Chapter 6: JANITOR
NANCY
Balita ko na balik trabaho na uli si homer kaya inaabangan ko dito sa labas at super excited ako pero dinaanan niya lang ako, sumakay na agad siya sa jeep.
“ assumera ka kasi” nilingon ko si mama pala.
“ anak si homer family orriented yan parang di naman kayo mag katulad kaya dapat alam mo na iyan” sumimangot ako.
“ maski na mama, lagi parin niya akong nililingon kahit nag mamadali na siya” sagot ko.
“ nancy hindi na kayo bata ni homer, alam kong gusto mo na siya noon pa lang pero wag namang umabot na ikaw pa ung manliligaw sakanya” umupo ako.
“ pag ako yumaman hindi na niya ako dededmahin noh mama, makikita mo” ngumiti si mama.
“ sige magsikap ka, ako naman wala naman sakin kung mayaman o mahirap ung mapapangasawa mo ang mahalaga marunong rumespeto at masipag, kung si homer man ay okay na okay iyan saakin lalo pat complete package” napa ngiti ako sa sinabi ni mama, bboton boto talaga sila kay homer kaya mas lalo akong ginaganahan na mag sikap para pag dating ng panahon mag papakasal kami ni homer.
mag gagabi na, tulad ng dati lagi akong nag bebenta ng bbq at nagluto na ako agad ng paborito ni homer dahil lagi iyon dumadaan dito. Wala akong ibang ginawa kundi lumingon lingon habang may bumibili at ng may huminto na sasakyan sa harap ko.
Bumaba doon si homer pero may sumunod na babae na napaka ganda, malayong malayo ako sakanya dahil kutis pa lang wala na.
“ ma’am dito ung sinasabi kong masarap na pagkain” ukol ni homer sa bbq ko.
“ sabi ko nag cra-crave ako ng matamis na maalat na food” sabi nong babae.
“ eto na nga po ma’am, pards laman nga oh” ini abot ko ung kaluluto kong laman para sakanya, ini abot niya don sa babae tsaka kumuha ng suka para sawsawan niya.
“ malinis yan ma’am” sabi pa ni homer, kinain naman nong babae at mukhang nasiyahan sa bbq ko.
“ its nice” sabi niya, hmp! Pa english ppa
“ ipa luto mo na lahat yan at kakainin natin” lumawak ang ngiti ni homer.
“ pards pakyawin na daw ni ma’am” ngumiti ako ng tipid, lumapit si mama para tulungan akong mag ihaw ng mga binili niya.
“ homer sino yan?” tanong ni mama.
“ ay tita, boss ko po. Nag hahanap ng pagkain at sakto naman ung hinahanap niya dito kaya dinala ko siya dito” sagot ni homer, ahh boss niya pala.
“ mamaya malagot ka dahil hindi naman yan sanay sa pagkain ng mahirap” singit ko.
“ ano ka ba, walang pinipili na pagkain naman siguro pag buntis” buntis?? Ay may asawa na pala ung boss niya, akala ko naman single.
“ lumiwanag ang mukha mo” bulong ni mama, napa ngiti ako ng palihim.
“ masyado kang halatado anak” bulong niya pa.
“ ay ma’am kung gusto niyo po uli ng bbq niyo namin, sabihan niyo na lang si homer kahit umaga pa iyan ay lulutuan ka namin at kami na din ang mag dedeliver” aba sinulit din ni mama.
“ ay oo nga ma’am,, maaga pa lang binababad na nila ung bbq nila kaya sasak pag nag crave kayo” tumango ung boss niya.
“ okay sige, abisuhan kita” sagot niya, malaki din kikitain namin sakanya kung sakali lalo na pag laman pa ang order niya.
“ balut!!!”
“ ayon ma’am baka gusto niyo ng balot” kinawayan ni homer.
“ ano ka ba homer, parang ikaw ung naglilihi sa ginagawa mo” sabi ni mama.
“ no its okay for me” sabi ng boss at nilibre pa nga kami, naka dalawa siya at si homer sinulit naman dahil naka lima.
“ im already full and its time to go home na” tumayo na siya at ini abot ung pera saamin.
“ payment for the food, mauuna na ako”
“ sige ma’am ingat po” tumalikod na siya at sumakay na sa kotse.
“ oh diba pards ubos ang benta mo, wala bang thank you dyan??” kumindat kindat pa.
“ di ka nga namansin nong umaga eh” sumbat ko.
“ ay naku homer, nagtatampo yang si nancy dahil nga daw hindi mo pinansin nong umaga bago ka umalis” namula naman ako ng tinignan ako ni homer.
“ ay pasensya na sobrang late na ako kasi nong umaga, syempre ayoko namang mawala uli ung trabaho ko lalo na at kailangan namin ng pera” sagot niya, parang naawa tuloy ako sakanya.
“ hayaan mo, nakabawi ka naman kaya thank you” ngumiti siya.
“ pero ang ganda ng boss mo ah” sabi ni mama.
“ ah opo pero napaka sungit, hindi marunong ngumiti at napaka strikto sa trabaho” sagot ni homer.
“ gwapo asawa niya?” tanong ko.
“ hindi ko alam, hindi ko pa nakikita eh. Nagulat nga ako na buntis siya kasi balita ko wala daw siyang bf ni fiance o asawa kaya nagtataka sila kung paano nabuntis, tsismis nila baka naana daw” kumunot ang noo ko.
“ parang impossible naman kasi mayaman siya at hindi naman siguro siya papayag na maano lalo pat may kaya” sagot ko, tumango si homer.
“ tama baka napaka sekreto lang niya”
“ ay naku, hayaan na natin kung anong buhay meron siya. Buhay na niya iyon at wag ng mangialam, homer paano itong mga natira?” ay oo nga, andami pang bbq na di nakain, sayang naman
“ syempre paghatian natin at isama sa ulam natin ngayong gabi” napa ngiti ako, hinati na namin at tumalikod na si homer para umuwi pero nag salita pa ako.
“ pards graduation ko na next month, wag mong kakalimutan ah” ngumiti siya.
“ markado na iyon sa kalendaryo ko pards, congrats in advance ah” ngumiti ako pero mas kinilig ako nong nilapitan ako at niyakap.
“ wag mo akong kalimutan pag umasenso kana” umiling ako.
“ malabo, ikaw inspirasyon ko” hindi ko alam kung nagets niya ung patama ko sakanya.
“ osige mauna na ako, good night” tumango ako at naka ngiting naka tingin sakanya kahit nakatalikod.