Chapter 24: COMPANY

HOMER

Andito na pala siya, sakto naayos ko na ang lahat. Kailangan ko lang siya makausap at ipaliwanag sakanya, kinuha ko ung phone ko ng may napansin ako sa notes ko. Death anniversary pala ng anak ko ngayon, pinatawag ko ang sekretarya ko.

“yes sir??”

“ cancel all my schedule may pupuntahan ako ngayon” sabi ko.

“ okay sir”

Inayos ko ang gamit ko at handa ng umalis ng bumukas agad ang pintuan, si nancy pala. Kumunot agad ung noo niya ng makitang paalis ako.

“ saan ka punta?” tanong niya.

“ may lakad akong mahalaga” binuksan ko na ung pintuan.

“ sama ako”

“ nancy please not now” iniwan ko na siya.

Dumaan ako saglit ng bulaklak at kandila, inalam ko talaga kung saan inilagay ang urn ng anak ko. Noon kasi ayaw sabihin saakin at alam ko naman ang dahilan pero anak ko parin siya kaya inalam ko.

Tumayo ako at kinausap na siya, lagi akong humihingi ng sorry sakanya. Minsan kahit hindi death anniversary niya ay dinadalaw ko para sabihin ang plano ko at achievement ko sakanya, hindi ko nga alam na baka nag sasawa na siya saakin kaka kwento ko.

“ what are you doing here?” nagulat pa ako, si poeky.

“ dinadalaw ang a---”

“ wag mong ituloy na sabihin yan dahil hindi ka naging ama sakanya” lumapit siya at tinignan ang anak namin.

“ nag paka ama ako poeky maski inilihim mo saakin, alam kong wala akong karapatan dahil binayaran lang ako at tapos na ang obligasyon doon pero ikaw ang may gusto na humigit pa doon. Ikaw ang umasa, wala akong ginawa doon kundi suportahan ka” sinamaan niya ako ng tingin.

“ suporta o sinamantala?? Dahil gusto kong makompleto ang pamilya ko sinamantala mo iyon para kunin saakin ang kompanya, puro pakitang tao ang ipinakita mo saakin at talagang naki pag sabwatan ka pa kay lolo” sagot naman niya.

“ ngayon sabihin mong hindi mo sinamantala ang pagiging mabait ko sayo, kaperahas mo lang si lolo na pera ang habol. Akala ko iba ka dahil galing ka sa hirap at alam mo mag pahalaga pero pera lang pala katapat mo” dugtong niya pa.

“ poeky unang una deal lang ang meron saatin at ikaw ang may gustong turuan ako, ikaw din ang nag sabi na para malaman at ung pakiki pag sabwatan kay mr. leonardo ginawa ko iyon dahil gusto kong malaman ang totoo, sa tingin mo hindi masakit saakin na anak ko pala ung nasa tiyan mo? Tinanong kita, tinanong kita tungkol sa ama non pero wala kang sinabi”

“ walang problema saakin kung sasabihin mo dahil kung gusto mong bumuo ng pamilya papayag ako at wala akong kaalam alam kung saan gagamitin ang sperm ko dahil ang nasa utak ko lang non ay mailigtas ang ama ko poeky pero lahat ng pinakita ko sayo ay tunay” naka tingin lang ako sakanya.

“ hindi ko alam na ganun ang gagawin ng lolo mo sayo, nagulat nga ako dahil hindi iyon---”

“ stop and enough, hindi ko na kailangan ng paliwanag mo. Andito lang ako para sa anak ko” pumikit na siya, nagkaroon naman ako ng pagkakataon na titigan siya.

Dumilat na siya at nagulat dahil andito pa pala ako sa tabi niya, tinalikuran na niya at sinundan ko naman siya. Bigla ko kasing naalala ung sasabihin ko sakto na andito siya pero nagulat ako na andito si nancy.

“ poeky?!!!” nag salubong ang kilay niya.

“ don’t tell me siya ung pupuntahan mo na importante homer?!!” medyo tumaas ang tono ng pananalita niya.

“ nancy death anniversary ng anak ko ngayon, nagkataon lang na meron si poeky” sagot ko.

“ excuse me” singit ni poeky, hinawakan ko ang braso niya para tignan niya ako.

“ puntahan mo ako sa kompanya” hinila niya ung braso niya at nag lakad na palayo.

“ homer ano naman kailangan mo sakanya??” hindi ko na pinansin si nancy at dumiretso sa sasakyan ko.

“ homer” tawag niya.

“ bakit mo ako sinusundan??” naiirita na ako, masyado na akong nasasakal sakanya which is hindi naman siya ganito dati.

“ gusto ko lang---”

“ gusto mo lang makasiguro na nagsasabi ako ng totoo?? Nancy wala tayong relasyon at mag kaibigan lang---”

“ gusto kita, mahal kita at gusto kitang maging asawa” putol niya sa sinasabi ko.

“ nancy---”

“ simula naman noon may pag tingin na ako sayo pero napaka manhid mo para hindi maramdaman, alam na din ni mama noon at sinabi ko sakanya. Botong boto nga sayo eh, homer please give me a chance naman na maipakita ko sayo” hindi ko alam ang isasagot ko sakanya, ayokong masaktan siya pero kasi malinaw saakin na hanggang kaibigan lang ang turing ko sakanya.

“ nancy im sorry---”

“ please!!” tumulo na agad ang luha niya, napa tingin ako sa taas sabay buntong hininga

“ okay sige” niyakap niya ako.

Hinatid ko na siya, kailangan niyang bumalik sa kompanya dahil kaailangan siya doon lalo na ung pirma niya. Nga pala naalala ko sa pirma niya, may kinuha ako sa likod na files sabay baba sa sasakyan. Dumiretso uwi na kasi ako total cancel naman lahat ng schedule ko.

Itong files na ito, ito ung binigay ni poeky na eebidensya kay nancy pero bago ko pa matanggap ay nalinis na agad ni mr. leonardo na hindi man lang ako nagtaka nong umpisa. Binasa ko lahat at napaka accurate nga, may supporting documents din na nag papatunay doon sa ebidensya.

“ kailangan kong alamin ung totoo” sabi ko sa sarili ko.

May tinawagan ako, alam kong siya lang makakatulong saakin at siya lang din ang may alam tungkol sa ebidensyang ito. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi naputol ang komunikasyon namin kahit noon ay isumpa niya ako pero ipinaliwanag ko ang part ko at naiintindihan naman niya.

Inalagay ko sa bag ko ang dokumento at napa hilamos ng mukha gamit ang kamay, napaka stress pag may kompanya ka. Mas gusto ko pa ung simple kong buhay na kahit hirap atleast walang iniisip masyado.