Kabanata 1
Tilaok ng mga manok at kahol ng mga aso ang gumising sa akin kina-umagahan. Ayoko pa sanang
magdilat pero kailangan. Life must go on, kahit puso ay nasasaktan.
I had just gotten out of bed, pero pakiramdam ko nabugbog ang katawan ko. Pagod at nanghihina.
Matamlay kong tinungo ang banyo. Naligo at nagbihis. Napangiti ako nang makita ang mukha sa
salamin. Maga at nangingitim ang mga mata.
I covered my dark and puffy eye bags with concealer, para hindi naman ako magmukhang panda na
gutom pagpasok sa trabaho.
"Magandang umaga, 'Nak!" masayang bungad ni Mama.
Bitbit niya ang platong may lamang pritong itlog at basong may gatas. Napangiti ako nang makita ang
maaliwalas niyang mukha, kahit paano gumaan ang pakiramdamdam ko.
"Magandang umaga, Ma," bati ko. Humalik ako sa pisngi niya bago umupo sa upuan na kaharap niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" tanong niya, na tumitig pa talaga sa mga mata ko.
Mapait akong ngumiti at yumuko. "Masakit pa rin, Ma. Mabigat pa rin ang pakiramdam. Pero pipilitin
kong maging okay." tugon ko, saka nagsimulang kumain. Kahit walang gana, pinilit ko na rin ang kumain.
"Huwag mong madaliin ang sarili anak, magiging maayos ka rin. Ang isipin mo, nagmahal ka ng totoo
kaya ka nasasaktan," sabi niya na bahagyang ngumiti, saka nagsimula nang kumain.
Buti na lamang talaga at may Mama akong mabait at mahal na mahal ako. Dahil kung wala, hindi ko
talaga alam kong ano ang gagawin ko.
Alas-otso y media nang umalis ako ng bahay. Sinadya ko talaga na umalis ng ganitong oras para diretso
na ako sa trabaho pagdating sa shop.
Ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano, gusto kong mag-focus sa trabaho at kalimutan ang nangyari.
Pipilitin kong maging okay, kahit hindi.
"Magandang umaga, Vianna May," nakangiting bati ni Mang Damian at Gino. Sila ang mga guard sa
shop.
"Magandang umaga, po," bati ko. Na agad ko rin namang iniwan. Wala nga ako sa mood na makausap
sila ng matagal. Nilagay ko muna ang bag locker.
"Magandang umaga, girls," bati ko sa mga kaibigan at kasama sa trabaho. Sina Lenny at Myrna. Saksi sila
sa nangyaring drama kahapon.
Bagsak ang balikat ko na umupo sa high chair, at mapaklang ngumiti.
"Talaga ba na maganda ang umaga mo, girl?" tanong ni Lenny, na bahagya pang-umiling.
I let out a long sigh. "Paano ba makalimut? Paano ko ba makalimutan ang sakit? Paano ba ako maging
masaya?" desperado kong tanong.
"Sure ka, gusto mong makalimot at maging masaya?" si Myrna na ang lapad ng ngiti. Tumango ako,
maraming beses. "May alam akong lugar, at sure na makakalimot ka Sakto at walang pasok bukas!"
dagdag niya pa.
Mukhang sigurado siya na talagang makakalimot at magiging masaya ako sa alam niyang lugar.
Matapos ang maikling kwentuhan. Naging abala na kami sa trabaho. Papalapit na kasi ang June.
Syempre maraming gustong maging June bride. Ang saya nga nila habang pumipili ng mga wedding ring
nila.
Gusto ko rin sanang maging June bride. Pero wala ng pag-asa. Napisil ko ang noo ko. Paano kasi biglang
sumingit si Romeo sa isipan ko.
Pinipilit ko naman na huwag siyang isipin pero may pagkakataon talaga na pumapasok na lang siya basta
sa isipan ko. Hindi ko nga alam kung nasa office lang ba siya o pinagbawalan na siyang pumasok ng
Mommy niya.
Baka pinagbawalan na talaga siya na makita ako. Buti na lamang at hindi ako pinatanggal sa trabaho.
Sabay pa rin kaming nag-lunch ng mga kaibigan ko. Hindi na rin sila nagtanong tungkol sa amin ni
Romeo. Pinipilit din nila na maging masaya lamang ang usapan habang kumakain.
Pagkatapos kumain, nagpunta kami sa bookstore cafe' ni Renxo. Nasa harap lamang iyon ng shop.
Naging kaibigan na rin kasi namin ang guwapong owner do'n na naging ka blind date ko noon.
Si Lenny pa ang nag-set ng blind date na iyon. Pero ngayon si Lenny na ang gusto niya. Nahuli ko kasing
nakatitig sa kaibigan ko.
Walang gana na sinipsip ko ang iced-coffee. Pero paminsan-minsan akong sumusulyap sa second-floor
ng shop kung saan tumutuloy si Romeo.
"Girl, hindi pumasok si Sir," biglang sabi ni Myrna. Sumulyap pa sa akin sandali. Alam kong hinuhuli niya
lamang ang magiging reaksyon ko.
"Hindi naman ako nagtatanong," pabulong kong sagot.
"Sumulyap ka kasi sa taas ng shop, kaya alam kong iniisip mo siya."
Akala ko focus siya sa pagbabasa. Lihim lang pala akong pinagmamasdan. Wala talaga akong kawala sa
mga mapagmasid kong kaibigan.
Tiniklop nito ang hawak na libro at bumaling ang tingin sa kinaroroonan nina Lenny at Renxo. Bahagya
pa siyang natawa habang nakatingin sa dalawa.
"Ano na naman ang tinatawa-tawa mo diyan?" tanong ko.
"Tingnan mo iyang dalawa, halata naman na gusto nila ang isa't-isa pero puro pakiramdaman lang," sabi
niya at umiling pa.
"Nahihiya nga raw kasi na magtapat 'yang si Renxo."
"Kasi naman nasa harap na niya ang babaeng gusto, lumingon pa sa iba! 'Yan ang napala!" dugtong ni
Myrna.
Naalala ko naman tuloy ang unang gabi na pagkikita namin ni Romeo. Papunta ako no'n sa blind date
namin ni Renxo. Hindi sinasadya na nabunggo ko siya. Hindi pa ako nag-sorry, kaya noong makita ko siya
sa shop at malaman na siya ang bagong manager. Halos malusaw ako sa hiya.
"Naalala mo na naman ba?" seryosong tanong ni Myrna.
Tumango ako at yumuko. "Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw kasama
siya. Ayaw ko man... hindi ko man gustong maalala siya. hindi ko talaga maiwasan."
Humugot na rin lang si Myrna ng malalim na hininga.
"Tara na nga! Magtrabaho na lamang tayo at mag-enjoy mamaya," sabi ko, kasabay ang pagtayo.
Hinila na lang namin si Lenny, na wala na yatang balak magtrabaho at tumunganga na lamang sa harap
ni Renxo.
Kasalukuyan na akong gumagawa ng inventory, habang ang mga kaibagan ko nasa VIP room kasama ang
mga VIP costumers.
"Good..." bati ko sana sa pumasok pero tumigas ang dila ko. Si Romeo kasi ang dumating. Kaagad akong
nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Naiiyak ako. Pero alam kong sandali niya pa
akong tinitigan bago pumasok sa opisina.
"Girls, kayo na ang maghatid nito sa opisina ni Sir," matamlay kong inabot kay Myrna ang ginawa kong
inventory na kaagad naman niyang tinanggap.
"Pumasok ba siya?" pabulong na tanong ni Lenny. Tumango lamang ako. Nauna na rin akong lumabas ng
shop pagkatapos masara ang mga shelves.
"Vianna May!" untag sa akin ni Gino." Ilang talampakan na ba ang nasisid mo at hirap ka na yatang
umahon," umiiling nitong tanong, at nag-abot pa ng bubble gum na hindi ko naman tinanggihan.
"Salamat, Gino... Kung hindi ka pa dumating siguradong kanina pa ako nalunod!" Tipid akong ngumiti.
Sinakyan ko na lang din ang trip niya. Totoo naman kasi na ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko nga napansin
ang paglapit niya. Siguro naawa rin siya sa hitsura ko. Isang buwan din akong hindi kinausap nitong si
Gino. Nasaktan ko kasi. Siya ang unang nanligaw pero si Romeo ang sinagot ko. Kaya ngayon na karma
ako. Iyak ang lola n'yo.
Ngumiti siya, at mabilis ang panguya sa bubble gum at pinalobo iyon. Hindi ko napigil ang matawa nang
pumutok iyon at kumalat sa mukha niya.
"Ang cute mo!" nasabi ko, habang nakatingin sa kaniya na nililinis ang mukha gamit din ang bubble gum.
"Dati na akong cute, 'di mo lang na pansin!" patawa ngunit sarkastikong sagot niya.
"Pansin ko naman pero... "
"Pero... hindi mo type ang cute!" dugtong niya.
Napangiti ako. Akalain mo ba na ang lalaking sinaktan ko noon ay siya pala'ng magpapangiti sa akin
ngayon.
"Alam ko, mas type mo ang handsome na yummy, kay sa cute na tae! Ay este... tao pala... tao!"
"Baliw!" nasabi ko habang hindi mapigil ang tawa.
"Baliw... nga ako sa'yo, noon! Pero hindi na ngayon!" hirit niya pa.
"Buti naman kung gano'n!"
"Oi... saya n'yo ah!" biglang singit ni Lenny at Myrna.
"Girls, pinapatawa ko lamang itong kaibigan n'yo. Gusot kasi ng mukha!" tugon naman ni Gino sa
dalawa.
"Salamat Gino at nagawa mong plantsahin 'ang mukha ng kaibigan namin." Nakangiting umakbay sa akin
Lenny.
"Sige na balikan mo na si Mang Damian at may tigreng nakatingin na gusto ka nang sunggaban,"
pabulong na sabi pa nito kay Gino.
Sabay nanliit ang mga mata namin at akmang lilingon na sa shop.
"Huwag n'yo nang lingunin! Kung ayaw ninyong maging dragon ang tigre na 'yon!"
Umiling at ngumiti na lamang si Gino.
"Sige lumakad na kayo!" sabi n'ya.
"Tara na girls at baka tuluyan na tayong sugurin ng tigreng galit," sabi naman ni Myrna.
Kumaway pa sa amin si Gino. Agad kaming sumakay sa humintong taxi sa aming harapan.
"Saan po kayo mga Miss?" tanong ng driver na nilingon pa kami at hinintay ang aming sagot.
"Manong sa 'Amazing Bar,' po!"
"Amazing Bar?!" sabay na bulalas namin ni Lenny, kasabay no'n ang pag-andar ng taxi.
"Teka lang, Mryn, talagang doon ang punta natin? Akala ko pa naman isa kang santa! Eh, nanonood ka
din pala ng mga lalaking naglalakihan ang mga..."
"Naglalakihan ang... mga muscle sa katawan ba girl?" natatawang dugtong ni Lenny.
"Huwag ka na ngang OA diyan girl, manonood lang naman tayo. Hindi ko naman sinabi na mag-take out
ka!"
Hinampas pa ako ni Myrna sa hita, saka tumawa ng malakas.
"Take out ka diyan," umikot ang mga mata. "Parang pagkain lang, p'wedeng e-take out?" tawa na
lamang ang sagot ng dalawa.
"Talaga namang p'wedeng mag-take out do'n, kung gugustuhin n'yo!" natatawang sabat ni manong
driver.
"Ay... 'Di po kami mahilig sa take-out manong! Mas masarap pa rin 'yong lutong-bahay!" sagot ni Lenny.
"Enjoy, mga Miss..." pahabol na sabi ng driver bago pinaandar ang sasakyan.
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bar. Agad tumambad sa amin ang ibat-ibang kulay na mga ilaw
at malakas na tugtug, kasabay ang malakas na hiyawan ng mga tao.
Sobrang aliw sila sa napapanood. Pum'westo kami malapit sa may pole.
Hindi kami nakapagsalita nang magsimulang gumiling ang lalaking nakasuot lamang ng manipis at
maluwag thong.
Sabay kaming nagtakip ng mga mata nang sinadya nitong humarap sa amin at gumiling sa aming
harapan.
Gusto kong sigawan si Myrna. Bakit niya ba naisipan na dito magpunta? Sa nakikita ko kasi, first time
niya rin na magpunta sa lugar na ito. Umawang pa talaga ang bibig at halos hindi na kumurap habang
nasa pisngi ang mga palad.
Si Lenny naman, nakatakip nga ang mga palad sa mukha, bahagya namang nakasilip.
Iginala ko ang paningin sa paligid, hindi ko na talaga kayang tingnan pa ang lalaking gumigiling sa aming
harapan. Hinila ko ang dalawa na animo naging tuod at hindi na gumalaw. Tinungo namin ang bar
counter at pabagsak na umupo. Napabuntong hininga pa pagkatapos.
"Uminum na lamang tayo kay sa panoorin 'yon!" Turo ko sa lalaki na nasa pole. Nakalabing tumingin sa
akin si Myna.
"Girl, sabi ng mga pinsan ko masaya raw kasi ang lugar na 'to, bagay sa mga wasak ang puso na gaya mo.
Sabi rin kasi nila, lalaki ang dahilan ng sakit sa puso, kaya lalaki rin daw ang gamot." Mahabang litanya
niya.
"Sa palagay mo? Gusto mong maging gamot ang lalaking 'yon?" tanong ko.
Umiling siya ng paulit-ulit at tumiim ang bibig. Sumulyap kami kay Lenny na tulala pa rin hanggang
ngayon. Syempre first time niya rin siguro makita ng gumiwang-giwang na malaking bulate na may ulo.
Talagang see thru pa ang thong na suot nito at med'yo maluwang, ha! Kaya sumasabay din sa indak ang
bulateng may ulo. Pastilan!
"Lenny, okay ka lang ba?" tanong ko. Paulit-ulit siyang umiling at tumango. Nalito na kung ano ang dapat
isagot.
Tinapik siya ni Myrna sa balikat. Gumanti naman siya ng hampas.
"Girls, gusto kong magmura!" Seryoso ang mukha niya, hindi namin alam kong galit ba siya o ano. Hindi
namin makuha ang emosyon niya.
"Shit girl! Ang laki no'ng bulate, nakakawasak-kabibe!" Pigil ang sigaw niya kasabay ang pagyugyog kay
Myrna.
Sabay na lamang kaming natawa. Masaya pa rin kami kahit pare-pareho kaming nagulantang sa nakita.
Nakailang inum kami ng martini hanggang sa mag-decide kaming umuwi. May mga tama kasi.
Pasuray-suray kaming naglakad palabas ng bar. Nasa pagitan namin si Lenny na siyang pinakalasing sa
amin.
Lumingon pa ako nang may mapansing nakasunod sa amin. Mukha namang walang balak na masama.
Nakayuko lamang siya at nakatingin sa cellphone.
Tuluyan na kaming nakalabas ng bar, hinihintay na lang namin ang 'book a ride' para safe naman kaming
makauwi.
Hindi kami maperme sa pagtayo, talagang umiikot na ang paligid. Si Lenny at Myrna, hindi na talaga
nakatiis, talagang umupo na sa gilid ng kalsada. Habang ako pinipilit pa ang tumayo ng maayos.
Pero umikot na rin ang paligid ko. Hanggang sa muntik na akong matumba, mabuti na lamang at may
nakasalo sa akin.
Napasandal ako sa matigas na dibdib ng lalaki at napahawak naman ito sa magkabila kong braso.
Nilingon ko ito.
"S-salamat," nauutal kong sabi. Ngiti lamang ang tugon niya, kaya tipid na rin akong ngumiti.
"Aray, a-ano ba!" pasinghal kong daing.