Nalaman niya kasing verry traditional ang paniniwala ng angkan at pamilya nito. Kaya naman idinaan na lang niya sa pangigipit ang dalaga at ang buong pamilya nito.
“I’m glad na hindi ka nagka-boyfriend,” mahinang sabi niya sa babae. Iyon ang unang beses na nakapag sarilinan sila ng dalaga, kahit pa may ilang linggo na silang magkakilala at nag-aayos ng kanilang kasal. Ni hindi manlang siya nito nakilala.
Napakunot naman ang noo ni Claire sa lalake, hindi nito alam kung bakit siya naging mabait sa dalaga ng mga oras na iyon. Sa kabila ng simpleng ngiti ni Calire sa kanya, batid niyang nakakaramdam ito ng takot at pag-aalinlangan.
Ang malaking problema niya, kinain na yata ang sistema niya ng pride at hiya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa dalagang pinakasalan, na hindi naman siya masamang tao. Iniisip din niya kung paano ipadarama sa dalaga ang pagmamahal niya para dito.
Maniniwala ba ito? Kung bigla na lang niya itong halikan? Bigla na lang siyang nabobo pagdating sa diskarte. Nasaan ang Geof na kilala niya, iyong matinik sa babae. Pagdating sa isang NBSB tila tumiklop ang tuhod niya.
INIUWI siya ng binata sa napakalaking bahay nito, isang malapalasyong mansiyon pala ang tinitirhan ng lalake, inihatid siya nito sa kanyang sariling kwarto.
“Eto ang magiging kwarto mo rito, okay ka lang ba? Huwag kang kabahan, wala akong gagawing masama sa iyo,” sabi pa ng binata sa kanya sabay talikod.
“Ang Lolo mo ba talaga ang may gusto na NBSB ang mapapang-asawa mo? O ikaw lang? Kasi ang taas ng tingin mo sa sarili mo! Gusto mo sigurado ka na ikaw ang makakauna sa babaeng magiging asawa mo, kahit hindi mo naman magagawang mahalin!” hindi na niya napigilan pang sabihin sa lalaking asawa na niya ngayon.
Napatigil ito, at sandaling tumayo lang muna, hindi nito sinagot ang tanong niya, at dapat ay aalis na ito. “Sagutin mo ako!” sigaw niya.
“Bakit mo gusto mo pang malaman?”
“Dahil kahit ngayon lang gusto kong makasiguro na tama ang naging desisyon kong isakripisyo ang kaligayahan ko,” naiiyak niyang sabi.
“Bakit, may kaligayahan pa bang naghihintay sa iyo? May boyfriend ka bang magbibigay sa iyo ng magandang future?”
“Wala! Pero hindi dahilan iyon, para wasakin ko ang buhay ko!”
“Hindi pagwawasak ng buhay ang magpakasal sa akin, kaya kong ibigay ang magandang future na gusto mo! Naintindihan mo!” sigaw pa nito sa kanya, sabay tuluyang umalis sa loob ng silid niya.
Alam naman niyang imposibleng magustuhan siya ni Geof, pero umaasa pa rin siya na hindi lang material na bagay ang maibibigay nito sa kanya. Kahit manlang relasyon bilang magkaibigan.
Nang hatinggabi na nagulat siya nang may malakas na katok mula sa labas ng silid niya ang kanyang narinig.
Malakas ang kabog ng dibdib niya, para nang lalabas ang puso niya sa sobrang takot kung sino ang kumakatok sa ganoong oras, hindi tumitigil ang katok kaya naman naglakas loob na siyang tumayo, at marahang binuksan ang pintuan. Nagulat pa siya ng bigla na lang bumagsak ang asawa niya sa kanyang harapan.
Mabuti na lang at nasalo niya ito sabay pa silang bumagsak sa sahig, at napahiga na lang sa kandungan niya ang lasing na lalake, “Anong dahilan at narito ka? Bakit lasing na lasing ka?”
Naguguluhan man si Claire ay marahan niyang tinayo ang lalake, ubod lakas niya itongt hinila patungo sa kama niya, at maayos na inihiga ito doon. “Alam mo, may mahal akong babae,” sabi pa nito habang nakapikit.
Napatigil siya, naisip niya tuloy na maaring nahihirapan ang binata dahil may mahal pala itong babae, “Sinong mahal mo? Bakit hindi na lang siya ang pinakasalan mo?” tanong niya sa lalake, bagamat alam niyang maaring mali ang sagot na marinig niya dahil lasing ito.
“Isa siyang matapang na babae, kaso lang hindi na niya ako kilala, hindi niya ako nakilala, nakalimutan na niya ako,” sabi pa ni Geof.
“Edi sana nagpakilala ka,” wala sa loob na sagot niya sa binata. Habang nakakadama naman siya ng matinding kirot sa puso niya.
Napahawak siya roon, at mahinang pinakiramdaman ang bawat pintig nito sa dibdib niya.
Nahawakan naman ng lalaki ang kamay niya, “Alam mo masaya ako na hinintay mo ako, buti na lang hinintay mo ako,” sabi pa nito habang hawak ang kamay niya. Kinuhanan niya ito ng bimpo at marahang pinunasan ang mukha nito. Hindi niya nagawang palitan ng damit ang lalake dahil hindi niya alam kung saan nakalagak ang mga gamit nito. Sumalampak na lamang siya sa sahig habang nakatunghay sa mukha ng kanyang asawa, na bagamat bago pa lang niyang nakikilala ay mahal na niya yata.
UMAGA na ang magising siya, ngunit nagulat siya nang nakahiga na siya sa kanyang kama, marahil ay nagising si Geof at binuhat siya nito at inihiga sa kama.
Nagulat pa siya nang biglang lumabas mula sa loob ng banyo ang lalaking si Geof, nanlaki ang mga mata niya nang makita itong top less at nabalot lang ng towel ang baywang nito hanggang baba.
“A-anong ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong niya.
Itinuro naman nito ang pinanggalingang banyo, “Nag-shower.”
“Nag-shower ka rito sa loob ng kwarto ko? Diyan mismo sa loob ng banyo ko?” gulat pa rin niyang tanong.
“Oo, bakit bawal bang mag-shower, aalis ako ng maaga kaya naman hindi kita masasabayang kumain ng breakfast,” sabi pa nito habang tuloy-tuloy na pumapasok sa loob ng walk in closet.
Napatayo naman siya sa kama, at sinundan ang lalaki, “S-sandali lang!” ngunit nagulat siya ng makitang nakahubad na ang lalaki dahil nagbibihis nga ito. Nanlaki ang mga mata niya pero bigla siyang napapikit at tumalikod, lumabas siya ng walk in closet.
“Bakit ngayon ka lang nakakita nito?” tanong ni Geof sa kanya na nagbibiro dahil pikit na pikit ang kanyang mga mata. Inakala niyang wala pa ring saplot ang binata kaya naman hindi niya magawang imulat ang mga mata niya.
“Dumilat kana, nakabihis na ako, Miss NBSB, ang hirap mo palang biruin!” sambit sa kanya ni Geof.
“Ano! B-bakit kasi dito ka naliligo, at nagbibihis? Wala ka bang sariling banyo sa kwarto mo?” nakasimangot niyang tanong sa binata habang yakap ang sarili niya, naalala niya nga palang wala siyang suot na bra.
“Bakit? Dito ang kwarto ko, sino bang may sabi sa iyong lilipat ako ng kwarto?” tanong ng lalaki habang nagsusuot ng medyas, at sapatos.
“Ano? Ang akala ko ba kuwarto ko ito?” nakapamaywang pang tanong niya. “Bakit dito mo ako dinala kagabi, tapos umalis ka?”
“Oo dito kita dinala, dahil ito ang kwarto natin,” sabi pa nito na nakatitig sa kanya.