Chapter 19: TRUTH(1)
POEKY
Kung akala ni homer na hindi ako nag pa imbestiga, nag pa imbestiga ako at talagang si nancy ang may kasalanan pero sige pagbibigyan ko sila na makakuha ng ebidensya.
“ poeky bad news, hindi lang isang beses nag palabas ng pera” kumunot ang noo ko.
“ ano??!! Magkanu?”
“ milyon” hindi ko na kinakaya ung mga nangyayare sa kompanya ko, andaming nangyayarengg hindi ko na alam at pakiramdam ko hindi na ako ung may ari dahil sa dami ng errors.
Habang nag iisip ako sakto namang narinig ko ang tawanan na pamilyar, napatigil sila ng makita ako at hindi ko mapigilang lapitan si nancy at sampalin.
“ wala akong ibang ipinakita sayo kundi kabutihan tapos ganito ang gagawin mo saakin??!!” sigaw ko.
“ poeky relax” sabi ni pilar.
“ magkanu pa?? magkanu pa ang kukunin mong pera!!!!!!!” sinampal ko uli.
“ sumosobra kana” tinulak niya ng bahagya ang balikat ko, never ako ginanito ng kung sino man.
“ bago ka mag husga mag pa imbestiga ka muna! Hindi ung nanakit ka at pwede kitang kasuhan diyan!” naningkit ang mata ko.
“ sige, magkasuhan tayo at tignan natin kung sino ang unang makukulong. Ano sa tingin mo kaya mo ako?? Ako pa na kayang baliktarin ang batas?? Ikaw anong kaya mo?? Mahirap ka lang kaya lahat kaya mong gawin para lang yumaman---“’
“ poeky” napa tingin kami sa likod, si homer.
“ bakit kayo ganyan mag salita na mayayaman?? Akala niyo kaya niyong paikutin lahat sa kamay niyo?!!” tinaasan niya din ako ng boses.
“ oo! Dahil kung sino pang tumutulong sila pa ung inaabuso” sagot ko.
“ so ikaw iyon?? Bakit ano bang naitulong mo kay nancy?? Trabaho?? Dumaan naman siya sa legal kaya wag mong sabihing utang na loob niya iyon sayo” bwelta niya.
“ at wag mong sasabihin na ako dahil ako ang tumulong sayo at inabuso ang pagiging mabait ko, itinago mo pa nga ang katotohanan eh” kumunot ang noo ko.
“ ako ang ama ng anak mo pero never mo sinabi saakin para sa anong dahilan? Sa patuloy na pag gamit saakin at manatiling biktima ka sa nangyare?? Hindi ako magtataka na ni isang lalaki walang nag kagusto sayo dahil manggagamit ka” napa awang ang labi ko.
“ I am a user?? Ako pa talaga?? Bakit ginusto ko bang ikaw ang maging ama ng anak ko??? Oo inalam ko ung totoo kaya nga agad kitang inalok at binago hanggang tinuruan para after nitong lahat maging isang buo tayo”
“ ako pa talaga?? Tinulungan kitang makaahon sa pagiging janitor mo, kung hindi dito sa anak ko maaaring patay na ang ama mo and kung wala ako, wala ka sa posisyon mo ngayon. Ni isang beses ba humingi ako ng kapalit??? In the very first place tinanong kita at sabi ko okay lang kung ayaw mo”
“ nag desisyon ka at hindi kita pinilit, tinulungan pa nga kita para mapabilis ang pag angat mo tapos ako pa ang user??? Ako pa?!!! “ tumulo na ung luha ko.
“ at ung perang nawala sa tingin mo hindi ako nag pa imbestiga?? Kompanya ko ito at matagal na ako sa industriyang ito kaya bakit ako magpapadalos dalos?? Magiging CEO ba ako kung hindi ko lahat napagdaanan ang mga ito??”
“ poeky enough” pigil ni pilar.
“ hindi kita pinilit na gawin ang lahat ng ito homer at hindi ko din ipipilit ung anak ko sayo kasi una pa lang wala kanaman talagang karapatan dito dahil pera lang ang ginusto mo at hindi pamilya, ako lang ang umasang magiging pamilya----ahhh” napahawak ako sa tiyan ko.
“ poeky your bleeding”
“ ahhhh-------- pilar ang sakit, dalhin mo ako sa hospital”
“ humawak ka saakin” hinawi ko ang kamay ko kay homer.
“ I don’t need you” si pilar na ang umalalay saakin at dumiretso na kami sa hospital.
Sabi ng doctor nag lalabor na ako pero 7 months pa lang ako, lalabas ang anak kong pre mature and no choice ako sabi ng doctor so need ko siyang ilabas talaga kaya nanganak ako na kulang ang buwan.
Im at recovery room habang anak ko ay naka incubator, need mag stay doon hanggang mag nine months and ipag pray na makarecover siya sana. Lahat ng ito ay unexpected, hindi ko akalain na mapapaaga ang paag labas ni baby.
“ hows my baby?”
“ she’s fine, wag kang mag alala ako na ang bahala. Pahinga ka muna, okay??” tumango ako pero tumulo ang luha ko, im trying to be tough hanggat maaari pero may hangganan ang tao talaga.
I need to release the pain because its killing me already, I cant bare it anymore. Tumulo na lang ng tumulo ang luha ko habang hinihimas ni pilar ang likod ko. Hinayaan niya lang akong umiyak, alam niyang hindi ko na kaya.
Mag isa ako ngayon sa kwarto dahil gusto ko laging bantayan ni pilar ang baby ko, okay ako basta ang anak ko ay bantayan niya.
“ why are you here??” si papi, walang araw ba na kaya nilang ibigay saakin para man lang mabigyan ako ng peace of mind.
“ im just checking if you are still surviving and it looks like na kinakaya mo pa” umupo siya.
“ dumaan ako sa kompanya dahil tinawagan nila ako, your company is loosing too much money which is ikinakabala ng mga shareholders. They want you to be out of the company” naka tingin lang ako sakanya.
“ they want homer to take over the position and if I were you, ibenta mo na ang share mo para mamuhay ng tahimik. That’s the best thing you can do and that was the last na payo ko sayo bilang lolo mo poeky”
“ don’t worry dahil hindi naman siguro pababayaan ni homer ang pinag hirapan mo and meron naman ako na lalong hindi papayag na basta lang mawala ang kompanya na sa una pa lang ay akin”