Chapter 22: LOST

HOMER

Masakit din saakin na nawala ang anak ko pero mas masakit makita ung ganito ang itsura ni poeky, tinignan niya lang ako at nilampasan. Sanay akong makita siyang palaban dahil iyon lagi ang pinapakita niya simula nong nakilala ko siya.

Napaka matapang niyang tignan everyday pero nngayon araw para siyang naubos na kandila, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung susundan ko ba o hahayaan na lang. nakiki balita na lang ako kay pilar pero maski siya ay ilap sa informasyon saakin.

Isang linggo na ang lumipas ay hindi ko parin nakikita si poeky dito sa kompanya, naiintindihan ko naman na on the process pa siya of healing. Bumukas ang pintuan at si mr. leonardo na malawak ang ngiti na parang hindi namatayan ng apo sa tuhod.

“ good news, this company is all mine” kumunot ang noo ko.

“ here, ibinenta na ni poeky ang shares niya sa kompanya” nagulat ako sa sinabi niya, akala ko ba mahalaga ito sakanya? Bakit niya ipinabili ung shares niya.

“ siya mismo nag benta?” tanongg ko.

“ pinaasikaso niya sa assistant niya, sabi din ng assistant niya ngayon ang alis nila papuntang ibang bansa. She’s unstable right now dahil sa pagkawala ng anak niya, well ganyan talagaa and hindi siya nagkamali ng desisyon na ibeibe ang shares niya kasi para ano pa diba??”

“ I mean, anoao dahilan para mag trabaho pa siya kung wala naman siyang pag gagastusan” sobrang saya ni mr. leonardo, nakakalungkot na may ganitong lolo si poeky.

“ by the way, pag butihin mo ang traabaho mo. Ayoko ng palpak na CEO” nag lakad na siya palayo, napailing na lang ako.

Lumipas ang araw, buwan at taon. Wala akong ginawa kundi paangatin ang kompanya hindi lang dito sa pilipinas kundi pati pa ibang bansa, labas loob ako sa pilipinas para ipakilala ang kompanya at product namin.

Nag expand na din kasi ako para mas makilala at ung project na iniwan ni poeky ay inilabas ko, iyon ang nag bigay ng big shot sa kompanya na hindi ni mr. leonardo. Alam kong hindi dapat dahil pinag hirapan niya iyon pero mas okay naa I lauch dahil sobrang ganda at tignan niyo naman naging patok mula dito hanggang ibang bansa.

Its been 2 years simula ng lahat ng iyon pero hindi parin ako nakakalimot lalo na pag everytime akong umuupo sa upuan na ito.

“ pards kain tayo??” ngumiti ako at tumango.

Nasa hallway kami at everytime na may makakita saamin ay binabati kami, tinignan ko si nancy na ang lawak ng ngiti niya.

“ good mood na good mood ah”

“ good morning sir, ma’am” tumango ako.

“ sir paki pirma na lang po pala” isa sa manager ko.

“ sir, ma’am congrats po sa nalalapit niyong kasal” kumunot ang noo ko, tinignan ko si nancy na naka ngiti.

“ kasal?” tanong ko.

“ ye-yes sir?? Iyon ang sabi ni ma’am” tinignan niya si nancy at tinignan ako si nancy na naka ngiti.

“ anong kasal? Wala akong alam?” sabi ko, nawala ang ngiti sa labi ni nancy. Maski ung manager ng kompanya ko ay nagulat.

“ ahm excuse me sir” umalis na ung manager

“ anong kasal??” ulit ko.

“ ikakasal tayo diba sabi mo??”

“ huh?? Teka ang labo, paano kita pakakasalan kung wala pa tayong ka label label at busy ako sa kompanya” sagot ko.

“ eh ano ung paper na dumating saakin with bouquet pa nng eh” napa awang ang labi ko.

“ wala akong pinapadala sayo at tsaka wala nga tayong relasyon kaya paano tayo ikakasal??” natatawa pa akong sabi pero na offend ko ata siya.

“ homer antagal na nating komportable sa isat isa, ni minsan ba hindi pumasok sa isip mo na maggiging tayo?” na off guard ako sa tanong niya.

“ hmm I think this is not the right time to talk about it nancy, were at the company” inirapan niya ako.

“ hindi ka naman manhid diba? Alam mong may gusto ako sayo---”

“ nancy” tumigil siya, napailing siya.

“ sinabi ko na sa buong kompanya na ikakasal tayo, ikaw na bahalang mag linis. CEO ka diba” nag lakad na siya paalis, napa buntong hininga na lang ako.

Hindi na ako lumabas at nag pa deliver na lang ako ng food para sa opisina na lang ako kakain, dumating na ung pagakin ko at ng kakain ako ay may kumatok at pumasok, si mr. leonardo.

“ hindi mo ako sinasabihan na ikakasal kana pala” umupo siya.

“ fake news iyan, busy ako sa kompanya” sagot ko.

“ ano ka ba, anong masama sa ikakasal? Maganda at mabait si nancy” kailan pa bumaba ang standard niya.

“ gaya ng sabi ko busy ako at wala kaming relasyon ni nancy” tumawa siya.

“ the company is stable na, its time to have a wedding. Ako na bahala sa kasal niyo at wag kana tumanggi, alam na ng lahat” tumayo na siya at umalis, bakit parang kakaiba siya? Bakit parang pinipilit niya si nancy saakin at siya na ang dedesisyon?

Ginugulo parin ako sa sinabi ni mr. leonardo, pauwi na ako ngayon pero late na nga ako umuwi ay naabutan pa ako ng traffic pero habang nag hihintay na umandar nahagip ng mata ko si nancy na kasama si mr. leonardo??

Kailan pa sila naging ganito ka close, sa kompanya nga never silang nag uusap. Pag may tanong lang siya so kailan pa sila umabot sa ganito?? Gusto ko sanang bumaba pero umandar na ung traffic kaya inabante ko na.

Anong meron sakanila ni nancy?? May hindi ba akong alam na inililihim ni nancy?? Iba na din ang ikinikilos niya nong? Bigla akong napaisip ung nawalang pera, bakit naman biglang pumasok iyon sa utak ko hanggang naalala ko ung sinabi ni poeky na nag pa imbestiga siya.

Naisip ko tuloy kung saan ko ba inilagay ung report na binigay ni poeky saakin?? Si mr. leonardo kasi ang nag asikaso doon sa nakaw--- teka si mr. leonardo?? Nakakapagtaka nga.