Chapter 10: FEELING BAD
POEKY
Hindi maganda ang pakiramdam ko, gusto ko sanang mag pahinga pero dadalaw si papi at baka kung anong gawin sa kompanya habang wala ako. Kaya tiniis ko na lang at nag dahan dahang pumunta sa kompanya.
“ ma’am may gusto po kayo??” tanong ng sekretarya ko.
“ kape na lang please pero pakidamihan ng creamer, thanks” sabi ko, pumasok na ako sa opisina ko at umupo saka sumandal.
“ baby pag pasensyahan mo muna ako, tiis muna tayo” hinimas ko ang tiyan ko.
“ poeky” si pilar.
“ hi” kumunot ang noo niya.
“ bakit ang tamlay mo??” tanong niya.
“ masama pakiramdam ko pero kaya ko naman” bakas sa mukha niya ang pag aalala.
“ mayat maya ay parating na sila papi, wag kang mag papakita” tumango siya.
Nag trabaho na ako habang hinihintay sila papi, nahihilo ako kaya kinuha ko ung tubigan ko pero ubos na pala kaya tumayo ako para utusan ang sekretarya ko pero wala siya kaya ako na lang. nag elevator na ako para mag refill sa baba ng tubig ko.
“ paki refill please” kinuha nila ung tumbler ko.
“ nasaan na siya!” napa lingon ako, kilala ko ang boses na iyon at si papi.
“ ang sabi ko bantayan niyo dahil hindi niya alam ang pasikot sikot dito sa kompanya!” lumapit na ako.
“ what is going on?” tanong ko.
“ ang asawa mo nawawala” kumunot ang noo ko, napa hinto din ang mga empleyado ko dahil sa lakas na pagkasabi ni papi.
“ asawa??” tanong ko.
“ yes, you want to meet the father of the your baby right so dinala ko na siya dito para manahimik kana” sagot ni papi.
“ sir, hindi po namin mahanap” sabi ng tauhan niya.
“ paanong hindi mahanap??!!! Poeky ipahanap mo ang asawa mo!!” hindi ako umimik.
“ ano ba sabi niyo sakanya? Mag hintay sainyo o libutin ang kompanya ko?” tanong ko, umiba ang mukha ni papi.
“ hindi ko rin po siya maipapahanap dahil hindi ko naman po siya kilala” dugtong ko pa.
“ at hindi rin ako sigurado kong siya ba talaga ang ama ng anak ko” kumunot ang noo ni papi.
“ so pinag dududahan mo ako?? Tandaan mo ako lang ang nakakaalam kung sino ang ama ng bata na iyan” turo niya sa tiyan ko.
“ biglang pumasok sa utak ko ito papi, bakit nga ba ginawa niyo saakin ito?? Anong rason?? Kung pera din lang pwedeng pwede kong gawan naman ng paraan” mas lalong umiba ang mukha ni papi.
“ hindi mo ba naiisip na concern lang ako sayo, ayokong maitulad ka sa mama mong nakuha lang ng mahirap na ama mo!!” kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.
“ malaki na po ako at alam ko kung ano ang mas nakakabuti saakin” sagot ko, napailing siya
“ wala kang kaalam alam, hindi ka mapupunta sa posisyon mong iyan kung wala ako kaya wag kang mayabang na kaya mo na dahil hindi mo pa kaya” madiin niyang sabi.
“ pinag paguran ko ang posisyon kong ito papi, nag aral ako at kahit pagod ako ay inaral ko kung paano ang takbo ng kompanya at kung ano man ang posisyon ko ngayon ay dahil iyon sa pagsisikap ko at wala kayong naitulong saakin kundi sabihin na----- PAK!!” umalingawngaw ang pagsampal saakin ni papi.
“bastos ka! Hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob!” sigaw niya, napa ngiti ako.
“ simula ng namatay sila mama at papa wala po kayong ibang ginawa kundi punahin ang mga ginagawa ko, wala kayong ibang ginawa kundi ulit ulitin na ung pera nila mama at papa ay hindi pwedeng masayang at dapat ay sayo lang” sagot ko
“ unang una wala po kayong karapatan sa kung ano man ang naiwan nila mama at papa dahil sakanila iyon at lahat ng iyon mapupunta lang sa anak nila-----PAK!!!” napa hawak ako sa tiyan ko dahil sumakit siya.
“ kung ano man ang natamasa ng mama mo ay dahil saakin iyon!!!” taas baba ang dibdib niya
“ mali po kayo dahil nong ikinasal na po si mama kay papa ay kinuha niyo na po lahat ng ipinamana niyo kay mama, si mama na ang sabi saakin nito” sagot ko,
“ kaya kung ano man po ang meron sila mama ay wala na po kayo doon” dugtong ko pa.
“ nagmana ka sa ama mong basura!!! Mga walang utang na loob!!!” naka tingin lang ako sakanya.
“ kung wala na po kayo sasabihin ay makakaalis na po kayo” tinignan niya ako ng masama.
“ hindi mo ako basta maalis lang dahil may karapatan ako lalong lalo na dito sa kompanyang ito!” tumalikod na siya.
“ hanapin niyo at mauuna na ako” nag lakad na siya paalis at ung mga lalaki ay sinunod ang sinabi ni papi, doon ay nanghina na ang tuhod ko at mawawalan na ako ng malay ng may sumalo saakin.
“ ma’am okay ka lang??” si homer pero nawalan na ako ng malay.
Gumising na ako na nasa sofa, bumangon ako at napansin ko si pilar at homer na nag kakape. Napansin din nila ako kaya nilapitan nila ako.
“ kamusta ang pakiramdam mo? Ang taas ng lagnat mo” sabi ni pialr.
“ medyo gumaan” sagot ko, inabutan ako ng kape.
“ dalhin ka namin sa hospital?” tanong ni homer.
“ hindi na okay naman na ako” sagot ko,, tinignan ko si homer.
“ salamat at andon ka, baka napano na si baby” sabi ko, ngumiti siya.
“ naglilinis kasi ako ma’am sakto naman na parang napansin kong natutumba ka kaya nilapitan kita” sagot niya.
“ poeky what if---”
“ wag mo ng ituloy, hindi pwede. Ngayon pa na magkagalit na kami ni papi, alam kong hindi siya mananahimik kaya hindi ako pwedeng mag pahinga tsaka kaya ko” tinignan nila ako.
“ paano pag magkaroon tayo ng kasunduan?” tinignan ko si homer.
“ willing akong maging asawa mo pero hanggang paglabas lang ng anak mo” nag tinginan kami ni pilar.