Chapter 8: PARTY

HOMER

Natapos ang party na maayos naman, gulat nga ako dahil biglang dumating si pilar sa bahay ko. Sabi niya kailangan niya ng tulong, hindi naman ako nag dalawang isip kasi hidi naman yan pupunta pa sa bahay lung mababaw lang.

Ipinaliwang niya ang gagawin ko basta daw ang mahalaga hindi ako magpapakilala at iwasan ko daw gumalaw na pang kalye, aba hindi ata sobra siya doon pero hinayaan ko na lang kasi nong pumunta kami sa lugar andaming mayayaman.

Ganito pala pag mayayaman andaming makikinang pero makikita mo kung sino ang simple pero lutang sakanila at si ma’am iyon, ang gadna niya at mas lalong gumanda dahil sa baby bump niya.

“ salamat sainyo, mauna na ako” sabi ni ma’am.

“ sige, ako na bahala kay homer” sagot ni pilar.

“ okay, ingat kayo” sumakay na siya sa kotse at nauna na ngang umalis.

“ hayy salamat, salamat sayo ah”’ sabi ni nancy.

“ walang problema pero nasan ba kasi ung asawa niya para siya ung sumama dapat” sabi ko.

“ huh? Wala siyang asawa” kumunot ang noo kko

“ jowa?” tanong ko uli.

“ wala, single yan si poeky. Ah basta, sakay na sa kotse at ihatid na kita” nag kibit balikat na lang ako at sumakaya na sa kotse.

Nasa bahay na ako pero iniisip ko parin ung sinabi ni pilar na walang asawa si ma’am tapos walang jowa kaya paano nabuntis? Ano iyon nag sarili?? Kadiri naman iyon pero kahit mag sarili siya araw araw di iyoj mabubuntis, hayyyy! Bakit ba ako nagiging pakialamero. Matulog na nga lang ako at maaga pa ako bukas.

Nag lilinis na ako sa hallway ng may matandang mataas ang noo at may mga bantay sa tabi niya, halatang galit kaya tumabi kaming lahat pero saktong lumabas ng elevator si ma’am.

“ who is that guy?!!” lumingon lingon ako, mabuti na lang at ako lang andito na empleyedo.

“ bago mo sana ginawa ito saakin dapat alam mo kung anong kakalabasan papi, mabuti nga at sinulusyonan ko pa para hindi ako mapahiya” sagot ni ma’am, ano ba iyong pinag uusapan nila?? Tsaka bakit ba ako nakikinig sa usapan nila??

“ dapat hinayaan mo na lang, tatahimik din ang mga iyan hindi ung nagdala ka ng lalaki na basura?!! Ito ang nakakahiya hindi ang pagbubuntis mo na walang ama!” sabi ng matanda, so totoo nga walang ama ung bata pero paano??

“ hindi nakakhiya ang pagdala ng tao sa party, siya ang nag tanggol saakin doon. Wala po kayo doon at hindi niyo alam kung paano ako tignan at husgahan ng tao. Ayokong lalabas ang anak ko ng walang ama at okay lang saakin kahit sino pang lalaki ang maging ama ng anak ko maski ung laaking nasa party pa iyon” nanlaki ang mata at nabitawan ko ung mop na hawak ko para mapatingin sila saakin.

“ sorry ma’am, sir” pinulot ko ung mop.

“ wait” lumapit saakin ung matanda at tinignan ako mula ulo hanggang baba.

“ poeky!!! Janitor mo siya??!!!!” tinignan ko si ma’am.

“ sabi ko nga po wala akong pakialam, ang mahalaga ay may ama ang pinag bubuntis ko” sagot ni ma;am.

“ hindi!!! Walang magiging ama ang apo ko!! Lalo na itong janitor na ito!!” dinuro niya ako

“ walang masama sa pagiging janitor at kahit ayaw mo kalat na sa news papi” hindi makapaniwala ung matanda.

“ halika ka nga dito, sinusubukan mo ba ako?!!” hinila niya si ma’am, teka buntis si ma;am.

“ teka lang po sir, wag niyo namang saktan si ma’am baka mapano po ung bata sa loob” hinawakan ko siya at hinarap.

“ don’t touch me filthy man!!” inasiwas ang kamay ko na diring diri.

“ papi! Nasa kompanya kita at kung mag eeskandalo lang po kayo ay maari na kayong umalis” dama ko ang banta sa salita ni ma’am.

“ kailan mo pa ako trinato ng ganito ha?!! Tandaan mo kung hindi saakin hindi ka magiging kilalang business woman!” tumaikod na siya at iniwan kami, napa buntong hininga na lang ako.

“ ahh—” hinarap ko si ma’am na hawak hawak ang tiyan.

“ okay lang po kayo? Tara po sa opisina niyo” tumango siya, naka alalay lang ako sakanya hanggang makarating kami sa opisina niya. Binigyan ko siya ng tubig at pinaypayan, hindi ko naman alam ang gagawin.

“ im already fine, thank you” tinignan ko siya na kalmado na ang hininga niya kaya tinigil ko na ung pamamaypay sakanya.

“ by the way pasensya na kanina at sa news na nag kalat pero don’t worry inayos ko na” naka tingin lang ako sakanya.

“ poeky---” natigilan si pilar.

“ dito ka pala homer, teka may nangyari ba at ganyan ang itsura mo??” tanong ni pilar.

“ dumating si papi at galit na galit pero Im fine” sagot ni ma’am.

“ ma’am ung sinabi niyo kanina totoo po ba??” tinignan niya ako.

“ well kung willing ka naman bakit hindi pero kung ayaw mo its okay” tinignan kami ni pilar, napa buntong hininga ako.

“ sorry ma’am pero ayoko, baka kawawain ka ng papi mo pag pumayag ako at baka magulo ang buhay ko na tahimik. Sana maintindihan niyo pero kung kailangan niyo ako andito lang po ako pero maging ama ng bata ay pasensya na po pero tatanggi ako” tumango siya.

“ its okay, again im sorry sa ginawa ni papi and wag kang mag alala sisiguraduhin kong hindi ka madadamay pang muli at para narin hindi ka madamay sa mundo kong magulo. You may go” tinigan ko si nancy na tumango kaya umalis na ako.

Parang na offend ko ata siya pero naging totoo lang ako, kanina kahit hindi ko sabihin na okay lang ako sa sinabi nong matanda pero hindi dahil nasaktan parin ako at ayoko sa mayayaman. Hindi naman lahat ay matataas ang tingin pero majority na sobrang mang alit na akala mo hindi mararanasan ang hirap at akala mo hindi sila tumatae ng mabaho.