Chapter 7: Gusto ko siyang mahanap

"PSST, KUYA!" Tawag ni Ynrahd sa kanyang bodyguard, kinalabit niya ito sa braso nang ayaw siyang pansinin. Nang makita niya kanina ito ay nagbago ang kanyang isip na dispatsahin ito bilang bodyguard niya.

Parang walang narinig si Jeydon at ipinagpapatuloy lang ang pagmamaneho ng sasakyan.

"Ang suplado porkit pogi!" Kikibot-kibot ang nguso na bulong niya sa kanyang sarili nang hindi pa rin siya nilingon ng lalaki. Kahit hindi nakikita ang mata nito, alam niyang guwapo ito.

"Ang laki ng braso!" tili ni Ynrahd sa kanyang isipan habang tinititigan ang malinis na daliri nito na nakahawak sa manibela. Muling bumalik ang kaniyang tingin sa namumukol nitong braso at tumagal doon ang kaniyang tingin.

"Stop staring, masamang habit iyan," ani Jeydon. Pinalagom niya ang kanyang boses upang hindi agad makilala ng dalaga. Alam niyang hindi siya nakilala nito sa mukha dahil walang bahid na pintura iyon.

"Ang sungit mo naman, Kuya, alisin mo nga ang sunglass mo at baka hindi mo na makita ang daan."

"One more thing, ayaw ko nang makulit at matanong." Pasupladong sagot niya sa dalaga. Lihim siyang napangiti nang makita sa front mirror ang pagsimangot nito.

"Ano ba kasi ang pangalan mo?" Pangungulit muli ni Ynrahd sa lalaki, hindi inintindi ang mga sinabi nito.

Napalabi siya nang walang tugon na nakuha mula sa lalaki. Dumungaw siya at ipinatong ang baba sa sandalan ng upuan nito. Ngunit seninyasan siyang umayos ng upo kaya lalo siyang napasimangot at napahalukipkip sa kinaupuan.

"Pwede mo akong samahan?" tanong niya muli sa lalaki nang hindi makatiis dahil ang tahimik.

Walang salita na nilingon ang dalaga, nakatingin ito sa kanya at malungkot ang mukha. Seninyasan niya lang ito na ituloy kung ano ang nais at saan pupunta.

"Gusto kong hanapin ang bakla na nakakuha nang lahat ng first sa akin."

Nakita ni Ynrahd ang paghigpit nang hawak ng lalaki sa manubela nang marinig ang kanyang sinabi kung kaya lalo siyang naging madaldal.

"For sure, pogi iyon kahit bakla! Nangako siya na dadamihan niya ang round kapag nagkita kami ulit. Puno ng kapilyahan niyang pagpapatuloy

"Ang bibig mo, kababae mong tao!" hindi na nakatiis na saway niya sa dalaga. Gusto niyang hampasin ang manubela dahil sobrang bagal ng usad ng sasakyan dahil sa traffic.

Nagdiwang ang damdamin ni Ynrahd nang marinig ang banayad na tinig ng lalaki. Lalong inulan nang kapilyahan ang isip habang tinititigan ang mukha nito.

"Makikita ko rin ang mga mata mo!" nanliit ang mapupungay na mga mata na bulong niya sa kanyang sarili.

Nakahinga ng maluwag si Jeydon nang marating na rin sa wakas ang paaralan na pinapasukan ng dalaga. Second year college na ito ngunit parang bata pa rin kung umasta.

Papasok na sana sa gate ang dalaga nang may maalala, patakbo siyang bumalik sa sasakyan at kinatok ang nakasarang bintana ng kotse. "Hindi ka ba aalis dito hanggang matapos ang klase ko?"

Napalunok muna ng laway si Jeydon bago umiling. Ang lapit ng mukha ng dalaga ngayon sa kanya dahil ipinasok pa nito ang kalahati ng ulo sa nakabukas na bintana. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito at mabilis na iniharap ang mukha sa unahan ng sasakyan.

Ngumiti nang pagkatamis si Ynrahd sa binata bago tumalikod. Kitang-kita niya ang bawat galaw ng adams apple nito kanina.

"Bakla!" Masaya na sinalubong ni Geng si Ynrahd. "Welcome back, I miss you!" Nagbis-biso sila sa isa't isa.

"I miss you too, Besty!" Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan. Kung titignan sila mula sa malayo ay mukhang magkasintahan dahil nakapanlalaking suot ang bakla. Tanging sa kanya lang nito pinapakita ang tunay na katauhan.

"Mabuti at nakabalik ka pa dito, Bakla. Sobrang lungkot ko nang malaman na magta-transfer ka sa ibang bansa."

"Mamatay ako kapag tumagal pa doon, besty, kaya napilitan sila na ibalik ako dito." Ngumiti siya nang nakakaloko sa kaibigan. Kinuwento niya ang nangyari at ang ginawa nang nasa Qatar siya.

"Ay kaloka, huwag mo na ulit gawin iyon at baka matuwa sa iyo ang devil." Pinandilatan ni Geng ng mga mata si Ynrahd.

"Don't worry, never ko nang uulitin iyon dahil ayaw kong mamatay na lawit ang dila." Tumatawa niyang tugon sa baklang kaibigan.

Mula sa loob ng kotse ay matalim ang tingin ni Jeydon sa dalawang nag-uusap. Magkahawak kamay pa ang mga itong pumasok sa loob ng gate.

Lumabas ng sasakyan si Jeydon nang mawala na sa paningin ang binabantayan at ang lalaki na kasama nito. Bumuga siya ng hangin sa bibig bago nagsindi ng sigarilyo. Dalawang oras lang umano ang papasukan nitong subject sa araw na iyon kaya hindi siya maiinip sa paghintay. Kanina nang makita na nakipag beso ang babae sa lalaki, parang biglang pumait ang lasa ng kanyang laway nang lunukin niya iyon.

Habang hinihintay ang dalaga, inabala ni Jeydon ang sarili sa cell phone. Marami siyang message mula kay Dianne at ngayon niya lang naisip buksan upang basahin. Puro pangangamusta at matatamis na salita ang nakapaloob sa mensahe. Simpling ok lang ang kanyang reply dito. Biglang naalala ang ama kung kaya tinawagan niya ito. Hindi na niya namalayan ang oras habang nakipag usap sa ama at sa iba pang kaibigan.

"Siya ba ang sinasabi mo?" Pabulong na tanong ni Geng kay Ynrahd. Hinatid niya ito upang makita ang pinagmamalaki nito na maging fafa nito umano.

"Oo, umayos ka ng kilos at salita, huwag pahalata na bakla ka." Pabulong din na sagot ni Ynrahd sa kaibigan. Nakatalikod sa kanila ang binata at abala sa pakipag-usap sa cellphone.

Agad na nagpaalam si Jeydon sa ama nang maramdaman na may tao sa kanyang likuran. Inayos muna ang suot na sunglass bago humarap sa mga ito.

"Kaibigan ko at nanliligaw siya sa akin." Pakilala ni Ynrahd sa kaniyang kaibigan dito nang humarap ito sa kanila.

Tumango lang ang lalaki na ikinasimangot ni Ynrahd. Tila bato ito at wala manlang siya nakikitang kaibang reaksiyon sa mukha nito.

"Masungit nga, pero ang guwapo!" bulong ni Geng at inilapit nang husto ang bibig sa taenga ng kaibigan upang marinig siya.

Ngumiti si Ynrahd sa kaibigan at hinayaang halikan siya sa pisngi bilang paalam. Ngunit bago pa lumapat ang labi nito sa kaniyang pisngi ay napadaing ito.

"A-aray!" Nagulat si Geng nang mabilis siyang hawakan ng bantay ni Ynrahd sa braso at may kalakasan na pinisil iyon.

"Ano ang ginagawa mo?" Galit na inalis ni Ynrahd ang kamay ng binata sa balikat ng kaibigan.

"Tungkulin kong protektahan ka, ang paghalik sa iyo in public place ay hindi maganda." Walang kaemo-emosyong saad nito at hinawakan ang dalaga sa kamay upang ilayo sa kaibigan nito.

"Ok lang ako, Bhe," ani Geng sa baritonong boses habang hinihaplos ang nasaktang braso.

"Ang bad mo!" nakasimangot na ani Ynrahd nang sapilitan siyang ipanasok ng lalaki sa sasakyan. Ni hindi na niya nagawang magpaalam sa kaibigan.

Marahas na nilingon ito ni Jeydon. "Bakit ka pumapayag na halikan sa public place?"

"Excuse me, halik bilang magkaibigan lang iyon kung kaya huwag kang OA!" Inirapan niya ito, nainis siya dahil ang tingin nito sa kanya ay-easy to get.

"Kahit na, lalaki pa rin iyon."

"Pakialam mo ba? Tatay ko nga nakikipag beso-beso rin sa lalaki." Pamimilosopo niyang sagot sa binata.

"Tsk, wala ka sa lugar ng iyong ama." Iritadong turan ni Jeydon. Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo niya dito dahil hindi nawawalan ng pangatwiran.

"So kapag ikaw nakita kong nakipaghalikan sa iba, maari din ba kitang sawayin?" Nakataas ang isang kilay niya at nanunubok ang tinging ipinukol sa binata.

Kunot ang noo na sinulyapan niya ang dalaga habang nagmamaneho. " iba ang katayuan natin, trabaho ko ito at ikaw walang obligasyon sa akin."

"Trabaho mo lang na bantayan ako upang masiguro ang kaligtasan ko. Pero ang panghimasukan ang personal kong buhay ay hindi naman na yata tama bilang personal bodyguard ko?" hindi napigilan ni Ynrahd ang katabilan ng kanyang dila kapag siya ay nagtaray.

Natahimik si Jeydon, nakaramdam ng disappointment dahil sa sinabi ng babae. Tama ito, wala nga siyang karapatan at nasobrahan nga yata siya sa pagiging protective dito na hindi dapat ginawa ng isang bodyguard.

Gusto kagatin ni Ynrahd ang sariling dila nang biglang manahimik ang lalaki. Nakunsensya siya at hindi alam kung paano basagin ang katahimikan.

"Sorry!" Kagat ang ibabang labi na wika niya. Walang sagot siya na narinig mula sa lalaki kung kaya inulit niya. "Sorry na, I didn't meant it.

"Diritso na ba tayo nang uwi?" tanong ni Jeydon sa halip na sagutin ang dalaga dahil nakaramdam siya ng awkwardness.

"Ayaw ko pang umuwi," naiiyak niyang sagot dahil ramdam niya na nagtampo sa kanya ang lalaki. Habang tumatagal na kausap ito, nakikilala na niya ang boses nito at ramdam niya na ito ang baklang lalaking hinahanap niya.

"Huwag matigas ang ulo, baka ibalik ka na naman ng iyong ama sa Qatar." tonong nauubusan na siya nang pasensya dahil sa inaasta ng dalaga. Kaunti na lang ay bibigay na ang pagmamatigas niya upang hindi makilala nito.

"Hindi iyan, takot na lang nila na magpakamatay ulit ako." Parang bata na sagot niya habang nilalaro ang sariling daliri sa kamay.

Naapakan ni Jeydon ang prino nang wala sa oras sa narinig. Mabuti na lang at walang nakasunod sa kanila na sasakyan.

"Ano ang ginawa mo?" May bahid ng galit na tanong nito sa dalaga. Itinabi niya muna ang sasakyan sa isang tabi at baka madisgrasya pa sila.

"Nagbigti ako para ibalik nila ako dito sa Pinas." Pabaliwala niyang sagot na hindi nakatingin sa binata. Lihim nagdidiwang ang puso dahil nakukuha na niya ng buo ang atensiyon nito.

"Nagbibiro ka lang hindi ba?" Bahagyang tumaas ang timbre ng boses ni Jeydon. Napahigpit ang hawak niya sa manubela habang nakatingin sa front mirror.

"Hindi ah, bumigay pa nga ang kisami dahil hindi kinaya ang bigat ko!" tila proud pa na sagot niya. "Ito nga ang sugat ko sa ulo at leeg." Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa kanyang leeg upang makita nito ang pamumula niyon na hindi pa tuluyang nawala maging ang maliit na sugat sa ulo.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit mo ginawa iyon, paano kung natuloyan ka?" nakaangil niyan tanong sa dalaga. Isipin pa lang niya na nasaktan ito sa ginawang kalokohan ay nakakaramdam siya ng sobrang pag-aalala sa hindi malamang dahilan.

"Siguro nga nasiraan na ako ng bait mula nang may makilala akong bakla."

Napamura si Jeydon sa sarili dahil sa narinig mula sa dalaga. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o makunsensya sa nalaman. Parang kasalanan pa niya kung bakit naisip nito ang hindi magandang biro. Pero deep inside of his heart ay natuwa siya at malaki ang pagnanais nitong mahanap siya.