Chapter 15: Old Friend
Bahagyang lumapit sa akin si Yohan."Sinong maghahatid sa iyo?" tanong niya.
Wow, concern siya! Ito na ba ang start ng aming love story???
"Wag na, kaya ko ng umuwe,” sabi ko at nginitian lang siya. Syempre, pabebe muna tayo. Tandaan niyo girls, hindi dapat tayo easy to get.
"Insan, hatid—"
"Ayoko!"sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.
"Eliz, ako na maghahatid sayo—"Naputol ang sinasabi ni Yohan ng hawakan siya sa balikat ni Ruhan. Nagkatinginan silang magkapatid na para bang nag-uusap gamit ang isip nila. Anong nangyayare sa dalawang 'to?
"Hoy, para kayong magsasaksakan dyan,"puna ko at nag-iwas sila ng tingin sa isa't-isa.
"Si Ruhan na ang maghahatid sa iyo, Eliz. Sige na at baka gabihin kayo,"sabi ni Yohan habang nakatingin kay Ruhan.
"Huh? Akala ko ba ay si Yohan—"
"Tara na,"sabi ni Ruhan at itinulak ako palabas kaya hindi ko na natituloy ang sinasabi ko.
What the? Parang pinapalayas na ako ni Ruhan sa bahay nila ah? Kung makatulak ay wagas eh. Hindi manlang ako nakapag-paalam sa kuya niya.
Hindi na ako nagsalita pa at sumakay na sa kotse ni Ruhan. Medyo may kalayuan ang bahay nila mula sa bahay namin dahil magkaiba kami ng village. Mga 30 minutes siguro ang biyahe?
"Ruru, pwede magtanong?"wika ko at napatingin siya sakin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
"Ruru? Saan mo namang parte ng mundo nakuha iyan?"tanong niya at para bang naiinis.
"Mundo agad? Ang haba kasi ng pangalan mo. Ruhan, kaya para maikli, Ruru nalang," Sabi ko then I realized na parehong two syllables lang iyon. Hayaan na, atleast nainis ko si Ruhan. "Tss, puro ka kalokohan."Sabi niya at pinagpatuloy lang ang pagmamaneho. Cute naman yung Ruru di'ba?
"Paano ka nga pala naging gangster?" hindi ko na napigilan ang magtanong.
"Gusto mo talagang malaman?"Walang emosyong sabi niya sakin at tumango ako.
"Noong mga araw na iyon, napag-usapaan naming apat na maging gangster. Sa totoo lang, hindi naman kapag sinabing gangster ay masama na, sometimes, we do undercovers to help people,"paliwanag niya.
"So you mean... ginusto niyo lang na pasukin ang gangster thing na iyan? Akala ko pa naman ay nasa pamilya niyo na ang pagiging gangster,"sabi ko,"Pero hindi ba nagalit ang parents mo? Delikado iyang pinasok niyo eh."
"Noong una, nagalit sila pero in the end, sinuportahan nila ako. It takes 5 months para lang mapapayag sila sa gusto ko."
"Eh sino naman yung nag-influence sa inyo?"
For sure, may nakilala sila or baka naging kaibigan din nila. "Hindi mo na kailangang malaman pa,"
“Bakit naman—"
"We're here," ani Ruhan kaya napatingin ako sa labas at tama siya, nasa bahay na kami.
"Tss, ang daya!"asik ko sa kanya at lumabas ng kotse. Ako na ang nagbukas dahil naiinis ako sa kanya. Mahirap ba sagutin yung tanong ko? Feeling ko may hindi siya sinasabi sakin. I mean, parang kulang yung details na sinasabi niya? May sinisikreto siya sakin.
"Eliz,"tawag sakin ni Ruhan pero hindi ko siya pinansin at naglakad papalayo sa kanya. Ilang hakbang lang ang layo ko sa kanya ng muli siyang magsalita.
"Eliz, wag si Yohan,"sabi niya at ini-start na ang kotse at mabilis na umalis.
Anong ibig niyang sabihing wag si Yohan? Hindi kaya... wahhh!! Alam niya ba na may crush ako sa kuya niya?! Crush lang naman eh!
__
Tomorrow is the 21st anniversary of Cortejo Campus, nagdadalawang isip pa nga kami kung dapat ba kaming magdiwang dahil nga sa naganap na kaguluhan kama-kailan lamang. Marami na din ang nag-take ng online classes dahil natakot sila naa baka maulit ang nangyare.
Kinausap ko na si Lolo Sev at pinag-meetingan naman ang mga dapat naming gawin. Ang pagsasagawa ng ganitong event ay talaga namang kailangang pag-isipang mabuti.
"Are you sure Lolo? Hindi ba't delikado ang gagawin natin?"tanong ko kay Lolo.
"Iyan din ang iniisip ko pero hindi lang ako ang nagdesisyon nito kundi ang buong campus. Besides, desisyon na nila kung pupunta sila oh hindi." Hindi lang mga estudyante ang mapapahamak kung sakaling maulit ang nangyare kundi ang pangalan ng school namin kaya dapat talaga itong pag-usapang mabuti.
In the end, napag-desisyunan na namin na ituloy ang selebrasyon. At bilang kasiguraduhan ay maglalagay si Lolo Sev ng mga police, inside and outside the school for safety.
Also, he hired a hundred of bodyguards. Cool, right? Kahit naman nagdududa ako sa plano na ito ay wala akong magagawa. Kaya naman kanina ay sinabihan na namin ang lahat ng clubs and organization para mag-plano.
"Elie!"
Okay, tama ba iyong dinig ko? Elie. Isa lang ang tumatawag sakin ng ganyan. Lumingon ako sa paligid at tama ako. Kahit medyo shock ako na makita siya dito ay tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Carrie! What are you doing here? Kailan ka pa umuwe?"sunod-sunod na tanong ko sabay yakap sa kanya.
Caira Montemar pero minsan eh Carrie ang tawag ko sa kanya, my bestfriend since elementary and I missed her so much. "Kanina lang ako dumating then, nalaman ko na dito ka nag-aaral kaya pumunta ako. God! I miss you!"
"So do I, hindi ko akalaing magkikita tayo muli." Ang sabi kasi niya noong umalis siya ay baka hindi na kami magkita kaya hindi na din ako umasa. Magkaklase kami nung grade 1 hanggang grade 6 pero umalis na siya ng Pilipinas dahil kailangan nilang asikasuhin yung business nila sa Canada.
Sobrang lungkot ko noon kasi para na kaming magkapatid. "Kamusta ka? I heard may mga death threats ka ah?"alalang tanong niya kaya naman napabuntong-hininga ako.
Sabi kasi ni Lolo ay bawasan ko ang pakikipag-interract sa mga friend ko dahil baka madamay sila. Pero hindi ko ata kaya yun. "Yeah, don't worry kasi inaayos na ni Lolo iyon,"sabi ko.
"Uhm Eliz, kaya nga pala ako nagpunta dito kasi may sasabihin ako sayo,"seryosong sabi niya kaya naman binalingan ko siya ng atensyon.
Alam niyo kasi, minsan lang magseryoso si Carrie. May pagka-baliw rin kasi ito minsan. And kapag seryoso siya, it means urgent yung sasabihin niya.
"What is it?"Tanong ko at nag-inhale exhale muna siya. Kung ano man ang ibabalita niya, for sure it’s very important.
"Cairo is back,"sabi niya kaya naman nagulat ako. Noong una ay akala ko nagkamali lang ako ng dinig pero…
Cairo is back...
Cairo is back...
Cairo is back...
Cairo is back...
"W-what... si C-cairo?"Hindi makapaniwalang bigkas ko at kusang bumalik sa isip ko ang huling pagkikita namin ni Cairo.