Chapter 7: PREGNANT

POEKY

Tatlong buwan na akong buntis at nahahalata na ang tiyan ko, paano kaya ako haharap sa mga tao na hindi nahahalata ang tiyan. May party kasi akong pupuntahan at kailangan ako doon pero dahil nga sa hindi maipaliwanag na sitwasyon ko hindi ko alm kung paano ko ipapaliwanag sakanila.

“ may problema ba?” tanon ni PILAR.

“ hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga tao pag tinanong kung sino ang ama ng anak ko, kilala ako at hindi maikakaila na ma curious sila kung sino ang ama ng anak ko” dito nga sa kompanya naririnig kong pinag uusapan ako, doon pa kaya sa party na iyon.

“ wag ka na lang pumunta” sagot ni pilar.

“ hindi pwede, isa ako sa mahalagang bisita doon”

“ bahala na, kaya ko naman silang barahin” dugtong ko, napa buntong hininga na lang ako.

Tinapos ko na angg trabaho ko at dumiretso uwi na para maka pag ayos, nag suot ako ng di masyadong fit na damit pero kita ang baby bump ko. Okay na iyan para atleast makakagalaw ako at di hirap, bumaba na ako at sumakay sa kotse.

“ miss poeky” nilingon ko ung nag salita, si cris villanueva, mag ka apelyedo sila ni homer pero si chris aymayamang na villaanueeva at si homer ay hindi.

“ hi” after nang batiin ko siya ay tinalikuran ko na at pumasok sa loob.

“ wait, are you pregnant??” sinabayan niya ako sa paglalakad.

“ yes, any problem??” tanong ko, umiling siya pero halata sa mukha niya na gulat siya.

Dinumog ako ng mga camera at mga tao, ano pa nga ba ang aasahan ko lagi namang ganito kay sanay na ako. Tumayo aako at hinayaan silang picturan ako pero ung mga iba ay nag bubulungan, sabagay isang milyonaryang business woman humarap na buntis.

Nag lakad na ako at hinanap ang mesa ko, nginitian ko lang sila at syempre matakas ang pandinig ko kaya rinig ko ang mga sinasabi ng iba.

“ poeky hindi mo sinasabi buntis ka pala” tinignan ko siya.

“ ano ka ba, personal life niya na iyan” sabi naman ng isa, halatang plastik.

“ sinong ama?” tanong nong isa.

“ his a private person pero ang masasabi ko lang ay ang apelyedo niya which is villanueva” nag tinginan sila.

“ teka isa ba ito sa mga mag kakapatid na villanueva? Gosh! Bakit ganito ang tadhana” umupo na ako at uminom ng tubig, okay na iyon para manahimik na sila.

“ whose that villanueva?” nagulat pa ako, si chris pala.

“ parang wala naman akong naaalala na nilapitan namin ang nag iisang pinaka maganda sa industriya natin” sabi niya.

“ hindi lang naman kayo ang villanueva” sagot ko.

“ pero kami lang ang mayaman na villanueva” bwelta niya, tinignan niya ako ng mapanuri.

“ so ang tinutukoy mong villanueva ay isang mahirap? Nadale ka ng mahirap…. Mmm napaka unbelievable dahil sa tipo mo mukhang hindi ka naman cheap”

“ ay hindi mayaman na villanueva ang ama ng pinag bubuntis niya” napa tingin ako sa babae, akala ko umalis na sila pero hindi pa pala at nakikinig sila sa usapan namin.

“ so pekeng villanueva” nag tawanan pa sila, napa higpit ang hawak ko sa baso pero hindi ko pinahalata.

“ baka naman walang ama ang pinag bubuntis mo at sinasabi mo lang na isang villanueva ang ama para mapagtakpan na nadis grasya ka ng sinong lalaki lang” sabi pa ni chris, kalalaking tao napaka tsismoso.

“ I cant believe that miss ledesma is easy to get, kung alam ko lang edi sana---”

“ what you gonna do??” napa tingin ako sa likod ko, nanlaki ang mata ko. Teka, anong ginagawa niya dito? Paanong? Napa tingin ako sa gilid at nakita ko si pilar na sumesenyas na quiet.

“ hindi ko alam na may kaapelyedo akong hindi marunong rumespeto ng babae” si homer, nag salubong ang kilay ni chris sa sinabi ni homer.

“ and who are you??” inup and down niya pa.

“ hindi mo na kailangang malaman, hindi ka naman importanteng tao” tinignan ko si chris na umigting ang panga, tumayo siya kaya napa tayo na din ako at humarang.

“ don’t you dare, baka makalimutan kong malapit ang ama mo sa lolo ko” medyo umatras siya at sinamaan lang ng tingin si homer tsaka siya umalis.

“ anong ginagawa mo dito??” bulong ko sakanya, hinila ko siya ng pasimple papalapit kay pilar.

“ ano to pilar ha??!!” turan ko sakanya.

“ hindi ako mapakali kaya pinuntahan ko si homer, medyo natagalan nga dahil namili pa kami ng damit at sinabi pa ang gagawin niya”

“ at bakit si homer? Andami namang lalaki diyan” sagot ko.

“ oy, grabe ka. Pinili ako ni pilar kasi itsura ko pa lang yayamanin na” singit ni homer.

“ wala na akongg makuhang iba, kaysa naman si manong driver” sinamaan ko ng tingin si pilar.

“ ma’am nagugutom ako, san pwedeng kumain??” sumasakit ang ulo ko sakanila.

“ umupo kayo sa mesa ko at ako na kukuha ng pagakin, wag na wag kayong makiki pag usap lalo kana” tumango si homer, nag lakad na kami sa may mesa ko at umupo na sila. Pumunta naman ako sa food section para kumuha ng pagkain total gutom na din ako.

Kumuha ako ng tray para doon ilagay ang food na kukunin ko, marami na ito kaya bumalik na ako pero pinapalibutan ng mga babae si homer.

“ excuse me” nagulat pa sila sa pag dating ko.

“ can we enjoy our food first???” umupo na ako at isa isa silang umalis.

“ iba talaga pag gwapo laging lumulutang” napa taas ang kilay ko.

“ kain na” kumain na kami pero parang ayaw ko ung amoy.

“ ayaw mo??” tanong ni homer.

“ ayoko ng amoy” sagot ko.

“ ganito kasi para di mo maamoy” kumuha ng lemon at pinaamoy saakin saka kumuha ng pagkain at sinubuan akko, nagulat pa nga ako maski si nancy.

“dali baka mainggit sila” sabi niya pa.