Chapter 17 - Failed

THIRD PERSON POV:)

Naglalakad lang si Ros habang nasa bulsa ang mga kamay. Bawat nadadaanan niya ay namamangha siya sa nakikita. Minsan na siya sumilip sa isang salamin para tingnan ang loob. Nakita niyang isang computer shop iyon.

Kinuha niya sa kanyang bulsa ang binigay sa kanyang pera ni Lady Beth. Naisipan niyang ilaro nalang ito at maya na bumili ng kanyang pagkain. Nakangiting papasok na sana siya sa loob para makipaglaro ng pustahan sa larong Rules Of Survival nang biglang may tumawag sa kaniyang pangalan.

"Ros!" Pamilyar na mga boses na tumawag sa kanya.

Napalingon naman siya at natuwa naman siya nang makita niya ang mga kaibigan niya, si Bossbrad.

"Bossbrad!" Nakangiting sambit niya.

Lumapit naman ang apat sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong ni Bossbrad sa kanya nang makalapit.

"I just serve Lady Beth at her work." Sagot naman ni Clive dito.

"Where she works?" Tanong pa rin nito.

"Who? My girlfriend?"

"No! Your Lady Beth." Pagko-correct ni Bossbrad.

"Yah! It's Lady Beth, my girlfriend." Nakangiting pagtatama rin ni Ros.

Napakamot nalang sa ulo ang tatlong kasama ni Bossbrad. Nagkamali kasi yung pagkaka-explain nila kung ano ni Ros si Beth. Kaya Girlfriend na nakasanayan nang itawag ang umampon na babae sa kanya.

"Hmm y-yah!" Walang magawa kaya pumayag nalang si Bossbrad. Hahaba pa kasi ang usapan na ito."Where's working your Lady Beth?" Tanong ulit nito.

"Building." Bitin na sagot nito.

"No. I mean, what's the name of she's work? What she's work?" Halos namamali na ang english ni Bossbrad na tanong pa rin nito kay Ros.

"Jannitress. She work as Jannitress for us to have a 3 meal a day. Why?" Sagot ni Ros at tanong naman niya dito.

Napasapo nalang ng palad sa noo si Bossbrad dahil iba ang sagot sa kanya ni Ros. Kung marunong sana siya um-english, ee di sana di siya mahihirapan ngayon.

Napakamot nalang sa ulo ang tatlong kaibigan ni Anthony halos napasabi si Jero ng...

"Ang hirap kausap 'to." Mahinang bulong nito.

"Never mind nalang!" Lailing-iling nalang na sabi ni Bossbrad."By the way, why are you here?" Pag-iiba nalang ng topic ni Bossbrad.

"Let's go inside to play and gain more money to share." Yaya ni Ros dito.

"Sure! Let's go!" Payag naman ng tatlo at sumunod nalang sa loob si Bossbrad.

JOHNSER SY POV:)

Pinagbuksan ako ng pinto ng nagbabantay sa labas ng office ni Daddy. Tahimik na pumasok ako at naabutan kong nakaupo sa swivel si Papa habang may hawak na baso at umiinom siya ng red wine.

Nang nasa tapat na ako nito, nag-bow ako bilang paggalang sa kanya.

"Nandito na po ako, Daddy." Sabi ko pagka-bow.

Nilapag ni Daddy ang baso na naglalaman ng wine at tumayo ito sa kinauupuan. Nanatiling nakayuko lang ako at di ko alam ano ang irarason ko sa kanya. Alam ko papagalitan niya ulit ako.

Nang nasa tapat na siya sa akin, galit na kinuha niya ang mga papel na nasa table niya sabay binato niya iyon sakin halos tumama ang ibang papel sa balikat ko.

"Ito?! Ito ang ipre-present mo kay Mr. Kailes?!! Sa paper presentation palang, bagsak kana! Laano pa kaya pag nasa projector na." Singhal ni Daddy.

Tiningnan ko ang mga papel na kumalat sa sahig at iyon ang ipre-presentation ko sana kay Mr. Kailes kanina. Dahil nagka-problema dahil na-delete ni Ramon ang files sa flash drive kung saan naglalaman iyon ng pinaghirapan ko at ginawang presentation. Pinaghirapan kong gawin iyon pero palpak pa rin sa panlasa ni Daddy.

"Sorry, Dad." Nakayuko na hinging patawad ko lang.

"You ruined my trust, Johnser. Now I see why they not agreed. Look what you've done." Galit na turan nito."Dahil pag ikaw na ang humawak sa pinaghirapan ko, babagsak lang ito dahil sa katangahan mo! Used your head, not your mouth and your attitude! Once na di mo pa nakumbinsi si Mr. Kailes, hahanap ako ng iba ng papalit sa pwesto ko at hindi na ikaw iyon." Pagbabanta nito halos tinuro pa ako nito.

Di ko alam umiinit ang paligid sa aking mga mata. Nasasaktan rin ako sa sinasabi ni Daddy. Iniisip ko nalang kung anak ba niya ako o sadyang masamang tao lang ako kaya maraming ayaw sa akin. Minsan hinihiling ko, na sana ako nalang ang namatay at hindi si Clive. Pag wala na ako, saka nila mare-realize sila kung sino ang sinayang nila. Siguro, pag patay na ako saka mahal nila akong lahat.

"I'm sorry, Dad." Patuloy na hinging patawad ko. Pinipigilan kong hindi umiyak halos namumula na ang mga mata ko dahil parang gusto nang lumabas ang mga luha doon.

"Makakaalis kana. Sa susunod dapat makuha mo na si Mr. Kailes at ayusin mo ang presentation mo. Kailangan mo makumbinsi si Mr. Kailes." Sabi nito nang tumungo na ito sa upuan at naupo ulit.

"Opo." Sabi ko sabay bow.

Tahimik na lumabas ako ng office ni Papa habang umiinom siya ng wine.

****

Nagwawala ulit ako sa loob ng office ko halos sumigaw ako sa galit at inis na nararamdaman ko. Sa sobrang pag-aalala sa akin ng assistant ko, pumasok ito sa loob.

"Sir Johnser." Tarantang sambit nito nang makitang nagwawala ako.

"Get out!" Sigaw ko sa kanya."I said... GET OUT ON MY OFFICE... NOW!!!!" Sigaw ko ng napakalakas dito at tarantang lumabas naman sa loob si Diego.

Nang makalabas ito, kinalat ko ang mga gamit ko sa office na ang mga libro na nasa book shelves. Panay sigaw ko pero sa huli, napahagulhol na ako ng iyak. Dahan-dahan na napaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman.

Ang sakit na matanggihan ka ulit. Ginagawa mo ang lahat pero para sa kanila, wala lang lahat iyon. I'm failed again. Not once but hundred times. Failed as a son, brother and ofcourse as I am. Kailan kaya ako makakaranas ng pagmamahal nila? Kailan kaya?

Umiyak na umiyak lang ako sa gilid.

MANDY YU POV:)

Nang narinig kong nagwawala sa loob si Johnser, papasok na sana ako sa office nito nang biglang hinarangan naman ako ng lalaki gamit ang kanyang kamay. Sino pa ba siya? Ee yung butler ni Clive.

"Ano ba?! Take off your hands." Pagalit na sabi dito kay Dylan.

"Masasaktan ka lang pag pumasok ka. Baka sayo mabuntong ang galit na nararamdaman niya ngayon." Patuloy na pigil nito sakin.

"You don't care! Magiging asawa ko naman siya kaya mas mabuting makilala ko siya---" mataray na sabi ko at papasok ulit ako nang harangan ulit niya ako."Ano ba?!" Inis ko nang sabi halos salubong na ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Please? Let Sir Johnser alone. He wants to be alone."

Wala akong nagawa kaya natahimik nalang ako.

THIRD PERSON POV:)

Maingay na lumabas sa Computer shop sila Ros at grupo ni Bossbrad. Panay appear-an lang sila dahil nanalo na naman sila.

Nang nasa labas na sila, hinati na ni Bossbrad ang napanalunan nila sa Ros.

"Tig-500 tayong lahat." Sabi ni Bossbrad nang nahati niya.

Binigyan sila nito ng tig-500 at tuwang-tuwa naman ang tatlong kaibigan ni Bossbrad at ni Ros.

"Wooaaahhh! Salamat." Sabi ng tatlo.

"So, let's go home." Panimula ni Bossbrad.

"Tara! Umuwi na tayo. Papagalitan na ako ni Mama." Yaya na rin ni John.

"Tara na." Sabay turan ni Jero at Jake.

"Go first." Sabi ni Ros dito.

"Why?" Takang tanong ni Jero dito na magpapaiwan si Ros.

"I have important matter to do." Sabi niya lang dito.

"Ah?" Takang tanong ni John.

"Nah! Take care, Bossbrad. Bye guys!" Sabi nalang ni Ros.

"Bye! See you tomorrow!" Paalam na nito.

Kumaway nalang si Ros ng kamay. Nakangiting tumalikod na siya para pumunta sa building para sunduin si Lady Beth niya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Alas 7 na ng gabi at uwian na ng lahat na nagtatrabaho dito pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako. Dahil sinabihan ako ni Aling Donya na mga alas 8 maglinis raw ako sa office ni Sir Johnser dahil nagwala ito kanina. Naging palpak kasi ito sa investor nila.

Mga alas 7, nakauwi na raw si Sir Johnser kaya saka na ako pumunta doon para maglinis. Dala ko ang panlinis ko habang iniisip si Sir Johnser. Siguro kung ako ang sa nasa posisyon niya, mahihirapan rin ako. Siya na ang papalit sa pwesto ng papa niya at pilit niyang pinapatunayan sa kanyang ama na kaya niyang maging successful pag siya na ang pumalit sa posisyon nito. Pero nasasaktan siya dahil palpak siya kahit unang move palang niya.

Naiintindihan ko si Sir Johnser. Kahit usapan dito sa Uphone na panget raw ugali nito, may dahilan naman ata siya kung bakit siya ganun. Ako nga e. Mabait ako sa mabait pero masama ako sa masama. Iyon ang sabi sakin ni Mama kaya dala-dala ko na hanggang ngayon.

Pag may umapi sakin, kaya ko na protektahan ang sarili ko. Malakas ako at di ko hahayaang tatapak-tapakan nalang ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at di maingay na pumasok ako sa loob ng office ni Sir Johnser. Masyadong madilim ang office ni Sir dahil patay ang ilaw sa kanyang office at tangging ang ilaw lang sa may bintana ang meron.

Hinanap ko ang switch ng ilaw para buksan iyon. Ramdam ko na nagkalat nga ang mga kagamitan dahil may naaapakan akong mga libro kahit babasagin na bagay.

"Jusko! Asan kaya ang switch..." Turan ko habang hinahanap ko sa gilid ang switch nga.

Siguro nakauwi na si Sir Johnser. Halatang wala na siya dito saka patay na yung ilaw sa office niya. Nang nakapa ko na nga, napangiti nalang ako kasi nahanap ko na.

"Nakita rin kita." Sabi ko sabay pindot na."Ayyy!" Napasigaw nalang ako sa gulat halos napatalon ako paatras nang makita may tao. Nanlaki mata ako nang ma-confirm na si...

"Sir Johnser?" Gulat na sambit ko sa pangalan nito.

Naka-upo ito sa sahig habang nakasandig sa sofa. Malumbay ang mata na tumingin ito sakin at kita ko sa kanyang mata ang pagmamaga iyon. Halatang umiyak na umiyak siya ng sobra.

Halata pa rin sa kanya na nahihirapan pa rin siya. Doon na naman tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakakaakit rin ang mga mata niya habang umiiyak siya. Naaawa lang kasi ako.

Masyado kasi ako maawain. Nakakakita lang akong umiiyak o nahihirapan, naaawa na ako. May iba pa nga na tinutulungan ko at binibigyan ng pagkain ang mga pulubi sa lansangan. Masyado kasi ako napaka-emosyonal na babae. Sobrang lambot ng puso ko.

Naalala ko nalang ang pinayo ng mama ko sakin noon. Pag nakakakita ako sa harapan ko na umiiyak na tao,

"Anak, pag may nakita ka o umiiyak sa harapan mo at alam mo kaya sila umiiyak dahil nahihirapan na sila sa problema nila sa buhay, yakapin mo sila. Kailangan nila ng masasandalan sa problema nila. Kailangan mo maging sandigan ng taong problemado dahil isang mabuti iyan sa mata ng diyos. Nakikita mo naman si God na pag nakakakita ng nahihirapan, niyayakap niya at pinapayuhan. Kaya ikaw, maging mabait ka sa lahat ng tao. Pag may nangangailangan ng isang kaibigan, kaaway mo man siya o di kilala, yakapin mo sila. Iparamdam mo na di sila nag-iisa." Naaalala kong payo sakin ni Mama noong bata palang ako.

Nang maalala ang sinabi ni Mama, nakapag-decide na naglakad ako sa kinaroroonan ni Sir Johnser. Dahan-dahan lumuhod at niyakap.

Hinayaan lang ni Sir Johnser na yakapin ko siya. Sinandal niya ang noo niya sa aking balikat at doon siya humagulhol ulit ng iyak.

"Lilipas rin iyan. Tahan na..." Sabi ko habang panay haplos sa likod nito.

THIRD PERSON POV:)

Nakaupo lang sa pader si Ros at hinihintay niya si Lady Beth. Kada may lumalabas sa entrance ng building, tumatayo siya at napapangiti dahil akala niya si Lady Beth na iyon.

Nawala nalang ang mga ngiti niya nang makitang hindi iyon si Elizabeth. Nakasimangot na naupo ulit siya. Masyadong gabi na at kanina pa siya naghihintay sa labas. Minsan sumagi sa isip niya baka umuwi na ito pero nakatatak sa isip niya ang sinabi ni Beth sa kanya na hintayin siya nito.

Nang may palabas na naman tumayo agad siya. Nang makitang hindi ulit iyon si Beth, nakasimangot na naupo ulit siya. Naka-pout na patingin-tingin nalang siya sa mga naglalakad.

Humihip ang malamig na hangin at napayakap nalang sa sarili si Ros. Ramdam niya na masyado na siyang giniginaw at nasa isip niya ay si Lady Beth lang niya.

"Lady Beth, where are you?" Mahinang sambit ni Ros habang nakasimangot at nakasulyap lang sa mga sasakyan na nasa kalsada.