Chapter 29

POEKY

Nakakapagod na, ilang buwan na kaming nag babangayan ni lolo at nakaka pagod na. alam ko na kulang pa ako sa galing kumpara kay lolo na madami ng napatunayan pero ung dalawa pa kaming nag babangayan parang nakakasawa na.

Paulit ulit na lang kasi at ni isa saamin walang gustong sumuko, napa sandal ako sa upuan at tumingala.

“ poeky nagsisimula na uli ung lolo mo” sabi ni pilar, napa pikit ako.

“ hanggang kailan kaya siya titigil pilar??” umayos ako ng upo.

“ poeky may isa pa” tinignan ko si pilar.

“ nalaman ko na ung rason kung bakit ganito na lang ang galit niya, ang papa mo ang itinuturong pumatay sa kapatid ng mama mo na paboritong anak ng lolo mo. Napatunayan sa korte na walang kasalanan ang papa mo pero ang lolo mo ay hindi makarecover at siya parin ang itinuturo na may kasalanan” sabi ni pilar.

Wala akong alam na may kapatid pala si mama pero mas nagulat ako sa nalaman ko, kung napatunayan man sa korte ay dapat matanggap ni lolo iyon.

“ meron pa, hindi namatay ang magulang mo sa aksidente kundi planado at hindi ko inaasahan ung nalaman ko kung sino ang may pakana. Ang lolo mo ang may pakana, hindi dapat kasama ang mama mo doon pero dahil biglang sumama ang mama mo hindi na naagapan ng lolo mo at nangyare na ang mga dapat mangyare” kung ganun dahil sa sama ng loob nagawa niya iyon at nadamay pa talaga si mama, paano nakakatulog si lolo sa gabi lalo na sa ginawa niya.

“ at pang huli, kasabwat siya sa pagnanakaw sa kompanya noon. Ang lolo mo ang ulo sa pagnanakaw at si nancy ay isa sa daan niya para manakawan ka noon” hindi ko na kinakaya ung mga nalalaman ko, hindi ko na din alam kung ano ang gagawin.

“ pwede mo ba akong iwan pilar” tumango siya.

Kailangan kong mag isip, inabutan na ako ng gabi at hanggang ngayon ay hindi parin ako maka isip ng gagawin. Mukhang mas okay na umuwi na lang ako at doon ipag patuloy ang pag iisip kong anong gagawin.

Nasa hallway na ako ng makita si homer, teka tapos na ang oras ng trabaho niya ah bakit pa siya andito. Sinundan ko siya sa may stock room, anong gagawin niya dito?? Nakita kong inaayos niya ang mga stocks.

Akala ko naman kung ano ang gagawin niya, iaayos niya lang pala. Andami kasing nagkakandawalaan na stocks at mukhang nabalitaan niya kaya inaayos niya, iniwan ko na siya at lumabas na sa kompanya.

Kinabukasan alam ko na ang dapat kong gawin kaya ngayon masaya ako na papasok sa kompanya, nasa hallway ako ng sinalubong ako ni pilar.

“ poeky ang mga stocks natin nawawala maski sa ibang stock room natin, walang natira ni isa at ng pinanuod namin sa cctv ay wala, mukhang binura” andami non ah, kakadeliver lang iyon kahapon at lahat iyon ay ready na sa pag deliver ngayon.

“ ni isang bakas wala?” tanong ko, umiling si pilar at doon ay nanghina na ako.

Kung kailan andami kong binili dahil nga sa dami ng binibiling product, nag re-ready din ako dahil malapit na ang pasko at baka mahirapan kami ng pagkuha ng stocks kaya dinamihan ko na tapos ganito pa ang mangyayari.

Pinuntahan ko ung stock room at talagang nilimas, pumunta na ako sa opisina ko at nag isip ng paraan ng may tumawag.

“ hello? Yes sir, medyo ma dedelay po ang pag dedeliver sir kasi nag karoon ng problema pero sure po yan kinabukasan ay meron na”

“ yes sir, yes sir thank you for your consideration sir” binaba na agad ung phone, napa hilamos ako ng mukha.

“ mag padeliver ka uli ng products pilar” tinignan ko siya.

“ pero poeky paano naman ung nagastos natin kahapon?? Mababawi ba natin iyon sa pagkuha uli ng products??” tanong niya.

“ oo pero balik puhunan na lang, mas okay na iyon kaysa magka lost tayo” sagot ko.

“ sige na, dapat kinabukasan at ay meron na para deritso deliver na” tumango si pilar.

Wala akong ginawa kundi sumagot ng tanong kung kailan ang delivery, ung iba kasi mga empleyado ko na ang sumasagot at hindi nila maacommodate lahat ng tanong kaya tinulungan ko na sila. Saka ko na paimbestigahan kong sino man ang may pakana neto dahil kailangan ko munang mag focus sa mga products na bibilhin nila.

Dumating na ung araw para sa mga order ko at ako na nag bantay, ngayon na din idedeliver ung mga order nila kaya pinatawag ko ung sekretarya ko.

“ bakit ganyan ang itsura mo?”

“ ma’am umurong po ung mga umorder na ng products” napa awang ang labi ko.

“ kasi ma’am kahapon daw may nag deliver na sakanila. Ang akala nga nila ikaw iyon” dugtong niya pa.

“ at sabi ko hindi kami iyon. Sabi naman nila uurong na lang sila total may dumating naman ng products sakanila pero ma’am ang pinag tataka ko ay bakit naman lahat ng umorder ay umurong na” nag maadali akong pumunta sa opisina at ako n mismo ang tumawag sakanilaa.

Nnaki pag negotiate ako sakanila kung baka pwede nila kunin ung mga inorder nila saakin pero umayaw na sila at don na lang daw sila sa isang supplier kahapon kasi mas mura at mabilis ang delivery.

Bakit ganun, ang bilis naman. Tinignan ko ng pera na nailabas at napakalaki pero ni isang kusing ay walang bumalk, paano ko na ibabalik itong napaka laking pera na ito. Bakit kasi ngayon pa naitaon na may nag su-supply ng mas mura pero hindi kaya sinadlya lahat ito??

Ang pagkawla ng produkto namin at pagkawala ng mga biyes namin, don’t tell me pakana uli nanaman si lolo ito pero teka diba nakita ko si homer sa stock room nong araw nago mawala ang stocks, may alam kaya siya dito??

Or kumampi nanaman siya kay lolo at lahat ng pinakitang kabaitan ay pakitang tao lang nanaman.