Chapter 1: Kiss & Kick

Biglang tinapakan ni Derin Grace Sabanal ang preno ng kanyang maliit na kotse. Muntik na silang magkabanggaan ng isang motorsiklo na mabilis lumiko sa isang maliit na blind curve. Pagkakabig niya ng manibela ay muntik na siyang bumangga sa isang malaking puno dahil kakahuhayan ang nasa magkabilang bahagi ng kalsadang gawa sa espalto.

“Sh*t! What the heck?” bulalas niya. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso na parang luluwa mula sa kanyang dibdib. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa nangyari.

Galit na nilingon ng beinte y otso anyos na dalaga ang lalaking naka-helmet. Nakatukod ang isang paa nito sa lupa habang halos bitbit nito ang pang-race na motorsiklo dahil sa pagtagilid. Mukhang pang-motocross ang gamit nitong sasakyan, sa tantiya niya.

Inis siyang bumaba ng kanyang kotse para sitahin ang sinumang Poncio Pilatong kung makapagmaneho ay parang may-ari ng kalsada.

‘Huh! Buti at tumigil ka rin, buwisit ka!’ asar na anang isip niya.

Nagmartsa siya papalapit sa matangkad na lalaki. Wala siyang pakialam kung lumaki ang butas ng ilong niya sa inis. Sa pamamagitan ng kamay ay sinuklay niya nang marahas ang kanyang buhok na lampas balikat na pinakulayan niya ng caramel.

“Hoy! Kung gusto mong magpakamatay o mag-race, huwag sa ganitong lugar kung saan makadisgrasya ka ng ibang mga tao! Akala mo kung sinong may-ari ng kalsada, ah!” bungad na sigaw niya.

Napansin niyang sinikaran ng lalaki ang stand ng motorsiklo nang maitabi ito at bumaba upang harapin siya. Matangkad nga talaga ito. Nasa six feet yata ang tangkad sa tantiya niya. Nakasuot ito ng butas-butas sa may tuhod na faded blue jeans, black jacket na pinailaliman ang white T-shirt na nagbakat sa halatang magandang porma ng katawan nito. Napatingala tuloy ang babaeng nasa five feet at two inches ang taas.

Inaalis ng estranghero ang suot na itim na helmet at parang mapatulala siya sa kapogian nito. Meron itong kulay light brown na mga mata, medyo makapal na mga kilay, matangos na ilong, mamula-mulang pisngi at mapupulang labi. Tila biglang tinahip ang kanyang dibdib sa nasaksihang kaguwapuhan.

‘No, no, no! Umayos ka, Derin! Hindi ito ang tamang oras para humanga sa isang damuhong kagaya niya!’

Nakita niya ang pag-angat ng isang sulok ng labi ng siguro nasa early thirties na lalaki habang nakatingin ito sa kanya nang may panunuya. Ewan ba niya pero may kung anong hatid ang ngiting iyon sa kanya ng mestiso.

“Miss, FYI, this is my private property. So, ako ang may-ari ng kalsadang ito, and I can do whatever the hell I want to do around here!” tugon ng binata. “Got it?”

Nalaglag ang panga niya sa kanyang narinig.

‘What? No! This can’t be! Siya? Siya ang may-ari dito? Pati kalsada? Seryoso?’

Hindi niya alam ito subalit ramdam niyang walang rason upang magsinungaling sa kanya ang estranghero. Ang akala niya pa naman ay sakop pa ito ng barangay road ng Sta. Ignacia. Wala kasing nakalagay na Private Property sa daan. So, on the other hand, no. Baka gino-good time lang din siya dahil kasalanan nito iyong muntikan na nilang pagkabanggaan.

Humakbang ito papalapit sa kanya at amoy na amoy niya tuloy ang pabango nito. Bigla siyang napaatras nang parang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. Bago pa man niya malaman ang susunod na gagawin nito ay bigla na lang siya nitong hinapit sa kanyang baywang. Napaawang ang kanyang malarosas na mga labi sa ginawa nito.

“And I can very well do this if I want to,” at saka inilapit na nito ang mukha sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya nang mag-landing sa kanyang mga labi ang malambot ngunit medyo mariin na pagdantay ng mga labi nito. Naramdaman niya ang tila banayad na elektrisidad na biglang tumulay sa buong katawan niya. Pagkatapos ay bahagyang gumalaw ang labi nito na ikinasinghap niya.

‘Pucha! Bakit hindi ko man lang siya maitulak? Nasaan na ang martial arts na natutunan ko?’ sigaw ng isip niya.

Para siyang tuod na nakadikit ang sarili sa malakas at matigas nitong katawan. Damang-dama niya rin ang matigas nitong harapan na nakadikit sa kanyang puson.

‘Gawd! Is he seriously aroused right now?’

Biglang gumapang ang init sa kanyang magkabilang pisngi. She may be inexperienced, but she knew damn well what that hard frontal area meant. She was not an ignorant child or a naïve teenage girl.

Patuloy na gumalaw ang labi nito sa kanyang labi at halos hindi na siya makahinga. Ilang saglit siya nitong hinalikan hanggang sa binitiwan na lang siya nito nang basta at muntik na siyang matumba dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod. Inalalayan siya nito sa kaliwang siko nang may panunukso sa mga mata nito.

“Just to make my point, Miss Sweet Lips,” ngising dagdag ng arogante at mapagsamantalang lalaki.

Napamaang siya. “Manyak!” Sasampalin niya sana ito nang mahawakan ng binata ang kanyang kanang kamay at dumapo ang mga labi nito sa kanyang palad. Napalunok siya sa ginawa nito. May kung ano na naman kasing kuryenteng tumakbo sa buo niyang katawan at nag-ipon sa pinakasentro niya. Pero gusto niyang makabawi. Kaya naman ay gumalaw ang isa niyang paa at sinipa ang lulod ng lalaki. Nang malakas.

“Aww!” bulalas nito sa sakit at nabitiwan siya. Halos mapalukso-lukso ito dahil sa sakit.

‘Huh! Buti nga sa ‘yo, manyakis ka!’

Nakapamaywang siya ritong nakadungaw. Nakadukwang ito para himasin ang masakit na lulod.

“Iyan ang nababagay sa isang katulad mo! Kulang pa nga ‘yan, eh! Manyak! Diyan ka na nga!” nababanas na singhal niya bago bumalik sa kanyang kotse.

Parang gusto na niyang pagsisihan ang pagbaba niya sa sasakyan. Sana hindi niya ito sinita. Sana nagpatuloy lang siya sa kanyang destinasyon. Tuloy nahalikan pa siya ng isang estranghero. And worst? It was her first damn kiss! He just stole it! That pervert!