Chapter 25: OUT OF THE COUNTRY

POEKY

“ anong sabi ng lolo mo??” tanong ni pilar, hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako talaga sa hotel kung saan kami nanunuluyan.

“ gusto niyang umalis ako dito” sagot ko, natatakot siguro si lolo na baka may gagawin akong hindi niya inaasahan.

“ tama siya, umalis na tayo” umiling ako.

“ kukunin ko lang ung kompanya ng magulang ko pilar” hinarap ko siya.

“ what if maisahan ka nanaman ng lolo mo poeky??? Ibalato mo na ung kompanya niyo at maayos naman na ang buhay natin sa ibang bansa. Please para sa ikakatahimik ng lahat umalis na lang tayo dito” pakiusap niya

“ nakaahon kana eh, wag mo ng hayaan pang kunin uli ng lolo mo at malugmok ka uli” dugtong niya, hindi madali ang pag ahon ko noon dahil ung pera na binigay ni lolo na bayad para sa shares ay tumalbog ang tseke na binigay.

Hindi ko aakalain na maski pa doon ay lolokohin niya ako, galing na ako sa sakit at nagawa niya pa iyon pero kinaya ko. Nag tulungan kami ni pilar maski napaka hirap dahil back to zero kami, ung inaasahan ko kasi na pera sa ATM ko na ipon ko ay bigla na lang walang laman.

Alam ko na kung sino ang may pakana doon at maski ilaban ko ay wala akong laban kaya hinayaan ko na lang. talagang sinagad ako ni lolo na ni iisag piso ay wala siyang ibinigay at maski mga ari-arian na naka pangalan saakin ay biglang umiba, kahit pangit ang pakikitungo niya saakin ay may tiwala parin ako sakanya noon pero sabi ko nga nabulag na siya ng pera para gawin niya saakin ito.

“ pilar kukunin ko lang kung anong ung kinuha saakin” sagot ko.

“ kasali na ba si homer don??” seryoso niyang tanong.

“ poeky kilala kita, wag mong sabihin ni konting damdamin kay homer ay hindi umusbong diyan sa puso mo. Kita ko ang tingin mo at palihim na ngiti sa mata mo kahit lagi kang malupit sakanya” iniwas ko ang tingin ko.

“ hindi siya kasali sa plano ko” nag lakad ako palabas.

“ sana lang poeky” sabi niya, rinig ko ang yabag niya paalis. Napa buga na lang ako ng hangin.

HOMER

Bakit biglang andito si mr. leonardo, ano naman kaya ang gusto niya. Umupo ako sa kabilang upuan at hinarap siya, tinignan niya ako ng napaka seryoso.

“ poeky is doing something, i want her to leave here” ano bang meron kay poeky at ayaw na ayaw niyang andito siya.

“ andito lang siya para dalawin ang anak niya at balita ko din mag babakasyon lang siya ng ilang araw tsaka siya babalik sa ibang bansa” sagot ko.

“ hanggang ngayon wala ka paring alam, tsk tsk. Hindi ang tipo ni poeky na magbabakasyon na walang binabalak homer. Dapat marunong ka bumasa ng kalaban dahil lagi kang maiisahan pagka ganyan” sumandal siya.

“ ako na lang ang gagawa, mag focus kana lang sa kompanya” tumayo siya

“ hindi na, kaya ko na siya” tinignan niya ako

“ sigurado ka??” tumango ako.

“ okay sige, madami din ako inaasikaso” nag lakad na siya palabas.

May tinawagan ako, kailangan ko siyang makausap ng personal.

“ saan ka?” tanong ko.

“ nasa bakasyon” sagot niya.

“ kailangan nating magkita, importante na ito” sumang ayon naman siya pero kailangan ko siyang puntaha, kaya sige. Pina clear ko ang schedule ko ng tatlong araw, hindi magtataka si mr. leonardo dahil alam niyang aasikasuhin ko ang gusto niya

Nag biyahe na ako at dumiretso agad ako para maki pag kita sakanya, hindi na ako nag pahinga dahil baka maunahan ako ni mr. leonardo.

“ bilisan mo dahil baka hanapin ako ni poeky” si pilar, siya ang tinutukoy ko na matagal ko ng contact pero ni minsan ay hindi namin pinag uusapan si poeky dahil ang concern lang namin ay ung mga nangyayare.

“ gusto ng lolo ni poeky na gumawa ako ng paraan para paalisin si poeky dito, alam niya na din na may binabalak kayo” naningkit ang mata ni pilar.

“ so anong balak mo?” tanong niya.

“ wala pero inaasahan ni mr. leonardo na meron akong gagawin kaya binalaan ko na kita para alam mo ang sasabihin kay poeky pero may binabalak nga ba kayo??”

“ meron” napa tingin kami sa likod, nagulat ako dahil si poeky.

“ sabi na, noon pa man may kutob na ako” tinignan niya si pilar na napa yuko.

“ pero sige, pag usapan natin yang tanong mo” umupo siya at tinignan ako.

“ may binabalak ako na bawiin ang kung ano saakin sa lolo ko na gahaman, asahan mo na din na bawiin ko ang kompanya ng magulang ko na hindi naman sainyo” seryoso niyang sabi.

“ wag ka ng magpagod na kunin ang kompanya” napa taas ang kilay niya.

“ nasa pangalan mo lahat ng shares doon poeky, hindi alam iyon ni mr. leonardo dahil ang alam niya ay na sakanya parin” kumunot ang noo niya.

“ pineke ko ang binigay kong trasfery of shares sa pangalan niya, hindi siya mag tataka doon dahil malinis ang pagkakagawa ko. Iyon ang gusto kong sabihin sayo kaya ko ikaw gustong pumunta sa kompanya’

“ poeky hindi ako interesado sa kompanya niyo, gusto ko ng bumalik sa buhay kung saan ako dapat dahil pagod na ako. Bakit ba kasi nakilala kita, bakit ba kasi sa kompanya mo pa ako nag trabaho. Wala akong gustong angkinin, ang gusto ko lang ay may mapatunayan” lumabas na ang naipon na sama ng loob ko.

“ I don’t want your misserable life kaya ibabalik ko sayo, mas okay ng mag hirap atleast masaya ako. Hindi ko nga alam kung kailan ako huling tumawa, uulitin ko wala akong pakialam sa kompanya mo at pera mo”

“ lahat ng kinita ng kompanya nasa bank account na nasa pangalan mo, ni piso wala akong ibinulsa. Sayong sayo at gusto ko lang linisin ang pangalan ko, never kitang sinamantala dahil hindi ako ganung tao”