Chapter 18: TRUTH

HOMER

Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko pero hindi ako kayang patulugin ng mga gumugulong tanong sa isip ko, gusto kong maliwanagan.

“ good morning mr. homer” tinignan ko ng seryoso ang lolo ni poeky.

“ gusto kong malaman ang alam mo” ngumiti siya.

“ at anong kapalit?? Ano to free??” umupo siya at tinignan ako.

“ anong gusto mo?” tanong ko.

“ the asset of poeky, kaya mo bang makuha ng hindi nahahalata ni poeky??” tuso talaga ang lolo ni poeky.

“ pero kahit wala kang tulong kaya kong kunin iyon” naningkit ang mata ko.

“ okay sige payag ako pero terms ko” tumango siya.

“ okay deal, maupo ka at sasagutin ko ang mga tanong mo” nilahad niya ung kamay niya para maupo ako kaya umupo naman ako.

“ sabihin mo ang nalalaman mo tungkol sa pinag bubuntis ni poeky” ngumiti siya.

“ ako ang may pakana doon dahil ayokong matulad siya sa nanay niyang puso ang inuna kaysa ang utak, kumuha ako ng lalaking mag bibigay ng sperm at syepre may standards pero hindi ko inaasahan na magkakaroon ng aberya”

“ ung taong inutusan ko ay ibinigay pala sa iba ang pinag uutos ko dahil walang mahanap na lalaki, ito namang inutusan niya may nakuhang lalaki pero hindi pasok sa standards ko which is ikaw iyon”

“ alam mo naman ang tinutukoy ko dahil ung perang binigay sayo at inilaan mo sa magulang mo”

“ ngayon, ung ama ng pinag bubuntis ni poeky ay ikaw well alam naman na ni poeky iyon simula pa lang dahil nag pa imbestiga na siya agad and im shock na nasa tabi kana niya agad. She’s really a fast moving girl lalo na pag may gusto”

“ well wala ka naman na dapat pang ihabol don sa bata dahil ginusto mong mag bigay ng sperm kapalit ng pera tama??” umigting ang panga ko.

“ hindi ka naman bob homer, bakit nga ba hindi sinasabi sayo ni poeky na ikaw ang ama pero gusto niyang maging asawa ka niya? Mukhang ginagamit ka lang niya lalo pat wala na siyang makapitan ngayon kaya sayo muna siya kakapit at pag nanganak na ay itatapon kana lang basta”

“ pag ang isang tao madaling mauto at mapapakinabangan bakit hindi niya gagamitin diba?? Makikita mo din ang tunay na kulay ni poeky homer at sinasabi ko sayo mas okay na saakin ka kumampi dahil ako kaya kang gawing kilalang business man”

Umalis na ako sa bahay ni mr. leonardo, ngayon malinaw na saakin ang lahat pero may isang tanong ako sa isip ko na si poeky lang ang makakasagot. Diretso na ako sa kompanya at naabutan ko si poeky na busy sa trabaho.

“ how’s my baby??”

“ she’s good---” tumingin saakin.

“ bakit?? Masama bang tawagin ko siyang baby ko? Total asawa mo pa naman ako” hindi na siya nag salita.

Knock knock

“ ma’am heto na po ang report na pinapakuha mo” kinuha niya, naka tingin ako sakanya ng umiba ang timpla ng mukha niya.

“ ipatawag ang lahat ng accounting now” kumunot ang noo ko, lumapit ako at tinignan ung report.

“ negative? Pero san napunta??” tinignan ko ng maigi ung papel at walang naka lagay pero pirmado ni nancy?? Teka napaka impossible naman, dumating na ang accounting department.

“ explain” tumayo siya at hinarap ung mga accounting, tinignan nila ung report isa isa at gulat sila, tinignan ako ni nancy.

“ bago po I release ang fund na iyan ay dadaan muna kay miss nancy to verify kung legal or not” sabi ng isa.

“ teka wala akong pinipirmahan na ganyang project at bago ko iyan pirmahan ay kinokonfirm ko muna kay sir homer” sagot ni nancy.

“ so kanino itong pirma??” tanong ni poeky.

“ wala akong alam talaga diyan ma’am” kilala ko si nancy, hindi siya ung taong padalos dalos pero malinaw na pirma niya iyon.

“ can we investigate first?? I hohold muna natin lahat ng account nila while investigating” singit ko.

“ were already investigating homer, hindi biro ang pera na nailabas” medyo tumaas ang boses ni poeky.

“ I know pero wag tayong mag jump to conclusion agad, lahat may process” sagot ko.

“ no, kung walang aamin. Im going to get all your account at mag tra-trabaho kayo hanggat mabayaran itong pera” tinignan ko silang nagulat.

“ hindi naman pwede iyan poeky, may binubuhay din---”

“ then where is my money!!!!” sigaw niya.

“ okay kung ayaw mo, si nancy ang mananagot dito which is siya naman ang pumirma dito. Kakasuhan kita nancy, imposibleng hindi mo alam ito dahil ikaw ang pumirma! “ napa awang ang labi ko.

“ poeky naman---”

“ what!!!” tinignan niya kaming dalawa.

“ im going to give you 3 days para patunayan mo ang sarili mong inosente ka pero once na wala kang maipakitang ebidensya, sa kulungan ang diretso mo. You may all go” bumalik na siya sa pagkakaupo, nag lakad sila palabas.

“ hindi tama itong ginagawa mo, dapat nag imbestiga ka muna. Malay mo finiframe up siya” tinignan niya ako.

“ bakit ba lagi mong pinagtatanggol si nancy?? Homer im your wife and you have to support what I am saying hindi ung kinokontra mo ako” bwelta niya.

“ nasa kompanya tayo and we have both to be professional, wala akong dapat kampihan at ako na lang ang mag papaimbestiga” nag lakad na ako palabas at napa buga ako ng hangin, pinuntahan ko agad si nancy.

“ wala ka bang talagang alam??” tumango siya.

“ walang dumaan saakin na ganyan at hindi ko alam kung paano nila nagaya ung pirma ko, lahat ng project na pinipirmahan ko ay kumuha ako ng xerox ang chine check ko every details” paliwanag niya

“ bago mapunta sayo ang documents, saan muna dadaan?” tanong ko.

“ dadaan muna sa miss betty bago mapunta saakin” tinuro niya si betty.

“ okay ako na bahala, do your work and lagi mong ilock ang gamit mo and double check everything okay?” tumango siya.

“ thank you homer” niyakap niya ako, well dapat hindi lalo pat nasa kompanya kami at madaming nakakakita.