Chapter 23: COMING BACK
PILAR
“ poeky sigurado ka ba dito?” nag eempake na kasi kami pabalik sa pilipinas, natatakot kasi ako kung anong gagawin ni poeky doon eh maayos naman na buhay namin dito at tahimik. Ung restaurant niya sobrang nag bloom so bakit pa siya babalik sa pilipinas.
“ nakalimutan mo na ba na death anniversary ni baby tiffany sa isang araw?” napa isip ako, ay oo nga pala bakit ba kasi kung ano ano ang iniisip ko.
“ pero bakit ganito ka dami ang damit na kukunin natin??” tanong ko uli, hindi talaga ako mapakali kasi kung ako ayoko na siyang bumalik doon kung hindi lang talaga sa death anniversary ni baby tiffany.
“ mag babakasyon din kasi tayo kahit saglit lang, nakakapagod nitong nakaraang araw lalo na sa bago nating branch” parang hindi maganda ung idea na mag babakasyon kami doon, bakit doon pa pwede naman sa ibang lugar na lang.
“ poeky---”
“ pilar, bilisan mo na diyan at wag ng madaming sinasabi” napa buntong na lang ako ng hininga.
Gabi na kami nakarating sa pilipinas, nag check in kami sa isang 5 star hotel at inayos na agad ung gamit namin. Nilingon ko si poeky na busy sa laptop niya.
“ may imemeet tayo bukas” tinignan niya ako.
“ sino?”
“ isang business man” kinakabahan talaga ako sa pag punta namin dito, hindi talaga ako kumbinsido na iyon pag dalaw lang ang gagawin namin at ung bakasyon?? Hindi ako naniniwala.
Maaga kaming nag ayos ni poeky, siya na ang nag drive at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sinilip ko kung saan kami huminto, sa isang restaurant..
“ tara” bumaba na siya kaya sumunod naman ako.
Pag pasok pa lang namin may kumaway na kay poeky, sino naman kaya itong lalaking ito. Nilapitan na namin siya at umupo.
“ nag order na ako, abisuhan ko lang sila na dalhi na ung order ko” tumango si poeky.
“ pilar siya si mr. carlos buendia, business partner ni homer villanueva” nanlaki ang mata ko, pagkarinig ko sa pangalan pa lang ni homer ay kinilabutan na ako.
“ poeky ano nanaman to” hindi niya ako pinansin.
“ so paano na carlos, balita sa may shares??” ngumiti si carlos.
“ binibenta ni mr. leonardo ang ibang shares na hindi alam ni homer, hindi narin napapansin ni homer dahil sa dami ng business niya pero inu unti na siya ng hindi niya alam” napapa kape na lang ako habang nakikinig sakanila.
“ sige, lahat ng ibinibenta niya bilhin mo ng hindi siya nakakahalata. Matalino si lolo at once na nagtaka yan kumilos kana agad” tumango si carlos.
“ ahuh, so ikaw ano balak mo??” tanong ni carlos.
“ wala pa, mag babakasyon lang at dadalawin ang anak ko” sagot ni poeky.
“ okay sige, by the way alam na ng lolo mo na andito kayo” napahigop ng kape si poeky.
“ expected ko na iyon at hindi ako magtataka na one of this day mag kikita kami” tinignan ko si poeky.
“ hindi ka naman siguro makiki pag kita poeky” singit ko.
“ kilala mo si lolo kung hindi man ako makiki pag kita, gagawa siya ng paraan para mag kita kami” sagot niya.
“ para saan pa?? itinakwil ka na niya diba?” tumango si poeky.
“ maniwala ka saakin gagawa iyon para makita ako” hay naku ako ang natatakot sa sinasabi ni poeky, nito kasing dalawang taon kita ko ang galit niya kahit tahimik lang siya at maski hindi niya sinasabi.
“ don’t worry may bantay ka at pag may ginawa man sayo ay andiyan agad ang tao ko” sabi naman ni carlos.
“ thank you carlos, paano mauna na kami” tumayo na si poeky.
“ poeky???” napa tingin kami sa gilid ni poeky, napaka mapaglaro nga ng tadhana at andito pa si homer.
“ carlos?” ngumiti si carlos.
“ hi mr. villanueva, magkakilala kayo ni poeky??” sabi ni carlos.
“ yeah she’s my ahm she’s my mentor” iba na si homer, iba na ang accent niya at iba na din tindig niya.
“ his my fake husband and surrogate of my daughter” napa tingin ako bigla kay poeky, hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.
“ yeah with that too” sabi na lang ni homer pero halatang naiilang.
“ okay, so poeky take care and have a great vacation” bineso ni carlos si poeky.
“ thank you, pilar tara na” tumango ako at tinignan ko si homer, nag lakad na kami ng may tumatawag kay poeky.
“ bakit di mo sinabing uuwi kana pala” tumaas ang kilay ni poeky.
“ sino ka para sabihan ko??” sagot ni poeky.
“ poeky its been 2 years at galit ka parin saakin??” kumunot ang noo ni poeky.
“ galit ?? sayo?? Feeling ka din, never ako nagalit sayo” napa buntong hininga na lang ako, sinungaling din itong si poeky. Nong nasa abroad kami galit na galit siya kay homer.
“ I thought---”
“ mauna na kami” tumalikod na si poeky, kita ko ang pag irap niya.
“ poeky wait, pwede mo ba akong puntahan sa kompanya. May concern lang ako”
“ sige pag may oras ako” sumakay na siya sa kotse at tinanguhan ko na lang si homer.
“ may pinaplano ka tama?” wala siyang imik.
“ poeky naman, nanahimik na tayo. Gumagawa ka ng gulo eh” natawa siya.
“ ako?? Pilar nanahimik ako noon at wala silang ginawa kundi samantalahin ako habang may pinagdadaanan, akala ko magkakaroon ng kahit konting concern dahil parte parin siya pero tiulungan niya pa si lolo at naki pag sabwatan, wala siyang utang na loob” nanginig ang boses niya at ramdam ko ang galit at lungkot.
“ so talagang may balak ka nga” iniwas na niya ag tingin.
Bumalik na kami sa hotel dahil bukas dadalawin na namin si baby tiffany, dumiretso na si poeky sa kwarto niya na hindi man lang nagsasalita. Ang gusto ko ay wag na siyang gumanti pa at mag pahilom na lang sa sakit.