Chapter 35. Text
Halos mapugto na ang aming hininga dahil sa paglalapat ng aming mga labi. Punong puno ako nang gigil ng halikan ko si Ally dahil sa mukhang aalma pa ito kaya mas diniinan ko pa ang halik at kapit sa kayang batok. Hindi ko maintindihan para bang hindi mapatid ang pagkauhaw ko sa kanyang matamis na labi. Hindi ko na rin pa maawat awat ang pag aasam ko sa bawat halik ko sa kanya.
Alam ko na baka iniisip nito na magising si Tibo kaya bahangya pa itong na nunulak kaya naman habang tuloy kami sa paglasap, sipsip at paggalugad sa kanya kanyang loob ng bibig ay maingat naman pero medyo may kabilisan ang hakbang ko. Sinisiguro ko na hindi mag lalayo o mag-aagwat ang aming mga labi magka gaun man ay tanging pag sagap lang ng hangin ng bahagya ang naghihiwalay sa aming labi at muli na naman pagsasanib at lasapin ang tamis ng isa't isa. Tala kami pareho na mga gutom at sabik na labi ng isa't isa. Ilang sandali lang ay narating namin ang harap ng silid mabilis kong pinihit ang seradura at walang pasintabi na pumasok doon. Sinabayan ko rin ng bilis ang pag sara ng pinto at sinigurado na hindi lang nakalock basta kundi naka double lock para sure na sure na walang distorbo sa amin.
Nang maisandal ko si Ally sa pinto ay inihiwalay ko ang aking labi sa kanya. Kaagad naman gumuhit sa aking labi ang isang pilyo na ngisi dahil sa paghabol ni Ally sa aking labi. Pinagdikit ko ang aming noo halos nga'y nagkiskisan na ang aming mga ilong. Pinagmasdan ko ng mataimtim ang mukha ng babaeng tunay na tinatangi at sinisinta ng aking puso. Aaminin ko na nagagalak ako sa t'wing malaya ako na namamasdan ang mukha nito ng malapitan waring isang napakagandang obra ng isang sikat na pintor. Tunay talaga na napakagandang binibini ni Ally na sobrang umuukilkil sa puso, isip at buong sistema ko siya talaga ang lahat ko. Hibang na hibang ako sa pagmamahal ko at pagsamaba dito.
"No one can take you away from me Ally ko. Pinapangako ko na mag aaway man tayo, magkaka problema tayo maliit man o malaki, magkakainisan simple man o malala at baka nga bahagyang maglayo patayo sa isa't isa pero one thing is for sure walang maghihiwalay walang hiwalayang magaganap. Death either won't separate us. Dahil kahit si San Pedro at si Lucifer kakalabanin ko magkasama lang tayo ng paulit-ulit. Remember that you are mine my Ally, mine alone and bare in your mind that Logan Yu is not fond of sharing. I marked you, not just my property but everything in my life babe. Mahal na mahal kita Ally. Natatakot ako na baka dahil sa pagmamahal ko sayo mamental ako pag iniwan mo ako at marealize mo na hindi pala ako ang lalaki na para sayo. Yeah! I'm doubting myself so much right now. Noon alam mo ba, I'm too confident na babae ang lalapit sa akin na hindi ako mag eeffort sila ang gagawa noon for me. But you know by the time that I met you, I started to feel unconfident nalusaw 'yun lahat. Do you believe me that you made me overthink? Aba ikaw lang kasi ang hindi gwapo ang tingin sa akin at wala akong charm din sayo. Pero iba talaga ang tama ko sayo, kaya sabi ko kahit walang chance susugal ako kahit mag araro ako ng mag araro at kapitan ng linta ang itlog ko. Ganun na ako ka sobrang desperado Babe. Kaya nga hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na tayo na at akin ka na talaga . Sakin lang"buong puso ko an sabi dito habang panay ang kiskisan ng ilong namin at panaka naka na hinahalikan ang labi nito. Nababanaag ko ang ibang saya sa mukha at mata ni Ally para akong dinuduyan sa saya. I know we both feel the same. Mahal ko siya at mahal niya ako that's more important than anything.
"I'm sorry for making you feel like that. Pinipigilan ko talaga na malapit sayo. Buong durasyon ng pagkadalaga ko maraming umaaligid pero wala akong hinayaang lalaki na makalapit o maging parte ng buhay ko ikaw pa lang. Totoo yan Logan hindi ko makapa sa sarili ko ang kuneksyon na magiging dahilan para mag lalapit sa kanila. Pero iba ka, ibang iba sayo. Dahil kahit umiwas ako hinahatak ako parin ako lagi ng kung ano para lumapit o mapalapit pa sayo. I'm scared that you might hate me by the time you knew kung sino ako at bakit ako ngayon nasa harapan mo Logan. Lagi mong tatandaan Logan kung ano man ang ipinakita ko sayo, pagtrato at pagmamahal na ibibigay ko sayo ay totoo 'yun walang halong pagpapanggap. Always remember na hindi kita kayang saktan ng lubusan Logan sa puso ko gustong gusto ko na sana ikaw na talaga ang para sa akin pero may mga bagay na sadyang hanggang doon na lang talaga muna. I love you not because you're handsome, macho, mayaman at pasadin na pang rampa sa madla. I love you because you made me feel so loved. A love that sometimes I've questioned myself if I deserve that? If I really deserve Logan Yu?. You know Logan I've never been this so happy in my entire life kaya natatakot ako na baka lahat ay panandalian lang. No matter what would happen sana makapa mo sa puso mo na ang pagmamahal ko sayo ay puro at walang halong panloloko"Habang sinasabi ito ni Ally puno ng takot, luha at pagmamahal. Alam kong marami itong sekreto na hindi pa sinasabi, kung ang takot nito na hindi ko siya unawain ang dahilan ay nagkakamali siya hindi mababaw ang pagmamahal ko na inalay sa kanya.
"Babe are you saying goodbye? Bakit ba sobrong emosyonal natin? Hindi ba, you won't leave me Ally?" tanong ko alam kong may possibility na may ganun pero ayoko muna tanggapin.
"We don't know what tomorrow's could bring!. Basta mahal na mahal kita Logan sagad at apaw" sabi nito hindi na sinagot mga tanong ko kasabay noon ito ang unang sumiil ng halik sa akin. Halik na nauwi sa isang ganap na puno ng sarap at pagmamahal.
"Pwedeng matulog na tayo Logan,? Hug me please gusto kong magising na yakap mo ako sa mga bisig na 'yan. Gusto ko madama sa paggising ko ang init mula sayo Logan."puno ng lambing na sabi nito kaya agad kong niyakap ito ikang ulit binigyan ng halik ang bandang ulo at maging noo nito." I love you Logan ko, Goodnight "Muling sabi nito at agad pinikit ang mata hindi ko alam kung tulog na ba iti agad kaya naman inayos ko ang higa namin.
" I Love you more and more Ally. Goodnight My Only Probinsyana na mahal na mahal ko. Hinding hindi kita susukuan ikaw ang kahinaan at lakas ko. aikaw ang kaligayahan ko at kalungkutan. Nag iisang dahilan ba't paulit ulit akong narerecharge. Ikaw din ang magiging kamatayan ko pag nawala ka sa akin mahal ko. Mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo"pabulong kong sabi hindi naman nakatakas sa aking ang pag agos ng mga luha ni Ally. I know she's still awake. Umayos na ako ng higa at muling nag salita. "Let's make every moments extra special babe, ayoko ng parang senti tayo mahalaga mahal kita mahal mo ako. Yun muna pwede ba?" muling usal ko na may pakiusap na kumpirma ko na gising pa ng bahagyang tumango at dumilat namumula ang mga mata halatang pigil ang luha. Hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginagawa bahagya bumangon saka dumba sa akin. Nagulat ako at medyo impit na nasaktan pero ok lang ang sarap sa pakiramdam nakadapa ito sa aking katawan may bahagyang hikbi. She's strong and top sa paningin ng iba but I'm happy that she's willing na ipakita sa akin na fragile din siya na may kahinaan siya at sa akin niya kukunin ang ibang kakulangan niya.
"I didn't know what I did? Pero sobrang salamat Logan for everything, especially for loving me. Please let me sleep on top of you, pagtulog na ako ihiga mo na ako. I just want to feel your whole body that so warm against mine" patuloy na sabi nito na may hikbi pa rin sino ba ako para hindi pagbigyan ang babaeng mahal ko magaan lang naman siya so be it.
"Request granted. Sleep my future Mrs. Yu, The only woman who will carry my future son and daughter. I Love you. I won't stop saying that. Pahinga ka na Ally" Hindi ko alam kung narinig nito ang lahat dahil hindi na umimik pantay na rin ang paghinga nito. Torture na kung torture nabubuhay na naman ang init sa aking loob ng katawan kaya agad kong inihiga si Ally alam ko na tulog naman na ito. May bahid ng luha pero may ngiti sa labi. Niyakap ko na ito at hindi ko namalayan na ginupo na rin ako ng antok. Ngunit bago pa man tuluyang pumikit isang scenario ang nakita isang magandang kaganapan at yung mismo ang gagawin ko at isasakatuparan.
Nang magising kami ng umaga na iyon ay maganda ang mood namin. We spend more time together. Dapat ay babalik na kami sa bicol nina Ally but suddenly I received a text message from my Mom Joane.
Mommy J:
Son, I just want you to know that I'm so happy ng malaman ko mula kay Rutchelle that finally my baby Lo has a girlfriend. And based on what she said I know that you're so in love with her. Anak ko ang Dad mo gusto ka niyang makausap very soon but before that can we meet for a lunch?. I'm so excited to meet her. Paano niya napaibig ang kaisa isa kong anak?.. She must be so especial. Please anak pagbigyan mo naman si Mommy! … I Love you so much anak. Always remember na kakampi mo ako sa lahat.
Napabuntong hininga ako ng mabasa ang message ni Mom hindi dahil sa gusto niya makipag kita sa akin kundi doon sa gusto ako makausap ng aking Ama. Alam ko makikialam na naman siya sa mga gusto ko at kung sino ang dapat kong mahalin. Nag isip pa ako ng irereply sa Mommy ko. Mahal ko ito at miss ko na rin sadyang wala lang talagang karapatan at say sa mga desisyon ni Daddy.
Me:
Hi Mom, yeah tama ang binalita ni Rutchelle but I don't think tama ang ibang details ng kwento niya. I know that witch. Umeksena pa nga siya sa date namin at hell puro kasinungalingan ang mga sinabi in front of public. But I'm so grateful that my girlfriend didn't believe her. Mom I really don't care kahit ano pa po ang sabihin ni Dad dahil mahal na mahal ko si Ally. She's my everything. She completes me in every single way. Sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagpapahalaga at kung paano mag value ng tao. Mom I hope Dad will realise very soon na anak niya ako at hindi trabahador na pwede manduhan at diktahan lang sabay kusang susunod na agad. My life, my rules. I love you too, so much Mom and for your request I'll talk to her and let you know soon kung G kami. Stay safe Mom.. Miss you.
Bumalik ako sa loob ng sala nakita ko naman na still nanonood ang dalawa. Mas pinili namin na manatili muna dito sa condo at pero mukhang mag extend pa talaga kami ng araw dahil sa mensahe ni Mom. Hindi ko alam ang saloobin ni Alky kung okay lang ba?. One thing is for sure Dad will keep on bugging me yan lang ata traits na namana ko sa kanya. Ang pagiging makulit at pag may nagustuhan ay gusto talaga walang makakakontra at pigil pa . Tumabi ako kay Ally agad din naman itong yumakap sa akin hindi na ito nahihiya at we make sure na hindi kami PDA ng sobra sa harap ng bata. Naramdaman ko na nakitingin ito sa akin kaya ng bumaba ang tingin ko nakasalubong ko ang mga mata nito nagtatanong at may bahid ng pag-aalala. Mabilis naman akong ngumiti at bahagyang tumingin kung nakatingin sa amin ang bata sabay patak ng halik sa labi nito pero nakarinig kami ng palatak.
"Tsk. tsk. tsk. Wag nyo po akong alalahanin di ko kayo aawatin o sasawayin. Ika nga ng matatanda kapag lalong pigilan ay lalong nanggigigil at pag naman aawatin ay lalo mapipilit at magpupursigi."si Tibo iyon natawa pa kami ni Ally. Bahagyang umbante ito pataas saka may ibinulong.
"Are you okay babe? May problema ba? Care to share baka maka help ako!. Don't deny Logan. It's too obvious naman. Alam ko pag bother ka" bulong nito habang nakayakap pa saan. Sa yakap nito mas kumakalma ako nawawala ang isipin ko tama siya I need to share it on her because she's my girlfriend.
"Babe Mom texted me, they know about us. Mom is so happy para sa atin she wants to meet you soon. Gusto niya na makilala ka bago ko kausapin si Dad. Don't worry babe Mom is favored in our relationship though hindi ka pa niya na meet." Mahabang sabi ko sa pabuling na paraan para 'di marinig ng bata ang usapan.
" Tapos babe, mukhang you didn't finish yet the story. Sabihin mo muna lahat tapos ibibigay ang sagot sayo"sabi naman nito sa akin na may ngiti sa labi.
"Mukhang after kung makausap si Dad ay pipilitin niyang humarap ka kasama ako sa bahay, and babe it means we will stay longer here. But if you don't want to I call to my—" naputol ang sasabihin ko ng ilapit at idiin ni Cristine ang labi niya sa labi ko natigilan ako kinuha naman 'yun ng babae na chance to speak.
" It's a yes, Logan. Gusto ko rin naman na mameet ang Mommy mo to personally thank her for bringing you up her sa mundo. Gusto ko siyang pasalamatan dahil lahat ng saya ko ngayon ay dahil sa batang dinala niya sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan and that's you. Kung bother ka kasi magtatagal tayo dito okay lang sa akin at mukhang okay lang din kay Tibo. Babe whatever your father say just always remember mahal kita Logan sa samahan kita harapin sila sana ako rin unawain at samahan mo. "Makabuluhan bawat salita nito na parang humahagod sa buong sistema ko everything seems too perfect sana laging ganito nga kami masaya at laging sabay haharap sa mga problema.
" Salamat babe, excited na ko babe. Oh wait itext ko si Mom nagaantay na 'yun for sure sa reply ko" sabi ko sa napakaganda ko na girlfriend hindi na ako umalis sa pwesto nakayakap pa rin si Ally habang nag titipa ako ng mensahe. Hinayaan ko na mabasa niya ang message ko at pinakita ko pa ang message ni Mom lumawak ang ngiti nito sa kanyang labi.
Me:
Hi my gorgeous Mom!. Mom payag na ang girlfriend ko na soon to Mrs. Yu ko na mag meet up tayo. That would be tomorrow lunch time. Sa may Greenhills na lang Mom and may kasama kami for sure matutuwa ka din sa kasama namin. I love you Mom.
Nang ma send ko 'yun tinignan ko ang girlfriend ko na masaya at naluluha na naman.
"Why babe?" nag aalala na tanong ko.
"Such a wonderful person like you deserves all the happiness in life. Ang lambing talaga ng jowa ko at tama ba sama natin si Tibo bukas?" sabi nito napalingon pa ang bata ng marinig ang pangalan nito tumango siya napangiti ang dalawa.
"Yes, sama sama tayong tatlo bukas na Ime-meet si Mom. Family tayo diba?" sabi niya biglang tumakbo palapit ang bata at dumamda sa kanila agad naman niya na sinecure si Ally sabay pa silang tatlo na tumawa.
"Thank you Mom at Dad the best po ang pamilya na binuo natin" sabi nito habang nakayap sa kanila ng makahuma na ay nag patuloy silang na nood at this time comedy naman uta na sila sa cartoon.
Halong excitement at kaba 'yan ang dala ko sa puso ko ngayon. Hindi ko alam kung anong meron sa susunod na araw ang mahalaga naman yung ngayon muna I have Ally and Tibo and most important ay happy kami being together. Masaya ang bata but he didn't know na mas napapasaya niya kami.