CHAPTER 14: WORST

Mr. RAVEN

Akala ko ay titino na si ivan pero pansamantala lang pala, hindi ko alam kung bakit ayaw nanaman niyang pumasok sa school at nakahilata na lang siya dito sa bahay.

“ ivan may asawA kana hindi pwpwede ganito kana lang lagi” pangaral ko, hindi ako magsasawang ituro sakanya ang tama lalo pat ngayon na nabalitaan kong binebenta ni mara ung ibang shares ni ivan na walang kaalam alam si ivan.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin dahil hindi pa ako nakakakuha ng proof, bumangon si ivan at lumabas sa kwaRto

“ anong oras uuwi si tyra?” tanong niya.

“ mamayang 5 pm pa iyon” kumuha ng cake sa ref at kumain.

“ ivan dapat bukas ay pumasok kana, konting tiis na lang matatapos kana” tinignan niya ako.

Paano na lang kaya kung siya na ang mag papatakbo ng kompanya?? Hindi nila siya rerespetuhin kong alam nilang ganito siya, papabor pa ito kay mara.

“ ivan sinasabi ko ito dahil ikaw na ang mamahala sa kompanya kapag naka pag tapos kana, iyon ang sabi ng magulang mo. Para narin itama ung mga kalokohan ng tita mo sa kompanya, napag alaman ko na ilang empleyado ang umalis dahil sa pangit na pamamalakad”

“ kung ayaw nila sa pamamalakad niya, umalis sila. Hindi naman natin kailangang ipilit ung trabaho kung ayaw nila” sagot niya, kumunot ang noo ko.

“ hindi ka man lang ba magtataka na bakit ganun?? Ilang staff ng kompanya??” tanong ko.

“ ilang taon ng namamalakad si tita at ngayon lang nagkaganyan, malay mo mga tao lang na maaarte at daig pa ang nag papa sweldo sakanila” totoo ba itong naririnig ko sakanya?? Palala siya ng palala.

“ kung ganun ibibigay mo na lang sa tita mo ang kompanya??” tumango siya.

“ im okay with my life now, may pera ako at may bahay bonus na ung asawA “ so okay na siya sa ganito? Okay na siya na ibigay na lang ang kompanya na pinag hirapan ng magulang niya??

“ hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng rason pero sana wag mong sayangin ung pinag hirapan ng magulang mo” kumunot ang noo niya.

“ hindi naman ah kaya ko nga ibibigay na lang kay tita dahil mas nakikita ko ang future ng kompanya sa kamay niya kaysa saakin, hindi ko hilig humawak ng kompanya at kung akala mong sinasayang ko, diyan ka nagkakamali”

“ I know what is right mr. Raven, hindi na ako bata para lagi mong sasabihan ng kung anong gagawin ko at kung ayaw kong pumasok wala kana don. Bakit di kana lang mag bakasyon lalo pat bilang na ang araw mo sa mundo”

“ enjoy your life mr. raven while you are breathing, wag mo akong isipin dahil kaya ko ang sarili ko. Kayo ko I handle ang relasyon ko” nadismaya ako sa narinig ko galing sakanya, isinumpa ko na gugulungin ko ang buhay ko sa pamilya nila hanggang mamatay ako pero ganito ang maririnig ko galing sakanya?

“ siguro tama ka, matanda na ako para isipin ka pa. ano nga ba saakin kung mawala ung kompanya sayo, ano nga ba saakin kung hindi ka maka pag tapos, ano nga ba saakin kung mag hirap ka. Hindi naman ako ikaw kaya bakit nga ba ako laging nangingialam sayo eh malaki kana”

“ okay, kung yan ang gusto mo sige aalis ako. Total nakakapagod ka ding pangaralan dahil hindi ka naman nakikinig. Sana hindi ka magsisi sa mga desisyon mo dahil ang gugus ko lang bago man ako mawala ay iiwan kitang walang pproblema” tumalikod na ako at pumunta na sa kwarto ko, naka salubong ko si annie na halatang narinig ang pinag usapan namin, alam ko naman ang dahilan kung bakit siya andito para matyagaan ang bawat kilos ni ivan para laging handa si mara kung sakali.

Natapos na akong mag empake, ayoko sanang iwan siya dahil iyon nga ang ipinangako ko pero anong magagawa ko kung ayaw niya saakin at kuntento na siya sa ganitong buhay?? Sana lang talaga hindi mangyari ang kutob ko.

“ mr. raven aalis ka??” si tyra, kakauwi galing school.

“ oo, hindi na ako kailangan ni ivan” sagot ko, kumunot ang noo niya.

“ paanong hindi?? Hindi naman iyon nakakagalaw kung wala ka” sagot niya, mabuti pa si tyra alam niya kung gaano ako kaimportante.

“ just let him go” lumapit saamin si ivan.

“ malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko” sabi pa niya.

“ huh?? Kung hindi mo siya kailangan, saakin na lang muna siya” sabi ni tyra, napa tingin ako kay tyra.

“ ivan, matanda na si mr. Raven. Wala siyang pamilya so sa tingin mo saan siya pupunta kung aalis siya?” tanong niya.

“ wala kana don tyra, tama lang naman si ivan na umalis na siya kasi may isip naman na si ivan” singit ni stella.

“ at problema niya na kung saan siya pumunta, labas na doon si ivan” dugtong niya pa, halata namang gusto niyang umalis ako para mabawasan ung tinik sakanila.

“ its okay tyra, aalis ako” sabi ko.

“ hindi po, antagal niyo na dito. Mumultuhin kami ng magulang ni ivan kung umalis kayo, ivan naman matakot ka sa multo” sabi niya

“ tyra matakot ka sa tao hindi sa multo” sabi ni stella.

“ hindi ka takot sa multo?? Paano pag umalis siya tapos mamaya may gumagalaw galaw sa kwarto mo kasi isa ka sa may gustong umalis siya” kita ko ang takot sa mukha ni stella.

“ ivan oh ung asawa mo may saltik nanaman” sumbong niya.

“ okay ganito, hindi siya aalis pero hindi na niya ako pwedeng pakialaman, kumbaga dito lang sa bahay ang focus niya at wala ng iba” sabi ni ivan.

“ ayon, mas okay iyon atleast settled na” sabi ni tyra, umalis na si ivan at sumunod si stella.

“ thank you” sabi ko kay tyra.

“ kailangan ka po ni ivan, hindi niya lang makita sa ngayon. Pagtiisan niyo na lang po muna” tumango ako, ang swerte ni ivan na may asawa siyang ganito kabait.