Chapter 10 Vampire

Kira POV

"Wife?" Napaangat ako ng tingin ng tinawag ako ni Devon.

Nandito kami ngayon sa sala at kumakain ng dinner

"Ah yes?" Sagot ko na patanong

"Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo busog kana ba?" Tanong nya

"Ahh oo eh." Sagot ko na lang

Wala akong ganang kumain at parang pagod na pagod ako nag-iinit ang tiyan ko parang nawawala ang lakas ko at hinihigop ng tiyan ko.

"Ok sige umakyat kana dun ako na ang bahalang magligpit dito tawagin mo na lang ako kapag gusto mo ng kumain." Sabi nya. Nakakapanibago pa rin ang ganitong trato ni Devon pero mas okay na rin yun kaysa sa saktan nya ako gayong buntis ako.

"Sure ka?" Tanong ko

"Hmm yeah magpahinga kana sa taas." Utos nito

Nakakapagtaka lang at parang normal ko ng nakakausap at nakakaharap ngayon si Devon dati kasi nauutal pa ako o kaya'y nahihiya. Kaya palagi akong nakayukong kapag sumasagot sa kanya.

Ngayon parang wala na, ano na ba itong nararamdaman ko?

Sa isang linggong lumipas na pagbabago nito na alam ko na pagpapanggap naman. Hindi ko na nararamdaman ang kabog ng dibdib ko sa tuwing malapit sya sakin. Hindi ba dapat mas lalo akong mapapamahal sa kanya kasi nag iba na sya or maybe dahil alam kong pag-papanggap lang ang lahat.

Isang linggo na rin na hindi ko nakikita si Sky. Sa bawat araw na dumadaan unti unti akong nanghihina lalo na at palaging nag-iinit ang tiyan ko

Ano bang nangyayare? Argh! bakit ba ang dami kong iniisip ngayon

Itutulog ko na lang siguro ito.

* * * * * * * * * * *

Kira POV

Napahikab ako habang naglalakad papuntang library

"Kainis naman eh! Inaantok na naman ako." Inis kong sabi at napapadyak.

"Aray!" Napadaing ako ng biglang sumakit ang tiyan ko

Umiinit na naman ito na para bang may hinahanap ito. Ramdam na ramdam ko ito at ako ang nahihirapan ng husto. Nanghihinang napasandal ako sa kung saan ng mawala ang sakit

Napahinto ako sa paggalaw ng makita ko si Yara. Napangiti ako at excited na lumapit dito. Ilang araw ring hindi ko sya nakita.

" Yara!" Masigla kong sabi habang nakangiti.

Tumabi ako sa kanya halatang nagulat sya na makita ako dahil napaatras pa ito at nanlalaki ang mga mata.

"K-kira." Nauutal nitong sabi

Ayokong sundin si louise na lumayo sa kanila kahit ganun kaibigan ko pa rin si Yara at lalong lalo na sa lahat hindi ko kayang lumayo kay Sky

Hindi ko maatim na hindi sya makasama sa isang araw. Isang linggo ngang di ko sya nakita ay nababaliw na ako na ewan na di ko alam at mas lalong nanghihina ang katawan ko.

Dahil ba to sa kakaisip ko sa kanya? O baka siguro kasi sya ang pinaglilihian ko?

"Bakit ka nag-iisa asan na si Louise?" Tanong ko

Hindi ko rin kasi mahagilap ang isang yun.

"A-ahm hindi ko a-alam" nauutal nitong sagot.

Nagtatakang napatingin ako dito, noon hindi naman sya ganyan. Happy go lucky nga ito palagi ngayon hindi na sya makatingin sa akin.

Ayokong isipin na totoo ang sinabi ni Louise hindi magkakaganito si Yara kung hindi totoo yun.

"Kira!?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Louise bigla ako nitong hinatak at inilayo kay Yara

"Bessy naman mag ingat ka naman sa kakahatak sa’kin baka nakakalimutan mong buntis ako." Hininaan ko lang yung huli kong sinabi.

"Sorry naman, kasi naman sinabi ko na—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at sumabat agad ako

"Bessy kaibigan natin sya mabuti naman si Yara kung totoo kang kaibigan kaya mo syang tanggapin kong sino sya." Sabi ko dito

Nakita kong nanlaki ang mga mata nito. Gusto ko tuloy matawa sa reaction nya hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon bigla na lang lumabas sa bibig ko eh.

"KAHIT NA HALIMAW SYA!!" Tinakpan ko agad yung bunganga nya.

Ayan tuloy napatingin sa amin yung ibang students.

"Excuse me." Biglang sabi ni Yara at tumakbo na paalis.

"Bess kausapin mo sya." Utos ko dito

"Nagpapatawa ka ba bessy ayoko nga baka mamaya bigla akong patayin nun." Oa nitong sabi.

"Ang oa mo naman, ah basta kausapin mo sya hindi ka lalapit sakin hanggang hindi kayo nagbabati buksan mo iyang isipan mo Louise. " Inis kong sabi dito

"Seryoso ka ba dyan bessy?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Nakangiting tumango lang ako at naglakad na paalis pupunta pa akong library eh

Ewan ko pero hindi ako natatakot kasi.... Hindi ako naniniwalang may monster sa mundo kalokohan lang ni Louise iyon.

"Hmp—" Biglang may tumakip ng bibig ko at hinatak ako.

Para akong sumakay ng rollercoaster ng isang bwan sa hilong nararamdaman ko. Ang bilis ng pangyayare sa isang iglap nandito na kami sa rooftop

Kinakabahang napatingin ako sa taong nagdala sa akin dito.

"S-sky!?" Gulat kong sabi

Nakaramdam ako ng ginhawa ng makita ko sya. "Sky ikaw nga!" Masaya kong sabi at niyakap ito.

"Yes baby its me." Sagot nito at niyakap rin ako.

Nakangiting tiningnan ko ito pero bigla rin iyong napawi. Napakusot ako ng mata iba kasi ang nakikita ko ang pula kasi ng mga mata ni Sky.

"Sky nagda-drugs kaba? Naku! kaya ba wala ka ng isang linggo kasi nagda-drugs ka! Wag mo ng ulitin yan nakakasama yan sa katawan at pag iisip. "Nag alalang sabi ko.

Napakunot noo ako ng tumawa ito pero bigla ring nagseryoso

"No Im not." Seryoso nitong sabi

"Eh bakit pula yang mga mata mo? Hindi ka ba natulog ng ilang araw?" Tanong ko ulit dito.

Napabuntong hininga ito

"Im not planning to tell you who I an but I have no choice because you’re carrying my child." His child!?

“We’re not sure—”

“Shh… Just listen.” Itinikom ko ang bibig ko at napanguso. He chuckled and gave me smack kiss kaya di ko napigilang mapangiti.

“Kira baby Im…” Nakatingin lang ako dito at hinihintay ang sasabihin nito parang hirap na hirap kasi ito magsabi.

"You’re what?" Naguguluhan kong tanong.

Ito na ba ang sinasabi ni Louise magcoconfess na ba sya na isa syang halimaw at kakainin ang baby ko’ naisaisip ko

"Stupid Im not a monster." Sabi nito na masamang nakatingin sa akin.

"Eh?"

"Im a vampire." Sandali akong natigilan.

Loading....

Processing....

Napahagalpak ako ng tawa

"Hahahaha ano—hahaha A-anong pinagsasabi mo? " Saan ba galing ito ng mawala ito ng isang linggo at kung ano-ano na ang pinagsasabi nito.

Napakunot yung noo nya habang nakatingin sa akin. Tiningnan ako nito na para bang ako na ang pinakaweird sa mundo.

Ako naman pinipigilan ko na yung tawa ko. "Joke ba yun?" Bigla kong tanong.

"Kira your not taking it seriously and for f*cking sake I am not joking damn it!" Galit nitong sabi

Napahinto ako at seryosong tumingin dito. Maya maya'y napabuntong hininga ako.

"Ewan ko sayo siguro nga nakadrugs ka talaga kung ano pinagsasabi mo eh tara ako bahala sayo wag ka lang pahalata na high ka." Sabi ko

"Kira believe me Im a vampire I can re—"pinigilan ko na ito

"Wag mo kong pinagloloko Sky dahil kong totoo kang bampira noon pa man namatay ka na sa sinag ng araw and dont get me wrong vampires doesn't exist in this world. Kwento lang yan ng mga matatanda." Sabi ko

Nakita kong nag iba yung awra nya na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

Nanlalaki mga mata ko na napatingin sa kanya.

Lumabas ang dalawa nitong pangil ang mga pula nitong mata ay naging nakakatakot.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ano mang oras ay parang hihimatayin ako di ko na rin alam kung lano huminga ngayon

And everything went black…