Chapter 14: What is Love?
Shanize’s Point of View
"Miss Shanize, naka-handa na ang gabihan,"sabi noong maid kaya naman napaisip ako ng bongga.
Gabihan? Bakit ihahanda ang gabi?
"Uh? Anong gabihan?"tanong ko habang nagkakunot ang noo.
"Kakain na po,"paglilinaw ni Alyna.
E-eh? She means dinner? As in—basta!
"Geh susunod ako,"sabi ko kay Alyna at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Si Alyna talaga kung ano-ano nasa utak.
Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang maid dito samin dahil ang nanay niya ang mayordoma namin dito. Matagal na siya dito kaya naman may tiwala ako sa kanya. Minsan din ay nagku-kwentuhan kami. Dahil isang taon lang naman ang tanda niya sa akin. She’s seventeen years old, and I’m sixteen.
Gabihan huh? Hapunan talaga yun! Akala ko pa naman kung anong gabihan.
KRIING!! KRIING!!
Kinuha ko ang phone ko na nasa ilalim ng unan.
It's Ate Eliz. "Hello Ate Eliz!"
"Hey, nasa kwarto ka? Punta ka dito sa kwarto ko."
"Ano namang kailangan mo?" paniguradong may iuutos na naman ‘to.
"Basta, magku-kwentuhan lang tayo!"
"Ugh! Fine!" Inis na sabi ko.
Tumayo ako at pumunta sa katabing kwarto. Yes, katabi ko lang yung kwarto ni Ate Eliz at oa lang talaga na may pa-tawag tawag pang nalalaman. "Ano ba kasi ang kelangan ni Ate?!"asik ko sa sarili ko habang palabas ng kwarto ko.
Pwede naman siya ang pumunta, bakit ako pa? Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang naka-dapa sa kama. "What?"nakataas-kilay kong sabi.
Tinapik niya yung kama na ipinapahiwatig sakin na umupo ako. "Pano mo malalaman kung inlove ka?"Biglang tanong niya na ikinagulat ko.
Inlove? "Ate naman! Sakin ka pa nagtanong eh kita mo ngang wala akong karanasan diyan, may lumapit nga lang saking lalaki, si Dad kung maka-react akala mo naman ay nabuntis ako!"Singhal ko kaya natawa siya.
I'm serious, super-duper protective sakin si Dad pero naiintindihan ko naman siya. "Pero kahit ganun, marami akong nababasa at naririnig sa tabi-tabi." Sabi ko kaya nagseryoso siya ng tingin.
"Tell me, ano nalalaman mo?"
"Well, una sa lahat ay kinakabahan ka kapag nakikita yung isang tao,"sabi ko. Napaisip naman siya sa sinabi ko. Totoo iyon sapagkat ako mismo ay nakaramdam ng ganun. Naalala ko noong elementary ako, may isang lalaki na naging crush ko.
Parehas sila ng utak ng Ate ko, pabago-bago ang mood, minsan mabait, minsan masungit. Nung first time na magkita kami eh hindi maganda. Bakit? Dahil pinatid niya lang naman ako!
Kita niyo na? Bata palang pero masama na ugali. Tapos bigla nalang bumait sakin, may topak ata yun eh. "Second. Ayaw mong nakikitang nasasaktan or napapahamak siya,"sabi ko pa.
Muli siyang napa-isip. Tss umaastang nag-iisip eh may problema nga sa utak si ate. Pero... napaisip din ako sa sinabi ko. Naalala ko kasi yung time na binu-bully ako ng mga bata, ayokong lumaban kasi baka ako naman yung mapasama pero... dumating siya at pinagtanggol niya ako.
Wala siyang pakealam kahit mapa-guidance pa siya or whatever. "So? Kanino ka ba nai-inlove? Luma-lovelife kana rin eh,"sabi ko at nag-pout pa.
"Wala! Tsupi alis na nga!"sabi niya kaya sinimangutan ko siya. Kitams? Kanina pilit akong pinapapunta dito tapos ngayon pinapaalis akong parang aso?
Lakas ng saltik.
"Bahala ka! Kakain na eh bumaba na tayo!"sigaw ko at lumabas ng kwarto.
Eliz’s Point of View
Nandito ulit kami sa bahay nina Tita Light dahil gusto daw dalawin ni Mommy ni Ruhan. Akala mo naman ay malala ang lagay ni Ruhan eh ayun nga't buhay pa.
"Light, paano nga ba naging gangster itong si Ruhan? Pati nga iyang pamangkin kong si Nathan ay hindi nagsasabi sakin," tanong ni Mommy kay Tita Light.
Tss, bwiset na Nathan iyan. Hindi manlang nagsasabi sakin na isa pala siyang gangster. Kung hindi pa nagkaroon ng kaguluhan sa campus eh hindi ko malalaman, humanda ka sakin.
"Hay naku Ailyn, hindi ko nga din alam kay Ruhan kung saan niya nakuha iyang idea na iyan. Basta isang araw sabi niya eh gusto niya maging ganyan," sabi ni Tita Light at umiling-iling pa.
Sabi na at sira ang ulo niyang si Ruhan eh, akala ko pa naman ay gangster din itong sina Tita Light at Tito Dark kaya naman naging gangster si Ruhan. "Mommy, I thought may kailangan kayong gawin sa airline?"Biglang sabi ko at napatingin si Mommy sa relo niya.
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa orasan. She's late.
"Eliz, dito ka muna ha? Susunduin nalang kita mamaya. Okay?"sabi sakin ni Mommy.
"Wag mo nang sunduin iyang anak mo Ailyn, ipapahatid ko nalang siya kay Ruhan,"wika ni Tita Light kaya nanlaki ang mata ko. What was that?!
Nandyan naman si Nathan, sa kanya nalang ako magpapahatid pero parang trip ko yatang sungitan siya dahil sa pagsisikreto niya sakin. Hindi ko na namalayan na naka-alis na pala si Mommy.
See? Napaka-kampante na iwan ako dito. Naglakad ako papunta sa couch dahil sumasakit na ang binti ko, inilapag ko sa aking tabi ang slingbag ko.
"Ahm.. Tita, matagal na po bang gangster si Ruhan?" tanong ko kaya napaisip si Tita Light na noon ay naka-upo sa harapan ko.
"Mga five years na siguro?" Wow, ang tagal na pala ha? Ibig sabihin ay limang taon nang nabubuhay sa gangster world si Nathan tapos hindi manlang nagsabi? Napaka-buting pinsan.
At talagang noong umalis pa ako papnuta sa Japan, nice.
Umalis muna sandali si Tita Light dahil magluluto pa daw siya ng dinner nila at ako naman ay naglibot-libot muna. Malaki ang bahay nina Ruhan, maraming pasikot-sikot kaya malamang ay maliligaw ako nito. Napukaw ang atensyon ko sa isang kwarto na kulay itim ang pinto. Pumasok ako at nadatnan ko ang sari-saring mga weapons. May baril, iba't-ibang uri ng espada at kung ano-ano pa.
Marunong akong gumamit ng baril pero never akong nagdala ng baril. Nakakatakot kaya.
Lalabas na sana ako ng biglang may pumigil sa akin, tumunghay ako para makita kung sino ang nabunggo ko."Sorry—Yohan?"Nagulat ako ng nasa harapan ko si Yohan, yung kapatid ni Ruhan.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong sakin ni Yohan at sinuri ang paligid. Siguro ay tinitingnan niya kung may kasama ako.
"Ah, naglilibot lang ako."
"Tara na, hinahanap ka na nila Nathan kanina pa," sabi niya at tumalikod papunta sa pinto. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa sala at nandoon ang apat.
"Insan!"tawag sakin ni Nathan pero tinarayan ko lang siya. Hmp!
"Mauna na kami Ruhan, bukas nalang."pagpapaalam nina Shin at Kean. Umalis na sina Shin at Kean, umupo naman ako doon sa single couch at tiningnan ang tatlo.
"Huy insan! Sorry na!". Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo Nathan! Kahit kailangan, napaka-isip bata neto. Tss.
"Bahala ka dyan, uuwi na ako! Babush!"Sabi ko at tumayo at kinuha yung slingbag ko.