Chapter 11: KABANATA 11 (1416 words)

Umaga na naman at pasukan na ulit. Wala pa ring nagbago, maayos pa rin ang trabaho niya at binibigyang distansiya ni Leah ang sarili niya kay Troy.

Gusto man niyang lumipat ng ibang trabaho ay wala siyang magagawa dahil maganda ang sweldo niya at mahirap na rin maghanap ng trabaho ngayon kaya naman ay nilalayo niya ang sarili niya sa binata.

Napapasama siya sa meeting ng binata pero hanggang doon lang iyon. Trabaho lang. Wala namang kakaibang kilos ang binata sa kanya na ipinagpapasalamat niya.

Nagunat-unat si Leah ng makaramdam ng sakit sa likod at saka sumandal sa upuan niya.

Napaikot naman siya ng kanang kamay ng mangalay iyon. Mahigit dalawang oras na siyang nagsusulat at nagtitipa sa kompyuter pero parang hindi pa rin nababawasan ang mga gawain niya.

Ang desk niya ngayon ay tambak ng mga folder at papel at sumasakit na rin ulo niya.

“Oo, sekretarya niya ako, pero ba’t kasi ako ang gumagawa na dapat iba ang gumagawa. Hayst.” Hindi mapigilan na angil ni Leah.

Wala siyang pakielam kung may makaranig sa sinabi niya. Hindi niya lang kasi mapigilan ang inis niya dito.

Imbis kasi na patapos na siya kanina ay may idinagdag na naman ito sa kanya. Ibinigay kasi ni Troy sa kanya ang isang folder na naglalaman ng sales nila at pinagagawan siya nito ng report.

Gusto niyang magreklamo dahil hindi naman niya gawain iyon. Gawain iyon ng sales ng manager.

Napabuntong hininga na lang si Leah at saka napatingin sa mga folder.

“Sana matapos ko ito agad.”

Napaayos naman siya ng upo ng tumunog ang intel na nasa gilid niya. Tumikhim muna siya bago ito sagutin.

“Yes, sir?”

“Order some food at the nearest restaurant. Two orders. It’s up to you what’s the food is.”

Magtatanong pa sana si Leah ng biglang nawala ang koneksyon niya sa intel.

Naiinis naman na napasandal si Leah sa kanyang upuan.

Napatingin naman siya sa orasan na gilid ng desk niya. Mag-aalas dose na pala ng tanghali kaya naman nakaramdam agad siya ng gutom.

Wala ng nagawa si Leah kundi sundin ang inuutos sa kanya ni Troy. Hindi niya rin mapigilan na magtaka dahil dalawa ang pina-oorder nito.

“Kanino kaya ang isa? May dadating siguro na bisita.”

Nagkibit-balikat na lang si Leah saka pumasok ng elevator.

•*•*•*•*•*

“Here’s your order, Ma’am. Thank you for waiting.” Ngiti ng isang crew kay Leah saka ibinigay ang pina-take out niyang order.

Buti na lang ay may malapit na restaurant sa pinag-tatrabahuan niya kaya hindi na siya mahihirapan maghanap pa at filipino dish restaurant iyon.

“Okay na siguro ito. Wala naman siyang sinabi kung ano gusto niya eh.”

Pumasok na agad siya sa elevator at pinindot ang tenth-floor. Ilang saglit lang ay naroon si Leah.

Agad naman siyang dumeretso sa pinti at kumatok.

“Come in.” Rinig ni Leah sa loob kaya naman ay pumasok siya.

“Here’s your food, Sir.” Saad ni Leah sabay lapag ng mga paper bag sa centre table sa loob.

Napasilip naman si Leah kay Troy at nakitang busy rin ito. Medyo nakaramdam naman siya ng hiya ng makita iyon at ng maalala niya ang sinabi niya kanina tungkol dito.

Nang mailagay na ang nga tinake-out niyang pagkain ay tumalikod na siya. Wala na kasi siyang narinig na sinabi nito kaya naman ay dumeretso na sa may pinto.

Pipihitin niya na sana ito pabukas ng tawagin siya ni Troy.

“Leah, eat with me.”

Napatingin naman agad si Leah sa binata. “P-Po…?”

Nakita niyang tinigil ng binata ang ginagawa niya at tumayo sabay upo sa sofa at tinanggal isa-isa ang mga tinake-out niyang pagkain.

“Come and sit. Eat with me.”

“H-H-wag na po. Sa can--- Gggrr!” Napahawak naman at napatutop na lamang siya sa bibig ng biglang tumunog ang tiyan.

“Ano ba! Hindi ka na ba makapag-antay? Nakakahiya tuloy.”

Nahihiya namang tumingin si Leah sa binata habang busy ito sa pag-aayos ng mga pagkain.

“Umupo kana. Lalamig ang mga pagkain.”

Wala na rin namang nagawa si Leah kundi sundin ito. Umupo ito sa katapat na sofa ng binata. Napapalunok naman siya ng maamoy niya ang mga ulam.

Hindi niya tuloy mapigilan ang matakam dahil puro mga paborito niyang ulam ang pinili niya. Wala naman kasing sinabi ang binata sa kanya kung ano ang gusto nito at sinabihan lang siya na ako na bahala ang pumili.

Kaya naman ng pagpunta niya kanina sa restaurant ay hindi niya mapigilang matakam.

Umuusok-usok pa ang mga ulam na halatang bagong luto. Hindi niya tuloy maiwasan na mapaisip ng maalala niyang dalawa ang pinapa-order nito sa kanya.

Tumingin naman siya sa binata na ngayon ay itinataas ang manggas nito hanggang siko. Hindi rin naman mapigilan ni Leah na mapatingin sa mga braso ng binata na hapit na hapit at namumutok ang mga muscle nito sa damit.

Nang dahil doon ay napatingin sa kanya si Troy kaya naman ay tumikhim siya para ibaling sa iba ang atensiyon niya.

“Umayos ka, Leah.”

“A-Ano…Sir, diba may dadating kayo na bisita?”

Tumingin naman sa kanya si Troy at ibinalik ang tingin nito sa maliit na lamesa. “Wala akong bisita.”

“Pero, kanino ang isang pinaor---”

“Stop asking and just eat. Lalamig ang pagkain.”

Napatikom na lamang ng bibig si Leah sa sinabi nito. Inabutan naman siya ni Troy ng plato at kinuha iyon.

Nagsimula ng kumain si Troy habang si Leah naman ay nahihiya naman na kumuha ng pagkain.

Ilang saglit lang ay napatingin si Troy sa dalaga. Gusto niyang matawa sa nakikita niya dahil puno ng pagkain ang bibig nito.

Hindi na lang namalayan ni Troy na kanina pa siya nakatitig dito kaya naman ay napatingin sa kanya si Leah.

“B-Bakit?”

Umiling na lamang ang binata saka tumawa at ipinagpatuloy ang pagkain.

Napatingin naman ang dalaga sa plato niya at nakaramdam ng hiya kaya ibinaling na lang niya ang tingin sa iba.

“Napadami ba ang kain ko?”

•*•*•*•*•*

Nagunat-unat si Leah ng matapos niya ang ginagawa niya. Mag-aalas diyes na ng gabi ng matapos siya.

“Bukas ko na lang ito ibibigay.” Saad niya at nagligpit na.

Nang mailigpit na ang mga gamit ay bumaba na siya gamit ang elevator. Ng makababa siya ay wala ng tao. Tanging tatlong janitor at guards na lang ang nasa baba.

Napahilot naman siya sa batok niya habang papalabas ng kompanya.

Habang naghihintay ng masasakyan ay biglang may nagtext sa selpon niya kaya naman ay tiningnan niya iyon.

: Unknown number

I’m back!”

Napakunot naman ang noo ni Leah ng mabasa ang text na iyon.

“Sino naman ito?” Kahit nagtataka na kung sino iyon ay binura na lamang niya ang text na iyon at hindi na replyan.

“Baka na wrong send.” Nagkibit-balikat na lamang si Leah at itinuon ang pansin sa paghihintay ng sasakyan ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap niya.

Nagtataka naman na napatingin siya sa sasakyan ng biglang may lumabas doon at nakilala niyang si Troy iyon.

Lumapit ito sa kanya saka kinuha ang braso niya. Inialis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya at natatakang tinanong ito.

“Wait, Sir. Ano ba---”

“Ihahatid na kita, dahil wala ng dumadaan na sasakyan sa ganitong oras.”

Nagulat naman siya sa sinabi nito.

“H’wag na po. Lalak---”

“No but’s.”

Hindi na nakapagsalita si Leah ng hilain ulit ang kamay niya ng binata at iginaya papasok sa loob ng sasakyan nito. Nang makapasok siya sa loob ay umikot ang binata papuntang drivers seat.

Nang makapasok ay pinaandar niya na ang sasakyan. “Where do you live.”

Napatingin naman siya dito at nakitang seryoso ito kaya naman ay sinabi niya na ang address niya dito.

Habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay niya ay tahimik lang ang loob ng sasakyan. Dahil doon ay hindi mapakali si Leah.

Hanggang sa huminto na ang sasakyan ng binata sa harap ng bahay niya.

“Salamat sa paghatid.” Saad niya.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng hawakan ni Troy ang braso niya para pigilan siyang umalis.

Tumingin naman siya dito. “Bakit.”

Tahimik lang itong nakatitig. Naghintay pa siya ng kaunti na baka mayroon pa itong sasabihin nhunit wala na kaya naman ay binuksan niya ng tuluyan ang pinto ng sasakyan at bumaba.

Muli ay nagpasalamat siya sa binata at tuluyan ng pumasok sa bahay nila.

Nang makapasok ay napasandal na lamang si Leah sa pinto at napahawak sa dibdib niya at ramdam niya dito ang bilis ng tibok ng puso niya.

“No, no stop! Hindi ka na dapat ganan mag-react ng ganito sa kanya. Alalahanin mo ang ginawa niya sayo dati. Hindi ka na dapat mahulog sakanya.”