CHAPTER 13: PLAN

STELLA

“ kamusta na, nagkaka problema na ba sila ng dahil sayo?” taning ni mama, sa totoo lang hindi ko naman talaga siya tunay na ina. Anak ako sa unang asawa ni papa na aSawa niya kaya naging anak niya aako

“ iyon nga eeh ginagawa ko naman ang lahat para mag away sila pero parang napaka labo na hindi man lang sila nag aaaWay, para kasi silang walang pakialam sa isat isa” sagot ko, kumunot ang noo niya.

“ walang pakialam? Sabagay hindi na ako magtataka dahil biglaan ang nangyari sakanila, mag iiba tayo ngayon ng plano at don tayo kay tyra kung pahirapan tayo kay ivan” sabi ni mama mara.

“ anong plano po?” tanong ko.

“ makinig kang mabuti” sinabi na niya ang plano niya at nagustuhan ko, tama nga naman siya kung hindi uubra kay ivan baka kay tyra uubra na.

Diretso uwi na ako, hindi na ako pumasok at umuwi na lang. hindi ko naman inaasahan na madadatnan ko si tyra na mag isa dito.

“ si ivan??” tanong ko

“ may klase pa” sagot niya, tumango ako.

“ aalis ka?”

“ mamasyal lang, walA kasi magawa “tumango ako.

“ gusto mo samahan kita?? Iiwan mo lang din ako mag isa dito di sasama na lang ako” napa isip siya.

“ don’t worry may pera ako” sabi ko.

“ okay, tara na” nauna na siya at sumunod ako” namasynn kami sa mall, may binili ako at meron din siya pero mga gamit niya na magagamit sa school.

“ kain muna tayo bago uli mag window shopping??” tinignan niya ung oras.

“ sige” sa isang fastfood na kami pumasok.

Nag kanya kanya kami ng order, hindi naman naging boring dahil nag kwentuhan kaming dalawa. Syempre hindi ko sasayangin ung pagkakataon na ito para makilala ko siya, mas makakatulong kasi iyon sa plano ni mama

Ang aga pa para umuwi, 6 pm pa lang kaya nag iisip pa kami kung saan pupunta dahil kung saan saan na kami napadpad kanina.

“ tara inom muna tayo ng konti” paanyaya ko.

“ naku baka pagalitan tayo ni ivan” sabi niya.

“ konti lang, isang beer. Pag ganitong kagagaling sa pamamasyal mas magnda pag nag beer tayo kahit isa lang. hindi naman niya malalaman dahil nga isa lang” nginitian ko siya

“ basta isa lang ah, kilala mo naman si ivan” tumango ako.

Hinili ko na siya at pumara ng taxi, baka kasi mag bago pa ang isip. Pumunta na kami sa chill lang na inuman at nag order ako ng limang beer.

“teka sabi mo tag isa lang” angal niya.

“’ sayo isa saakin kasi kulang ang isa, pagbigyan mo na. ako naman ito at hindi ikaw” nag cheers na kami at sabay na uminom.

“ diba nakaka relax?” tumango siya.

TYRA

Akala ko ay makakaisa lang ako pero kasi nasarapan ako kaya humirit ako at hindi ko aakalain na makakarami kami, ramdam ko na ang hilo.

“ iihi lang ako” paalam ni stella, patuloy lang ako sa pag inom ng may lumapit.

“ miss can I join you?” umiling ako..

“may kasama ako” sagot ko.

“ okay lang, mag isa lang kasi ako at naghahanap ng kasama kainuman” sabi niya, saktong dumating si stella.

“ hi, caan I join you? Mag isa lang ako at ang boring ng mag isa” sabi niya kay stella..

“ sure” sagot niya, ang bilis niyang pumayag ni hindi man lang siya nag pakipot.

Nakisama na saamin ung lalaki at sila lang nag uusap, nakikipag usap saakin pero isang sagot a isang tanong lang. pag kasi di ko kilala ay hindi ko pinapansin, tinignan ko ung oras at gabi na pala.

“ tara na?” sabi ko.

“ay gabi na pala, tara na teka at ihi lang ako. Hintayin niyo na ako sa labas” sabi ni stella, tumango ako at tumayo na pero nahilo ako. Umalalay naman ung lalaki

“ okay ka lang?” tumango ako, naka alalay parin siya saakin habang palabas kami. Bakit antagal naman ni stella iihi lang naman siya.

“ sumandal ka muna saakin kung nahihilo ka parin” sabi ng nong lalaki, nahihilo talaga ako. Hindi naman ako sanay na uminom kasi at lalo pa ganun kadami.

“ okay lang” sagot ko.

“ okay lang, sandal na habang hinihintay natin ung kasama mo” hinawakan niya ung ulo ko para isandal sa dibdib niyang malawak.

“ it sEems that your more comfortable to him that i??” napamulat ung mata ko, si ivan. Ano kaya ginagawa niya dito?

“ nahihilo kasi ako kaya sumandal lang ako saglit sakanya” sagot ko, cool lang naman siya at hindi masama ang tingin.

“ ivan?” si stella, mabuti naman at dumating na siya.

“ lets go” sabi niya, nag lakad ako pero nahihilo parin ako. Mabuti na lang nahawakan ako nong lalaki.

“ hatid na kita sa sasakyan” sabi niya, hinatid naman niya ako hanggang nakasakay ako.

Tahimik ang lahat hanggang makauwi kami, si stella nag paalam na mag papahinga na siya. Ako kasi pumunta muna sa kusina para mag kkape baka kasi sakaling mawala ang hilo ko.

“ your mmarri pinapaalala ko lang sayo baka nakakalimutan mo” si ivan,.

“ wala akong ginagawang masama, alam kong kasal ako---”

“ kung alam mo hindi ka sasandal sa dibdib ng lalaking iyon” putol niya sa sasabihin ko

“ nahihilo nga ako at antagal ni stella dumating kaya sumandal muna ako saglit” sagot ko.

“ madami kang pwpwede gawin kung tutuusin, umupo kana lang sana mas okay pa kaysa sumandal ka ibang lalaki and bakit ka iinom ng madami kung hindi mo naman kaya” tinignan ko siya.

“ sorry, hindi na mauulit” sabi ko.

“ you should, ayokong nakikitang mas komportable ka sa iba kaysa sa asawa mo” tumalikod na siya at iniwan ako, napa buga na lang ako ng haangin at ininom ung kape ko.

Tumaas na ako sa kwarto at nadatnan siyang busy sa laptop niya, nag shower muna ako at after non humiga na ako.

“ mauuna na akong matutulog, ipa bukas mo na iyan” sabi ko.