon niya pero pinatay niya iyon. Ang gusto niya lang ngayon ay mapag-isa at matakasan na lang ito lahat.
Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo na rin walang paramdam si Troy sa kanya. Akala niya ay pupuntahan siya nito para magpaliwanag pero hindi. Nakumpirma na niya nga na hindi siya nito mahal.
Hindi na rin siya pumasok ng trabaho para iwasan ang binata.
Sa loob ng isang linggo ay maraming nagbago sa kanya. Buong araw na tulog, nagiiba na rin ang pangamoy at panglasa niya.
Ayaw man niyang maniwala pero kahapon ay lumabas siya at bumili ng pregnancy test. Doon niya lang nakumpirma na buntis siya.
Hindi na rin malabong mabuntis siya ng binata dahil dalawang beses na may nangyari sa kanila at parehas silang walang gamit na proteksiyon.
Ang gusto pa naman niya ay kalimutan na si Troy pero mukhang malabo mangyari iyon dahil buntis siya.
“Hayst. Aalagaan kita, baby. Magkasama tayo forever.”
Nagiimpake siya ngayon ng mga gamit dahil aalis na siya. Ito lang ang tanging paraan na naiisip niya para hindi niya na ulit makita si Troy.
“Mas mabuti na ito para hindi na tayo magkita.”
Wala rin siyang balak na sabihin dito sa binata na buntis siya at siya ang ama ng dinadala niya. Nabalitaan niya rin kasi na tuloy-na tuloy na ang kasal nila Troy at ang Ate Sabrina niya.
Nang makapag-impake ay hinila niya ang maleta niya. Napatingin naman siya sa kabuuan ng condo niya. Marami siyang memories dito na mamimiss.
Napahawak naman siya sa tiyan niya.
“Magbabagong buhay na tayo baby simula ngayon.” Aniya niya at lumabas na ng condo.
5 years later…
“Carlo! Bumaba kana at papasok ka pa!” Sigaw ni Leah mula sa sala habang naghahanda ng pagkain.
Nang matapos siya sa paghahanda ay hindi niya pa rin nakikita ang anak niya na bumaba.
Napabuntong hininga na lang siya at napagdesisyunan na akyatin ito. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakahiga pa rin ito at nakabukas ang bibig.
Napatawa naman siya ng makita iyon. Inilibot niya ang paningin niya at nakita niyang nagkalat ang mga laruan nito kagabi.
Iniligpit niya muna ang mga iyon lumapit sa anak niya.
“Carlo. Gising na, may pasok ka pa.”
Pero hindi pa rin ito nagigising kaya naman ay may naisip siyang gawin para magising ito.
“Hmmp! Hahahaha! S-Sto—hahahah Mama! Hahahaha tigil na po!” Tawa ng anak niya.
Kiniliti niya ito sa tagiliran para magising at nagising naman.
“Maligo kana at baka malate ka pa.” Saad ni Leah.
Tumango naman na si Carlo at umalis na sa kama. Napangiti naman si Leah ng makita ang anak na nakapikit ang mga mata habang naglalakad papuntang banyo nito.
Pinaghanda na lamang niya ito ng masusuot saka lumabas ng kwarto nito.
Pinuntuhan niya rin ang isa pang kwarto sa kaliwa. Binuksan niya ito at nakita niyang nakatalikod pahiga ang isang babae at tanging likod lang nito ang nakikita niya.
Napailing na lang siya ng malaman na hubot-hubad na naman ito natulog.
“Hay na’ko. Hindi ba ito marunong magdamit?”
Lumapit siya dito at yinugyog ito.
“Adrianne, gumising kana. Malelate ka sa trabaho mo.”
Umungol lang ito at nagtaklob ng kumot.
Napatingin naman siya sa alarm clock nito na nag-alarm ng ala-siyete. Kinuha iyon ni Leah at itinapat sa tenga ni Adrianne.
“Aahhh!!”
Napabangon naman sa inis si Adrianne at binalingan ng tingin si Leah.
“Ang sama mo talaga. Pwede mo naman akong yugyugin eh.”
“Niyuyugyog na kita pero hindi ka nagigising. Kung hindi ko pa itinapat ang alarm clock mo sa tenga mo ay baka nabuhusan na kita ng malamig na tubig. Matuto ka ring magdamit. Kababae mong tao hindi ka nagdadamit.”
Napasimangot naman si Adrianne sa sinabi ni Leah sa kanya.
“Maligo kana diyan at anong oras na. Mamaya ay pupunta na dito ang partner mo para sunduin ka.”
Wala ng nagawa si Adrianne kundi ang sumunod kay Leah. Tumayo na ito at nagunat-unat habang si Leah naman ay lumabas na.
Sakto naman ng paglabas niya ay lumabas na rin sa kwarto si Carlo kaya sabay na sila bumaba at kumain.
Sinandukan niya naman ito ng kanin at ulam. Bumaba na rin si Adrianne at nakasuot ito ng itim na pantalon at naka sandong damit na fitted habang dala-dala naman nito ang leather jacket.
“Good morning!”
“Good morning Tita Adrianne.”
“Kumain kana, maya-maya lang ay susunduin ka na dito ni Jonathan.”
Umupo naman na ito at kumain na.
Nang matapos na kumain ay iniligpit na ni Leah ang mga pinagkainan at hinatid sa may gate ang anak niya habang si Adrianne naman ay nakasunod sa kanila.
“Oyy, Rian bilisan mo! Lagot tayo nito kay Chief.” Sigaw ni Jonathan sa labas.
Napatawa na lang si Leah ng makitang inirapan ni Adrianne si Jonathan.
“Ikaw naman ang may dahilan kung bakit nakatakas kahapon ang suspek eh.”
“Mama, sasabay ba ulit ako kila Tito Jonathan at Tita Adrianne ngayon?”
Napatingin naman si Leah sa anak niya na si Carlo.
“Oo eh. May pupuntahan pa’ko kaya sumabay kana muna sa Tita at Tito mo. Baka malate kapa sa school mo.”
Malungkot naman na tumango si Carlo. Lumuhod naman si Leah at yinakap ang anak niya.
“Don’t worry. Bukas ihahatid kita tapos, mamamasyal tayo.”
Bumitaw naman sa yakap niya si Carlo. “Talaga po?”
“Oo.” Nakangiting saad ni Leah.
Tuwang-tuwa naman na tumatalon si Carlo.
“Oh siya, lakad na. Pumasok kana sa loob.”
Pumasok naman na sa loob ng sasakyan si Carlo ng pagbuksan nito ni Jonathan.
Tumingin naman siya kay Adrianne.
“Rian, ikaw na muna bahala sa anak ko.”
“Oo naman. Mauna na kami. Mukhang umuusok na ang tenga at ilong ng chief ko sa galit.”
Napatawa naman si Leah. Pumasok na rin sa loob ng sasakyan si Adrianne maging si Jonathan at pinaandar ang sasakyan.
“Babye, Mama!”
“Ingat kayo!”
Kaway ni Leah pabalik hanggang sa hindi niya na makita ang sasakyan.
Nakilala ni Leah si Adrianne ng mawalan siya ng malay sa gitna ng kalsada ng tatlong buwan na ipinag-bubuntis niya sa Carlo.
Naghahanap kasi siya nun ng trabaho dahil mahigit isang buwan na siyang hindi nakakabayad sa apartment na tinitirhan niya. Dahil siguro sa stress at sa pagbubuntis ay nawalan siya ng malay.
Idinala naman agad siya sa ospital nun at napag-alaman na tinulungan siya ng isang pulis.
Nagpasalamat siya dito at napag-alaman na kaklase niya ito nung highschool. Hindi niya alam kung sinuswerte siya sa mga araw na iyon pero nagpapasalamat talaga siya.
Kinuwento niya rin dito ang dahilan ng pagkawala ng malay niya.
“Tumira ka na lang sa bahay ko. Atsaka nasabi na rin ng doktor sa’kin na masama para sa baby ang stress.”
Hindi tuloy alam ni Leah ang irereact niya kaya napa-iyak na lamang siya.
“Ano kaba. H’wag ka ng umiyak. Masama yan para sa baby.”
“Thank you, Rian. Thank you.”
Dahil doon ay malaki ang utang na loob ni Leah kay Adrianne. Tinulungan siya nito sa lahat ng gastos niya kay Carlo. Mula sa mga vitamins, medical fees ng ipinanganak niya si Carlo hanggang sa pagbabantay ng bata ay tinutulungan siya nito.
At siya rin ang una niyang naging kaibigan kaya nagpapasalamat talaga siya.
Lumabas na si Leah ng bahay at nagpara ng jeep. Nang makasakay ay nagbayad naman siya at sinabi ang pupuntahan niya.
Ngayon kasi ang first day ng pasok niya sa isang magazine company at isa siyang sekretarya ng may-ari doon.
Buti naman at tinanggap siya kahit na nasa trenta na siya ay tinanggap siya. Nung araw kasi ng interview ay puro mga dalaga ang mga kasama niya ng mag-interview ng araw na iyon.
Pero sa kasamaang palad ay lahat na mga ito ay hindi natanggap at laking gulat niya na siya ang natanggap.
“You’re hired, Ma’am. Magsisimula ka na po next week.”
“P-Pero. Hindi pa po ako nakikita ng bo---” naputol ang sinasabi ni Leah ng magsalita ulit ang babae.
“Nabasa na po ng boss ko ang resumè na ibinigay niyo at qualified ka raw po.”
Napatango na lamang si Leah sa sinabi nung babae. Kahit na may pagtataka ay umalis na lamang soya doon na masaya sa wakas ay tanggap na siya.
“Kung sino ka man na boss ko. Thank you!”
Nagpara na si Leah ng makita ang building ng pagta-trabahuan niya.
Pagpasok pa lang sa loob ay dumeretso siya sa receptionist.
“Uhmm…Ako po si Leah Alcaraz. Bagong secretary po. Saan po ba dito ang office ng CEO?” Tanong ko.
“Oh, so you’re Ms. Alcaraz. Nasa tenth-floor po siya, Ma’am.”
Nginitian naman ni Leah ang receptionist at saka pumasok sa elevator. Pinidot niya ang ten at saka isinarado ang elevator.
Oo. Alacaraz pa rin ang ginagamit niyang apelyido dahil ito ang ipinagamit sa kanya ng Daddy niya kahit na alam na nito ang mangyayari.
Nalaman niya rin kasi na ito rin ang huling hiling ng tunay na ina niya, kaya kahit na ayaw niya ay tinanggap na niya lang.
Nangako naman na ang Daddy niya na hindi na siya guguluhin nito basta ay dalhin niya lamang ang apelyido nito ay ayos na sakanya iyon.
Sa loob pa lang ng elevator ay ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya.
“Sana naman mabait ang boss ko.”
Nang makarating sa tenth floor ay lumabas siya at nakasalubong niya ang isang lalaki.
“You’re Ms. Alcaraz?”
Napatango naman si Leah agad dito.
“Good. Halika ipapakilala kita sa bagong boss mo.”
Pumasok naman sila sa isang pinto na may nakapaskil na CEO.
Inilibot ni Leah ang tingin niya at namangha siya sa ganda ng loob nito. Black painted wall na may medyong may pag-ka antique ang mga furniture nito.
“Sir. Nandito na po ang bago niyong sekretarya.”
Pagpapakilala sa kanya ng lalaki kaya naman ay lumapit siya. Nakita niyang nakatalikod ang upuan ng boss niya at tanging buhok at mga braso lang ang kita niya dito.
“Good morning, Sir. I’m Leah Alcaraz.”
Nang matapos siyang magpakilala ay sakto naman na umikot ang inuupuan ng boss niya.
Nanlaki ang mata niya ng makilala kung sino iyon.
"T-Troy..."