Chapter 9: PAPI
PILAR
“ ano, kamusta ang pinapagawa ko?” tanon ni poeky saakin.
“ tama ka nga si lolo mo ang may pakana sa perang nawawala” napapikit siya, hindi namin akalain na ganito ang gagawin ng lolo niya. Ngayon lang namin napansin at matagal na pala niyang kinukuhanan ng pera si poeky at ngayon lang nalaman ni poeky.
“ anong balak mo?” tanong ko.
“ hindi ko hahayaan, hindi ko pa alam dahilan niya pero malinaw saakin na gusto niyang kunin ang mga pinag hirapan ng magulang ko” napahawak siya ng ulo niya at doon niya sinabi ang mga plano niya, masama ito sakanya lalo pat buntis siya.
Nakakaawa na siya lang ang mag isang lumalaban sa lolo niyang sugapa sa pera, matanda na nga ang iniisip parin ay ang pera na hindi naman kanya dahil kay poeky dapat talaga. Iniwan ko na siya para asikasuhin ung inutos niya pero naka salubong ko si homer.
“ mauuna na ako” sabi ko sakanya.
“ teka” huminto ako.
“ bakit?” tanong ko, iniwas ang tingin.
“ wala, sige na” alam kong may gusto siyang sabihin pero nahihiya lang.
“ okay lang si poeky pero paki tignan tignan habang wala ako” tumango siya at nauna na ako.
Andami kong ginawa ngayon pero wala akong magawa dahil ito lang ang magagawa ko para matulungan si poeky, dumaan lang ako saglit sa isang coffee shop para mag rest saglit bago uli ako mag lakad ng makita ko ang lolo ni poeky kaya pumuwesto ako sa tabi na hindi nila napapansin, mukhan kasing napaka lalim ng pinag uusapan nila ng kanyang kausap.
“ hindi natin mailabas agad ang pera sir, nitong umaga lang ay naging strikto si ma’am poeky kaya medyo li-low muna tayo para hindi mahalata” sabi ng kausap ng lolo ni poeky.
“ bwesit! Kaya ko ng plinano na mabuntis siya para mawala ang konsentrasyon niya sa kompanya at mapunta sa bata ang pansin at hindi sa kompanya” sagot ng lolo niya
“ ung isang pinapagawa ko?” dugtong niyang sabi.
“ okay na sir, nakahanap na ako ng pwedeng mag panggap na ama ng bata. Sinabi ko na din ang mga dapat niyang gawin” nanlaki ang mata ko.
“ good, ngayong gusto niyang malaman kung sino ang ama ng nag bigay ng sperm sakanya gagamitin natin iyon para makontrol siya at maipull out ang mga pera” sagot ng lolo ni poeky, hindi ko alam na hahantong siya sa ganito pero kawawa naman si poeky lagi na lang siyang biktima sa mga ginagawa ng lolo niya..
“ papuntahin mo sa kompanya bukas at turuan mong mabuti” pasimple ako tumayo at hindi nag pahalata, lumabas na ako sa coffee shop at nag madaling puntahan si poeky.
Nag madali ako at naka sabayan ko pa si homer sa elevator, hindi ako mapakali at gusto ko ng sabihin ito kay poeky pero ano kayang gagawin niya.
“ may problema ba?” tanong ni homer.
“ malaki, sige mauna na ako” lumabas na ako sa elevator at dumiretso sa opisina ni poeky.
“ poeky” tinignan niya ako.
“ oh tapos mo na agad??” tanong niya, umiling ako
“ ang lolo mo maa plano nanaman” naka tingin lang siya saakin.
Sinabi ko ang plano ng lolo niya at hanggang ngayon ay hindi umiimik si poeky, mukhang nag iisip pa kung anong gagawin niya.
“ hahayaan ko siya sa gusto niya pero hindi ibig sabihin ay mag papagamit na ako” sabi niya.
“ hindi ba delikado poeky??” tanong ko, napapikit siya at yumuko.
“ ito lang ang alam kong magagawa ko, sa tingin mo kanino ako lalapit para tulungan ako?? Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, ayoko namang mang damay ng tao kaya hahayaan ko silang gamitin ako” nalungkot ang sa sagot niya, tama nga naman siya. Anong magagawa niya? Wala siyang ibang kakampi kundi ako lang
“ sige na, ako na bahala sakanila. Gawin mo ang pinapagawa ko, pag nailabas ko si baby doon na tayo gagalaw” tumango ako at iniwan na siya, napa buga na lang ako ng hangin at tinignan ang pintuan ni poeky. Panigurado hindi na siya mapakali ngayon kung paano niya haharapin ang lolo niya bukas at ung impostor na lalaki.
“ kailangan mo ng tulong ko?” nagulat pa ako, si homer pala.
“ wag na, sabi mo nga ayaw mong madamay pa kaya okay lang at kaya naman si poeky siguro” nag lakad na ako
“ pwede naman akong tumulong na hindi nadadamay” napa hinto ako at nilingon siya.
“ magsabi ka, baka magawan nating ng paraan” dugtong niya pa, napa isip ako.
“ okay sige, mamayang pag uwi mo hintayin mo ako entrance ng kompanya” tumango siya at iniwan ko na siya.
Bahala na, kung kaya naman niyang tumulong na hindi nadadamay bakit hindi. Kailangan ko din ng makakatulong at mukhang mapagkakatiwalaan naman si homer, sana lang talaga hindi ako magsisi na isama siyaa.
Hindi na din sasabihin kay poeky na sinasali ko si homer, iisipin nanaman niya at madagdag pa ang problema niya.
Anong oras na, may natapos naman ako ngayon at ituloy ko na lang bukas. Bumalik ako sa kompanya at kita ko agad si homer, binusinahan ko na siya at agad namang pumasok. Kailangan naming pumunta sa lugar na tahimik para maka pag usap.
“ anong gagawin ko?” agad niyang tanong,
“ bukas darating ang lolo ni poeky at may kasamang lalaki, ito ang gagawin mo. Hayaan mo lang ang lolo ni poeky at don ka sa lalaki mag focus, gawin mo lahat basta hindi magkita si poeky at ung lalaki” kumunot ang noo niya.
“ pero siyempre ung hindi naman halata na sinasadya mo, ung pasimple lang. gamitin mo ang pagiging janitor mo. Kung kailangan mong iligaw, iligaw mo basta hindi ka nakikilala at hindi nakaka pag taka”
“ ang mahalaga lang naman ay hindi makasama ung lalaki” tumango siya.
“ iyon lang ba? Paano ung lolo?” tanong niya
“ si poeky na bahala pero walang alam si poeky na kasama at wag na lang natin sabihin dahil andami niyang iniisip ngayon” bilin ko.
“ okay, iyon din sana sasabihin ko” sabi niya.
“sige bukas na lang, galingan mo”