Chapter 5: Malaking pagbabago
MULA sa malayo ay tinatanaw ni Jeydon ang malaking bahay na may limang palapag ang taas. Nagbabakasakali na masilayan ang babaeng gumising sa matino niyang damdamin. Isang linggo na rin siyang ganoon, bago umuwi sa bachelor pad na kinuha nila ni Ashton ay dumadaan muna siya doon. Napatayo siya mula sa kinaupuang motor nang sa wakas ay lumabas sa malaking gate ang babaeng nais masilayan. Ngunit habol-habol ito ng dalawang guwardiya at pilit pinabalik sa loob.
"Senyorita, pakiusap bumalik na kayo sa loob. Kami ang malilintikan sa mga magulang mo kung papayagan ka naming umalis ngayon at mag-isa lang." Pakiusap ng guard kay Ynrahd.
Nakita ni Jeydon ang pag-irap ng dalaga sa guard at padabog na pumasok sa gate. Nang wala na ang dalaga ay pasimple siyang lumapit sa dalawang guard na nag-uusap.
"Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyon kung kaya napapahamak." Rinig niya na reklamo ng isa sa kasama ng guard.
"Mabuti at nakita mo na palabas. Lokong bata yun ah, inuto pa ako para makalusot palabas." Palatak na turan ng isa pa.
"Huwag muna tayo matulog ngayong gabi, baka maisipang tumakas ulit lalo na at bukas na ang flight nila patungong Qatar."
"Mawawalan na rin tayo ng sakit sa ulo pagkaalis niya bukas."
Nakaramdam ng panlulumo si Jeydon sa narinig. Inilabas niya ang sigarilyo nang mapatingin sa kanya ang isa sa lalaki upang isipin ng mga ito na napadaan lamang siya doon.
"Mga Pare, may lighter ba kayo riyan?" tanong niya sa mga ito nang makalapit siya.
"Mayroon, Pare, saan ang punta mo?" may pagdududa na tanong ng isa. Naging alerto na sila sa lahat nang napapadaan sa bahay na binabantayan mula nang madukot ang dalagang anak ng mga amo.
"Napadaan lang, Pare at hindi ako masamang tao." Ipinakita niya dito ang kanyang ID bilang isang detective agent.
"Pasensya na, Boss, naging maingat lang kami dahil sa hindi magandang nangyari noon sa anak ng amo namin." Sumaludo pa ang guard sa binata habang humihingi ng pasaylo.
"Ok lang, nakita ko ngang mukhang pasaway ang alaga ninyo at tangkang takasan pa kayo kanina." Nakangising sagot ni Jeydon.
"Ay oo, Boss, lagi kaming natatakasan kung kaya napahamak. Gustong tumakas ulit kanina kasi ayaw sumama sa ama pauwi ng Qatar upang doon na tumira."
Napangis si Jeydon pero nilukob ng lungkot ang damdamin dahil sa narinig, "mauuna na ako mga Pare, salamat sa pagsindi sa aking sigarilyo." Paalam niya sa mga ito. Mabigat ang mga paa na inihakbang palayo sa lugar na iyon.
"Saan ka galing, Bro?" tanong ni Ashton kay Jeydon pagkapasok nito ng bahay.
"Diyan lang sa tabi-tabi," walang gana niyang sagot kay Ashton at tinapik ang paa nitong nakapatong sa center table.
"Wala bang nagkamali sa iyo ngayong gabi at ganyan ang aura ng mukha mo?" Nang-aasar na biro ni Ashton sa kaibigan. Hindi niya malaman kung natalo ba ito sa sugal o nabitin sa babaeng naikama nito.
"Tsk!" He chuckle at nilampasan si Ashton.
Hindi na ito kinulit ni Ashton, kanya-kanya sila ng mundo kapag isa sa kanila ay wala sa mood.
Ibinaling na lang ni Jeydon ang buong atensyon sa trabaho kinabukasan. Nag-umpisa na rin ang pagsasanay sa mga tauhan kung kaya naging ukupado na ang kanyang isip at hindi na muli naisip ang babae. Ngunit may nagbago sa kanya na napapansin ni Ashton. Hindi na rin niya ugali ang mag-uwi ng babae sa pad nila at naging maiksi ang pasensya sa pagtuturo.
"Hindi ganiyan, mukha kang bakla sa ganyang tayo!" May kalakasang sinipa ni Jeydon sa tuhod ang isa sa lalaki na tinuturuan niya upang tumuwid ang tayo.
Walang reklamo na marinig sa lalaki kahit nasaktan. Lahat ay tahimik sa takot na mapag-initan ng kanilang head instructor at isa sa may mataas na katungkulan sa ahensya.
"Ituwid ang mga kamay sa magkabilang tabi kasabay nang pagkuyom ng kamao!" muling sigaw ni Jeydon habang nakaharap sa anim na kalalakihan.
Mabilis na sumunod ang mga ito at liyad ang dibdib na nakatayo.
"Humarap sa katunggali!" muli niyang sigaw.
Mabilis na humarap sa isa't isa ang mga ito. Nasa mukha ng mga ito ang determinasyon upang pumasa sa pagsasanay.
"Punch!"
Palitan ng suntokan ang mga ito pero kontrolado ang lakas tulad ng turo niya dahil hindi totoong kalaban ang kaharap. Umikot siya at pinanuod kung sino ang magaling umilag sa suntok.
"Kick and punch!"
Sa bilis ng kilos, nasipa ni Kerk si Carlo sa tagiliran na hindi nailagan. Hindi niya rin na-control ang lakas kung kaya napaigik ang natamaan.
"Stop!" Sigaw ni Jeydon at nilapitan ang dalawa.
Kabadong tumayo ng tuwid ang dalawa at ang iba ay ganoon na rin ang ginawa upang hindi madamay sa galit ng kanilang guro.
"Mabagal kang kumilos kung kaya nasapol ka ng iyong kalaban!" Nangangalit ang bagang na sermon niya kay Carlo.
"At ikaw!" Turo niya kay Kerk, "sa lahat ng oras lalo na sa totoong laban ay dapat kontrolado mo ang iyong lakas. Hindi biro ang magpatulog ng kalaban na hawak sa ulo, kapag nagkamali ka ay maari mo itong mapatay!"
Parehong nakayuko ang mga ulo na tumango ang dalawang binata.
"Magpahinga muna kayo!" pagtataboy ni Jeydon sa anim na kalalakihan kapagdaka.
"Eagle one!" tawag ni James kay Jeydon, kanina pa siya roon at pinapanuod ang pag-eensayo nito sa trainees ng Eagle's Wings.
"Ikaw pala, may kailangan ka?"
"Mukhang kailangan mo ng pahinga, tol, break ka muna kahit isang-araw lang." Suhestiyon ni James sa kaibigan.
Dinukot niya ang sigarilyong nasa bulsa ng pantalon bago sumagot kay James. "Salamat, 'tol, pero hindi na kailangan." Napapadalas ang kanyang paninigarilyo kapag may bumabagabag sa kanyang isipan.
"Tama si James."
Napalingon sila pareho sa nagsalita, nakapamulsa na lumapit sa kanila si Micko.
"Napansin ko na sobrang seryoso mo nitong buwan na ito. Hindi ka rin daw lumalabas upang mambabae na dati mo namang ginagawa?" dugtong pa na wika ni Micko.
Napapalatak si Jeydon at namura ang matalik na kaibigan sa isipan dahil nagawa na siyang e-chimis sa mga kasamahan.
"Salamat, siguro nga ay kailangan ko ng pahinga." Kumakamot sa batok na sumang-ayon na rin siya sa mungkahi ng mga kaibigan. Siguro nga ay kailangan niyang muli ma-refresh ang sex life upang mawala sa isipan ang dalagang huling nakaniig.
Tinapik ni Micko sa balikat si Jeydon bago ito iniwan. Ganoon din ang ginawa ni James.
"Samahan mo ako mamaya!" Pasakal niyang inakbayan si Ashton nang makasalubong ito sa hallway.
"Kung magpapakalunod ka lang naman sa alak ulit, huwag mo na akong isama, Bro." Tanggi ni Ashton habang inaalis ang braso nito sa kanyang leeg.
"Hanap tayo ng magandang chicks!" Nakangisi niyang turan, ibinalik ang dating siya.
"Hindi mo na ba naiisip si dalaginding at gusto mo ng mambabae ulit?" nakakaloko ang ngiting nakapaskil sa labi ni Ashton.
Iyon ang pang-aasar ni Ashton sa kaibigan. Nalaman niyang tinamaan ito sa babaeng nangangalang Ynrahd noong malasing ito nang husto. Naging bukambibig nito ang babae at nagsisi umano kung bakit pa nito tinikman iyon na nagpagulo sa malikot nitong puso.
"Ikaw!" Duro ni Jeydon kay Ashton, "kailan ka pa naging chismoso? Baka pati iyan ay kinuwento mo sa kasamahan natin dito?"
"Ulol! Hindi kita ipapahamak," ani Ashton at binatukan ang kaibigan.
Sila lang dalawa ang nakakaalam na nagalaw nito ang babae noon bago pa ma-rescue ito. Handa naman umano ito panagutan ang babae kung naghabol ang pamilya. Ngunit laking dismaya ng kaibigan na nanahimik ang mga ito at inilayo pa ng lugar ang babae.
Nagpasya sila na dumiritso sa beer house ni Cloud pagkatapos ng trabaho. Kilala na sila roon kung kaya diritso na sila sa loob at tumagay ng kaunti habang nagmamasid sa paligid.
"Bro, lapitan mo na ang mga iyon! Ininguso niya kay Jeydon ang isang grupo ng kababaihan na kanina pa nakatingin sa kanilang dalawa.
"Tsk mukhang mga bata pa, pinatanda lamang ng mga make-up sa mukha." Umiiling na wika ni Jeydon. Alam nila na bawal ang minor de edad sa lugar na iyon pero marami pa rin ang nakakalusot dahil pinipeke ang ID.
"Talagang namimili ka na ngayon ng babae at mukhang may phobia ka sa ganyang edad." Nakangising buska ni Ashton sa kaibigan.
"Nag-iingat lang, baka sa sunod eh mademanda na ako ng child abuse." Nakangising sagot ni Jeydon sa kaibigan. Marami na rin siyang nainum pero hindi pa rin siya ginaganahan kumuha ng babae upang e-table.
May lumapit sa kanila na dalawang babae ngunit hindi niya type na ipinagtaka niya sa kanyang sarili. Dati naman ay hindi siya ganoon basta maganda at sexy ang lumapit sa kanya ay pinapatos niya.
"Mauna na kami, Bro, hatid ko na siya pauwi." Paalam ni Ashton sa kaibigan habang nakaakbay sa magandang babae na nagpakilala sa kanila.
Nakangisi lang na tumango si Jeydon, mukhang nagkapalit na sila ng bisyo ngayon ng kaibigan.
...
HALOS hindi lumalabas ng silid si Ynrahd mula nang makarating sa Doha Qatar. Dalawang lingo na siya doon at sobrang nababagot na siya sa kanyang buhay. Maraming bawal lalo na kung lalabas. Kahit pinsan na lalaki naman ang kaharap niya ay kailangan pa ring itago ang kanyang mukha at balutin ng kasuotan ang katawan.
"Anak, pupunta tayo sa Mall, bagong bukas iyon at tiyak na malilibang ka." Aya ni Julia sa dalaga, ilang linggo na lang ay birthday na nito.
"Ano po ang bago sa Mall? Kahit sa Pinas ay mayroon at mas maraming tao." Busangot ang mukha na sagot nito sa ina.
"Hindi ka ba naiinip dito?" tanong ni Julia sa anak at hindi na pinansin ang pamimilosop nito.
"Mamatay na ako sa pagkabagot dito, Mommy! Umuwi na po tayo sa Pilipinas!" pagsusumamo niya sa kanyang ina.
Naiisip niya rin ang kanyang kaarawan, gusto niya sanang imbitahan ang mga kaibigan sa Pilipinas at e-celebrate ang kaarawan tulad nang nakagawian noong nasa Pinas siya. Ngunit dahil nasa bansang muslim sila, malabo nang mangyari ang kanyang pinapangarap para sa kanyang kaarawan ngayong taon.
"Anak, huwag nang matigas ang ulo!"
Padabog siyang tumalikod sa ina at humiga muli sa kama. Walang nagawa ito kundi iwan siya. Narinig pa niya ang pag-uusap ng magulang na masasanay din siya sa kultura doon at may hangganan din ang kanyang pagmamatigas.
"Hindi ako papayag!" Parang baliw na kausap ni Ynrahd sa kanyang sarili. Tumitig sa puting kisame habang kinakagat ang hinliliit na daliri sa kamay. Nag-iisip kung ano ang dapat gawin upang ibalik na siya sa bansang Pilipinas.