Chapter 22 Open the door Karyna

KIRA POV

Naka-ilang buntong hininga na ata ako sa kakaisip kay mommy hanggang ngayon hindi pa rin sya tumatawag at hindi ko rin sya matawagan gusto kong mag-alala pero hindi naman ako kinakabahan para kay mommy, ewan ko basta nafefeel kona safe si mommy.

"Bessy hanggang saan na lumipad ang isip mo?" Tanong ni Louise na umupo sa tabi ko.

Nakasimangot na tumingin ako dito at binatukan ito

"Anong lumilipad?" Tanong ko, mga kalokohan talaga nito.

"Ehh... kanina kapa kasi nakatingin sa kawalan ng nakakunot ang noo at panay pa buntong hininga mo, problema mo?" Tanong nya

"Bakit tutulungan mo ko?" Tanong ko

"Sus! Tinatanong pa ba yan bessy? Oo naman no! Ano pa at naging bessy moko diba?" Napangiti ako sa sinabi nya

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis bago nagsalita.

"Pwede mo bang puntahan si mommy sa bahay ni dad—i mean ni tito Dave sabihin mo sa kanya bisitahin naman nya ko dito. Gusto ko lang malaman kung okay lang ba sya at gusto ko kasi syang makausap tungkol sa biological father ko at saka pag umuwi kana dumaan kana rin sa market bilhan moko ng pakwan na walang buto at manggang hilaw na matamis saka bilhan mo na rin ako lugaw sa labas na kulay itim." Nakangiti kong sabi at umalis na inaantok na naman kasi ako.

Iniwan ko syang nakatulala  dun.

"Babe" Sambit ni sky na kakalabas lang sa C. R. Hindi ko ito pinansin at dumiretso na ako sa kama

"Tired?" He whisper and kiss my forehead

"Hmm.."

Naramdaman kong umalis ito mukhang magbibihis ito. "Sky bakit di ko macontact si mom?" Mahina kong tanong nang nakapikit pa rin.

"Try later I’ll assure you she'll pick up your call" Napamulat ako sa sinabi ni Sky at napaupo. Lumapit ito sa akin at inayos ang buhok ko.

"Paano mo naman nasabi yan?" Naguguluhan kong tanong

Nginitian lang ako nito at niyakap bago halikan sa noo.

"I love you babe your becoming more beautiful as the days passed" Sabi nito habang hinahagod ang buhok ko.

"Ang weird nga eh" Bulong ko at humiga ulit

I heard him chuckled and hug me

"Rest baby." He whisper

LOUISE POV

Nakangangang sinundan ko ng tingin si bessy na paalis na

"Seryoso ba sya doon." Tanong ko sa sarili

"Waaah....! ano na gagawin ko mukhang seryoso nga sya." Hiyaw ko

"YARA! HUHUHU TULUNGAN MOKO!" Sigaw ko

Nakita kong lumabas si Yara sa kwarto kung saan nagpapahinga si Sionna

Lumapit naman sya sakin na parang naweweirduhan.

"Ohh! anyare sayo?" Tanong nya

Sinabi ko sa kanya lahat ng sinabi ni Kira sa akin

"Teka ililista ko" Sabi nito at umalis sandali

Maya maya'y bumalik ito

"Tara bili na tayo sa labas hindi naman nya sinabi na buong pakwan diba so pwede pa nating i-slice yun at tanggalan ng buto at saka meron namang pakwan na walang buto kaya lang mahihirapan tayo sa paghahanap. Tapos yung mangga meron naman sigurong hilaw na matamis diba?" Sabi nya sakin na parang di rin sigurado.

"Malay ko." Sagot ko at napasimangot

"Eh... ano! Ahm yung lugaw pwede nating gawing champorado hehe" Kinakabahan nyang sabi lagot kasi kami pag hindi nagustuhan ni Kira

"Hindi nya rin siguro mahahalata yun iba pa naman magsungit yun parang si kuya." Hininaan lang nito ang huling sinabi kaya napatawa ako

"Pwede na rin." Sagot ko

"Ehh.... pano na yung sa mommy nya?" Tanong ko

"Madali na lang yan okay naman si tita diba yun nga lang marami pa syang pasa sa katawan pero pwede namang silang mag usap sa phone diba?" Sabi nya

"Oo kaya lang wala ng cellphone si tita remember kinulong sya ni tito Dave sa loob ng kwarto at kinuha lahat ng gamit nya remember?" Paliwanag ko

"Naman Louise maliit na problema edi bilhan natin sya ng cellphone at saka hello may telephone po sa hotel." Sabi nito

"G*ga kaba pag ginamit ni tita yung telepono sa hotel malamang sa malamang malalaman ni Kira kung saan si tita." Sabi ko

Umismid lang ito. "Dami mo pang satsat lumarga na kaya tayo." Sabi nya at hinatak na ako palabas without asking ng permission ni Sky kung pwede ba kaming lumabas

Karyna POV (Kira mother)

Naglilinis ako ng kwarto ko ng makarinig ako ng doorbell mula sa labas

Kinabahan ako at hindi makagalaw nalaman ba ni Dave kung saan ako nagtatago

Napapitlag ako ng marinig ulit ang doorbell

Kinakabahang lumabas ako at dahan dahang binuksan ang pintuan

"Hehe hi tita" Salubong ni Louise nakahinga ako ng maluwag ng kaibigan lang pala ni Kira

"Oh! ikaw lang  palang bata ka sino kasama mo? Kasama mo ba si Kira?" Sabik kong tanong at napatingin sa likuran nya.

"Ay hindi po si Yara po kapatid po ni sky yung boylet ng anak nyu" Sagot nito

"Hi po." Magalang nitong bati kaya nginitian ko ito sa kutis pa lang ng balat nya alam ko na kung ano sya

"Sige pasok kayo iha." Sabi ko at niluwagan ang bukas ng pinto

"Kamusta na kayo tita?" Tanong ni Louise

"Okay na ako dito nakakagalaw na ako at nakakagawa ng mabigat ng gawain. Si kira ba kailan sya pupunta dito?" Tanong ko

"Ah a-ano kasi tita hindi po kayo pwedeng makita ni Kira na ganyan baka po masaktan at malungkot lang po sya pag nalaman nya ang nangyare sayo." Sabi nito kaya nalungkot ako at napayuko

Ilang taon ko rin tiniis ang anak ko para sa kaligtasan nito at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya pwedeng makasama.

"Ahm... tita mamaya  po pala ng hapon dadating si doctor kiel para gamutin yang pasa nyu" Sabi ni Yara at ngumiti

"Mamaya na pala yun" Naisabi ko na lang

"Ah hehe… nga po pala tita cellphone nyu po kompleto na po lahat ng nandyan gusto daw kayong makausap ni Kira" Sabi ni Louise

"Ay nagabala pa kayo salamat dito kamusta na ang anak ko?" Tanong ko

"Okay lang po sya tita, ahm pwede pong magrequest pwede nyu po bang lutuan si Kira ng champorado?" Napangiti ako at napatango

"Oo naman mukhang naglilihi na ang anak ko" Nakangiti kong sabi

"Sige po may bibilhin lang  po kami sa labas babalikan na lang po namin yung champorado pag luto na." Sabi nito kaya napatango ako

"Sige mag ingat kayo" Inihatid ko sila hanggang sa labas.

Louise Pov

"Gosh Louise ang ganda nya parang nanliit yung beauty ko kanina." Pag-aarte nito

"Sinabi mo pa! Hindi naman pag-aagawan si tita kung mukhang muchacha sya diba?" sabi ko

Kaya nga naobsess yung dave na yun kay tita' Naisaisip ko

"Ehh.... kahit na matanda na sya parang dalaga pa ring tignan parang nakakatandang kapatid lang sya ni Kira." Nakangiti kong sabi

"Oh! inggit ka naman." Sabi nito

"Sino bang hindi ikaw ba!?" balik tanong ko dito

"Well...."

"Oh kitams! Hay naku tara na nga bibili pa tayo ng pakwan at mangga" sabi ko

                FASTFORWARD

Karyna POV (mother of Kira)

"Naku mukhang masarap salamat po tita." Nakangiting sabi ni Louise

"Mag ingat kayong dalawa sa pag uwi at saka Iha gusto kong magpasalamat sa kuya mo hindi ko man nakita ang mukha ng nagligtas sa akin alam kong isa sa kanila ang kuya mo" Nakangiting sabi ko sa kasama ni Louise.

Hapon na ng balikan ng dalawa ang champoradong pinaluto nila ewan ko kung ano ba ang pinamili nila at mukhang pagod na pagod. Mukhang nilibot nila ang buong market.

“Makakarating po kay Kuya, salamat po sa champorado una na po kami.” Tumango ako at sinarado na ang pintuan at dumiretso ng kwarto.

Ding dong!

Napalingon ako ng marinig na may nagdoorbell. Mukhang eto na yung doctor na sinabi ni Louise.