Chapter 21: STEAL
HOMER
“ nag nakaw siya sa kompanya ko and still andito siya?!” tanong niya at medyo tumaas ang boses niya.
“ napatunayan na inosente ako ma’am” sagot ni nancy.
“ really??” sagot niya, halatang hindi niya nagusttuhan ang pagbabalik ni nancy.
“ back to work na” sabi ko at nagsibalikan na din sila.
“ what are you doing here?” tanong ko which is mali.
“ isa ako sa nag mamay ari nito at hindi ko alam na bawal na pala pumunta dito??” napa buga na lang ako ng hangin.
“ tara sa office para mag usap” tumalikod na ako at mukhang sumunod naman siya.
“ I can take care of the company, focus ka muna sa baby mo”
“ paano ako mag fofocus sige nga? Paano ako magfofocus kung alam kong unti unti niyong kinuha saakin ang iniwan ng magulang ko? Hmmmm? Dalawa na lang ang natitira saakin homer, ito at ang anak ko”
“ sa tingin mo hahayaan ko na lang mawala ito??” sabi niya, bakas ang lungkot sa mukha niya and hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot.
“ hindi ko pababayaan ang kompanya, trust me” sagot ko.
“ trust you? I trusted you but you betray me, hindi mo mapipigilan ang pag punta ko dito. Magiging vice president ako at tapos na ang usapan” sabi niya.
“ okay sige, ikaw ang bahala” ayoko kasing pahabain pa ito lalo pat nahihirapan akong nakikitang malungkot ang mata niya.
“ how is she?” tatalikod na sana siya ng nag salita pa ako.
“ she’s in not a good shape but im taking care of it” nag lakad na siya palabas, napa buntong hininga na lang ako.
“ anong sabi niya?” nagulat pa ako sa biglang pag sulpot ni nancy.
“ wala, magiging vice president lang siya ng kompanya” sagot ko.
“ huh?? Bakit mo naman hinayaan?? Mag kakalat lang siya dito pards”
“ kailangan parin ng kompanya si poeky, isa pa din siya sa may ari ng kompanya at may karapatan siya dito and kailangan din ng knowledge niya” nakita ko ang pag ikot ng mata ni nancy.
“ please nancy have some respect naman” kumunot ang noo niya.
“ isa lang ang boss ko at ikaw iyon, hmp!” umalis na siya, isa pa itong nakiki sabay.
Mas okay ng mag trabaho na lang ako, tinignan ko ang mga folder at lahat ay may label tsakaa date. Napaka organize niya pala and maganda iyon para hindi ako mahirapan, ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at inabot pa ako ng gabi.
I clo-close ko na sana ung laptop ng may mapansin akong folder, binuksan ko ito at parang isang project.
“ ginawa niya ito?” kausap ko ang sarili ko.
Binasa ko ang maganda pero bakit hindi niya pa ginagawa? Tinignan ko ung date at last 3 months pa ito. Kinuha ko ung flash drive at sinave ko iyon para pag aralan sa bahay, matapos kong ma transfer ay nag desisyon na akong umuwi na.
POEKY
“ ma’am im sorry to say pero she’s really weak” pag dating ko pa lang ito na ang bumungad saakin ng doctor, humingi muna ako ng time para mag decide.
Pinabantay ko muna si baby kay pilar, gusto kong maka pag isip kaya pumunta ako sa simbahan para humingi ng tulong. Ilang oras akong nanatili doon at nag paulit ulit ng dasal hanggang maisip kong bumalik na.
Papabalik na ako ng nakakuha ako ng mensahe kay lolo, nag dalawang isip muna ako kung makiki pag kita ba ako pero mas pinili kong maki pag kita kaya papunta na ako sakanya.
“ take a seat” umupo ako.
“ here” may ini abot na cheke.
“ kunin mo at lumayo kana kasama ng anak mo” bakit kung sino pa ang kadugo mo, siya pa ang isang dahilan na maging malungkot ka.
“ bakit gustong gusto niyong lumayo ako??” tanong ko.
“ dahil hindi na maganda ang pananatili mo dito, kumbaga napaka lason na ang lugar na ito sayo kaya kunin mo at lumayo kana” sagot niya.
“ papi minsan ba minahal mo akong apo??” tinignan niya ako.
“ sa totoo lang simula nong lumabas ka hindi na kita gusto dahil sa ama mo” kumirot ang dibdib ko.
“ unang una hindi nararapat ang ama mo sa pamilya ko, isa siyang basura at may dugong kriminal kaya ayaw na ayaw ko siya maski ikaw na anak niya” tumulo ang luha ko, tumayo na siya.
“ pag isipan mo” umalis na siya at bumuhos na nga ang luha ko.
“ bakit?”
“ bakit ganito, wala na bang magmamahal saakin? Never na ba ako makakaramdam ng pagmamahal??” sabi ko sa sarili ko habang umiiyak, tumunog ang phone ko at sinagot ko.
“ poeky bilis pumunta kang hospital si baby tiffany” hindi na ako nag dalawang isip at mabilis na pumunta sa hospital.
“ anong nangyare??” umiiyak na lang si pilar at hindi maka pag salita.
“ pilar ano ???” humagulhol siya at umiyak.
“ tiffany is dead” hindi na ako maa hinga sa narinig ko, parang nagunaw na ang mundo ko.
Ipinaliwanag ng doctor saakin ung nangyari at hindi ko inaasahan na bibitaw si baby tiffany, kumakapit pa ako eh at naniniwalang mayayakap ko man lang siya. Hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak.
“ ang sakit, ang sakit sakit” niyakap ako ng mahigpit ni pilar, ung nag bibigay saakin ng lakas ay nawala na so ano na lang ang lakas ko?
Bingyan nila ako ng time para makita ang baby ko at hindi ko iyon pinalampas, niyakap ko siya ng mahigpit at humingi ng paumanhin sakanya. Wala akong ginawa kundi sinulit ung oras na yakapin siya.
“ poeky, oras na” umiling ako.
“ please more time” pakiusap ko pero dumating na ung mga nurse.
“ poeky” niyakap ko ng mahigpit at pilit nilang kinuha saakin, nag decide kasi akong ipapa cremate ko.
“ poeky tara na” inalalayan niya akong tumayo at sinundan ang mga nurse ng may makita akong pamilyar na sapatos, si homer.