Chapter 27: STAY
POEKY
On the way na si homer, pinatawag ko siya dahil sa loob ng dalawang taon nakita ko ang pag increase ng kompanya pero nagulat ako ng malaman na inilabas niya pala ung project ko na matagal kong pinag paguran buuin.
“ poeky” si pilar kasama na si homer.
“ maupo ka” umupo siya kaya umupo naman ako.
“ kunin mo ito” may iniabot akong cheke, kumunot ang noo niya.
“ ano yan??” tanong niya.
“ pera, nakita ko kasi na sa loob ng dalawang taon ay hindi ka man lang sumuweldo, may kinukuha ka man pero sakto lang na pang gastos mo kaya kunin mo iyan” naka tingin lang siya saakin.
“ hindi na, okay na ako. Iyon lang ba ang sasabihin mo?” tumango aako
“ gusto ko lang ibalik kung ano ang sayo, nag pagod ka din” sagot ko pero tumayo siya.
“ hindi na, kaya ko kumita ng pera---”
“ bumalik ka na lang sa trabaho mo kung ayaw mo tanggapin ang pera mo” putol ko sakanya.
“ tanggapin mo na, kahit iyon lang. ayokong may masabi sila saakin tungkol sayo at mas okay na may trabaho ka ngayon kaysa sa wala” bumuntong siya ng hininga.
“ papayag ako pero balik tayo sa hindi magkakilala, boss empleyado lang ba ang turingan. Gusto ko kasing matahimik at ayoko ng maisama pa sa gulo niyo, tahimik na ang buhay ko poeky noon at gusto ko tumahimik ang buhay ko ngayon” tumango ako.
“ sige” sagot ko.
“ sana lang talaga dahil pag nagulo pa ang buhay ko, aalis na lang ako” nag lakad na siya palabas naiwan na kami ni pilar.
“ sana lang talaga matahimik kayo dahil hanggat andiyan ang lolo mo, walang buhay na matatahimik” sabi ni pilar.
“ alam ko pero hanggat maari ibigay natin ung buhay na tahimik kay homer, paki tawagan si carlos. Time na para kunin ung mga binili kong shares” tumango si pilar.
Sigurado akong gumagalaw na si lolo ngayon, alam ko din na alam niya ng akin na uli ang kompanya pero paano kaya pag nalaman niya na ung mga ibang kompanya ay majority shasa holder din ako.
“ poeky!!” si pilar.
“ si- si carlos hindi na matawagan” nanlaki ang mata ko, ano??!!
Kinuha ko ung phone ko at tinawagan siya, out of coverage kaya sinubukan ko sa isang number niya at nag ring.
“ hello apo” nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses ni lolo.
“ anong ginawa mo kay carlos?!!” tanong ko.
“ anong ginawa ko?? Bakit di mo siya tanungin” kumunot ang noo ko.
“ im sorry poeky---” naputol na agad ung sinabi niya gets ko ang ibig niyang sabihin, kung ganun naisahan niya parin ako.
“ mahal kong apo, masyado mo naman ata akong minamaliit pero by the way I want you to know that I am the owner of the shares hahaha” kumuyom ang kamao ko, wala siyang puso!! Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya saakin at hanggang ngyon patuloy siya sa paghatak saakin pababa.
“ why? Bakit ka ganyan lolo? Wala akong ginawang masama sayo” malungkot kong sabi.
“ meron, simula nong dumating ka sa buhay ng anak ko ay nawala na din siya saakin. You stole everything from me, ikaw na may halong dugong mamamatay tao!!!” galit niyang sabi.
Lagi niyang sinasabi na mamamatay tao ang papa ko at hindi ko pinapansin sa una dahil ang akala ko ay nasasabi niya lang iyon dahil sa inis niya pero paulit ulit na at nakaka pag taka na.
“ mag saya ka habang nasayo pa ang kompanya na iyan dahil one day kukunin ko uli yan, nagawa ko na ng isang beses at magagawa ko pa uli iyon” binaba na niya ung phone at napaupo na lang ako sa panghihina.
Ung pinaghirapan ko ng dalawang taon ay nawala lang ng parang bula, napayuko ako at hinawakan ang noo ko.
“ wala na pilar, nawala lang uli ung pinag hirapan natin” malungkot kong sabi.
“ hawak na ni lolo noon pa si carlos, bakit ganun hindi ko man lang napansin. Bakit ganun!!!” inis kong sabi sa sarili ko.
Ilang taon akong nag aral, nag train ako para hindi naiisahan pero parang wala akong pinag aralan sa mga nangyayari.
“ pilar pwede mo bang alamin kung may kaso ba si papa” kumunot ang noo niya.
“ gusto kong malamaan bakit ganito na lang ang galit ni lolo” may iba pang pinanghuhugutan si lolo kaya ganito ang ginagawa niya saakin.
“ okay sige, ako na ang bahala” lumabas na siya.
Bumaba muna ako para mag palamig ng maka salubong ko si nancy, masama ang tingin niya saakin. Hindi ko na lang pinansin at nag lakad na lang pero hinablot niya ang braso ko, tinignan ko siya.
“ ibalik mo ang kompanya ni homer” madiin niyang sabi.
“ kung ako sayo mag ligpit kana ng gamit dahil bukas na bukas ay wala ka ng trabaho” hinablot ko ang braso ko.
“ wala kang---”
“ may karapatan ako dahil ako ang may ari ng kompanyang ito! Wag mong hintaying ipa bukas ko uli ang kaso mo” hindi siya naka imik sa sinabi ko.
“ wag mo akong sagarin nancy, ang mababait na tao may hangganan din at kayang maging demonyo kung kinakailangan” inirapan ko siya at nag lakad na palayo.
Imbes na sa café lang ako ay napalabas tuloy ako sa kompanya, nag lakad na lang ako at nag hanap ng pwedeng mag palamigan. Kung sino pa ang may kasalanan sila ang may lakas loob na sumbatan ako.
Napadako ako sa isang tusok tusok, bigla akong nag crave kaya iyon na lang ang napili ko.
“ kuya 20. 00 neto” chicken ball ang inuna ko, infairness masarap ang sauce.
“ kuya 20. 00 naman doon” sa kikiam naman, hayyy medyo gumaan ang pakiramdam ko.
“ kuya palamig isa” iinom ako ng makita kong may papalapit.
“ kuya ung dati” si homer, tumingin siya sa banda ko kaya binawi ko ang tingin ko.