Chapter 20: BABY
HOMER
Balita ko lumabas na ng hospital si poeky pero si baby ay mananatili sa hospital, may mga kinuha din siyang private doctor and nurse tsaka hands on sila sa pagbabantay kaya ako na muna ang bahala sa kompanya.
May meeting nga ngayon about sa paglilipatt ng position and hindi ako pabor doon, nasa opisina ako ni poeky habang hinihintay ung oras ng meeting ng bumukas ang pintuan. Hindi ko inaasahan na darating si poeky.
“ excuse me” tatayo sana ako ng biglang may nag salita, tumingin kami sa likod at si mr. leonardo.
" keep sittting” tinignan ko si poeky.
“ nawala lang ako, inangkin niyo na agad ang kompanya ko” sabi niya
“ were just doing the job na dapat ay ikaw ang gumagawa bilang CEO pero don’t worry gagaan na ang buhay mo dahil papalitan kana” tinignan ako si mr. leonardo.
“ walang papalitan as long as majority shareholder ako ng kompanyang ito” sagot ni poeky.
“ your not the majority share holder anymore, bakit hindi ka sumama sa meeting and mag sstart na” nag lakad palabas si mr. leonardo, sumunod naman si poeky kaya sumunod naman ako.
Wala akong alam sa pinaplano ni mr. leonardo lalo na sa majority sharreholders na iyan, umupo na kami at nag salita na si mr. leonardo.
“ im giving my shares to mr. homer, I know it’s a big risk but I trust this person to continue the legacy of our company. I know miss poeky proves what she deserve but its tiime to change dahil andami ng kakaibang nangyayare at ayokong humantong sa pagkawala ng kompanya” nagulat ako sa sinbi ni mr. leonardo.
“ me also”
“ me too” at sumunod sunod na nga ang iba, hindi ko ito inaasahan.
“ now that mr. homer have 60% of shares to this company, he is now our new CEO” tinignan ko si poeky, nag palakpakan sila at lumapit saakin para I congratulate ako. Nakita kong umalis na lang si poeky, nag thank you ako sakanila at iniwan na sila.
“ poeky” huminto siya.
“ wala akong---”
“ hindi ko alam na sa taong pinag katiwalaan ko ay siya pa pala ang sisira saakin, na realize kong hindi na pala ako dapat tumutulong dahil majority ng tinutulungan mo ay trinatrydor ka” hinarap niya ako.
“ Im still the 40% shareholder of this company and as long as andito ako hindi niyo maaangkin ang kompanya ng magulang ko” inirapan niya ako at nag lakad na palayo, bakit ganun. Wala akong alam sa planong ito.
“ homer congratulation” nilingon ko si mr. leonardo.
“ hindi ko alam na ganito ang plano mo” sabi ko.
“ hindi mo alam? Diba nag usap na tayo at pumayag ka, nag iba na ung deal natin at umuo ka so paanong wala kang alam sa plano ko?? Dapat alam mo na ito una pa lang kasi nag usap na tayong kukunin ang kompanya kay poeky”
“ hindi lang naman ako ang makikinabang dito kund pati ikaw, hindi kana mag hihirap, hindi kana janitor o basura sa tingin ng iba. You are already the boss of the company” ngumiti siya.
“ bukas na ang officially annoucement kaya umayos ka, ako na bahala sa apo ko basta gawin mo ang pinag usapan natin” nag lakad na siya palayo, hindi ko alam na ganito ang paraan niya para kunin ang kompanya.
Nagkasundo kami nong una na kunin ung shares ni poeky pero mukhang mahihirapan kami kaya nag mungkahi siya ng ibang deal at pumayag ako pero hindi ko expect na ganito ang pamaraan niya. Kailangan kong maging maingat, kailangang kong maging mautak din dahil hindi biro si mr. leonardo.
POEKY
“ ano??!!!” gulat na gulat si pilar.
“ kakaiba din pala yang si homer, hindi ko akalain na magagawa niya ito” dugtong niya pa.
“ so ano na balak mo??” nag kibit balikat ako, sa totoo lang wala pa dahil hindi ko alam kung saan mag uumpisa.
“ wala pa, ang iniisip ko si baby kasi” sagot ko.
“ poeky hindi mo pwedeng bitawan na lang ang kompanya, ikaw nag hirap doon” tumango ako.
“ alam ko pero priority ko si baby tiffany lalo pat humihina ang heart beat niya, pilar siya na lang ang lakas ko” tinignan ko si baby na inaasikaso ng mga nurse.
“ ngayong si homer na aasahan mong mababago ang kompanya mo”
“ alam ko pero mas may experience ako sakanaya, hindi naman ako mag papatalo” sagot ko.
“ dapat lang”
Pinauwi ko muna si pilar at ako na lang muna ang bahala kay baby, naka tingin lang ako sakanya. Please baby kumapit ka, hindi ko na alam kung pati ikaw ay mawala. Ayokong tuluyan na akong balutin ng lungkot, simula ng iniwan ako ng magulan ko ay nalungkot na ako at hanggang ngayon na dumating ka doon lang ako nakaramdam ng saya kahit papaano.
“ ma’am pahina po ng pahina ang heart ni baby, need po natin siyang kabitan ng life support” napa awang ang labi ko.
“ life support??” tumango ang doctor, halos manghina ako sa narinig ko.
Ipinaliwanag ng doctor lahat saakin at pinapirma ako ng waiver, naniniwal akong kakayanin ni baby ito kaya pumirma ako at puamayag sa life support. Awang awa ako sa anak ko, mahina kasi ito nong lumabas at sabi ng doctor dahil daw din saakin.
Sa stress ko kaya naapektuhan ang baby ko, naka tingin na lang ako sa baby ko na kinakabitan. Wala akong magawa kundi mag pray na lang, hindi ko kayang makita siyang ganito. Please baby lumaban ka kasi ako lumalaban kahit hirap na hirap na.
Kinabukasan bumalik na si pilar at ako naman ang umuwi para maligo, pupunta ako saglit sa kompanya para alamin kung anong nangyayare. Nag park na ako at pumasok na sa kompanya ng naabutan kong nagsasaya sila, kinakamayan na nila si homer at bakit andito si nancy??
“ why are you here?” tanong ko.
“ im one of the employee here” sagot niya, tinignan ko si homer at silang lahat.