Chapter 6: Bagong misyon
"DON'T DISTURB ME, I'm going to kill myself!" malalaking litra na nakasulat sa puting papel.
Pinasadahan muna ni Ynrahd ng tingin ang kisame kung saan niya ikinabit ang pinagdugtong-dugtong niyang damit upang humaba bago idinikit ang papel sa labas ng pintuan. Siniguro na may tao na mapadaan sa kanyang silid bago marahang isinara ang pinto at patakbong bumalik sa kanyang kama. May nakahanda ng upuan na kanyang papatungan. Alam niyang malaking kasalanan para sa pamilya ng ama ang kaniyang gagawin. Pero iyon lang ang naisip niyang paraan upang makabalik sa Pilipinas.
Nang marinig niya ang paparating na mga yabag ng paa ay mabilis niyang isinuot sa leeg ang tela na magmimistulang bibigti sa kanya. Sa sobrang pagmamadali ay naging malikot ang kanyang paa kung kaya natumba ang upuan na kinapapatungan at hindi niya iyon napaghandaan.
"Ahhhh Madam, Senyorita Ynrahd is dead!" Sigaw ng katulong nang mabasa ang nakasulat sa papel na nakadikit sa labas ng pintuan ng kanyang silid.
"Bobo, nagpapakamatay, hindi patay!" gusto niyang isigaw upang itama ang katulong ngunit napaubo siya nang humigpit ang tali sa kanyang leeg.
Pilit niyang hinahawakan ang nakapulopot sa kaniyang leeg upang hindi siya masakal ngunit hindi iyon magawang paluwagin dahil walang mapatungan na rin ang kanyang paa. Nataranta na rin siya at hindi alam kung saan dapat kakapit ang mga kamay upang hindi tuloyang masakal. Mukhang totoong nabibitay na siya ngayon sa kalokohan niyang naisip.
"Yah Allah! Waleed, yallah!"
Tawag ng abuela sa kanyang ama habang tumatakbo palapit sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang mamatay na dilat ang mga iyon. Hirap na siyang huminga at pilit itinikom ang bibig upang hindi lumawit ang dila tulad sa napanuod niya kapag nagbigti. Ayaw niyang magmukhang pangit kapag siya ay natuloyan.
Humahangos na pumasok ng silid ang mga magulang ni Ynrahd. Ngunit bago pa nila masaklolohan ang anak, bumagsak na ito sa kama kasama ang tali at ang piraso na bahagi ng kisame dahil hindi kinaya ang bigat nito.
Napadaing si Ynrahd nang bumagsak siya sa kama. May kalakihan ang bagay na natanggal mula sa kisame kung saan ikinabit ang tali kung kaya nawalan siya ng malay nang tumama iyon sa kaniyang ulo.
Mabilis na dinala sa hospital ang dalagang walang malay tao. Nagkagulo at nagkasisihan ang pamilya sa nangyari kay Ynrahd.
Nagising si Ynrahd na masakit ang likod ng ulo. Dadaing na sana siya ngunit natigil nang marinig ang kumosyon sa kanyang paligid.
"I know that she did those stupid things on purpose, we know how stubborn she is!"
Mahahamig sa tinig ng ama na namomroblema ng husto ito dahil sa kanyang ugali.
"She just wanted to scare us so that we can let her to go back in my country."
Napasimangot si Ynrahd pagkarinig sa sinabi ng ina. Minsan talaga ay kontrabida ang ina niya sa kanyang kaligayahan. Rinig niya na umiiyak ang kanyang abuela dahil natakot sa nangyari sa kanya. Bigla tuloy siya nakaramdam ng kunsensya, mahal niya rin ito at spoild nga rin siya kapag kasama ito. Pero gusto talaga niyang manirahan sa Pilipinas kung kaya nagawa niya ang ganoong bagay.
"Mabuti naman at gising ka na!"
Nasa himig ng ina ang tuwa ngunit may halong galit iyon.
Kagat ang ibabang labi at napayuko siya ng ulo lalo nang mapansin na naroon lahat ng kamag-anak ng ama. Malaking kasalanan sa lahi ng mga ito ang kanyang ginawa. Maari din siyang itakwil ng mga ito dahil sa kaniyang nagawa.
"Hon," nakakaunawang inakbayan ni Waleed ang asawa. Alam niyang sisermunan nito ang kanilang anak at hindi siya nakikialam kapag ganoon. Pero may iniinda pang sakit ang anak nila ngayon kung kaya nag-aalala siya.
"It's our fault that she grew up like this, we spoiled her so much." Gumaralgal ang boses ng ginang, nahihiya siya sa pamilya ng asawa ngayon. Alam niyang iniisip ng mga ito ngayon na kulang sa pangaral ang anak nila at hindi niya nadesiplina.
"I'm sorry!" Umiiyak at walang halong drama na paghingi ni Ynrahd ng tawad sa lahat nang naroon. "I was selfish and hard-headed, I didn't consider all your feelings as my parents. I will accept whatever punishment for the sin I have committed."
Tuluyan nang napaiyak si Julia sa tinuran ng anak. Sa tanang buhay nito ay ngayon lang ito nagbitaw nang ganoon salita at ramdam niya ang sinsiridad. Marahil ay ramdam nito na napahiya na siya sa pamilya ng ama dahil sa inasta nito.
"Anak, hindi na galit si Mommy! Basta huwag mo nang ulitin na saktan ang iyong sarili ha?" Niyakap niya ito at inalo. Pareho silang umiiyak, maging ang asawa niya ay napaluha na rin at nakiyakap sa kanila.
Nakangiti na pinanuod sila ng pamilya ni Waleed, hindi lang naman ang dalaga ang matigas ang ulo sa kanilang angkan. May mas matigas pa ang ulo kaysa rito at pasaway, ngunit hindi nagawa ang bagay na ginawa ni Ynrahd dahil takot sa kanilang sinasamba.
Makalipas ang dalawang araw ay masayang niyakap ni Ynrahd ang ina. Sa unang pagkakataon ay gumawa ito ng paraan upang makauwi na siya ng Pililinas.
"Thank you po, Mommy, I love you!" Pinupog niya ng halik sa pisngi ang ina nang pinakita nito sa kanya ang kanilang plane ticket.
"Pangako mo na huwag nang matigas ang ulo, okay? At huwag kang tumutol sa pasya ng iyong ama na ikuha ka ng personal bodyguard upang mapanatag na kami kahit nasa labas ka ng bahay."
"Opo!" May kasama pang tango na sagot niya sa ina. Atsaka na niya problemahin kung paano madispatsa ang kanyang maging bodyguard kapag nasa Pinas na sila.
...
"EAGLE ONE, please proceed to the head office now." Tawag ni Dexter kay Jeydon gamit ang radio. Nasa training room ang binata at alam niya na nasa kainitan ng pagsasanay sa trainees.
"May problema ba?" Tanong ni Jeydon pagkabungad sa pintuan ng opisina ni Dexter.
"May bago tayong client at nais niya na magkaroon ng personal bodyguard ang kanyang anak."
Nangunot ang noo ni Jeydon, "bakit sa ahensya natin siya lumapit at ako pa ang pinatawag mo dito?"
"Malaki ang tiwala nila sa atin dahil tayo ang nagligtas sa anak nila mula sa sindikato. Nakiusap sila kung maari mula sa ahensya natin ang maging bodyguard ng kanilang anak." Paliwanag ni Dexter sa binata.
Dumoble ang gatla sa noo ni Jeydon sa narinig. Wala siyang alam na nailigtas nila noon na may kakayahang kumuha ng serbisyo nila maliban sa babaeng nasa malayo na ngayon.
"Magbabayad ng triple ang kliyente kapag napagbigyan." Tumigil sandali sa pagsalita si Dexter, pinag-aralan ang reaksiyon ng mukha ng kaharap.
"Baka gusto mong kunin itong trabaho at si James na muna bahala sa trainees?" pagpatuloy ni Dexter nang hindi nagsalita ang kaibigan.
"Bakit hindi na lang si Ashton ang inalok mo?" may pag-aalinlangan na sagot niya kay Dexter. Wala siyang hilig pumirmi sa isang tabi at bumuntot sa babantayan kung saan nito gustong pumunta.
"Baka gusto mo lang naman kaya sa iyo ko unang inalok lalo na at kilala mo itong babantayan mo."
Biglang nagising ang kuryosidad ni Jeydon at umaasam na sana nga ay tama ang nasa isip. "Let me check!" Kinuha niya ang folder kung saan ang file ng client nila.
"Are you in?" tanong ni Dexter dito at hindi hinihiwalay ang tingin sa kaibigan. Kitang-kita niya ang saya na mababanaag sa mga mata nito habang binabasa ang profiles.
"Yes!" walang pagdadalawang isip na sagot niya. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng galak at pagkasabik na makita muli ang babae.
Ngayon lang siya nakaramdam nang ganito ngunit nag-aalinlangan din na baka makilala siya agad ng dalaga. Hindi niya alam kung nagalit ba ito sa nagawa niyang kapangahasan nang araw na iyon.
"Bahala na!" bulong niya sa kanyang sarili, saka na niya isipin ang mga negative. Ang mahalaga sa ngayon ay mapalapit siya sa babae.
Napangisi si Dexter bago tumalikod. Ngayon pa lang ay masaya siya para sa kaibigan. Sana lang ay hindi ito mabigo at mahirapan.
Nagulat ang ilan kasama si Ashton nang malaman na tinaggap ni Jeydon ang bagong trabaho bilang personal bodyguard ng isang babaeng pasaway. Hindi niya akalain na magpapaalila ang kaniyang kaibigan dahil sa isang babae. Ni hindi nito tinanggap ang alok ng isang kilalang law firm nakaraang lingo dahil ayaw nitong puro papel ang hawak at nakaupo lang.
"Anong klaseng ayos iyan?" natatawang puna ni Ashton kay Jeydon. Paalis na ito at ang aga pa nitong gumising na parang takot mahuli sa pupuntahan.
"Hindi na ba niya ako makilala sa ganitong ayos?" tanong ni Jeydon habang sinusuri ang sarili sa harap ng malaking salamin.
Muling pinasadahan ng tingin ni Ashton ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Mukha itong bad boy sa suot nitong kupasing damit at pantalon. Ang mas nakakatawa pa ay may suot itong dark eyeglasses na animo'y takot na makakita ng araw.
"Malabo ka nang makilala sa hitsura mong iyan. Ang layo ng mukha mo mula sa pagiging bakla na nakilala niya." Pigil ni Ashton ang sariling huwag matawa.
Nakangising humarap si Jeydon sa kaibigan. Ayaw niyang masira ang araw niya kaya hindi pinansin ang pang-aasar nito.
Napailing na lamang si Ashton habang sinusundan ng tingin ang kaibigang palabas na ng pintuan. Muli siyang bumalik sa pagkahiga dahil inaantok pa siya. Nagising lamang siya kanina dahil sa kaibigan.
..
PILIT ang ngiting sumilay sa labi ni Ynrahd nang makita ang masayang mukha ng mga magulang na sumalubong sa kanya pagkalabas niya ng silid. Ayon sa mga ito ay nakakuha na ang mga ito nang maging private bodyguard niya. Sa susunod na linggo na ang kanyang birthday kung kaya busy ang mga magulang sa pag-prepare. Halos wala ng oras sa kanya kaya ipaubaya na siya umano sa maging bodyguard niya. Kailangan na rin niyang bumalik eskwela. Sa isiping may bubuntot sa kanya kahit sa campus at bantay sarado siya ay nagrerebelde na ang kanyang kalooban.
"Come, Habibti, your bodyguard was waiting outside." Malapad ang ngiti ng ginoo na inakay ang anak palabas ng bahay.
Nakita ni Ynrahd ang matangkad na lalaki na nakatalikod ng tayo mula sa kinaroonan nila. Gumana na naman ang kapilyahan ng isipan habang sinisipat ang kabuuan ng likod nito. Napatingin siya sa pang-upo nito, napakunot ang kanyang noo nang biglang sumagi sa isip niya ang bakla na nakilala sa hideout ng sindikato. Pero agad din niyang iwinaksi iyon, alam niya na malabong mangyari ang nasa isip. Bakla iyon at baka nagtatago na ito ngayon sa takot na ipahanap ng kanyang mga magulang upang kasohan.
Mula sa kinatatayuan ay hindi mapakali si Jeydon, sa tanang buhay niya ay ngayon lang nakaramdam ng nerbiyos. Nagsuot siya ng dark sunglass at kupasing maong na ibinagay bilang isang bodyguard.
"Eagle One?" tawag ni Waleed sa lalaki na nakatalikod. Tanging code name nito ang ibinigay sa kanila na kanya namang naunawaan. Alam niya na sekrito ang pagkatao ng mga ito at natuwa siya dahil pumayag ang isa sa mga ito sa kanyang alok na trabaho.
"Goodmorning, Sir!" bati ni Jeydon sa ginoo, pinatili ang pormalidad sa muka na humarap sa mag-ama.
"Thank you for the kindness of your prestigious agency and for accepting the job for my daughter's safety." Kausap ni Waled sa binata at nakipagkamay dito. "This is my daughter, her name is Ynrahd and she's the one you have to protect all the time."
"It's our pleasure, Sir, thank you for choosing us!" Tinanggap niya ang pakipagkamay nito sa kanya habang ang mga matang nakatago sa makapal na salamin ay nakatutuok sa dalaga.
Agad niyang iniwas ang tingin sa dalaga kahit hindi nito nakikita ang kanyang mga mata nang tumitig ito sa kanya. Napalunok pa siya ng sariling laway nang masilayan muli ang maamo at magandang mukha nito.