CHAPTER 10: ANNOYED
IVAN
Anong oras na, kanina pa kami nag hihintay. Tapos naman na ang klase niya, bakit hindi pa siya lumalabas. Tama lang ung naisip ko na sunduin na lang siya pero andami kasing mga babae na nakakairita.
“ ang tagal” iritable kong sabi.
“ andiyan na siya” pumasok na siya na, kumunot ang noo ko bakit naman pulang pula ang mukha nito.
“ sa bahay tayo didiretso----”
“ Wag!” tumaas ang kilay ko.
“ I mean, hindi pa ako pwede umuwi saiyo kasi nga hindi pa maayos ang sitwasyon sa bahay” sagot niya.
“ hmm sige, kain na lang mmua tayo bago ka ihatid sainyo” tumango siya at agad na iniwas ang mukha, ano naman ang problema nneto
Nag hanap kami ng pwedeng mapagkakainan, ung tahimik lang at walang masyadong tingin ng tingin. Umorder na ako ng pagkain namin at tinignan si tyra na nilalaro ang phone niya, ngayon ko lang napansin na bitak pala ang screen ng phone niya.
Dumating na ung pagkain namin, tahimik kaming kumakain ng mapansin kong itinatabi niya ung sibuyas sa plato niya. Luto naman bakit di niya kinakain?
“ bakit di mo kinakain ung sibuyas??” tanong ko.
“ ayoko ng lasa niya” ngumiti ng tipid
“ kainin mo, sayang” tinignan niya ako.
“ ayoko talaga, pangit ung lasa ih” sabi niya.
“ kainin mo” kinuha niya ung itinabi niyang sibuyas, akala ko kakainin lahat ng itinabi hindi naman pala. Kumuha lang ng isa at hinalo sa pagkain niya, nag aalinlangan pa talaga na kainin.
Isinubo niya ung pagkain at mabilis niyang nilunok sabay inom ng tea, sseryoso kinain niya ng ganun at hindi nginuya.
“ kakaiba talaga” sabi niya, paanong kakaiba?? Ni hindi niya nginuya.
“ ubusin mo, wAlang matitira” sabi ko, napa buga na lang siya ng hangin.
Hindi ko inaasahan na aabutin kami ng dalawang oras sa pagkain dahil lang sa sibuyas, hirap na hirap siya sa pagkain.
“ tara na??” tumango siya, nakakatuwa lang makita ung mukha niya na hindi nasiyahan sa pagkain.
“ ung bilin ko, lumabas kana agad para hindi na bumisina” tumango siya,
Nakarating na kami pero hindi pa siya bumababa, tinignan niya ako na parang may gustong sabihin.
“ ahm i-kikiss pa ba kita?” nahihya niyang sabi.
“ kanina ka pa nakaupo diyan tapos iyon lang pala sasabihin mo??” tumango siya.
“ go kiss” napa angat ang dalawang kilay niya.
“ ano??” tanong ko.
“ saan ba??” tanong niya, napailing ako.
“ nnevermind, bumaba kana” parang napahiya pa at bumaba na nga.
“ tara na” sabi ko kay mr. raven
“ base sa information, ikaw ang unang lalaki sa buhay niya kaya nangangapa kung ano ang gagawin” sabi ni mr. Raven.
“ nEver siya nagkaroon ng BF?”
“ hindi pa, busy siya sa paghahanap buhay kaya wala siyang oras siguro doon at bata pa naman” sagot niya.
“ turuan mo na lang” dugtong niya pa.
“ ano ako sira?? Bahala siyang alamin, tuturuan ko pa talaga” sabi ko, kita ko ang palihim na ngiti ni mr. raven.
Nakauwi na kami pero hindi ko inaasahan na may bisita ako, si tita mara nanaman ang may pakana nito. Sino pa ba ang mag papauwi sakanya??
“ hindi dito ang bahay mo” sabi ko.
“ sabi ni mama dito muna ako” sabi nna
“ hindi pwede, magagalit ang asawa ko” tumayo siya.
“ I don’t care, susundin ko kung aao ang sinabi ni mama” kinuha niya ung maleta niya at tumaas na, tinignan ko si mr. raven.
“ ako na bahala sakanya” sabi nniya, tumango ako.
Si stella, anak ni tita mara. Okay naman siya pero ang pinaka ayaw ko ay ang pagiging brat niya, ano nanaman kasi ang nakain ni tita at dito niya pa ipinatira..
Tumunog ang phone, message mula kay tita na dito muna si stella hanggat hindi naayos ung bahay niya. Tsk!
Nag papalit ako ng may kumatok, hindi ko binuksan dahil nag papalit nga ako pero biglang bumukas. Mabuti na lang ay naka palit na ako
“ ano ba stella, hindi ka ba marunong mag hintay???” tanong ko
“ malay ko ba kung may nangyari na sayo” sagot niya, tinaasan ko siya ng kilay.
“ may mangyayari saakin sa mismong bahay ko??” napailing na lang ako, napansin kong pasilip silip siya at may kung ano ang tinitignan.
“ asan ung asawa mo??” tanong niya.
“ nasa bahay nila, bakit?”
“ bakit hindi siya dito tumitira?” tanong niya uli.
“ naka bakasyon lang siya muna doon, bakit ba andami mong tanong?” naiirita na ako.
“ wwala, gusto ko lang malaman ang itsura niya. Nga pala babalik ako sa pag aaral” kinuha ko ang phone ko at lumabas, sumunod naman siya.
“ good “ iyon lang sabi ko
“ same tayo ng school sabi ni mama” nilingon ko siya
“ sabi niya, pag meron ka hindi ako mahihirapan na maghanap hanap ng room ko” sabi niya pa.
“ are you not happy?” tanong niya.
“ good na babalik sa school pero iwasan mong gumawa ng gulo dahil ayokong nadadamay ang pangalan ko” bumaba na ako at sumunod parin siya.
“ alam ko na iyan, sinabihan na ako ni mama” mabuti naman kung ganun.
Umupo na ako sa sala, tumabi naman siya. Tinignan ko siya, ngumiti at umurong, napailing ako at kinuha ung phone ko para tawagan si tyra.
“ hi, anong—”
“ baby kain kana” tinignan ko si stella.
“baby, say ahhhh” sinamaan ko ng tingin si stella, nanadya ba itong babae na ito.
“ can you stop” sita ko, tumango siya.
“ sino iyon??” tanong sa kabilang linya.
“ its my—”
“ baby ano ba, ahihihihi” pparan tanga lang si stella, binabaan pa ako tuloy ng phone ni tyra.
“ ano ba pinag gagawa mo?? Kung puro kalokohan din lang pala gagawin mo dito, umalis kana lang” tuumayo ako at pumanik.
“ ivan nag bibiro lang ako” sabi niya, hindi ko siya pinansin at pumasok sa kkwarto. Tatawagan ko na uli si tyra pero naka patay na, tsk!!!