Chapter 14 Thunder and Louise

LOUISE POV

"Bessy uuwi na ako mauna na ako sa inyo." Paalam ko kay Kira

"Okay ingat ka." Nakangiting sabi nito.

Yiee ang ganda talaga ng bessy ko

Ewan ko kung bakit may nakikita talaga akong hindi pagkakapareho ni Kara at Kira. Oo nga at kamukhang kamukha nila si Tita Karyna as in parang photo copy sila ng Mommy nila pero may pagkakaiba talaga sa kanilang magkambal lalo na sa mga mata nila.

Iba yung ganda ni Kira hindi nakaka-sawa kaysa kay Kara na ang boring pagtitigan ng matagal.

Aish! basta maganda talaga ang bessy ko.

"Your pretty too." Biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Ay palakang tinubuan ng buhok!!" Gulat kong sabi at napalayo sa taong nasa likuran ko. Napatingin ako sa nakangising tao na nasa tabi ko na.

Parang nasira yung mood ko at napairap na lang sa ere. Hindi ko sya pinansin at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

At dahil sa  mas mahaba yung paa nya sakin kaya nasasabayan nya ko sa paglalakad.

Hindi ko na lang sya iniimikan at pinapansin. Nakayuko lang ako at dire-diretso sa paglalakad.

"Dont you miss me?" Bigla nyang tanong.

"Why would I? Nakakamiss ba ang mga taong katulad mo?" Tanong ko ng hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.

Gosh! Ang layo naman ata ng parking lot kanina pa kami naglalakad eh.

"Louise." Sambit nya sa pangalan ko ramdam ko ang seryosong boses nito kaya kinabahan ako. Ayoko siyang makausap!

Mas binilisan ko yung lakad ko. Argh! Halos tumakbo na ako sa bilis ng lakad ko. Naman eh!

Ang lapit lang naman ng parking lot sa school ah. Bakit ganun? Bakit parang ang tagal kong makaalis sa lugar na to.

"Can we talk?" Seryoso nitong tanong. Sinasabi ko na nga ba.

"Drix pwede bang sa ibang araw na lang kailangan ko kasing umuwi ng maaga bilin ni dad." Nakatungo kong sabi

"Your parents are in new york." Sabi nito kaya napakagat labi ko kainis paano nito nalaman.

"How did you know?" Nakataas kong kilay na tanong

"Connections." Simpleng sagot nito.

"Dr—" Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat agad ito

"40 minutes." Sabi nya

"Okay 10 minutes." Sabi ko dito

"30 minutes." Kontra nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Fine 20 minutes!" sabi ko dito

Napabuntong hininga ito at tumango.

Maya maya pa ay napaupo na lang ako sa pagod, bakit napakalayo ngayon ng parking lot? Napatingin ako sa paligid at ganun na lang manlaki ang mata ko ng nandito pa rin kami .

"A-anong?" Nagtatakang sambit ko.

Bakit parang hindi man lang kami umalis dito eh ang bilis na ng lakad ko kanin

Napatingin ako kay Drix kalmadong nakatayo lang sya sa tabi ko.

"Lets talk now." Sabi nito

Tumayo ako at naglakad napatingin ako sa paa ko naglalakad ito pero hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako sa kanya. "A-ano to Drix?" Nagtataka kong tanong

Nakatingin lang ito sa sakin

"Isa ka rin ba sa kanila?" Tanong ko

"Yes at yun ang gusto kong i-explain sayo" sabi nya

Napatawa ako ng pagak mukhang alam ko na kung bakit? Kung bakit nya ako iniwan.

"Kaya ba i-iniwan mo ako?" Tanong ko

Napayuko naman sya at hinawakan ang mga kamay ko.

Drix Thunder it’s been what? 2 years. My ex-fiance who left me without saying goodbye but what are you doing here infront of me asking for my time to talk to you.

Arrange marriage lang naman ang nangyari pero wala naman naging problema dahil nagkamabutihan naman kami at na-fall sa isa't isa.

Pero bigla na lang sila nawala na parang bula at wala na kaming connection sa isa't isa.

"Anong dahilan Drix dahil lang ba sa bampira ka kaya mo ako iniwan?" Tanong ko

Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Nang malaman nila mom and dad na your not my mate wala silang magawa kundi ang putulin ang relasyon natin kahit mas gusto ka nila para sa akin"

Para akong nanigas sa mga narinig ko kay Drix.

"Pumunta kaming states dahil nandun yung mate ko." Napaiwas ako ng tingin at pinahid ang isang butil ng luha na lumandas sa pisngi ko.

"Aalis na ako" Sabi ko. ‘ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo' Gusto kong idugtong iyon.

"Louise please hindi pa tapos ang oras ko" Pigil nito sa akin

"Wala akong pakialam! Bakit ka nga ba nandito ha!? Para ipamukha sa ak—" Hindi ako makagalaw at gulat na gulat sa nangyare.

D-did he f*cking kiss me!?

"Can you please listen to me first?" Pakiusap nito. Sasampalin ko na sana ito ng ikulong nito ang nga kamay ko.

“My mate she’s not on our side. Before we can feel our connection. My mom decided to cut our bond thanks to Aunt Azul.” Napakunot noo ako sa sinabi nito.

“What do you mean that she’s not on your side?”

“That would be a long story. I think we need to go somewhere.”

KIRA POV

"Sige na Sky okay na ako dito." Sabi ko sa kanya ng makababa ako ng sasakyan

Hinatid kasi nya ako sa bahay ni Devon. Buo na ang decision ko aalis na ako sa bahay na to. Magpapa-anull na ako next week.

"Okay just call me if you need me okay?" Paalala nito kaya tumango na lang ako.

Hinalikan muna nya ko bago umalis. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok

"Andito na ang prinsesa." Nagulat ako ng marinig ang boses ni Kara

Napatingin ako dito at sa mga tao na nasa bahay

"A-anong" Hindi ko makapaniwalang sambit.

"Mom? Dad?"

"Umupo ka." Utos ni daddy

Nanatiling nakatayo lang ako dahil sa gulat. Bakit sila nandito?

"Bingi ka ba? Sabi ni dad umupo ka!" Mataray na sabi ni Kara

Kaya napa-upo na lang ako. Napatingin ako kay mom as usual walang expression yung mukha nya pero nakikita kong malungkot ang mata nya

Ganun naman palagi ang nakikita ko sa kanya pero binabalewala ko na lang kasi pareho lang naman sila ni dad.

"Well andito na rin naman si Kira sasabihin ko na ang pakay namin dito." Sabi ni dad.

Ngayon ko lang napansin na andito na rin pala si Devon

"Napagusapan na namin to ng parents mo Devon na isasama mo si Kira sa Australia. Naisabi naman na siguro ng parents mo na ikaw na ang magmamanage ng company nila doon?" Sabi ni dad na nagpakaba sa akin

"Yes po dad." Sagot ni Devon kaya napatingin ako dito

"A-anong—" hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Naayos na namin ang pagtransfer nyu ng school 4:00 a. m ang flight nyu bukas." Sabi ulit ni dad

"NO!" Nabigla silang lahat sa pagtaas ko ng boses.

"Hindi ako sasama dad dito lang ako." Tutol ko sa plano nila

"No Kira naayos na ang lahat at dun na kayo titira kasama ng mga baby nyu." Sabi ni dad

What!? Alam na nila

"No dad bakit hindi na lang si Kara ang isama nyu kay Devon since sila naman ang nagmamahalan." Bigla kong sabi

"Wag kang magmatigas Kira bakit si Kara ang isasama ni Devon eh ikaw ang asawa." Galit na sabi ni dad.

"No dad nagkakamali kayo pina-process ko na ang annulment  namin ni Devon." Sabi ko

"Kira umakyat kana maybe your just tired." Biglang sabi ni mom na kanina pa tahimik.

"No! Sa puntong to hindi nyu na ako madidiktahan dad malaki na ako  hindi nyu ako mapipilit sa mga bagay na gusto nyu na alam kong makakasama sa akin." Galit kong sabi at umakyat na ako sa kwarto ko.

Anong akala nila isa lamang akong robot na dinidiktahan sa mga gusto nila at parang aso na susunod sa lahat ng iuutos nila.

"Kailangan kong tawagan si Sky."