Kabanata 63

DIEGO POV

Takip na ang palad sa bibig ni Danica, pigil ang paghagulgol.

"Diego... anong nangyari sa'yo? Nasaan si Vianna May?" tanong ni Danica, habang yakap na ako.

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bumaling ang tingin ko kay Nelson na

pasimpleng nagpunas ng mga luha kasabay ng pag-iwas ng tingin.

Gusto ko sanang magtanong kung bakit nandito ang pinsan ko. Kung bakit niya sinabi na nandito ako.

Alam naman niya na ayokong mag-alala ang pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Ang

kalagayan namin ng asawa ko.

Gusto kong makuha ang sagot niya, mabasa man lang sana sa mga mata niya ang kasagutan pero agad

siyang nag-iwas ng tingin.

Niyakap ko na lamang ang pinsan kong humahagulgol pa rin at ayaw na akong pakawalan. Kasabay din

no'n ang pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid.

Hangga't maari ayokong makita niya ang hinagpis ko. Ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko na

alam kung kakayanin ko pa ba na magtapang-tapangan.

"Diego..." hagulgol niya.

Hinawakan ko ang balikat niya, bahagyang nilayo sa katawan ko.

"Danica, tahan na. Ano ka ba, kita mo naman na maayos lang ako," sapo ko na ang pisngi niya at pinahid

ang mga luha. Pinilit ko pa ang ngumiti.

"Paano ako tatahan, ha?! Wala man lang kaming kaalam-alam na nandito ka! Ano ba ang gusto ninyong

palabasin. Porket may asawa kana, labas na kami sa buhay mo?" himutok niya.

"Hindi... hindi sa gano'n, Danica." Gustuhin ko mang magpaliwanag pero hindi ko naman alam kung

anong paliwanag ang sasabihin ko.

"Diego naman! Ano ba ang nangyayari? Bakit ba nilihim ng kaibigan mo na 'yan ang kalagayan mo?" turo

niya si Nelson.

Sinamaan niya pa ito ng tingin. Nag-iwas na lamang ulit ito ng tingin si Nelson habang nakasandal sa

dingding katabi ng elevator pero hindi niya napigil ang pagbuga ng hangin.

Bakas pa sa mukha niya guilt. Alam kong mahirap para sa kan'ya na maglihim sa pamilya ko pero ginawa

niya pa rin.

Kung ano ang nararamdaman niya na guilt, katumbas din iyon ng nararamdaman ko. Siya na nga itong

naghirap sa pag-aalaga sa akin. Sa kan'ya pa lahat nabunton ang sisi.

Hindi naman kasi ako manhid para hindi maramdaman na hirap din siya. Nasasaktan dahil sa amin ng

asawa ko.

Hindi naman kami kaano-ano pero kung alagaan ako, kung tulungan niya ako ay daig pa ang tunay na

pamilya. Minsan ka na lang makakahanap ng kaibigan na gaya niya.

"Danica, walang kasalanan si Nelson. Ayaw niya lang na mag-alala kayo," pagtatanggol ko sa kaibagan

kong hindi na maipinta ang mukha.

Pasimpleng sulyap na lamang ang ginawa ng kaibigan ko na nakapamulsa na. Humakbang siya papunta

sa link chairs. Pabagsak itong umupo umupo doon.

"Ayaw mag-alala, bakit? Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ka ba na ospital? Si Vianna May, nasaan?!"

Sunod-sunod nitong tanong.

Hindi ko alam kung paano sagutin ang mga tanong niya. Malalim na buntong hininga ang kumawala

mula sa loob ko kasabay no'n ang paghakbang palapit sa kinauupuan ni Nelson.

"Diego, alam ko, may tinatago ka. Kayo ng kaibigan mo. Pwede ba, sabihin mo na!" irita nitong sabi,

pabagsak na sumandal at napahalukipkip.

Ulit akong napabuntong-hininga. Tama ba na sabihin ko sa kan'ya ang lahat o hindi. Nagbaba ako ng

tingin. "Danica... may dahilan kung bakit ayokong malaman ninyo kung anong nangyayari akin... sa amin

ng asawa ko," mahina ang pagbigkas ko sa mga huling salita.

Hindi ko kasi mapigil ang emosyon kapag naalala ang asawa ko.

"Ahmm..." bahagya akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinahid ang namumuong luha sa mga mata.

"May problema ba kayo ng asawa mo? Naghiwalay kayo?" lito at nag-aalala niyang tanong.

Paulit-ulit ang pag-iling ko. "Hindi... hindi simpleng away mag-asawa ang nagyayari sa amin, Danica."

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko, na kanina ko pa pinipigilan.

"Diego... pinakakaba mo naman ako!" hagulgol ni Danica habang yakap na naman ako.

"Dinukot ang asawa ko!" simula ko, na ikinagulat ng pinsan ko.

Tahimik na lamang siyang nakikinig. Takip ang palad sa bibig niya at walang tigil ang pag-agos ng mga

luha.

Sa huli, pinili ko na rin na e-k'wento sa kan'ya lahat. Sinabi ko sa kan'ya lahat sa pag-aakala na maibsan

man lang kahit kaunti ang nararamdaman kong sakit. Pero hindi, nandito pa rin ang sakit, hindi man lang

nabawasan.

Mahigpit na yakap na lamang ang naging tugon ni Danica, matapos ang mahabang salaysay.

"Tahan na..." haplos na rin niya ang likod ko na sumabay sa paghikbi niya.

Kahit anong alo niya, kahit anong tapik ang gawin niya, hindi niya ako mapatahan. Hindi ko magawa.

Parang sumabog na lang lahat ang nasa loob ko at hindi na maawat na mailabas ito.

"Nelson," pahikbing tawag nito sa kaibigan ko. Parang humingi ng tulong na patahanin ako.

Hirap na hirap na rin ako, halos hindi na ako makahinga ng maayos. "Diego ano ba, tumahan ka na,

please..." desperadang paki-usap niya.

"P're!" tapik sa balikat at garalgal na boses ng kaibigan ko ang nagpakalma sa pag-iyak ko.

Hindi lang kasi simpleng tapik ang ginawa niya. Tapik na may papisil at may pahimas pa. Landing himas.

Gagawin niya talaga lahat mapatahan lang ako.

"Ayos ka na?!" tanong niya nang mag-angat ako ng tingin. Iling at pigil na hikbi ang tugon ko. Habang

siya tuloy pa rin sa paghimas sa likod.

Pinahid naman ni Danica ang mga luha ko at gano'n din ang ginawa ko sa kan'ya.

"Salamat, Nelson... hindi mo pinabayaan ang pinsan ko," sabi nito habang hawak na ang kamay ko. " At

saka, sorry... sa inasta ko kanina," nahihiyang saad nito sa kaibigan ko.

"Wala 'yon, naintindahan ko naman," simpleng tugon niya.

"Ano, P're, bumaba na tayo," baling niya sa akin.

Galing umakto, kala naman niya hindi ko alam na umiyak siya. Daig nga niya ang bilasang isda sa pula ng

mga mata niya.

Tumango na lamang ako at tumayo habang naka-alalay naman si Danica. Ramdam ko na ang panghihina

at pagod.

"Kaya mo ba na maglakad?" seryoso niyang tanong.

"Medyo nanghihina nga ako," matamlay ko namang tugon. "Paki-kuha na lamang ng wheelchair, P're,"

sabi ko at akmang uupo.

Humakbang siya palapit sa akin. "Hindi na kailangan, bridal carry na lang kita!"

"Sira-ulo ka talaga!" Hindi naman mapigil ni Danica ang matawa. Kasabay ang pagpahid ng natitirang

luha sa mga mata.

"Sungit," sabi niya na may nakakalokong ngiti.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Kita ko pa ang pagtaas-baba ng balikat niya. Alam kong

nagpakawala ito ng buntong hininga.

"Diego... kumusta ang pakiramdam mo," agaw ng pinsan ko sa atensyon ko.

Matamlay ko siyang nilingon. "Hindi okay..." tipid kong sagot.

"Anong balak mong gawin ngayon?" Matiim niya akong tinitigan.

"Hanapin ang asawa ko at pagbayarin ang hayop na Romeo na 'yon!"

"Pero...

"Alam ko..." putol ko sa sasabihin niya sana. "Alam kong kailangan ko munang magpagaling. Sa ngayon,

hahayaan ko muna ang mga pulis na maghanap sa kanila."

"Mabuti naman at naisip mo 'yan. Halika ka na," sabi niya nang bumukas ang elevator at lumabas mula

doon si Nelson, tulak na ang wheelchair.

Kasunod niya ang doktora na gaya ko ay pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. Parang hindi niya

kami nakikita. Hindi man lang ngumiti, basta na lang itong umupo sa kinauupuan namin.

"Tara na, P're, Danica..." nakangiting tawag sa amin ni Nelson pero nasa doktora naman ang tingin.

Nailing na lamang ako. Sinumpong na naman yata ng kaharutan. Nilapit niya sa akin ang wheelchair at

inalalayan akong umupo. Pero mata niya, nasa doktora pa rin.

"Ako na Nelson..." sabi Danica. Kaagad naman itong bumitiw sa wheelchair at tumabi.

"P're... okay lang kung gusto mo muna magpa-iwan." Hindi kasi maalis ang tingin sa Doktora.

Napakamot na lamang siya ng ulo at umiling habang sinundan na kami. Walang salitang namagitan sa

aming tatlo habang nasa loob ng elevator.

Matapos kasi ng mahaba-habang iyakan kanina. Talagang naubos ang enerheya ko.

"Diego... paano sila Tita at Tito, sasabihin mo ba sa kanila ang problema ninyo?" basag ni Danica sa

katahimikan nang palabas na kami ng elevator.

Umiling ako. "Ayokong malaman nila, Danica. Ayokong mag-alala sila," nanghihina kong tugon.

"Ikaw ang bahala," tugon niya, matapos ang buntong-hininga.

Muli na naman kaming natahimik hanggang sa makarating namin ang silid. Maingat akong inalalayan ng

kaibigan ko. Pinasandal sa headboard, 'tsaka hinanda ang pagkain.

Nilabas niya ang pagkain mula sa paper bag. Sandali niya pa iyong tinitigan.

"Ano ang gusto mong kainin, P're? Itong corn soup na kasing lamig na ng ilong pusa o itong beef broccoli

na puro sebo?!"

Hindi naman mapigil ni Danica ang matawa.

"Tatawa-tawa ka diyan! Ikaw ang may kasalanan kung bakit lumamig itong pagkain ng pinsan mo,"

pamaktol na sabi ni Nelson.

"Ikaw ang bumonggo sa akin, paano naging kasalanan ko?!" iritang tugon ng pinsan ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Habang nagbabatuhan ng sisi sa lumamig na pagkain.

"Tumigil na nga kayo! Nahihilo na ako sa inyo!" awat ko sa dalawa na agad namang tumahimik.

"Danica, paano mo ba nalaman na nandito ako?" tanong ko kalaunan.

"Sinundan ko 'yang si Nelson, napaghalata kasi sa mukha niya na may tinatago," maagap na tugon nito,

nakahalukipkip na tinungo ang sofa.

"P're, ahh... " biglang sabi ng kaibigan kong loko-loko, akmang susubuan ako.

"Ako na nga. Puro ka kalokohan!" Maloko naman itong tumawa at walang salita na tinungo rin ang sofa

kung saan naka-upo ang pinsan ko.

Naka-ilang subo lamang ako at agad din na tumigil. Wala pa talaga akong gana.

"P're... " seryosong tawag sa akin ni Nelson. Nasa labas ng bintana ang tingin niya.

"Hmmm..." tugon ko.

"Paano ang Mama ni Mia? Sasabihin mo na ba sa kan'ya ang totoo?"

"Hindi ko alam, P're," tipid at malungkot kong tugon. Napabuntong-hininga ako kalaunan.

Talagang hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Ang dami ko nang nilihim sa kan'ya. 'Yong

pananakit ni Romeo, pagtatago ng asawa ko sa isla. Ang pagpapakasal namin at ang pagdukot ni Romeo

sa asawa ko.

Hindi ko alam kung kakayanin niya ba ang sakit kapag na laman niya ang totoo. Alam ko ang

napagdaanan nilang mag-ina. Kaya alam kong sa pananakit pa lang ni Romeo kay Vianna May, dobleng

sakit na ang mararamdaman niya.

"Diego, karapatan ng Mama niya na malaman ang totoo. Alam kong masasaktan siya, pero anak niya

'yong nawawala."

Buntong-hininga na lamang ang tugon ko. Kasabay no'n ang paglapit sa akin ni Nelson. Inalalayan niya

akong humiga.

"Magpahinga ka na muna, P're. Bukas na natin pagplanohan lahat." Pinikit ko ang mga mata at hindi na

naman mapigil ang pagtulo ng mga luha.

Ramdam ko ang paglapat ng palad sa pisngi ko at pinahid ang mga luha ko. Hinayaan ko lang sa pag￾aakalang pinsan ko iyon.

"Ikaw, Danica, hindi ka pa ba uuwi. Baka nagtataka na ang asawa mo." Biglang napadilat ako nang

marinig ang boses ng loko-loko kong kaibigan.

"Ano ba, P're!" reklamo ko at timpal ang kamay niya.

"Bakit ba, pinahid ko lang naman ang luha mo! Kung maka-react ka naman. Magpahinga ka nga lang,

ihahatid ko muna itong pinsan mo."

"Diego, pagaling ka ha, babalik ako bukas. Isasama ko si Anthony. Tutulong kami sa paghahanap sa

asawa mo," sabi niya, kasunod ang halik sa pisngi.

Tumango na lamang ako at mapait na ngumiti.

"Alis na kami, P're," akmang hahalik din ang loko.

"Gusto mo?!" Biglang atras siya nang makita ang kamao ko.

"Diego... 'wag kang gagawa ng ikakapahamak mo ha. Babalik kami bukas," muling bilin pa ng pinsan ko.

Tango pa rin ang naging tugon ko, pero na agaw ang pansin ko sa doktora na napahinto sa tapat ng pinto

nang marinig ang pagsambit ni Danica sa pangalan ko. Siya iyong Doktor na lutang sa rooftop.

"Diego, ha..." ulit pa ng pinsan ko.

"Lakad na, Danica, hintayin ko kayo bukas," tugon ko.

Ilang sandali nang nakaalis ang pinsan ko at si Nelson. Kanina ko pa pinipilit ang sarili na matulog o kahit

maka-idlip man lang pero ayaw talaga akong dalawin ng antok.

Ang asawa ko ang umuukupa sa buong sistema ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na

wala siya sa tabi ko.

Katok sa pinto ang nagpahinto sa pag-iisip ko.

"Good afternoon, Mr. Fabriano," magiliw na bungad ng doktora, na naka-face mask at naka-cup.

Umupo ako at sumandal sa headboard.

"Good afternoon, Doc." bati ko.

"May ilang katanungan po lamang ako, Mr. Fabriano," sabi niya habang nakatapat ang stethoscope sa

dibdib ko.

"Are you sexually active?" tanong niya habang, sa hawak na clip folder lang nakatingin.

"Yes po, pero last contact ko po, two months ago." Tumango-tango siya.

"To your wife?" tanong niya ulit.

"Opo," sagot ko naman.

Pero nagtataka ako. Bakit niya tinatanong kong sexually active ba ako. Alam naman niya na kakagising ko

nga lang.

"Name of your wife?" tanong niya ulit, na hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Vianna May, po," kasabay ng pagsagot ko, ang pagkalaglag ng hawak niyang folder na wala naman

palang nakasulat.