CHAPTER FIVE
Thyra's POV
Nandito ako ngayon sa mall, kasama ang kaibigan ko na si Yna. Nagpapasalon. Hindi mawala
wala sa aking labi ang isang ngiti. Bukas na kasi opening ng Rebellious Café ko. After ilang taon
na paghihirapnko, nakamit ko na rin ang matagal na pinangaparap. Ang makapag patayo ng
Coffee Shop na mala library ang datingan.
Biglang pumasok sa isip ko ang tatay ni Gideon, awtomatikong nawala ang aking ngiti sa labi.
Oo nga pala may isa pa akong pangarap na alam ko kailanman hindi ko na makakamit. I sighed.
"Problema mo? ang laki ng ngiti mo kanina tapos bigla kang sumimangot diyan?" – Yna
"Wala, bigla kasing pumasok sa isip ko yong Tatay ni Gideon. I feel sorry for my son, wala akong
maihaharap na Tatay sa kanya."Tiningnan niya ako sa salamin at inabot ang aking kamay para pisilin ito.
"Ano ka ba, alam ko naman na kapag dumating na yong tamang panahon maiintindihan ka rin
ng anak mo. Malay mo ngayon or bukas biglang magkrus ang landas niyo di ba? tapos
magpapakilala siya sayo na siya ang Tatay ni Gidoen tapos happy ending."
Isang tawa ang kumawala sa akin. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. I
know, darating din ang araw na kailangan kong e-explain ang sarili ko sa aking anak at ipaintindi
sa kanya bakit ganito ang naging buhay namin. Anak ko siya at alam ko rin na malawak ang
pang unawa ng anak ko.
"The happy ending you say? That would never happen, pero I just hope na magkrus ang landas
namin. Hindi para sa akin pero para sa anak ko." nakangiti kong saad.
"Ayan very good that's real of all trueness."
Tawa lang ang naisagot ko sa kanya. Kahit kailan talaga napaka kulit ng kaibigan ko lalo na pag
nag e-english mali mali naman grammar. Pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa
lahat ng pagsubok na pinagdaanan naming mag iina, hindi niya kami pinabayaan ng anak ko.
"Ang ganda niyo po ma'am, bagay na bagay sa inyo yong blonde na buhok."
"Talaga? Salamat!"
Pagkatapos namin magpasalon dumiretso kami sa National Books Store para bumili ng iilang
libro. Busy ako sa pamimili ng libro ng biglang may naramdaman akong matulis na bagay sa
aking tagiliran."Wag kang maingay at sumunod ka sa akin kung ayaw mo mabawian ng buhay dito mismo."
nakakatakot na bulong nito sa akin.
Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanyang sinabi. Naka akbay siya sa akin na
kunwaring tumatawa para hindi paghalataan ang kanyang pananakot sa akin. Gusto ko mang
sumigaw pero alam kong maling galaw ko lang, tapos na ang buhay ko.
Hanggang sa umabot na kami sa fire exit ng Mall pababa ng hagdan doon niya ako simulang
itulak tulak habang papunta kami sa parking lot.
*ringg....*
"boss nakuha ko na siya, papunta na kami diyan."
Habang abala siya sa kanyang kausap humahanap ako ng tiyempo at di nagdalawang isip na
iuntog ang ulo ko sa kanya sabay sipa sa gitnang bahagi niya. Tumakbo ako ng mabilis.
Masyadong malaki ang parking lot kaya nahihirapan akong hanapin ang exit.
"tangina mong babae ka! hindi kita bubuhayin pag nadakip kita!" malakas nitong sigaw habang
hinahabol ako.
Lahat ng mga sasakyan na nadadaan ko sinusubukan kong buksan nagbabakasakaling doon
makapag tago. Hanggang sa umabot ako sa may dulo ng parking lot. May nakita akong nag
iisang sasakyan na naka parking. Sa sobrang taranta ko hindi ako nag aksayang buksan ito.
Laking tuwa ko ng mabuksan ang backseat.
Hingal akong napaupo sa loob at ni locked ito. Alam kong hindi niya ako mahahanap rito dahil
sa sobrang kapal ng tint nito. Kinapakapa ko ang aking bulsa ng maalala kong kinuha pala nung
lalake ang cellphone ko."what are you doing?"
Isang malamig na tinig ang narinig ko at dahan dahan akong napatingin sa driver seat.
An old man who's already in the middle of 50's. Malamig siyang nakatingin sa akin sa salamin
habang nakataas ang kilay.
"t-t-tulong... tulongan m-mo... ako..." nanginginig kong sabi bago ako mawalan ng malay.
Hindi ko alam bakit ang bilis kong magtiwala sa kanya. Without even thinking na baka kasabwat
siya nung lalake na nagpadukot sa akin.