Chapter 17: TALKED

NANCY

Talagang inabangan ko si ma’am para kausapin after ng work, hindi talaga ako mapakali dahil sa sinabi ni homer kagabi. Mahalaga siya saakin at ayokong ung homer na kilala ko ay mabago na lang ng ganito.

“ nancy” napa tingin ako, tinignan ko siya. Siguro anim na buwan na siyang buntis at paganda siya ng paganda.

“ ah pwede ka bang makausap??” seryoso kong sabi.

“ sige, mag kape muna tayo sa labas” tumango ako at sumunod sakanya sa sasakyan niya, nakarating na kami sa malapit lang na coffee shop.

“ sige na, anong gusto mong sabihin??” tanong niya, umayos muna ako ng upo.

“ ibalik mo sa dati si homer” wala siyang reaksyon sa sinabi ko.

“ wag mo siyang paglaruan, alam kong masyadong mabait si homer at hindi kayang tumanggi sa mga babae pero hindi tama itong ginagawa mo. Ginagamit mo siya para ano? Maging ama amahan ng anak mo?? Bakit di na lang ang tunay ng ama niyan ang gamitin mo hindi si homer” dugtong ko.

“ tahimik ang buhay namin wag mong guluhin please” naka tingin lang siya saakin saktong dumating ung kape namin.

“ pag ba sinabi kong ang ama ng anak ko ay si homer maniniwala ka??” bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

“ paanong si homer?? Mas virgin pa yan saakin” sagot ko.

“ nong araw na naospital ang ama niya, kailangan nila ng malaking halaga ng pera. Sa tingin mo saan siya kukuha ng pera?? Kung kilala mo si berta, siya ang tanungin mo at malilinawan ka” sagot niya.

“ ni re-ready ko lang siya sa kung ano dapat nancy, ama siya ng anak ko at kilala ako so sa tingin mo hindi ako gagawa ng paraan para makilala siya at gumawa ng pabor para siya ay maiangat at hindi nilalait ng mga tao sa pagiging janitor niya” napalunok ako sa sinabi niya lalo na sa pangalang berta, si mang berta ang tinutukoy niya na kilala sa mga raket ng desperado.

“ ako na nagsasabi sayo, ginagawa ko lang ang dapat at nararapat para pag labas ng anak ko ay okay ang lahat” tumayo na siya.

“ maiwan na kita, alam kong concern ka kay homer dahil kaibigan mo siya pero gusto kong malaman mo na nasang mabuting kamay si homer” nag lakad na siya paalis at hindi ako makarecover sa sinabi niya, kinuha ko ung kape at halos nanginginig ako.

Umuwi akong nag iisip parin ng biglang marinig ko ang tawa ni mang berta, mabilis ko siyang pinuntahan at hinila.

“ ano ka ba nancy” angal niya.

“ sabihin mo anong ginawa niyo ni homer??” naningkit ang mata ko.

“ ano bang pinagsasabi mo?” tanong niya.

“ anong ginawa ni homer!!!” sigaw ko, tumulo na agad ung luha at hindi ko alam kung bakit ganito ako kaapektado.

“ ano bang tinutukoy mo? Ung nag bigay siya ng sperm sa isang babae?? Nancy kailangan niya ng pera at kung kaibigan ka maiintidihan mo talaga siya” napa awang ang labi ko.

“ ano??!! Nag bigay ng sperm??” tumango siya.

“ surrogate na kumbaga para mabuntis ung client” sagot niya.

“ dapat maintindihan mo si homer kung bakit niya ginawa iyon, mahalaga ang magulang niya at kailangan niya ng malaking pera. Mga ganung raket lang ang makaka pag bigay sakanya ng malaking pera at maski ikaw ay hindi kayang ibigay iyon”

“ ginawa niya lang ang tama nancy” tinapik niya ako at nag lakad na paalis, napa upo na lang ako sa kalsada na hindi maka paniwala sa nangyayare.

Tama ang sinabi ni ma’am poeky na si homer ang ama pero alam ba ito ni homer?? Alam niya bang anak niya ung nasa tiyan ni ma’am??? Hindi ko kinakaya nangyayari ngayon.

“ nancy anong ginagawa mo diyan sa kalsada?” si homer, inayos ko ang sarili ko.

“ ha?? Pagod lang ako” ngumiti ako, kumunot ang noo niya

“ umiyak ka??” umiling ako

“ hindi pagod—”

“ may nag bu-bully ba sayo? Sabihin mo at sisisantihin ko para sayo, ayoko ng bully sa kompanya ko” para akong nabingi sa narinig ko? Bakit ganito na siya mag salita ngayon?? Kailan pa siya nagkaroon ng kompanya.

“ pards pag ba tinanong ka ni ma’am poeky na maging legal niyang asawa papayag ka??” naka tingin lang ako sakanya at umaasang marinig ang gusto kong sagot.

“ ahm hindi ko pa alam pero hindi naman siya mahirap mahalin at pwede naman” ano?? Ganun gaun lang?? hindi na ako nakaimik at iniwan na lang siya, gusto kong makahinga.

“ anak anong nangyare sayo??” hindi ko pinansin si mama at dumiretso lang sa kwarto.

Yumuko ako at umiyak, bakit ganun lang kadali sakanya sumagot?? Paano naman ako?? Hindi niya ba ako nakikita?? Pagiging kaibigan na lang ba niya ako nakikita, hindi ako maka get over sa nangyayare.

Lutang ako pumasok sa kompanya, nakita ko si ma’am poeky na nag hihintay sa pag bukas ng elevator. Tinabihan ko siya at binati, tumango lang at ng bumukas ang elevator ay pumasok na kami.

“ alam ba ni homer??” tinignan niya ako.

“ hindi na kailangan” sinamaan ko siya ng tingin..

“ anong balak mo? Itago lang ito sakanya??” tanong ko.

“ para saan pa?? ama naman na siya ng anak ko at mukha namang willing siyang tuluyang maging ama ng anak ko so no need” sagot niya

“ paano mo nagagawa to? Ikaw na mismo ang gumagawa ng desisyon para sainyo, karapatan niya din malaman”

“ bakit ka baa concern na concern kay homer?? Babae ako nancy at alam ko ang mga ganyang concern, gusto mo siya tama??” kumunot ang noo ko.

“ stop that feeling dahil masasaktan ka lang, mas okay na maging kaibigan ka na lang sakanya at suportahan siya. Maging proud kana lang sakanya kung ano man siya ngayon nancy, hayaan mo na siya saakin at gaya ng sabi ko kahapon nasa mabuti siyang kamay” bumukas na ang elevator at lumabas na siya.