Chapter 8: Sasama ako.
ISANG LINGGO na ang nakalipas at hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pangungulit si Luxary. Wala talaga siyang pakialam kung sakaling may karelasyon akong iba na baka iyon ang maging dahilan ng paghihiwalay namin. Sa sobrang kulit niya, araw-araw na siyang pumupunta rito para gambalain lang ako.
Tulad na lang ngayon. Umagang-umaga ay nandito na naman siya sa apartment at nakikikape.
"Pagkatapos mo diyan. Umalis ka na," pagtataboy ko sa kaniya.
"Kararating ko lang paaalisin mo na agad ako," ingit niya.
"May sinabi ba akong pumunta ka rito?" mataray kong tanong.
"Wala,"
"'Yon naman pala--"
"Pero baka ma-miss mo ang ka-g'wapuhan ko," mahangin niyang sabi at kumindat pa.
"Ha-ha-ha. Hindi ko kailangan 'yang pangit mong mukha," iritableng saad ko.
"Ouch! Pangit ba talaga ako?" madrama niyang tanong.
Inirapan ko siya saka ako nag cross-arm.
"Oo." Mariin kong sambit. "Kaya bilisan mo na lang diyan at para makaalis ka na, ayokong makita ang pangit mong mukha."
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabing g'wapo ako."
"Bahala ka diyan, ako na lang ang aalis."
"Edi sasama ako sa'yo."
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Naiinis ako dahil sobrang kulit talaga ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?!" sigaw ko na sa inis.
"Umalis ka na lang kase at 'wag ka nang babalik!"
"Kalmahan mo lang, kahit anong pananaboy mo sa akin. Hinding-hindi kita tatantanan."
"Tang--! Ano ba talagang gusto mo, ha?" nagtatagis na ang bagang ko sa inis.
"Ikaw."
Marahas akong bumuntong hininga bago tumango-tango sa kaniya. Nagtatagis pa rin ang bagang ko dahil sa pagtitimpi. Umupo ako paharap sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya.
"Ako ang gusto mo 'di ba? Sige, pagbibigyan kita pero pagkatapos nito. 'Wag na 'wag ka na ulit magpapakita sa akin," mariin kong sabi saka ko siya hinalikan sa mga labi.
Nakayakap na ako sa batok niya habang naghahalikan kaming dalawa. Palalim na ng palalim ang bawat halik namin sa isa't isa hanggang sa tumigil siya sa pagtugon sa labi ko bago siya bumulong sa tainga ko.
"Hindi ito ang gusto kong makuha mula sa'yo," habol ang kaniyang hiningang bulong niya sa akin.
Padabog akong tumayo paalis sa kaniya at tinignan siya ng masama.
"Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin? Hindi naman ako manghuhula."
"Ayokong biglain ka, gusto kong kusa mo iyong ibigay sa akin," mahinahon niyang sabi.
"Hindi ka lang pala basta makulit," nagtagis na naman ang bagang ko dahil sa namumuong pagtitimpi. "Ang gulo mo ring kausap!"
Padabog akong umalis sa kusina at dumiretso sa k'warto.
Day off ko ngayon at balak ko sanang umuwi muna sa probinsya pero dahil sa kakulitan ni Lux hindi ako makakilos ng maayos.
Bahala siya kung ayaw niyang umalis dito. Basta ako, mag-iimpake na ng damit. Isang linggo lang ang hiningi ko sa boss ko at pinayagan naman niya ako sa tuwing magpapaalam ako.
Sobrang bait ng amo ko at maswerte na ako do'n. Minsan ko lang makita si Sir Liam sa bar dahil abala ito sa kaniyang trabaho bilang isang detective.
Oo, isang detective si Sir Liam at may sarili siyang mga business tulad na lang ng bar na pinapasukan ko nagyon at hindi lang 'yon. May sarili rin siyang restaurant sa iba't-ibang panig ng Pilipinas at mayroon siyang panibagong bukas na business kung saan bibigyan niya ng trabaho ang mga taong mahihirap lalo na ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi lang basta detective para sa akin si Sir Liam. The best bossing din siya sa aming lahat.
Nag-impake na ako ng mga damit para maaga akong makauwi sa probinsya. Pahirapan ang pagsakay sa bus papuntang probinsya. Dahil kailangan mo talagang agahan at makipagsiksikan sa maraming tao para lang makasakay ka.
Iilan lang kase ang bus patungong probinsya namin at laging punuan pa.
Naligo na rin ako at nagbihis. Napatingin ako sa lalaking nakatayo mula sa pinto ng kusina.
"Ikaw na lang ang magsara ng pinto kapag gusto mo nang umalis," iyon lang ang sinabi ko.
"Saan ka pupunta?" takang tanong niya dahil magkasalubong na ang dalawa niyang makapal na kilay. "Gano'n mo ba talaga ako kinaaayawan?"
"'Wag kang magdrama. Day off ko ngayon at humingi ako ng isang linggong break sa boss ko kaya uuwi muna ako sa probinsya namin. Kaya nga gusto na kita paalisin kanina pa dito sa apartment dahil gusto ko nang makaalis ng maaga at para hindi ako maubusan ng bus," paliwanag ko.
"Ah, gano'n ba? Dapat sinabi mo agad sa akin."
"Ewan ko sa'yo, ang kulit mo kase."
"Ahm . . . P'wede ba akong sumama?"
"Bakit ka naman sasama sa akin, wala ka bang trabaho?"
"Meron, pero kahit wala naman ako sa kompanya patuloy pa rin 'yon kumikita."
"Bakit mo naman gugustuhing sumama?" tanong ko pa.
"Ahm.. Ano.. Gusto ko lang mag-explore."
Napailing na lang ako sa dahilan niya.
"Mag e-explore ka na lang bakit sa probinsya pa? Bakit hindi na lang sa ibang bansa?"
"Nakakasawa na kase," nakangusong sabi niya.
"Ay wow! Sana all. Edi ikaw na. Oh s'ya, sige na. Ikaw na ang bahalang magsarado ng--"
"Sige na! Isama mo na ko!" para siyang batang tumakbo palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Napangiwi ako sa inasta niya. Ang weird talaga nito minsan.
"Mahirap lang kami sa probinsya. Walang malambot na higaan, walang shower at swimming pool. Walang--"
"Ayos lang sa akin 'yon basta isama mo na ako. Please?" parang siyang batang gustong sumama sa ina.
"Hayy! Bahala ka nga. Ang kulit! Basta sa bus ako sasakay."
"Edi do'n din ako sasakay. Kung nasaan ka. Do'n din ako," sambit niya.
"Paano 'yong kotse mo? Saka wala kang damit na dala para pamalit."
"Edi do'n na lang ako bibili sa probinsya para may souvenir na rin ako."
"Paano 'yong kotse mo?"
"Edi iiwan ko muna dito."
"Baka matiktikan 'yan, maganda ang kotse mo at takaw atens'yon sa magnanakaw."
"Edi hayaan mo, kaya ko namang palitan 'yan."
"Yabang ah."
"Hindi ako nagmamayabang, nagsasabi lang ako ng totoo."
"Bahala ka na nga."
"Yes!"
Para siyang batang pinayagan ng inang makasama sa pupuntahan. Napailing na lang ako.
Si Lux na ang nagdala sa bag ko. Sinara ko na rin ang apartment bago ako pumara ng tricycle papuntang bus station.
"Manong sa may bus station po," sabi ko bago sumakay sa tricycle at sumunod naman si Luxary.
Pigil akong natawa dahil sobrang tangkad pala talaga ni Luxary dahil halos nakayuko na lang siya sa loob ng tricycle. Tumingin siya sa akin na may pagtataka.
Minsan talaga ang cute rin ng reaks'yon niya lalo na kapag nagtataka. Tulad na lang ngayon. Napailing na lang ako habang tumatawa ng palihim.