Chapter 6 Sudden Change

KIRA POV

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang kinainan ko at hinugasan. Dumiretso na ako sa itaas at papasok na sana sa kwarto ko nang marinig ko ang boses ni devon na parang may kausap.

Napahinto ako at napalapit ng konti sa pintuan ng kwarto nya na katabi lang ng kwarto ko.

"Yeah yeah…" Rinig ko na sabi ni devon

Nakasiwang ng konti yung pinto ng kwarto nya kaya sumilip ako at nakita ko syang nakatalikod at may kausap nga sa phone.

"Yeah nandito na sya sa bahay." Sabi nito

"Sure ka na bang buntis ang babaeng yun? At saan mo nalaman ang impormasyon na iyan baka niloloko mo lang ako. Tsk! ayokong pakisamahan ang babaeng yun kaya siguraduhin mo." Napalapit pa ako sa narinig ko.

Napatutop ako sa bibig ko

"Ok ok yeah aalagan ko muna sya sa ngayon pero pagkatapos nyang manganak kukunin ko ang mga anak ko at makikipaghiwalay na ako. Nakakabwisit lang sa araw ko kung makita ko iyon, naalala ko lang si kara sa kanya." Bakas sa boses nito ang pagkainis.

"Tsk! Do you think I will love her si Kara lang ang mahal ko at uuwi na sya next month." Napatakip ako ng bibig upang mapigilan na mapahikbi.

"Yeah of course napagusapan na namin to na bubuntisin ko si kira para may magiging anak kami." Parang punyal na paulit ulit na sinaksak sa puso ko sa bawat salita na lumalabas sa bibig nito.

"Alam mo namang hindi magkakaanak si Kara diba?” Napakunot noo ako. Hindi magkakaanak si Kara? Ito ba nag reason kung bakit ako ipinakasal nila kay Devon at hindi si Kara?

"Ok ok yeah bye." Nanlaki ang mga mata ko ng makitang binaba na nito ang cellphone mukhang tapos na silang mag usap.

Nagmamadali akong umalis at dumiretso sa kwarto ko at nilock iyon. Napahagulgol ako sa lahat ng narinig ko

So ginagawa nya lang to dahil sa alam nyang Buntis ako? Wag kang tanga Kira hinding hindi ka nya mamahalin.

Ano bang meron kay Kara na wala ako Magkamukha naman kami magkasing ganda. Mas mabait ako at mas matalino.

Pero bakit ganun? Akala ko ito na yung oras na magbabago si devon at mamahalin ako.

Pero planado rin pala ang lahat tulad ng pag-plano ng mga magulang ko noon sakin na ipakasal kay devon para masira ang buhay ko.

Napaka unfair naman nila. Si Kara lang ba ang kaya nilang mahalin mula sa mga magulang ko si Kara lang yung nakikita nila yung minahal nila. Diba pwedeng kaming dalawa?

Pwede naman yun diba?

"So uuwi na pala ang prinsesa nila." Sambit ko

Kasama ba niya sina mommy?

Kung uuwi na sila? Dapat ba ako maging masaya dahil uuwi na ang mga magulang ko at si Kara.

Bata pa lang kami sya na ang palaging pinagtutuunan ng pansin ng mga magulang namin.

Pero kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit o inggit man sa kanya dahil kapatid ko sya.

Pagkatapos nila akong ipakasal sa taong demonyo ay iniwan nila ako dito at nagpakasaya sila sa America kahit man lang pangangamusta hindi nila magawa.

At ngayon uuwi na sila

Ano na lang ang gagawin ko?

Noon okay lang sa akin na si Kara palagi ang maganda, matalino, mabait at the best sa lahat. Ako itsapwera sa tabi at malas, mali sa lahat ng bagay.

Noon okay lang pero ngayon hindi na.

"Kira honey." Napakislot ako ng kumatok si devon.

"Hon?" Napangiti ako ng mapait.

"Really honey huh." Bulong ko

"S-sandali" Sagot ko rito at umayos.

Inayos ko ang sarili ko at tinuyo ang mga luha na lumandas sa pisngi ko.

Nagpulbo ako para hindi nga mahalata na umiyak ako siguradong magtatanong yun at baka suspetsahan pa ako na narinig ko sya kanina.

Binuksan ko yung pinto at ang nakangiti nyang mukha bumungad sa akin.

Masarap sana sa pakiramdam na nginingitian ka ng taong mahal mo

Pero hindi abot hanggang mata ang ngiti nito, halatang peke.

"H-hi." Naisabi ko na lang

"Well did you already finished your breakfast?" He ask

Tumango lang ako sa kanya

"Hmm since we're starting over. Let's start with a date if its okay with you well I mean if your tired it's okay le-" I cut him off

"Sure." Mabilis kong sagot.

Aishh... Ang gaga mo talaga Kira

Kanina lang nag e-emote ka pero inaya ka lang ng date bumigay ka agad!

Parang gusto kong saktan ang sarili ko, pero kasi........

First date namin ito promise ngayon lang talaga.

"Great! I'll just wait down there. Get dress take your time." Nakangiti nitong sabi.

And the unexpected happened

He...... he kiss me in my forehead.

Napakagat labi ako at napaiwas ng tingin dahil alam kong namumula na ako.

"I'll go." Sabi nito.

Napatango ako na parang bangag agad kong sinarado at nasapo ang mukha.

Habang lulan ng sasakyan hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko

Pero hindi ako excited hehehe konti lang. Kyaaah malapit na kami...!

"We're here." Nakangiting napatingin ako sa kanya at tumango lumabas na ako ng sasakyan dahil sa excite.

Napakunot noo ako ng may grupong lumapit sa amin.

"Hey bro buti nandito na kayo." Parang bula na nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ang dalawang lalaki at tatlong babae at isa na doon si Trixie

"D-devon." Tawag pansin ko dito.

"Yow wazz up! where's Ashton?"nakipagman to man hug ito sa mga lalaki. I thought it's a date just me and him, but what is this?

"Hey Von, well Ashton is on a date too. Alam mo namang kj ang isang yun ayaw makipagdouble date. Hmm... who's this beautiful lady beside you." Tanong ng lalaking may tatlong earrings sa kaliwang tenga.

"Oh! This is Kira guys, Kira this Jake and Xyruz my friends and this is Kyla, Michelle and Trixie." Tumango lang ako at ngumiti.

Pero sa likod ng ngiti na iyon ay lungkot at disappointment. Kira?

Just Kira?

Wala bang "Hey guys this is Kira my wife"

"Babe I thought she is your ma-"Trixie said but Devon interrupt.

"Oh shut up Trixie." Matalim ang boses na sabi nito.

"B*tch." She whisper and rolled her eyes to me. Naningkit ang mga mata ko at parang gusto kong sabunutan ang babaeng to. Kapag bumalik na si Kara itchapwera ka rin kagaya ko.

"Hon let's go." Ngumiti ako at tumango.

Damn Kira baka nakakalimutan mong umaakting lang yan. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod na sa kanila papasok ng mall.

NAKASIMANGOT lang ako buong oras ng paggala namin dito sa mall at ngingiti lang pag tumingin na sa akin si Devon.

Paano ba naman buong oras sunod ng sunod lang ako sa kanila hindi naman ako pinapansin ni Devon kasi nakatuon lang atensyon nito sa nga kaibigan nito.

Yung mga babae panay ngisi sa akin na parang nanunuya kaya Iniirapan ko na lang ito.

"Gosh babe I am so hungry na it's almost lunch lets eat na." Maarteng sabi ni Trixie.

Ang landi talaga kita naman nya na andito ako panay babe ng babe kay Devon b*tch!

"Oh yeah lunch na pala saan nyu gustong kumain?" Tanong ni Devon.

"Mc Donald!" Masigla kong sabi.

"What are you a kid? No lets eat in max's." Pangongontra sa akin ni Trixie.

Tsk! Bakit mga bata lang ba ang kumakain sa Mc Donald’s? Kainis!

"Okay max's here we go." Sabi ni Devon.

Laglag ang nga balikat ko na napatingin kay Devon, nag iinit ang mukha ko sa hiya dahil sa desisyon ni Devon lalo na't pinagtaasan ako ng mga kilay ng mga kaibigan ni Trixie at nakangisi pa ang mga ito.

"Ows what a pathetic b*tch" Bulong ni Trixie ng dumaan ito sa harapan ko.

Napayuko na lang ako at hindi na umimik pa.

"Oh ano pang hinihintay nyu tara na!" Sigaw ni Jake

"Ah teka." Sabi ko kaya napatingin silang lahat saakin.

"What is it Kira?" Devon ask.

"Nagtext kasi sa akin si Louise kanina na makikipagkita sya sa akin pag lunch na." I lied

Uuwi na lang ako kesa sa sumama sa kanila parang bodyguard lang naman nila ako mula kanina, pinagdadala pa ng mga pinagbibili nina trixie at ng mga kaibigan nya at hindi man lang napapansin ni Devon iyon.

"Sure! No need to bid goodbye your just an extra here lang naman." Malditang sabi ni Kyla

"Kyla stop it." Devon command

Lumapit sa direksyon ko si Devon

"Hon sumama ka munang kumain then you can go atleast I know that you already eat your lunch, you need to take care yourself hon." Mahina pero malambing ang boses nito na nagsalita.

Napaiwas ako ng hawakan nito ang buhok ko sa gilid ng tenga at inayos iyon.

"Wag na Von magla-lunch naman ako kasama si Louise." Sabi ko dito at lihim na napairap.

"Ano ba Von just let her go, Im so hungry na kaya lets go!" Trixie whine

"I'll just accompany you then until at the outside." Sabi nito kaya napailing ako.

"Kaya ko na Von sige alis na ako." Sabi ko at umalis kaagad.

Biglang tumulo yung nga luha ko alam ko namang akting lang ni devon yun pero gusto kong isipin na totoo yun.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago pumunta sa gusto kong puntahan kanina pa.

Baby's Department

Ang sabi ng mga doctor kanina lalaki daw ang baby napangiti ako

Pupunta na sana ako sa mga baby boys clothes ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Done dating with that asshole." Malamig nitong sabi.

"S-sky?" I lift up my head and turn around.

"Sky! Anong ginagawa mo dito?"nakangiti kong tanong. My mood suddenly lift up, parang nawala ang lahat ng pagod ko mula kanina.

Pero ang ngiti ko naging ngiwi ng makitang madilim ang expression ng mukha nito.

Bigla ako nitong hinila sa kung saan. Napatigil ito sa display ng mga tela kung saan walang tao

"Sky ano—" Nanlaki ang nga mata ko ng bigla ako nitong halikan.

"Damn Imiss you." Sabi nito at hinapit ako.

"Sky... uhmm b-baka may— Sky…" Napakapit ako sa batok niya.

He deepen the kiss kaya parang natuliro na ako at sinasabayan ang mapusok nitong halik.

Bumaba ang halik nito sa leeg ko. Napapaliyad ako sa tuwing sinisipsip nito at dinidilaan ang leeg ko.

"Sky..."napapahigpit ang kapit ko dito dahil sa sarap na pinapalasap nito

"Uhmm ohh....” Bumalik ang nga halik nito sa labi ko.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng yabag kaya tinulak ko si sky pero hindi man lang ito natinag.

"Sky! Gosh may paparating." Pigil ko dito

Huminto naman ito at napatitig sa akin. Nakaramdam ako ng ilang kaya napaiwas ako ng tingin.

"T-tara na." Aya ko dito at naglakad ng nakayuko.

Ramdam ko na parang may tumitingin sa akin hindi lang isa parang marami kaya napaangat ako tingi

Lahat ng nadadaanan ko napapatingin sa akin. Napakunot noo ako may dumi ba ako sa mukha?

Dali dali kong kinuha ang salamin ko sa bag at tiningnan ang mukha pababa sa leeg ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang maraming kissmarks sa leeg ko

"SKYLAR!" Sigaw ko

Ngumisi lang ang loko at lumapit sa akin

Niyakap ako nito at pinanggigilan ng halik sa pisngi.

Napangiti ako

Bakit ganun? Konting oras lang na kasama ko si Sky nakakalimutan ko ang lahat at napapangiti nya ako.

"It's Saturday so I guess your not busy, wanna go somewhere?” Tinaasan ko ito ng kilay.

"At saan naman kaya ang somewhere na yan?” Tanong ko

Pag kasama ko kasi ito puro kahalayan lang ang nagagawa namin.

My god! Nakakalimutan kong may asawa ako pag kasama ko ito eh.

"Let's just continue what we're you doing earlier. How's that?"

"Buying baby's clothes? "Napangiti ako sa isiping iyon.

Gosh I never thought in my life na mabubuntis ako.

Ang nasa utak ko lang noon ay kung paano ko pakikisamahan si devon at naghihintay lamang kung kailan nya ako mamahalin.

"Damn! Can you stop thinking about him." Gulat na napatingin ako kay Sky

"H-how did you know t-that I am thinking-"

"Stop it." Iritado nitong sabi

Nagtatakang tumingin ako dito

"Can you just think about us? Can you? "He said in pleasing voice.

Bubuka na sana ang bibig ko ng maunahan ako nito.

"We're here let's come in." Di ako umimik at sumama na lamang ako sa kanya.