Chapter 28: MISS
HOMER
Napansin ko siya pero hindi ko na lang pinansin, umupo ako at kinain ung order ko. Tumayo siya at nag tusok siya ng pagkain niya saka bumalik sa upuan niya ng may dumating na tao at tumabi sakanya.
“ miss ganda mo naman” sabi nong lalaki, hindi siya pinansin ni poeky.
“ miss number mo nga” hindi parin siya pinapansin, tinignan ko ung lalaki na napapahiya.
“ miss” hinawakan niya ung braso ni poeky, ako ung naiinis sa pinag gaagawa niya.
“ pare hayaan mo ung babae, nanahimik o tapos kumakain” singit ko.
“ pakialam mo ba” inis na sabi ng lalaki, isinubo ko na ung huli kong pagkain at tumayo tsaka nag lakad palayo. Bahala sila diyan, nag lalakad ako ng naiinis.
“ kainis!!!” pabalik ako sa tusok tusok at naabutan kong binabastos na siya.
“ sabing hayaan mo siya eh!” hinila ko si poeky na subo subo ang kwek kwek, okay lang sakanyang bastusin siya at patuloy lang sa pagkain.
Inilayo ko na siya habang bitbit niya ung kwekkwek niya, saan ba ung sasakyan neto?!! Nag lakad kami ng nag lakad pero wala akong mahanap na sasakyan.
“ asan ba ung sasakyan mo?!” inis kong tanong.
“ wala, nag lakad lang ako” sagot niya, sana man lang sinabi niya kanina pa eh noh.
“ oy binabastos kana? Okay lang sayo???” ni last niyang sinubo ung kwek kwek, naka tingin lang siya saakin habang ngumunguya.
“ naiinom ako” luminga linga siya na parang nag hahanap ng maiinom.
“ poeky—”
“ stop, hindi maganda ang araw ko ngayon” seryoso niyang sabi tapos luminga linga na naghahanap uli ng maiinom.
“ may alam ako na masarap na palamig” ibinulsa ko ung kamay ko at nag lakad, ung pagkakasabi niya ng masama ang araw niya parang may nangyare nanaman o may ginawa nanaman ang lolo niya. Hayssss!!! Bakit kung kailan matanda na doon pa masyadong matapang pero bakit ba ako concern nanaman, kaya ako nadadale sa pagiging concern ko eh.
“ kuya dalawa dito” habang hinihintay ung samalamig namin nakita ko si poeky na naka tingin sa baby.
“ may baby ka namang katabi bakit hindi siya ang tignan mo” sabi ko, tinignan naman niya ako.
“ saan??” tumingin sa paligid kaya lumapit ako at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya.
“ eto oh kaharap muna” nagkatinginan kami, doon ko narealize na ang lapit ng mukha namin kaya binitawan ko.
“ ung palamig mo” ini abot ko na at kinuha niya, taena! Nakaka bakla itong pamumula ng pisngi ko. Kalma homer! Kalma lang para kang vvirgin
“ okay kana? Balik kana” sabi ko sakanya, tumingin siya sa taas na parang uulan.
“ okay, thank you” tumalikod na siya, maglalakad siya pabalik?? May pera naman siya bakit di siya mag taxi??
Minsan talaga ang mga babae ang hirap basahin kung anong trip, minsan mabait tapos mamaya masungit o kaya naman aawayin ka. Mabuti na lang talaga mabait ako at kaya silang intindihin, tsaka bihira lang ang gwapong maintindihin noh na tulad. Napapa ngiti na lang ako mag isa ng maramdaman kong may pumapatak sa tubig sa balat ko.
“ naku uulan, maa---” tinignan ko si poeky? Asan na iyon? Bumilis na ang pag bagsak ng ulan, teka wait lang ulan hanapin ko muna ung babaeng iyon pero tuluyan na ngang bumagsak ang ulan.
“ sabing wait eh” reklamo ko, napa lingon lingon ako habang nag lalakad at nakita ko na nga siya na naglalakad na parang hindi umuulan.
Inalis ko ung jacket ko at itinakip sakanya, tinignan niya ako.
“ bawal mag kasakit ngayon, kailangan ka ng kompanya” tinuro ko doon sa isang waiting shed, doon muna kami at magpapatila ng ulan.
“ bakit di ka mag taxi, para kang baliw na nag papaulan” hindi siya umimik at nilalaro lang ung tulo ng ulan sa kamay niya.
“ mabuti pa ang langit iiyak na lang ito kung kailan niya gusto” tinignan ko siya.
“ pwede mo namang gawin iyon” sagot ko.
“ noong bata ako bawat emosyon ko ay kontrolado ni lolo, maski sa iyak, pagiging masaya at pagka magagalit. Hindi alam ni mama iyon, hinayaan ko na lang dahil gusto kong mag kasundo kami ni lolo”
“ hindi ako pwedeng umiyak hanggat hindi niya sinasabi, hindi ako pwedeng maging masaya hanggat hindi ko naibibigay ang gusto niyang marka. Hindi ako pwedeng magalit dahil sabi ni lolo wala daw akong karapatan maski ang mma reklamo”
“ hanggang lumaki na ako ay nakasanayan ko na, ngayon gusto kong umiyak pero walang iyak na gustong kumawala. Gusto kong sumigaw dahil pagod na pagod na ako, ang gusto ko lang naman maging proud si lolo at makaramdam ng kasiyahan pero----” hinila ko siya at niyakap, ibinaon ko ang ulo niya sa balikat ko.
“ iyak na” utos ko sakanya.
“ pakawalan mo ang sarli mo sa kamay ng lolo mo, hayaan mong maramdaman ang mga dapat mong maramdaman” aalisin niya sana ang pagka lubog ng ulo niya pero hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya.
“ iiyak mo na kung ayaw mong paiyakin kita” nanatili kami sa ganun hanggang naramdaman ko ang hikbi niya. Naki sabay ung lakas ng ulan sa iyak niya, hinayaan ko lang siya at maski ako ay naiiyak kaya tumingala ako para pigilin.
Kainis!!! Kung hindi ko lang alam ang napag daanan niya malamang hindi ako apektado pero taena!! Ramdam ko ung bigat at sakit na nararamdaman niya.
Hindi ko alam kung ilang oras kami sa waiting shed na iyon, naka upo kami at pinag mamasdan na lang ung mga sasakyan.
“ wag kang matakot na ilabas ang saloobin mo dahil baka ikaw naman ang bumigay niyan, tao lang tayo at hindi robot na walang emosyon poeky”
“ wag kang matakot na makitaan ng kahinaan dahil lahat ng tao ay may kahinaan at kung nagkasabay sabay man wag mong kalimutan na may kakampi ka parin, hindi niya hahayaang manaatili kang nasasaktan at nahihirapan lalo na pag nakikita niyang lumalaban ka”
“ pwede mo din akong lapitan kung kailangan mo ako”