Chapter 26: RICH LIFE
HOMER
Matapos kong sabihin ang sama ng loob ko at mga dapat kong sabihi ay ni isa ay wala akong narinig kay poeky na salita kaya umalis na lang ako at bumalik. Hindi ako tanga na tulad ng inaakala nila, alam ko lahat ng ginagawa ni mr. leonardo.
Pero kahit ganun ay ginawa ko parin ang dapat, may mali ako oo pero hindi ako naging gahaman na tulad ni mr. leonardo. Ang gusto ko lang noon ay katotohanan pero nag bago na ang lahat ng hindi ko inaasahan.
“ anak may problema ba??” ngumiti ako ng tipid.
“ ganito ba talaga ang buhay mayaman ma? Mayaman kana eh pero gusto mo pang mas yumaman. Hindi ba sila nakukuntento sa kung anong meron sila??” tanong ko.
“ anak hindi mo masisi ang mayayaman lalo na pag masipag sila, may mga mayayaman na ag sipag para marating ang tuktok may mayayaman naman na inaabuso ang kapangyarihan para mas yumaman, may iba naman na handang gumawa ng mali para yumaman pa lalo”
“ naka depende na lang yan sa tao anak” sabi niya.
“ ikaw ba hindi naging masaya na narating mo ang tuktok dahil nag sikap ka?” tanong naman sakin.
“ hindi ko alam ma, parang nagsisisi nga ako na nakarating sa tuktok. Kung tutuusin wala naman akong ginawa para umangat, nakaasa lang ako sa ibang tao para umangat iyon ang naiisip ko at kaya hindi ako masaya dahil walang pagsisikap na nangyari saakin” sagot ko.
“ sigurado ka ba?? Homer sa tingin mo ba ung mayayaman, yayaman ng ganyan kung walang tulong ng ibang tao??? Hindi. Bawat success may taong tutulong sayo hindi man direkta pero daan siya para maging success ka, tulad ng sinabi mong mentor mo”
“ naging daan siya para maging successful ka, hindi ka naman magiging success kung hindi ka din nag sikap” dugtong pa ni mama.
“ pero ma hindi ako masaya, gusto ko lang ung simpleng buhay na may matinong trabaho. Okay na ako doon, ayoko ng ganito ma” hinawakan niya ang balikat ko.
“ wag mong ipilit ang ibang mundo kung hindi ka masama, piliin mo kung saan ka masaya at kung ka nararapat na sa tingin mo pero ito alalahanin mo. Minsan kailangang tanggapin ang mundong hindi para sayo kung alam mo namang nakakatulong ka at napapasaya mo ang ibang tao” natahimik ako doon, iniwan na ako ni mama at haggang ngayon nasa utak ko parin ang huli niyang sinabi.
Ilang araw akong hindi pumasok sa kompanya kasi gusto kong mag pahinga at ayoko muna ma stress, nagawa ko naman na ung dapat kaya wala na akong kailangan pang ipa bahala tsaka meron naman na si poeky.
“ pards!! Homer!!!” maka katok naman si nancy akala ko gigibain na ung bahay.
“ bakit?? Kung papasok sa kompanya, hindi na ako ang dapat doon si poeky na” napa awang ang labi niya.
“ so talagang totoo ung balita?!!! Pards naman bakit mo binigay kay poeky!! Ikaw nag hirap doon eh!!” konti lang ang nai contribute ko dahil kung wala ung project ni poeky na iyon hindi magiging sucessful ang kompanya.
“ wala naman akong ginawa, pinalitili ko lang ung kompanya kong saan siya” sagot ko.
“ nababaliw kana! Baliw! Baliw!!! Pumunta ka sa kompanya ngayon at bawiin!!! Andon si poeky ngayon at inaanunsyong siya na ang bagong may ari uli ng kompanya!!! Tsaka galit na galit si mr. leonardo sayo” expected naman na iyon.
“ ano na homer?? Hindi ka gagalaw diyan??!!” nag lakad ako paloob at umubo.
“ mas gusto ko ung ganitong buhay, tahimik hindi ung stress. Bahala na sila diyan, ito naman talaga ang buhay ko nagulo lang nong nakilala ko silang lahat” hinarap ako ni nancy.
“ kuntento ka na lang sa ganitong buhay?? Buhay mahirap?? Walang success sa buhay??!! Homer hindi ka bumabata! Kailangan mo din mag sikap para makaahon hindi ung kuntento ka lang sa isang kayod isang tuka!!” inis niyang sabi.
“ kaya ba ninakawan mo ang kompanya si poeky” tinignan ko siya ng seryoso, nagulat siya sa sinabi ko
“ anong ninakaw??” tanong niya.
“ hindi ko aakalain na ganung tao ka nancy, akala ko iba ka na handang mag sikap para makamit ang pangarap pero hindi. Inoferan ka ni mr. leonardo ng pera para mag nakaw sa kompanya ni poeky, nancy sa tingin mo hindi ko iyon malalaman??” napa awang ang labi niya.
“ tiwala ako sayo noon na hindi mo iyon magagawa at ipinagtanggol pa kita pero mali ako ng kinampihan” tumayo ako.
“ nancy nag aral ka at wag mong sayangin ang pinag aralan mo para magnakaw ng hindi sayo, pinag hirapan ni poeky yang pera na iyan pero anong ginawa niyo nanakawin lang ng ganun. Kaya pala na iba ka, akala ko ako ang nag bago dahil sa pera pero mukhang ikaw. Kinain mo na din ung sinabi mo saakin noon” binuksan ko ung pintuan.
“ wala na akong kinalaman pa sa kompanya na iyon at sakanilang lahat, okay ako sa buhay ko at mag hahanap ako ng paraan para makaahon hindi ung mabilisan dahil ang mabilisang pag ahon hindi yan permanente mas okay ng paghirapan mo para alam mo bawat tahak sayo” inirapan niya ako at nag lakad palabas na masama ang loob.
Ako na bahala doon kay mr. leonardo, wala naman na iyon magagawa pagka nagawa ko na. basta ba wag gagalawin ang pamilya ko dahil kahit mahirap ako kaya ko silang labanan. Umupo na uli ako ng tumunog ang phone ko, tinignan ko kung sino at si pilar.
“ bakit?”
“ pinapatawag ka ni poeky, puntahan mo daw siya sa kompanya” napa buga ako ng hangin.
“ okay, ngayon na ba??” tanong ko.
“ oo” binaba ko na ung phone ko, ano naman kaya kailangan niya? Tsaka bakit ako pumayag pala?? Haist!!!
Naligo na ako at nag palit para pumunta sa kompanya, ito na ang huling pag uusap namin at pagkikita namin. Ayoko na sana makielam sa mga mayayaman na iyan, sakit sila sa ulo.