Wakas

VIANNA MAY POV

Hindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam

hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat

at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang

lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.

Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang

ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.

Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya

palang maging panghambuhay ko.

Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang

pagsubok ng buhay. Nakakatawa!

Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang

sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.

Ang gaan na nga ng pakiramdam ko. Ang saya na ng buhay ko. Tuluyan nang naglaho ang

nararamdamang hinanakit sa unang lalaki na nagwasak ng aking puso. Ang ama ko. Ang papa ko na hindi

man lang ako nagawang mahalin.

Kung nasaan man siya ngayon, sana... nasa tuwid na landas na siya. Kung nagkaroon man ulit siya ng

pamilya, sana masaya sila.

Naniniwala pa rin kasi ako na ang lahat ng tao ay deserve ang second chance. Second chance lang. Hindi

paulit-ulit na second chance.

Kahit si Romeo, deserve niya pa rin ang second chance na 'yon. May pagkakataon pa siya na baguhin ang

sarili. Pagsisihan ang mga nagawang mali. Higit sa lahat may chance pa siya na maramdaman na mahalin

at magmahal muli.

Iyong araw na hindi inaasahang mag-abot kami sa ospital. Hindi ko mapigil na makaramdam ng awa para

sa mga magulang niya. Bakas kasi sa hitsura nila ang paghihirap. Ang sakit dahil sa nangyayari kay

Romeo. Hindi nila deserve na masaktan at maghirap ng ganoon. Dahil mabubuti silang mga tao. Paulit￾ulit ko iyong sinasabi dahil iyon naman talaga ang totoo.

Noong marinig ko ang boses ni Romeo. Yumanig sandali ang mundo ko. Sandaling bumalik sa alaala ko

ang mga nangyari. Ang akala ko nga, magiging dahilan na naman iyon sa muling pagkabuhay ng galit ko.

Gusto kong tumakbo palayo ng sandaling iyon. Pero naisip ko. Oras na rin siguro na harapin siya. E-siksik

sa utak niya na hindi kami ang sumira sa buhay niya. Siya mismo. Nagpalamon siya sa galit at selos na

wala na lugar. Naging sarado ang utak at wala ng ibang pinaniwalaan. Hindi lang siya naging bulag,

kun'di naging manhid pa. Nakalimutan niya ang totoong kahulugan ng pag-ibig.

Lahat ng kinimkim ko na sama ng loob. Lahat ng galit, lahat ng sakit na naramdaman dahil sa kaniya. Ni￾let go ko. Kasabay ng mga salitang binato ko sa kaniya ay ang pagpalaya ko sa aking sarili. Malaya na ako

sa anumang galit. Ayoko nang magkimkim ng mga bagay na nagpapabigat sa pakiramdam ko.

Hindi ko man nagawang lumingon noong binigkas niya ang salitang patawad. Napangiti naman ako ng

mga sandaling iyon, kami ng asawa ko. Doon ko naisip na kailangan ko na rin siyang patawarin. Hindi

dahil sa hiningi niya. Kun'di iyon ang nararapat para tuluyang maghilom ang sugat sa aking puso at

tuluyang mabaon sa limot ang mga masakit na alaala na aming naranasan.

"Ma-ma... " maliit na boses ang nagpabalik ng diwa ko. Tawag ako ng aming angel, na si baby Ten. Mag￾nine months pa lamang siya pero kaya na niya bigkasin ang salitang Mama.. Utal nga lang. Happy ako

dahil Mama ang unang natutunan niyang salita.

Dahil kung nagkataon na Papa ang una niyang binigkas ay talagang magtatampo na ako. Pinagbiyak na

bunga ang mag-ama. Pati kutis sa Papa niya nakuha. Bakit kaya gano'n, mga babae ang naghirap sa

pagbubuntis pero paglabas ng baby, ang Papa ang kamukha. Hindi talaga fair ang mundo.

"Good morning, baby," malutong na halik sa pisngi ang salubong ko sa baby na agad nagpakarga sa akin.

"Saan 'yong kiss ko?!" tampong saad ng asawa ko. Nakalimutan ko nga naman ang kiss niya. Paano kasi,

ang lambing din ng baby namin. Yakap agad si Mama... nakakagigil. Paulit-ulit kong hinalikan ang pisngi

nito. Saka ako bumaling sa asawang kong nagtampo-tampohan.

Nilingkis ko ang isang kamay sa leeg niya at masuyong hinagkan siya. Nasapagitan namin si baby Ten, na

nasanay na yata na ganito lagi kami ng Papa niya. Sabay namin siyang sinasayaw hanggang sa makatulog

siya.

"Tulog na," bulong ng asawa ko. Ngumiti ako. Ang aga kasi nitong magising, kaya maaga rin na

pinapasyal ng asawa ko. Dinadala niya sa park at ako hinahayaan lamang niya na matulog.

Wala kasi kaming yaya... gusto ko hands-on ako sa baby namin. Wala rin naman akong trabaho. Dahil

ayaw pumayag nitong asawa ko. Tinutulungan ko na lamang si Mama sa flower shop niya.

Dahan-dahan kong nilapag sa crib na katabi ng aming kama si baby.

"Ligo na tayo..." agad na yumakap mula sa likod ko ang asawa ko. "I miss you!"

Hindi ko mapigil ang matawa. "Ayan ka na naman sa ligo at I miss you mo!"

"Totoo naman kasing miss na kita. Bakit ba kasi tuwing gabi gising si baby... tara na bago pa magising

'yan..." hinila na niya ako papunta sa banyo. Ligo na naman kami, with a twist!

Sakto namang natapos ang ligo with a twist namin ng asawa ko ay siya namang paggising ni baby.

Kabababa lang namin nang may matanaw kami sa harden na lalaki.

"Si Nelson?" Hindi makapaniwalang nasambit ko. Ibang-iba kasi ang pananamit nito.

"P're... muntik ka na naming hindi makilala. May dadaluhan ka bang party?" tanong ng asawa ko.

"Hindi party... kasal?" Inabot nito sa amin ang wedding invitition galing kay Jane.

"Kaya ba ganyan ang suot mo, dahil ginawa kang ninong!" Hindi ko mapigil ang matawa.

"Na realized din ni Jane na hindi ka husband material, kun'di ninong material!" pang-aasar ko.

"Kaya nga! Lupit gumanti... pwede naman sana niya akong gawing abay lang. E, ninong talaga," umiiling

na tugon nito.

"Sige na, P're... baka ma-late ka pa," tapik nito ang balikat ni Nelson.

Mapait itong ngumiti. "Hindi lang dahil sa invitation na 'yan ang pinunta ko... magpapaalam na rin ako sa

inyo. Matagal-tagal bago ulit tayo magkita."

Nagkatinginan kami ng asawa ko. Mukhang hindi kasi ito nagbibiro. "Saan ka naman pupunta at

matagalan ka ng balik."

"Pagbalik ko, sasabihin ko sa inyo kung saan ako nagpunta. Mag-iingat kayo..."

Ngiti na lamang ang tugon namin sa kan'ya. Masekreto nga itong tao. Malamang hindi rin nito sasabihin

kung saan siya pupunta kahit pilitin pa namin.

"Baby, na kasing guwapo ko! Malaki kana sa susunod na magkita tayo." malutong na halik sa pisngi ang

ginawa nito kay baby.

"Via... P're... alis na ako!" malungkot na paalam nito.

Niyakap ko siya. "Mag-ingat ka, Nelson... maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa amin. Saan ka man

pupunta... sana doon mo mahanap ang totoong magpapasaya sa'yo! Mami-miss kita."

Pinahid niya ang namuong luha sa mga mata ko. "Mami-miss din kita... Via." Tugon niya. Wala na iyong

pagkaloko-loko niya. Seryoso at matinong Nelson ang kaharap namin ngayon.

"P're, alagaan mo ang mag-ina mo." Tumango ang asawa ko at niyakap din siya. "Alam na ba ni Mama,

na aalis ka?"

"Oo, sa kaniya ako unang nagpaalam. Paano alis na ako." Sinundan namin siya habang papalabas ng

gate. Hanggang sa nawala na aming paningin ang sinasakyan niyang kotse. Sabay kaming napabuntong￾hininga ng asawa ko.

Nilingkis ko ang kamay sa baywang ng asawa ko at nilapat ang pisngi sa dibdib niya. Nakakalungkot na

aalis ang isang taong naging parte ng aming buhay. Naging karamay sa saya man o sa lungkot. Kaibigang

tunay na handang e-buwis ang buhay para sa amin.

Nasa labas pa rin kami ng gate. May parte sa puso ko na malungkot dahil sa pag-alis ni Nelson. Pero may

parte din na masaya. Umaasa kasi ako na sa pagbalik niya. Buo na ang pagkatao niya. Masaya katulad

namin ng asawa ko.

"Pasok na tayo, asawa ko," aya nito sa akin. "Huwag ka nang mag-alala. Hindi mapapariwara iyong

kaibigan natin," biro nito.

"Vianna May..." Papasok na sana kami nang may tumawag sa pangalan ko.

"Roselyn..."

Mapait itong ngumuti. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng asawa ko at ni baby Ten.

"Tagal mong hindi nagparamdam." Ang totoo hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang tagal nga

niya na hindi nagparamdam matapos ang mga nangyari.

"Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin kayo. Ang laki ng nagawa kong kasalan sa inyo. Matagal

bago ko napatawad ang sarili. Sorry sa inyo, Vianna May, Diego..." Pinahid niya ang mga luha. "Hindi ko

hiningi na patawarin n'yo ako. Gusto ko lang sabihin... na sorry para tuluyan na rin akong

makapagsimula ng bagong buhay na wala ng guilt na nararamdaman."

"Matagal ka na naming napatawad, Roselyn," walang ligoy kong sabi. Ni let go ko na nga lahat. Kasama

na ang pagpatawad ko sa kan'ya. Kahit hindi siya magpakita.

Bakas ang saya sa mukha ni Roselyn nang umalis siya. Deserve niya rin ng second chance na magsimula

ng bagong buhay sa ibang bansa.

Lahat ng taong dumating sa ating buhay. May dahilan. May kanya-kanya ambag. May nag-iiwan ng sakit,

may nag-iiwan din ng saya. Lahat sila nag-iiwan ng marka sa ating mga puso.

Ang mga taong naging parte ng ating buhay ay siyang nagpapabatid sa atin sa kung ano ang kahulugan

ng pag-ibig, ng pagmamahal na siyang dahilan ng tunay na kaligahayan.

WAKAS