Chapter 7

Ang ini-expect kong after wedding ay kakain kami sa labas together with his father- getting to know each other pero hindi iyon ang nangyari. Pagkatapos nang seremonya ay nagpaalam si Emmanuel sa kanyang ama na aalis kami, hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumunod nalang ako sa kanya ng walang imik. Magsusungit na naman.

Sumakay ako sa kanyang BMW. Ungentelman. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Tahimik lang ako habang sa labas ng bintana ang tingin iniisip kung ano mangyari pagkatapos nito. Hindi biro itong pinasok ko. Ang pag-aasawa hindi ito isang mainit na kanin na kapag sinubo mo ito at napaso ka ay pwede mo itong iluwa. This is a lifetime commitment. In sickness or in health, till death do us part kayo dahil iyon ang sinumpaan ninyong dalawa.

Mahina akong bumuntong hininga. This is new to me. Hindi ko pa nga naranasan ang maligawan at magkaroon ng boyfriend tapos kasal na agad. Hindi ko alam kung kaya ko bang gampanan ang papel ko bilang asawa. . asawa ng isang milyonaryo at rumored mafia boss.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka na tanong ko dahil hindi ito ang daan pauwi sa condo niya.

"Sa bahay."

Nilingon ko siya. " Ha!? Bakit? Sa apartment -,"

"Malamang asawa na kita. At malamang sa iisang bahay tayo titira," pabalang na sagot niya. "Hindi kana uuwi sa apartment mo."

"Pero wala akong damit."

"I own a shopping mall and DZM Corporation, Debbie. A clothing line to be exact. "

Biglang uminit ang dugo ko sa paraan ng pagsabi niya. Pwede naman niyang sabihin niya bumili nalang tayo ng damit mo sa sarili kong shopping mall, hindi 'yong-argh! Hindi ko alam na magaspang rin pala ang ugali niya, paano kasi puro perpekto ang sinusulat sa magazine niya. Makayanan ko kaya ang ganyang pag-uugali niya? Wala pa nga kaming isang araw na kasal pero gusto ko nang makipag-devorce dahil sa ugali niya.

"So. Ibig mong sabihin magsasama tayo sa iisang bahay?" Salubong ang kanyang kilay ngunit sa daan parin ang tingin. "Sa iisang kwarto?"

"Ano ba ang ibig sabihin sayo ng mag-asawa?" Masungit na tanong niya. " Kung ano ang sagot mo, iyon na 'yon."

"Pero-,"

Bumuntong hininga siya. " Kailangan natin iyon gawin dahil naka monitor si dad sakin. . huwag mo ng tanungin kung bakit. Nandito na tayo. Bumaba ka na."

Nauna siyang bumaba habang ako nakatulala parin dito sa loob sasakyan, pinoproseso parin ang mga sinabi niya. Salubong ang kanyang kilay at inis na kinatok ang bintana ng sasakyan. Bago pa niya ako pagsalitaan ng masama kusa na akong bumaba.

Tinanggap ko ang susi na inabot niya sa akin. Nagtataka na tiningnan ko iyon. Ano ang gagawin ko dito?

"Isarado mo ng mabuti ang bahay at huwag kang tatanga-tanga na may isang pintuan o bintana na nakabukas kapag gabi na, " napatangga ako sa sinabi niya." Spare key mo 'yan. "

Iyon lang ang sinabi niya at bumalik sa kanyang sasakyan at walang pasabi na pinaharurot niya ito. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Sinuri ko nang tingin ang bungalow house kung saan kami titira. Kulay puti iyon. Ang bakod na hanggang dibdib ko ang taas ay kulay puti rin ang pintura. May maliit na bakuran na may tanim na puro bermuda grass. Walang bulaklak. Walang kahit isang puno. Halatang walang nakatira. Binuksan ko ang bahay at pumasok doon, hindi naman siya amoy alikabok. Malinis ang loob ng bahay ngunit walang masyadong kagamitan maliban sa isang mahabang sofa dito sa sala at malaking divider na walang laman kahit isang bagay.

Dahil mag-isa ako rito at walang gagawin nilibot ko ang buong bahay. Sa unang silid, marahil ito ang kwarto namin. Malaki ito at may king size na kama. Sa gilid ng pintuan naroon ang vanity table. Sa kaliwa naman ay kabinet. Nang buksan ko tumambad sa akin ang mga damit ni Emmanuel. Siguro dito rin siya umuuwi minsan. At may cr din dito sa loob ng kwarto.

Lumabas ako pagkatapos. Pumasok ako sa isang silid katabi ng kwarto namin. Office yata ito ni Emmanuel dito. Bukod sa lamesa at upuan may kabinet rin dito na naglalaman ng iba't ibang libro at mga papel na hindi ko alam kung ano. Hindi na ako nangialam at lumabas na lang. Dumiritso ako sa kusina. Kompleto ito sa kagamitan kaya marahil ay dito nga si Emmanuel umuuwi minsan. Nakaramdam ako nang gutom pagbukas ko ng ref nang makita ang mga frozen food doon. At naalala ko, wala pala akong agahan at pananghalian dahil sa bilis nang pangyayari kani-kanina lang.

Dahil hapon na, adobong manok nalang ang niluto ko para hindi na ako magluluto mamayang gabi. Gutom na gutom na ako. Sakto pagkaluto ng ulam ay luto na rin ang kanin na sinaing ko. Tahimik akong kumain hanggang sa mabusog ako. Hinugasan ko ang pinagkainan ko, at nang matapos ay pumasok ako sa aming kwarto. Hinalungkat ko ang damitan ni Emmanuel at kumuha ng t-shirt doon dahil wala akong damit na dala kahit isa. Naglinis ako ng katawan bago humiga sa malambot at malaking kama.

Ano kaya ang buhay na danasin ko kasama si Emmanuel? Masaya ba? Malungkot? Hirap? Hindi namin kilala ang isa't isa, lalo na siya. Siguro, ngayon niya lang din nalaman ang pangalan ko. At ako, kilala ko lang siya sa mga sulat sa magazine. Totoo kaya ang lahat ng mga iyon? O, gawa-gawa lang dahil sa sandaling kasama ko siya batid ko ang kagaspangan ng ugali niya bagay na hindi naisulat sa magazine niya.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko madilim na. Dala sa sinag ng ilaw mula sa poste sa labas ng bahay, tumayo ako sa binuksan ang ilaw. Hindi pa ba nakauwi si Emmanuel? Lumabas ako nang kwarto, walang ilaw sa sala kaya panigurado hindi pa nakauwi si Emmanuel. Nangangapa na tinungo ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Sinilip ko ang labas ng bahay wala pa doon ang sasakyan niya.

Dahil busog pa ako, umupo ako sa sofa at nagpasyang hintayin nalang ang pag-uwi niya. Walang orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na. Nanatili lang akong nakaupo nakasilip sa labas ng bintana. Hindi ako natatakot o namamahay dahil sanay naman akong matulog na mag-isa. Nag-alala ako dahil hanggang ngayon hindi parin siya umuuwi.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naghihintay sa kanya. Hindi ko alam kung anong oras na. Inaantok na ako sa paghintay hindi parin siya dumadating. May emergency ba siyang pinuntahan? O baka. I sigh. Hindi nga pala ako ang mahal niya. Malamang nandoon siya sa babaeng mahal niya at iyon ang kasama niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko. Honeymoon after wedding? Trip sa other country as a wedding gift?

Tumayo ako at dinoble check ang mga bintana at pintuan, nang masiguro na naka lock lahat bumalik ako sa aming kwarto at muling humiga.

What a nice wedding day. Ikinasal ng wala sa oras at ngayon matutulog na hindi alam kung nasaan ang asawa.

"Good night, Debbie. Good luck sa unang yugto ng buhay may asawa."