ILANG oras din ang tinagal ng lahat ng examine niya sa isang pribadong clinic. Lahat naman ay naroon na, tiningnan kung birhen pa siya at marami pang check up ang pinagdaanan niya. Naiinis siya dahil sa mga ipinagawa ng lalaking iyon. Sa ayaw niya at sa gusto ay dadaan siya ganoong eksamin.
“Ang yabang, akala mo kung sinong napakalinis at ginto!” bulalas pa niya sa isipan niya.
Nagulat na lang siya nang makita ang mga magulang niyang papalapit na sa kanya. Nanlaki pa lalo ang mga mata niya nang makita niya na naman ang lalakeng kanina lang ay nakikipag deal sa kanya.
“Anak, kumusta ka?” tanong ng mama niya kasunod nito ang papa niya.
“A-ayos naman po ako, b-bakit po narito kayo?” napapamaang niyang tanong sa mga magulang.
“Naaksidente ka raw anak, at itong si Mr. Villa Cruz ang nagligtas sa iyo at nagdala rito sa clinic,” paliwanag naman ng Papa niya.
Napatingin naman siya sa lalaking noo’y hindi pa nga niya kilala o alam ang pangalan, “Ako ho? Na aksidente? A oo….” napa oo na lang siya kahit na naiinis dahil kinakailangan pa n’yang magsinungaling sa mga magulang.
“Am, ako nga po pala si Geof Villa Cruz, ako po ang fiancee nitong si Claire,” napanganga naman ang mga magulang ni Claire sa mga narinig.
“Ano? F-fiancee? E ni wala ngang nobyo ang babaeng ito, magiging fiancee ka pa niya?” nagugulat na sambit ng kanyang ina.
Napahawak sa dibdib ang Papa niya, “Anong ibig mong sabihin? Mr. Villa Cruz? Paano mong nasabi na fiancee ka ng anak namin?”
“Pasensiya na po kayo pero ngayon lang po namin sinabi sa inyo, ngayon lang po namin naisip na ituloy ang plano naming pagpapaksal, mahiyain po kasi itong anak niyo.” Lumapit pa ito sa kanya at saka inakbayan siya.
Nanlalaki na lang ang matang tumutig sa kanya, at hindi makakibo ang mga magulang niya, lalo pa nang malaman ng mga ito kung sino, at gaano kayaman ang lalaking gustong magpakasal sa anak nila.
Nang makauwi na sila, ay kuta-kutakot na kurot at hampas ang inabot niya sa kanyang mga mama. “Claire magsabi ka ng totoo! Alam naming hindi totoo ang mga sinasabi ng lalaking iyon sa amin!”
“Ma, paniwalaan niyo na lang, at iyon na lang din ang ipagkalat niyo sa lahat ng mga kamag-anak natin! Tutal puro pangbaabatikos na lang naman din ang inaani ng pamilya natin sa kanila, ngayon may ipagmamalaki na tayo!” umiiyak niyang katwiran sa kanyang ina.
Iyon na lang ang sinabi niya upang hindi na masyadong magtanong ang mga magulang niya sa kanya, upang hindi na rin mapasama ang buong pamilya niya. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ang lalaking iyon, pero alam niyang kaya nitong gawin ang lahat ng mga banta nito. Nakita niyang napakayaman nito at sa isang pitik lang ng mga daliri ay marami na itong napapakilos.
ISANG LINGGO lang ang lumipas at naayos na ang lahat ng kakailanganin sa kasal nila, naroon ang lahat ng mga kamag-anak nila, at kakilala, mga kaibigan niya at ilang mga kakilala ni Geof.
Rinig niya ang mga samo’t saring hakahaka ng mga tao patungkol sa biglaang pagpapakasal niya. Pero hindi na niya inisip iyon, ang inisip na lang niya ay ang mga taong isinaalang-alang niya para hindi mapahamak, nakita niya ang lolo ng binata, at nakausap pa niya.
Masaya rin ang lolo ni Geof sa pagpapakasal ng apo nito sa kanya, hinihintay na lang pala nito ang kamatayan, hindi niya nais hilingin ngunit ang kamatayan nito ay ang siyang paglaya niya mula sa kamay ng lalaking pinakasalan niya. Na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin niya kilala.
“Natatakot ako, na baka mamaya ay isang halimaw pala ang pinakasalan ko, baka mamaya tama palang naging NBSB na lang ako habang buhay,” daing niya sa sariling isipan, habang tinutunghayan ang lalaking pinakasalan niya na nakikipag-usap sa mga kakilala nito.
“Anak, kung ano man ang mangyari sa iyo, umuwi ka kaaagad sa bahay ha, alam kong natatakot ka ngayon, lakasan mo lang ang loob mo,” habilin ng kanyang ina. Na noo’y walang tigil sa kaiiyak. Ang papa naman niya ay nakatunghay lang at tahimik. Alam niyang nag-aalala rin ito, ngunit walang magawa.
“Ate, ingat ka doon ha, kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako,” sabi naman ni Lucho, na walang kaalam-alam sa kanyang kinatatakutang kalagayan.
Natapos ang kasalan, sumakay na sila sa malaking sasakyan nito na kulang na lang ay maging bahay ng ilang tao sa laki. Tahimik siyang sumakay doon.
HINDI AKALAIN ni Geof na matatagpuan pa niya ang unang babaeng minahal niya, ilang taon na ang nakakaraan, high school student pa lang siya no’n. Nang makilala niya si Claire, alam niyang matanda siya ng tatlong taon sa dalaga, ngunit dahil sa pagiging pasaway niya natagalan bago siya makapagtapos ng high school.
Ilang kalalakihan ang tumangbang sa kanya, ngunit hindi niya kinaya ang mga lalaking iyon, isang matapang na babae ang humarap sa mga gangster na iyon, at ipinagtanggol siya.
Iyon ang una at huling pagkikita nila, ngunit natandaan niya ang mukha nito at ang pangalang nakasabit sa kaliwang bahagi ng damit nito. Nabasa niya Claire Dela Cruz, hindi niya nakalimutan ang mukha nito.
Hanggang sa dalin na siya ng mga magulang niya sa ibang bansa upang doon na manirahan at mag-aral, nang makapagtapos siya ng pag-aaral at tuluyang naging CEO ng kumpanya, inakala niyang hindi na niya ito makikita. Ngunit isang pangyayari ang naging dahilan para hanapin niya ang dalaga. Gusto kasi ng lolo niya na mag-asawa na siya, gusto ng lolo niya na bago manlang ito mamaalam ay makita siya nitong ikinasal at malagay sa isang tahimik na buhay.
Sawa na raw itong makita siyang pariwara, na ni minsan ay hindi nagpakilala ng babaeng nakarelasyon niya. Hindi naman sa wala siyang nakarelasyon, pero lahat iyon ay hindi naman seryoso, relasyong pang kama lang wika nga ng iba. Never pa siyang nagseryoso sa isang babae.
Dahil sa babaeng tumatak na sa puso at isipan niya.
Kaya naman ipinahanap na niya sa isang private detective ang babaeng ninanais niyang iharap sa altar at makasama sa habang buhay. Ipinagdarasal nga niya na wala pa itong asawa kahit na alam niyang nasa thirties na rin ito.
Naisip na niyang ipapatay kung sino man ang lalaking napang-asawa nito, ganon niya kagusto ang dalaga, kaya naman ng malaman niyang NBSB ang naging bansag sa dalaga, ginamit na niyang dahilan iyon para hindi na ito tumanggi sa alok niyang kasal.