Kabanata 2
"A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko kasabay ang paghawak sa kamay ng taong biglang humablot sa braso
ko, na walang iba kung hindi si Romeo.
Halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang umaapoy sa galit nitong mga mata.
"R-Romeo..."
"Ano ba dude! !" bulyaw ng lalaki kasabay ang paghila sa akin.
Tumiim ang panga ni Romeo, hinila ako palapit sa kaniya. Para akong garter na pighihila ng dalawa.
"B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko.
Buong lakas kong hinablot ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Bumagsak ang mga tuhod ko
sa semento.
Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako. Nauna pang sugurin ang lalaking na akmang tutulungan
ako.
Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya.
"Gago ka!" sikmat nito, kasabay ang pagsugod ng suntok.
Tumama ang malakas nitong suntok sa mata ni Romeo. Ilang beses pa silang nagpalitan ng suntok na
animo'y mga boksengero. Hanggang sa tumilapon ang lalaki.
"Tumayo ka d'yan! Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko!" bulyaw niya, habang duro ang
lalaki at akmang susugurin na naman.
Kahit hirap at masakit ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo at hinarang si Romeo.
"Romeo... tama na, please!" sigaw ko habang yakap-yakap siya.
Bahagya siyang kumalma nang makitang umiiyak ako. Nilingon ko pa ang lalaki na tinulungan na rin ng
mga kasama at inilayo sa amin.
Maya maya dumating na rin ang taxi na hinintay namin. Walang kibo na pinasakay nito, sina Lenny at
Myrna, na walang kamalay-malay sa nangyari. Habang ako tahimik na umiiyak sa gilid ng daan.
Tinayo niya ako mula sa pagkakaupo at walang imik na naglakad habang hawak ang kamay ko. Sa
sobrang bilis at laki ng mga hakbang niya hindi na ako makahabol at muntik na namang matumba.
Binuhat niya akong bigla. Pero bago iyon mainit na tingin muna ang pinukol nito sa akin na lalong
nagpatikom ng bibig ko.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at maingat na pinaupo ako na pinaupo, kinabit ang safety belt pero
pabagsak na sinara ang pinto na ikinagulat ko ng husto.
Hindi ako makatingin sa kan'ya, nahihiya rin kasi ako. Napaaway siya nang dahil sa akin. Nakita ko pa ang
paghigpit ng hawak niya sa manubela at sinuntok iyon ng paulit-ulit. Napasinghap ako, napalakas ang
paghikbi ko.
Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla niyang pinaharorot ang sasakyan. Sobrang bilis ng pagpapatakbo
niya. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa safety belt na nakapulupot sa katawan ko.
"S-sir!" Sigaw ko nang makita ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada. Naangat ko ang mga paa sa
takot, pigil ang hininga at pikit matang humagulgol.
Buti na lamang at naapakan niya pa ang brake. Hindi kami sumalpok sa likod ng truck. Sa sobrang diin ng
pag-apak niya, para akong tumilapon at pabagsak na napasandal pabalik sa upuan.
Nayugyog ang buong katawan ko. Sumakit ang leeg ko. Pikit mata akong humagulgol, habang mahigpit
ang pagkakahawak ng mga kamay sa safety belt.
"Shit!" rinig kong mura ni Romeo. Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto mula sa driver's seat.
Pero hindi ako naglakas loob na magdilat.
Nanghihina ang buong katawan ko, sa kaba, sa kakaiyak, sa sama ng loob. Naghalo-halo ang emosyong
nararamdaman ko. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto sa tabi ko.
"Mahal... sorry... sorry!" Paulit-ulit nitong sabi, habang tinatanggal ang safety belt ko. Pinahid niya ang
pawis sa noo ko, at ang mga luhang nag-uunahang naglandas mula sa mga mata ko.
Hindi ko pa rin magawang dumilat. Hindi ko rin maawat ang pangangatal ng mga kamay ko. Inalalayan
niya akong lumabas ng kotse, walang lakas ang mga paa kong tumayo.
Isinandal niya ako sa kotse saka niyakap ng mahigpit. Nakalaylay ang mga kamay ko. Gusto ko siyang
yakapin pero hindi ko maiangat ang mga braso ko.
Sinuktok niya ang salamin ng kotse habang yakap ako. Hinawakan ang pagkabila kong pisngi, hinalikan
ako sa noo, sa mata sa ilong at sa labi.
"Tahan na, mahal. Parang sinasakal ako kapag nakikita kang umiiyak!" Dinikit niya ang noo sa akin. Na
amoy ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo sa hininga niya.
"Sorry mahal," ulit niya at niyakap na naman ako.
Matapos ang mahabang iyak. Nagawa ko rin na igala ang paningin sa paligid. Nasa tahimik at madalim
kami na kalsada. Walang signage ang likod ng truck na nakaparada, tanging ang malaking gulong lamang
ang nakaharang sa likod noon.
"Mahal," mahinang tawag sa akin ni Romeo. "I'm sorry." He cupped my face at banayad na hinaplos
Iyon. My eyes met his, and a sad smile flashed.
"I love you so much, Vianna May. I cannot imagine a life without you. Kaya sorry kung nagalit ako. Ayoko
kasi na makita ka na may kasamang iba. It feels like my heart has crashed into pieces." Hinalikan niya
ako sa labi, at muling niyakap ng mahigpit. "You are only mine, Vianna May," bulong niya.
"Paano ang Mommy mo?" mahinahon kong tanong, kasabay ang paghikbi. "Ayaw ng Mommy mo sa
akin," sabi ko pa at nag-uunahan na namang pumatak ang mga luha ko.
"Mahal, pasens'ya ka na sa ginawa ng Mommy ko. Gano'n talaga siya sa lahat ng naging girlfriend ko."
Hindi ako sumagot. Paano ko naman magawa ang magpasens'ya, hinamak niya ang pagkatao ko.
Nasaktan ako sa mga sinabi niya.
"Pasensya na kung hindi man kita napansin noong pumasok ka sa opisina, malalim lang ang iniisip ko
no'n kaya hindi kita napansin. Tinawagan kita ng paulit-ulit pero pinatay mo ang cellphone mo."
Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya at napa-ismid pa. Para namang hindi niya alam kung saan ako
nakatira. Hinayaan niya lang akong mag-isip na tapos na kami, buong gabi! Wala siyang ginawa, hindi
siya nag-abalang puntahan ako sa bahay.
"Sorry, kung hindi man kita napuntahan sa bahay n'yo, nalasing ako. Nagpakalasing ako, dahil umuwi ka
nang hindi ako kina-usap. Pagkatapos kitang ipagtanggol kay Mommy. Pagkatapos kitang ipaglaban kay
Mommy. Umalis ka nalang basta at hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko. Pinatay mo pa ang
cellphone," seryoso niyang sabi, habang may mga luha sa mga mata.
"Ako pa ngayon ang may kasalanan!" Inis kong sabi at tumalikod.
"Hindi mahal.... hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo. Sinasabi ko lang kung ano ang dahilan kung
bakit hindi kita napuntahan."
Napahalukipkip ako at humakbang palayo. Pero hinila niya ako at niyakap mula sa likod, saka isiniksik
ang mukha niya sa leeg ko.
"Huwag... huwag mo akong iwan mahal, hindi ko kaya, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito.
Maiisip ko palang na mawawala ka, para na akong mawawalan ng hininga, para na akong mababaliw!"
sabi niya pa at mas isiniksik pa ang mukha sa leeg ko at mas lalong humigpit ang pagkapit niya sa
baywang ko.
Pinihit niya ako paharap, nakasimangot akong tumingin sa kan'ya. "Huwag ka nang sumama ulit sa ibang
lalaki, ha! Dahil, baka sa susunod makakapatay na ako!"
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil hinalikan na niya ako. Bahagya niya pang kinagat
ang pang-ibaba kong labi nang hindi ko tinugon ang mga halik niya, dahilan kung bakit naibuka ko ang
bibig ko at na siil niya iyon ng halik.
Napapikit na lamang ako para na kasi akong naduduling sa kakatingin sa mga mata niya na mariing
nakapikit.
"God! Alam mo ba kung gaano kita namiss? Ang mga halik mo? Ang mga yakap mo?" usal niya, habang
magkalapat pa rin ang mga labi namin.
Bumilog ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalugad ang dila niya sa loob ng ng bibig ko.
Napapikit ako at napaungol nang sipsipin niya ang dila ko. Ano ba 'tong pinag-gagawa niya sa akin!
Parehong habol ang hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Namumungay ang mga mata niya na
tumitig sa akin at bahagya nang may ngiti sa labi.
Pero mas naging lutang ako sa ginawa niyang halik! Bakit kasi pati dila gumalaw, may pahabol pang
sipsip?
Wala sa isip na hinawakan ko, ang dila ko. Check ko lang kung hindi ba naut-ot, baka kasi nalunok niya!
Narinig ko na lamang ang mahina niyang tawa!
Napatiim-bibig na lamang ako at nagbaba ng tingin. Nag-init kasi ang mukha ko!
Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. Ngayon ko lang napansin ang pasa at sugat sa mukha niya.
May pasa siya sa gilid ng mata, pisngi at labi.
Tumingkayad ako para halikan ang mga pasa niya. Mas lalo pa siyang napapangiti.
"Sorry, nang dahil sa akin napa-away ka," humihikbi kong sabi.
"Bakit kasi nagpunta kayo sa lugar na 'yon? Paano kung hindi ako dumating, baka kung saan ka na dinala
ng lalaking 'yon!"
Tumiim na naman ang bagang niya nang maalala ang lalaki kanina. "Talagang hinayaan mo pa siya na
hawakan ka!" galit niyang sabi.
"Hindi ko siya hinayaan! Natumba ako at nasalo niya!" Inis na tugon ko, saka tinulak siyang bahagya.
Pero hindi siya natinag. Nanliit ang mga mata nitong tumitig sa akin.
"Bakit hinila ka niya pabalik?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin, habang magkasalubong ang mga
kilay.
"Nasaktan nga ako! Hinablot mo nalang ako bigla," saka ko lang naalala at naramdaman ang pananakit
ng braso at tuhod ko.
Nagmarka nga ang mahigpit na hawak niya sa braso ko kanina. Inangat ko naman ng bahagya ang hem
ng uniform ko at nakitang may mga gasgas at sugat din ang mga tuhod ko.
Mainit ang mga tingin na pinukol sa kan'ya. "Imbes na tulungan mo ako kanina! Inuna mo pa ang
manuntok!" tampo kong saad.
Banayad na hinaplos nito ang braso ko. "Sorry na mahal, hindi ko sinasadya na masaktan ka," sabi niya
saka hinalikan ang pasa ko ng paulit-ulit.
Umismid ako. "Paano 'yong mga gasgas at sugat ko sa tuhod!" nakasimangot kong tanong.
"Gusto mo ba na halikan ko rin ang mga tuhod mo?" tanong niya, na nilibot pa ang paningin sa paligid.
Saka diniin ako sa kotse, kasabay no'n ang paghimas sa mga hita ko.
"Tumigil ka nga d'yan!" sabi ko at tinulak siya. "Hindi pa tayo bati! 'Tsaka, tuhod ko ang may gasgas hindi
ang mga hita!" Pamaktol kong saad.
"Hindi pa tayo bati?!" kunot noo niyang tanong. "Ikaw nga 'yong naglakas-loob na manood ng bulate
show! Ikaw pa ang galit! Sa susunod, sabihin mo kaagad kapag gusto mong makakita ng gano'n! Dahil
hindi ako magdadalawang isip na igiling sa harapan mo ang higante kong bulate!" natatawa niyang sabi.
Hinampas ko siya sa braso at bahagya na ring natawa. Pero 'di pa rin kami bati!
"Tara na nga ihatid mo na ako sa bahay, baka nag-aalala si Mama." Ngumiti siya, saka binuksan ang pinto
at agad naman akong pumasok.
Patakbo siyang nagpunta sa driver's seat na hindi nawala ang ngiti habang binubuhay nito ang makina ng
kotse at dahan-dahang umatras palayo sa likod ng truck.
Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang daan pauwi. Panay lamang ang tiningan namin sa isa'tisa, habang hawak niya ang isang kamay ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na ka idlip na pala ako.
"Mahal, gising na," mahinang tawag sa akin ni Romeo. Kahit antok na antok pa ako wala akong nagawa
kun'di ang magdilat. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago tumingin sa kan'ya.
"Nandito na tayo mahal," mahina niyang sabi. Ngumiti ako, saka lumabas na ng kotse.
Naglahad ako ng kamay nang maramdaman ang mahinang patak ng ulan, saka tumingin sa makapal na
ulap.
Natanaw ko naman si Mama na palapit sa amin, at may bitbit na dalawang payong. Inabot niya sa akin
ang isa. Bahagya namang nag-iwas ng mukha si Romeo, paano kasi basagulero.
"Magandang gabi po Ma," bati niya.
Mama na talaga ang tawag niya sa Mama ko, kahit noong nanliligaw pa lamang siya sa akin.
"Pasok na kayo sa loob, mukhang lalakas pa ang ulan," sabi ni Mama at nauna ng pumasok.
Nag-aalangan pa talaga si Romeo dahil kapag pumasok siya, makikita ni Mama ang basag niyang mukha.
Hinila ko na lamang siya. Sakto naman na pagpasok namin siya namang pagbagsak ng malakas na ulan.
"Oh, anong nangyari d'yan sa mukha mo?" nagtatakang tanong ni Mama.
Napahawak naman sa mukha niya, si Romeo at parang nahihiya pa talaga.
"Iyan ang napala sa mga basagolerong gaya niya Ma," Napakamot na lamang sa ulo si Romeo.
"Buti at 'yan lang ang napala mo," seryosong sabi ni Mama. "Ano pa ang tinatayo-tayo d'yan anak?
Kumuha ka na ng gamot at gamutin mo na iyang basagolero mong boyfriend."
Bahagya akong natawa sa tinuran ni Mama. Kahit hindi niya sabihin alam kong med'yo naiinis din siya
kay Romeo. Pina-iyak niya rin kasi ako! Dumagdag pa siya sa sakit na ginawa ng Mommy niya sa akin!
"Bahala na kayo d'yan at inaantok na ako." sabi niya pa, saka pumasok na sa k'warto.
"Dito ka muna, kukuha lamang ako ng gamot," sabi ko, kasabay ang pagtalikod at umakyat na sa hagdan.
Nasa huling baitang na ako nang sumunod siya.
"Bumalik ka sa baba!" mahina ngunit madiin ang boses na utos ko. Pero hindi siya nakinig nagtuloy-tuloy
siyang umakyat. Agad siyang kumapit sa baywang ko at hinalikan ako sa labi at ngumiti pagkatapos.
"Ano ba, baka lumabas ang Mama at makita tayo," saway ko. Umiling at ngumiti lamang siya at hinila
ako papasok sa k'warto.