NANG makaalis siya sa silid nila ng asawa niyang si Claire, halos habol ang hininga niya, at para na siyang mababaliw. Hindi niya maunawaan ang sarili niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito maalala.
Madalas niyang tingnan ang sarili niya sa malaking salamin. Wala namang nagbago sa itsura simula noon, hanggang ngayon iyon pa rin ang itsura niya. Liban na lang sa pananamit.
Naisip niyang hindi talaga nito siya natatandaan, o baka naman ibang tao pala ang babaeng nakilala niya? Kaya lang hindi siya pwedeng magkamali, dahil hindi niya malilimutan ang mukha nito. Maliba na lang kung may kakambal ito, o namatay na kapatid na babae na kamukha nito. Kaya lang nagpaimbistiga na siya, kaya sigurado siyang ito lang ang babaeng iyon, ang babaeng iniibig niya.
Umalis siya at nagtungo sa kanyang kaibigang si Jayson, doon sa bahay nito siya nagpunta. “Pare, ang laki ng problema mo, bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo na siya iyong babaeng mahal mo?” suhestiyon ni Jayson.
“Bakit ko naman sasabihin? Hayaan ko na lang maalala niya, at kung hindi niya maalala bahala siya, basta ang mahalaga sa akin asawa ko na siya,” napapangiting sambit ni Geof sa kaibigan.
“Ang sama mo!” nagulat siya ng batuhin na lang siya ng unan ni Veron. Asawa ng kaibigan niyang si jayson.
“Ano ba? Problema neto?” tanong niyang naituro pa ang babae.
“Alam mo, hindi sanay si Claire sa buhay na ipinaparanas mo sa kanya, masayahing tao siya at hindi siya tulad ng isda na ikukulong mo na lang sa isang aquarium, masayahin siya sa bahay o sa trabaho, mababaliw talaga iyon sa uri ng pagtrato mo, maawa ka naman sa babaeng iyon Geof!” pangaral pa ni Veron.
“Sabihin mo kasi, Pre, hindi tamang pinahihirapan mo ang loob niya, paano kung mahal ka na niya, at inaakala niyang may iba kang mahal, ‘di mas lalong naging kumplekado ang lahat sa inyo,” paliwanag rin ni Jayson.
Isang bagay na hindi niya naiisip. O marahil ay naging manhid lang siya dahil sa nakasanayan na niya ang ganong style ng pamumuhay. Iyong namumuhay na walang pakialam ang lahat sa kanya. Noon din ay naisip niyang magka-iba nga pala ang sitwasyon ng buhay nila.
Nang umiwi siya ng bahay nila, nalaman niyang wala ito sa kanilang silid. Umalis pala si Claire, hindi niya alam kung saan ito hahanapin, naalala niyang baka naglalasing ito sa kung saang bar. Kaya naman tinawagan na niya ang lahat ng alam niyang kakilala ni Claire, ngunit wala isa man sa mga kaibigan at kasamahan nito sa trabaho ang alam kung nasaan ang asawa niya.
Kaya nang walang na siyang ibang choice ay pinuntahan na niya ang mga magulang ni Claire, at nagpatulong sa mga ito. “Bakit kasi iniiwan mo siyang mag-isa sa malaking bahay mo?” tanong ng Mama ni Claire sa kanya.
Siya naman ay nakaluhod sa harap ng mga ito. “Sorry po, kasalanan ko po kung bakit po siya lumayas, sana po tulungan niyo akong makita siya ulit, hindi ko po kayang mawala siya,” sinsero niyang salita sa harap ng mga magulang ng kanyang asawa.
“Kung ganon ay mahal mo pala ang anak namin?” tanong ng ama ni Claire.
“Opo, mahal na mahal ko po ang anak ninyo, kaya lang hindi po niya alam ang tunay kong nararamdaman sa kanya,” nakayuko pa ring sagot niya sa ama ng asawa.
“Bayaw, isa lang ang alam kong pinupuntahan ni Ate, kapag may problema, dalin mo ito.” Sabay hagis nito sa kanya ng isang pares ng boxing globes, nasapo naman niya iyon, napatingin nalang siya rito, at naunawaan naman niya ang nais nito.
“Nasaan ba ang Ate mo?” tanong naman ng mama nila.
“Ihahatid ko na lang si Kuya sa gym ni Ate,” sabi pang muli ni Lucho. Umalis sila at sumakay ng sasakyan niya para puntahan ang nasabing gym ng ate nito.
“Ganon iyon si Ate, kapag may mabigat na pinagdadaanan, o may pinag-iisipan, magbo-boxing iyon sa gym niya, hindi niya iyon nagawang ibenta kahit na iba ang trabaho niya.” kwento pa ni Lucho, habang binabagtas nila gamit ang sasakyan niya ang kalsadang iyon, ang kalsadang natatandaan pa niya kung saan siya muntik nang mamamatay dahil sa pinatutulungan siya isang grupo ng mga gangster.
Siya naman ay nakikinig lang sa lalake, huminto sila sa tapat ng isang maliit na gym, iyong kapag pumasok ka ay malawak na lugar lang kung saan pwedeng makipag- sparing. Bumaba sila, marahang binuksan ng kapatid nito ang isang bahagi ng pintuan. Madilim ang loob at tanging mahinang liwanag lang ang naaaninaw nila.
“Ayon siya, naririnig mo, gusto talaga niya iyong hindi maliwanag, konti lang ang liwanag tamang-tama para makapag-isip siya ng malinaw. Sige, bahala ka na kuya, sana kung ano man ang problema n’yo ni Ate, maayos n’yo na.”
“Sige Lucho, maraming salamat sa tulong mo,” sabi niya. Sabay tapik niya sa balikat ng bayaw. Nagpaalam na ito at tuluyan nang umalis.
Marahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob ng maliit na studio type, na tinatawag nilang gym. Isang lugar na wala naman siyang makita o maaninaw, kundi salamin, naisip niyang paanong natawag na gyn iyon, e wala namang mga gym equipmen, tanging malinis sahig lang na man ang nakikita niya, at isang nakasabit na boxing punching bag ang naroon. Si Claire ay nakatayo sa harap no’n at walang pagod na nagsusuntok sa punching bag.
“Ano bang ginagawa mo rito?” mahina niyang tanong. Alam niyang sapat lang para marinig ni Claire ang boses niya.
“Ikaw anong ginagawa mo rito? Paano mong nalaman ang hide out ko?” tanong lang din ni Claire, habang patuloy na nagsusuntok sa punching bag. “Baka gusto mong makipag sparring?” matapang na alok nito sa kanya.
Lumapit naman siya at isinuot ang boxing globe na ibinigay sa kanya ni Lucho, “Boksingera ka ba? Alam ko hindi e,” tanong niya na sinundan rin kaagad niya ng sagot.
“Dati akong mix martial arts instructor, sabihin na nating idinagdag ko ito, para naman maging masaya ang mga makakalaban ko, tulad mo, lalabanan kita ngayon,” sabi pa nito sa kanya.
“O come on! Bakit hindi na lang tayo sa kama maglaban? Kaysa naman pinapagod mo ang katawan mo rito, wala tayong oras dito, dapat nasa bahay na tayo at naglalabing-labing….” ngunit nagulat siya ng bigla na lang siyang sugurin ni Claire, at undayan ng suntok. Hindi siya nakailag kaya naman tinaman siya sa mata. Tumumba siya at panandaliang nawalan ng ulirat.