Chapter 1 Five Little Wolves

SUMASAYAW ang mga dahon sa puno ng kakahuyan nang humangin ng malakas. Sa ilalim ng puno ay may limang kabataan na may edad na labing isa ang pinapalibutan ang isang batang babae na may edad na sampu.

Naka-upo na ito sa maduming lupa sa kakahuyan habang walang tigil ang pag iyak nito. Namumula ang mga pisngi, ilong at mata nito dahil sa patuloy na pag iyak habang pinag tatawanan ng limang kabataan ang batang babae.

May itim na itim itong buhok hanggang baywang. Matataba rin ang pisngi nito at may kulay labanos itong balat.

"Sabi ni ina'y hindi pwede ang kauri ninyo rito."

"Hindi ka naman namin kauri, 'bat andito ka pa rin?"

"Panigurado walang mag kakagusto sayo sa itsura mo niyan? Matatakot lang sila sayo."

"Kaya siguro hindi lumalabas shewolf mo kasi natatakot siya sa itsura mo."

"Sino naman ang hindi matatakot sa kaniya? Panigurado kapag naging lobo 'yan, ang panget ng balahibo niya."

Mas lalo umiyak ang batang babae. Kakatapos lang kasi ng kaarawan nito at sumapit na siya sa edad na sampu ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapag palit ng anyo.

Umiyak siya nang isipin na hindi siya tanggap ng kaniyang lobo.

Palagi sinasabi ng kaniyang ina na kakaiba siya sa lahat ng bata sa lugar nila dahil hindi lang siya isang lobo. May dugo rin siya ng isang fae dahil ang kaniyang ama ay lobo habang ang ina naman niya ay isang fae.

"What do you guys think you were doing?"

Natigil sila nang marinig ang isang batang lalaki na mag salita. Mababakas sa himig nito ang pagka awtoridad taliwas sa edad na labing tatlong taon gulang.

Napalingon sila sa batang lalaki. May matalim itong tingin sa limang bata. Kahit hindi na kay Nyebe ang tingin nito ay parang mapapaihi na siya sa takot.

May kasamang apat na batang lalaki ang nag salita kani-kanina lang. Parehas na matatangkad ang mga ito at mayroon na magagandang mga mata. Matatangos din ang mga ilong at may mapupulang mga labi ang lima.

May luha na tinitigan niya ang lima na nasa kaniya rin ang mga titig.

"Get the hell outta here!" Sigaw ng batang lalaki na nag salita kanina. Mas lalo siya natakot sa tono ng boses nito.

Nanginginig na umatras siya sa mga ito sa takot. Pinipigilan niya rin ang pag iyak sa harapan ng lima.

"Ano pa tinitingin niyo?!" Sigaw pa nito na nag patakbo sa mga batang bumu-bully sa kaniya. Susunod na rin sana siya sa mga ito nang hawakan ang isa niyang braso.

"W-Wala po akong kasalanan." Umiiyak na ani niya sa mga ito.

"Gunner! Bakit mo pinaiyak?"

"I didn't do anything, Apollo!"

"Hey, don't cry." Lumapit ang isang lalaki sa kaniya. Humawak ito sa braso niya, binaba nito ang ulo para magkatapat ang kanilang pag mumukha dahil matangkad ito.

"W-Wala po akong k-kasalanan."

"We won't hurt you. We just want to take you home."

Nanliwanag ang mga mata niya sa narinig. "Talaga?" Tumango ito sa kaniya at pinunasan ang luha niya sa pisngi.

"Echo, tara na!"

Parehas sila lumingon sa lalaki na sumigaw kanina. Nag sisimula na ito mag lakad palayo sa kanila.

"Let's go?" Baling ulit sa kaniya ni Echo. Tumango naman siya rito.

Susunod na sana siya sa mga ito nang napahinto siya sa nag tanong sa kaniya sa gilid niya.

"You're Nyebe, right? I'm Indigo."

Naka-abang ang palad nito sa kaniya habang may malaking ngiting pinapakita.

"O-Opo." Naiilang na sagot niya rito.

"Tara?" Pagyaya nito sa kaniya. Tinuro pa nito ang palad naka abang sa kaniyang harapan.

Nang titigan niya lang ang palad nito ay ito na ang nag kusa kumuha sa kamay niya at sumabay sila sa pag lakad sa apat na mga lalaki pauwi sa kanila.

NAHIHIYA siyang tumingin sa lima nang mahatid na siya nito sa kanilang tahanan.

Ang bawat tahanan sa kanilang campsite ay hindi gaano nag kakalayo. Gawa rin sa kahoy ang buong bahay sa village nila. Nakatayo ang village nila sa kalagitnaan ng kakahuyan. Maraming mga puno at halaman. May ilog din sa hindi kalayuan na madalas puntahan ng mga kabataan na lobo.

"S-Salamat po." Hindi siya makatingin sa mga ito lalo na puro mga kalakihan ang nag hatid sa kaniya. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga bata sa kanila dahil madalas siyang binu-bully ng mga ito dahil may dugo siyang fae.

"You're welcome." Si Echo ang sumagot sa kaniya. "Pasok ka na sa loob, mahamog na." Dagdag na ani pa nito.

Namumula ang kaniyang mga pisngi sa paraan na pag sabi nito sa kaniya. Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng tenga niya at ngumiti sa lima.

"Ingat din po kayo."

Pag papaalam niya sa mga ito ngunit mabilis din nawala ang ngiti niya ng makita ang matalim na pag titig ng anak ng alpha nila.

"S-Sorry." Paumanhin niya agad. Sabay-sabay na lumingon ang apat sa likuran nila at tinitigan ang kaibigan.

"Primo, tinatakot mo si Nyebe."

"Mauna na ako." Masungit na saad nito sa kanila. Tumingin muna ito sa kaniya saglit bago tumalikod pauwi.

"Don't worry. Nahihiya lang siya sayo." Tumingin siya kay Indigo nang mag salita. Tumango siya rito at pilit na ngumiti.

"Bye! Salamat uli—"

"Anak! Sino 'yang kasa.. ma mo?" Natigilan ang ina niya nang makita ang apat na lalaki nasa harapan ng tahanan nila.

Kinakabahan na bumaling siya sa ina. "M-Ma.. Wala po."

"Anong wala? May apat na lalaki ang nasa tapat ng bahay natin." Suway nang ina niya sa kaniya.

"I'm sorry sa inasal ng anak 'ko. Hindi man lang kayo pinapasok sa loob. Kung ayos lang naman sa mga magulang niyo, dito na kayo samin mag gabihan." Baling ng ina niya sa apat.

"Mama." Pag pipigil niya sa ina. Hinawakan niya pa ang kamay nito para patigilin na.

"We would love to." Sabay-sabay na sagot ng apat na lalaki sa ina niya.

PAREHAS nakatingin ang apat na lalaki sa kaniyang ina habang inaasikaso nito ang hapag kainan nila. Makikita sa mga mata nito ang pagka-amazed.

"You have a beautiful ears po." Puri ni Echo. Tahimik na pinag mamasdan niya ang mga ito.

Natawa naman ang kaniyang ina. "Salamat, hijo. Ngunit sa totoo lang madalas kapag nakikita ng iba ang tenga at pakpak ko, makikita sa mga mata nila ang pagkadisgusto."

"But it's beautiful."

"Thank you. I appreciate it. Nag hihinayang lang ako at hindi nakuha ni Nyebe ang tenga at pakpak ko. Masyadong malakas ang dugo ng kaniyang ama."

"Ma." Kanina pa talaga siya nahihiya. Hindi siya sanay na sa kaniya ang atensyon.

"Kahit wala siyang tenga't pakpak ng fae ay maganda si Nyebe lalo na ang kaniyang mga mata." Saad ni Indigo.

Tinakpan niya ang pisngi sa sobrang hiya dahil panigurado na pulang pula ang kaniyang mga pisngi lalo na sobrang puti ng balat niya.

"She loves it." Asar ng kaniyang ina. Tumawa naman ang apat pagkatapos ay binigyan siya ng ngiti ng mga ito.

"Mauna na kayo kumain. Hindi ako makakasabay sa inyo at iintayin ko pa ang ama nito."

"It's okay po. We'll make sure Nyebe will eat her dinner."

"Salamat sa inyo mga hijo."

Nang umalis ang kaniyang ina ay tumahimik din ang buong paligid. Hindi rin magawa ng mga ito mag simula kumain.

Kahit nahihiya ay sinubukan niya mag salita. "Let's eat?"

"Nyebe, tabi ka rito samin. Masyado kang malayo." Saad ni Apollo sa kaniya. Tumawa pa ito.

Tumayo siya sa kaniyang pwesto at lumipat sa tabi ng mga ito. Tahimik lang sila na kumain. Minsan nag ku-kwentuhan ang mga ito o kaya tinatanong siya.

Sa maliit na oras ay nagkagaanan niya ang apat na batang lalaki. Nalaman niya rin na mas matanda sa kaniya ng tatlong taon gulang ang mga ito sa kaniya.

"Nyebe, see you tomorrow." Paalam ng mga ito. Akala niya ay aalis na ang mga ito ngunit nagulat siya nang isa-isa siyang hinalikan ng mga ito sa kaniyang pisngi.

"Bye! Thank you sa dinner pasabi kay tita." She bit her lower lip, nodded to them and bid her goodbye.