Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 10

CHAPTER 10:

"She did that to you?!" Gulat na gulat na tanong ni Cain habang parang bulateng inasinan kakakibot.

"And what did you do? My Gosh Nikkola, paano niya nagawa sa'yo yon. She's brave huh." Napatakip pa siya bibig niya.

"Sinampal ko din siya, dalawang beses." Sagot ko.

Bumuntong hininga siya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Oa!

"Well she deserve that, bakit hindi mo pa ginawang sampu."

"Ang tigas ng mukha niya ako pa nga nasaktan."

Kanina after we ate i tell her about what happened earlier between Sarah and me. Of course She was so shocked, first time kasing may sumampal sa akin and she knows that.

"Sinabi niya na kaya ako iniwan ni mommy dahil sa ugali ko. Dahil basura daw ang ugali ko." I looked at her. "Is that true Cain? Minsan ba naiinis kana rin sa akin kapag sinisigawan kita?"

"To be honest yes Nikkola, naiinis ako sa'yo minsan but it doesn't mean na hindi kita mahal. I love you Nikkolania even you're a bad saddist bitch brat. I love you, Don't think of that okay you're loved."

Pinunasan ko ang pisngi ko nang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Cain. I didn't expect that, hindi naman kasi ganyan si Cain kaya sobra akong natouch sa sinabi niya.

"Oh my G! Nikkola don't cry. Ano kaba!" Natatawang sabi niya. I didn't answer at niyakap ko lang siya.

"Thank you gaga! Hindi ko yon inexpect!" I said, she laughed.

"Me too, hindi ko inaasahan na sasabihin ko iyon."

"Ugh! Cain!" Inirapan ko siya at sabay kaming natawa.

Kahit papano masasabi ko parin na swerte ako. Because i have her and mama. Kahit na masama akong tao nandyan parin sila at mahal nila ako.

All i want is to be loved, i don't have a father. Iniwan niya kami ni Mommy when i was a baby, i didn't see him in my whole life. Hindi ko siya nakita ni sa litrato. My father is a spanish, kaya siguro maputi ako at maganda dahil may lahi ako.

At iyon naman ang pinagpasalamat ko sa kaniya. He gave me a good look. Pero iniwan niya pa din kami, naiisip ko ano kaya ang pakiramdam ng may ama?

Yung papagalitan ka dahil umuwi ka ng late. Yung may magsasabi sayo na. "You're the most beautiful girl I've ever seen, my princess." I want to hear those words on him, but sadly hindi ko iyon kailanman maririnig.

Am i not loved? That's why he left us. Alam niya ba na magiging bad girl ako in the future? Kaya hanggat baby pa ako iniwan niya ako. Is that the reason? Well i think it is. Truth hurts nga naman Nikkola.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Cain bumalik na kami sa sarili sarili naming classroom. Tulala lang ako habang walang ganang nagsusulat. Hindi ko alam kung tama ba ang sinusulat ko basta makasulat lang.

Nang mag breaktime ay lumabas naman ako, sa malayo i saw Kee with his new girltoy.

I don't know but may nag iba, dati kapag nakikita ko siya na may kasamang babae. Pumuputok na agad ako sa galit, but now? Wala lang, parang wala lang. Hindi ako galit o naiinis normal lang.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mabangga sa isang matigas na bagay.

What the, Idiot!

"What the hell! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sabay nag angat ng tingin.

"Oh' I'm sorry, are you okay?"

I was so shocked, i lost my words. Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa kaniya, sa maamo niyang mukha.

Para akong nahipnotismo sa mga mata niya at sa boses niya. Kamukha niya si Zeus, yung greek god.

"Are you even real?"

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon, basta nasabi ko nalang. Kahiya!

"Uhuh' I'm real, I am not a vampire or what."

Tumawa siya, parang nalaglag ang puso ko sa pagtawa niya.

Hindi ako nakapag salita nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang nakangiti. I wonder kung anong itsura ko ngayon. I'm sure mukha akong tanga.

"I think you're not okay. Let's go, I'll take you to the clinic." Lalaking lalaki ang boses niya.

Ang manly!

"Uh, hmm." Wala akong masabi damn it!

Humawak ako sa ulo ko at umarteng sumakit ito. Nawawala ako sa sarili ko dahil sa lalaking ito.

"My head is masakit." Tigas ng dibdib niya kaya masakit talaga!

"Can you walk?" Tanong niya, umiling ako.

"I can't, I'm dizzy."

Aarte pa ba Nikkola? Ang gwapo niya.

Nagulat ako at halos tumili ng bigla niyang ako buhatin na parang pangkasal.

"Is it okay, if i do this? Sorry you can't walk right. So I dont have a choice." Paliwanag niya.

Kahit iuwi mo na ako ngayon hindi ako aangal.

"No problem." Sinandal ko ang ulo sa balikat niya at pumikit, pinalupot ko ang kamay ko sa leeg niya.

Lakas maka romantic naman nito. To be honest hindi naman ako nasaktan. Hindi ako nahihilo or what, gusto ko lang mag pabebe.

Nagsimula na siya maglakad. Ako naman ay parang tanga inaamoy siya, ang bango niya sobra!

Kung yayain siguro ako ng mga gwapong lalaki na member ng isang sindikato or adik tapos papatayin ako pagkatapos madali nila akong makukuha. Nikkola naman kasi bakit ang rupok mo masyado?

Pagdating sa clinic ka agad niya akong nilapag sa beg. Umupo ako ng maayos at sinundan siya ng tingin.

Pumunta siya sa table at kinuha at ang puting hospital gown na pang doctor at sinuot ito.

Is he a doctor? Kung doctor siya palagi nalang siguro akong may sakit basta siya ang titingin sa akin.

Sorry, Keeyon, Kiro, And Hermes. Mas nakahanap pa ako ng gwapo kaysa sa inyo kaya Goodbye you're out!

"What do you feel? Are you still Dizzy?" Lumapit siya sa akin. Tinignan ko ang nametag na nakalagay sa hospital gown niya.

His name is Dangerous Grant.

Ang unique na name niya at bagay na bagay sa kaniya.

"A little. Are you a doctor here?" Tumango siya habang sinuri ako.

Lutang na lutang ako dahil sa lalaking ito.

"There's nothing wrong on you. Baka nahilo ka lang sa init."

Kinuha niya ang tubig na nakapatong sa table sa gilid. Dala niya yon kanina nang lumapit siya sa akin.

"What now doc? Can i stay here? Nahihilo kasi talaga ako." Pagdadahilan ko.

Gusto ko lang mag stay dito at titigan ang mukha niya.

"Yeah, Sure. Take a rest."

He smiled at me, parang nahulog ang puso ko sa ngiting yon.

"I'm just there." Tinuro niya ang table hindi kalayuan. "Just call me if you need something." Ngumiti siya ulit sa akin bago ako talikuran at bumalik sa table niya.

Patagilid na humiga ako kung saan makikita ko siya. Nakaka adik siya sobra!

Biglang bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na itong sumuko at nakatulog na ako.

"I'll fetch you Shy, hintayin mo ko diyan."

Nagising ako nang marinig ang boses ni Danger, bumangon ako at tumingin sa kaniya. Nilapag niya ang cellphone niya sa table at tumayo tsaka tinanggal ang hospital gown niya.

Anong oras na ba? Tumingin ako sa wristwatch ko, hapon na alas singko na.

"Oh' you're awake." Tumingin siya sa akin. Inayos ko ang buhok ko.

"Yes, aalis kana ba, doc Dangerous?"

"Yes, out ko na." Ngumiti siya. "By the way you can call me Danger, Dangerous is too long." Tumawa siya.

"Okay, Danger." I smiled.

"What's your name?"

"Nikkola."

"Nice name huh."

Hindi na din ako nagtagal sa clinic. Ano pang gagawin ko don kung umalis na ang gwapong doctor na iyon.

His name is Dangerous Grant, what a nice name. So unique and manly.

Kinikilig na naglalakad ako palabas ng university. Hindi ko makalimutan ang mga ngiti niya at ang pag buhat niya sa akin.

"Maganda nga, mukha naman tanga."

Nagulat ako ng marinig ang boses ni Tito. Lumingon ako at gilid nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya s parking.

Gusto ko sanang magsungit dahil sa sinabi niyang mukha akong tanga. Kaya lang naisip ko na hindi ko nga pala siya papansin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya.

"Where are you going again, Nikkola? Don't you know that I'm still pissed because of what you did earlier?" Hinarap niya ako sa kaniya.

"So what? Kahit mamatay kapa sa sobrang inis i don't care!"

Nagtama ang mata naming dalawa, namumungay ang mga ito pero nakakatakot. Kinabahan ako bigla pero hindi parin ako sumagot.

"Stop this Nikkola!" Nagtaas na siya ng boses at nagulat ako don pero hindi ko pinahalata.

Humihigpit na ang hawak niya sa braso ko at ramdam ko na ang sakit. Huminga siya ng malalim, tumama yon sa mukha ko, amoy na amoy ko ang beer sa hininga niya.

He's drunk, tapos mag dadrive siya? Wtf?

"Nikkola!"

First time na nakaramdam ako ng takot dahil sa sinasabi niya.

Napapikit ako.

"Nasasaktan ako." Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nagtama agad ang mata naming dalawa.

Bumuntong hininga siya kasabay ng pagluwag ng hawak niya sa wrist ko.

"Pwede bang controlin mo yang galit mo. Nasasaktan mo na ako kapag nagagalit ka." Pabulong na sabi ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Matapang ako pero hindi sa lahat ng oras lalo na kung wala akong laban.

"I'm sorry Nikkola." Inangat niya ang kamay ko. Hanggang sa maramdaman ang malambot na bagay na dumampi sa sa pulsuhan ko.

Hinalikan niya ito.

"I'm sorry, I'm sorry Nikkola. I don't want to hurt you." Paulit ulit niyang sabi.

Hindi ako sumagot sa halip ay naglakad nalang ako at umikot papunta sa kabila. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at pumasok nalang.

Pagkatapos isuot ang seatbelt, sinandal ko ang ulo at mariing pumikit. Narinig ko ang pag bukas ng pinto ibig sabihin na nandito na siya sa loob.

"Nikkola." Tawag niya sa pangalan ko, nanatili akong nakapikit.

Huhulaan ko ang sasabihin niya, mag sosorry na naman siya. Ganon naman kasi talaga lagi, iyon naman talaga ang lagi niya sinasabi kung di mag sorry.

Mag sosorry tapos uulitin din naman.

"Gusto ko ng umalis sa bahay mo." Tumingin ako sa kaniya. "Gusto ko ng bumalik sa bahay namin, or mag apartment nalang. Ayoko ng tumira kasama ka o si Sarah. Ayoko na mag mukhang kawawa. Sasabihin ko kay mommy na aalis na ako. At this time papayagan na niya ako because of what Sarah did and what you did." Tumingin ako sa labas.

Narinig kong mga malulutong na mura niya. Minsan Nikkola hindi mo kailangan maging malakas at matapang pwede din maging mahina.

"No, hindi ako papayag."

Peke akong natawa sa sinabi niya.

"Bakit? Kasi wala ng magiging hobby si Sarah. Wala na siyang magiging puching bag kapag umalis ako. She slapped me, and worst kung ano ano pang sinabi niya sa akin. Do you wanna know what she said?" Ramdam ko ang pag nagbabadyang luha. Fuck Nikkola dont cry!

Hindi niya ako sinagot kaya hindi nalang ako sumagot. Muli akong sumandal sa upuan at pumikit.

"What?"

Tanong niya hindi ako sumagot. Ilan beses niya pa akong tinanong hanggang sa mag sawa siya at kusang huminto.

Buong biyahe tahimik lang ako. At nang makarating sa bahay ay dumiretsyo na ako sa taas sa kuwarto ko.

Hindi na ako nag abalang magpalit ng damit. Humilata na agad ako sa kama at natulog.

Nagising ako ng kumalam ang sikmura ko, alas dose na ng gabi. Tumayo ako at pumunta sa banyo para maghilamos at magpalit. Nang matapos ay lumabas na ako ng kuwarto pera kumain.

Sa hagdan narinig ko ang boses ni mama.

"Find her an apartment, hindi na ako papayag na manatili diyan si Nikkola." Dinig kong sabi ni mama, huminto ako sa paglalakad.

"Ate, Lets fix this. I'm sorry about what Sarah did. I already say sorry to Nikkola. Hindi na niya kailangan umalis." Sagot ni tito.

"No Zack, hindi mo alam na tumawag siya sa akin kanina. She was crying, iyak lang siya ng iyak. Alam mo ba kung anong sinabi ng katulong mo sa pamangkin mo? Sinabi niya na kaya ko siya iniwan at umalis dahil hindi ko siya mahal dahil sa ugali niya. At walang mag mamahal sa kaniya. How dare her! Maldita at sutil si Nikkola it's just because she wants attention. Alam mo naman na lumaki siya na kami lang. Walang ama gagabay sa kaniya. Sinabi niya sa akin noong nagpa usapan namin ang pagtira sayo na . Baka daw pwede ka niyang maging daddy. Umaasa siya sa Zack."

"Now Zack, kung ayaw mong paalisin si Nikkola. yang girlfriend mo ang paalisin mo. Choose, your girlfriend or your niece."

Hindi ko na naring na sumagot si Tito.

"She just want attention Zack, at kaya sayo ko siya dinala dahil umasa akong mabibigay mo yon. But I'm wrong hindi mo yon kayang ibigay sa kaniya. Kaya mas mabuting umalis nalang siya sa puder mo at mabuhay nalang mag isa. I trusted you but you broke that trust."

Hindi ko namalayan ang pag tulo ng luha ko.

-Emotionalangels.

Chương trước