Chapter 14: TEACH

HOMER

“ about naman sa stock market--- hey are you listening??” hindi na kasi kaya ng utak ko I adopt lahat ng tinuturo nila saakin.

“ pwedeng mag break kahit 30 minutes? Please?? Sasabog na ata ung utak ko” tinignan si ma’am ung oras at pumayag naman siya.

“ hayyyyy…… grabe pala, ganito pala pag nasa business ka andami mong dapat malaman” sumandal ako at nag inat, nakita ko siyang tumayo. Teka kailan pa nag karoon ng kapehan diyan sa part na iyan??

“ patimpla naman ako oh” niligon niya ako, hindi siya umimik pero kumuha ng dalawang baso kaya alam kong tag isa kami.

“ mamaya sasama ka saakin mag iinterview ng mga applicant para sa susunod ikaw na lang ang gagawa non” tumango ako, busy kasi ako sa pag stretch ng muscle ko.

“ here” umupo ako at kinuha na ung kape.

“ yown!!! Ang sarap!” nakalahati ko a agad ung kape.

“ pwedeng mag tanong, hindi naman sa gusto kong malaman pero curious lang ako. Paano naabuo ang baby mo kung walang ama??” sumeryoso bigla ang mukha niya.

“ kung ayaw mo sagutin, okay lang. hindi lang---”

“ surrogate by my own and may kinuha si lolo na lalaki para mapagkunan ng sperm” ano daw??? Surrogate?? Siya ng mismo niyang anak?? Tama ba ako?

“ teka ang hirap ipasok sa utak ko, nag surrogate ka ng mismong anak mo?? Kumuha ng lalaki ang lolo para mabigyan ka ng anak?? Paano iyon? Naguguluhan ako”

“ sperm ng lalaki ang kinuha nila at dahil may private hospital kami ay inutusan ni lolo na I surrogate ako, na mismong ako para magkaroon ako ng taga pag mana ng walang lalaki sa buhay ko” hindi ko alam na pwede pala iyon?? Pero hindi ko akalain na gagawin iyon ng mismo niyang ka dugo.

“ hindi ka man lang umangal??”tanong ko.

“ pinatulog nila ako at sabi ay monthly check up lang, hindi ko alam na may ganun na palang plano ang lolo ko” nakakaawa nga siya, tama lang ang desisyon ko na tulungan siya.

“ walang sinabi kung sino ung lalaki??” umiling siya.

“ bakit---”

“ ma’am dumating na po ang mga aplikante” tumayo na siya, istorbo naman tong sekretarya na ito pero debale may next time pa, atleast alam ko na ang nangyare sakanya.

“ tignan mo lang muna kung ano ang gagawin ko” bilin niya, pumasok kami sa isang opisina.

“ pards?!!” napalingon ako, nanlaki ang mata ko.

“ nancy? Anong--- aplikante ka?” tumango siya at ngumiti ng napaka lawak.

“ homer tara na” sumunod na ako kay ma’am at umupo sa harap, bakit sa dinami dami ng kompanya dito pa siya mag aapply?

Pinapanuod ko lang si ma’am sa kung anong ginagawa, minsan pinapaliwanag niya saakin at hindi ko matiis na tignan si nancy na naka kunot ang noo.

“ name please?” sabi ni ma’am kay nancy, siya na kasi.

“ nancy marzan” sagot niya.

“ subukan mo” bulong ni ma’am, napalunok ako.

“ what position are you applying” tanong ko, grabe ang kaba ko parang ako ung ini interview.

“ aacounting” sagot niya.

“ okay, bilang fresh graduate anong sa palagay mo ang lamang mo sa may experience ng accounting??" tama ba ung tanong ko? Tinignan ko si ma’am at tumango siya ibig sabihin pasok.

“ pagiging masipag and devoted sa trabaho, minsan kasi ung may experience ng masyado silang kompyansa na akala mo lahat ay alam dahil lamang sila pero hindi nila alam na ung alam nila ay alam na ng mga fresh graduate at kung magkakaroon na ako ng experience hindi ako magiging katulad nila dahil willing parin akong matutu sa mga bagong pasok at willing din akong I share kung ano ang nalalaman ko” napa ngiti ako, galing ng pards ko.

“ your hired” nanlaki ang mata niya maski ako ay nagulat sa sinabi ko, tinignan ko si ma’am.

“ napa sobra ata ako?” bulong ko sakanya.

“ no its okay, sige na your hired” sabi ni ma’am, ngumiti siya at tinignan niya ako saka nag mouth word ng thank you.

Natapos na namin ang isang katerbang aplikante, nag paalam muna ako kay ma’am na sa labas muna ako dahil nag uusap sila doon at saka ko na aalamin dahil pagod na ako..

“ oy! Kailan mo balak sabihin na promoted ka sa trabaho mo ha?!!” nagulat pa ako, andito pa pala si nancy.

“ tsaka pa english english kana ngayon ah” ngiting proud naman ako

“ syempre naman” sagot ko.

“ pero ansama mo talagang ganun ung tanong? Di mo man lang dinalian??” nag pout siya.

“ ano ka ba, baka sabihin nila may pinapaburan ako at andon si ma’am” naningkit ung mata niya.

“ oy homer villanueva kailan ka pa nagka interest ng may asawa na ha?? Ikaw ah” sinudot niya ung tagiliran ko.

“ teka – teka ahahha teka kasi, walang asawa si ma’am” huminto siya at kumunot ang ang noo.

“ paanong walang asawa eh buntis??” tanong niya

“ basta mahabang kwento pero wala siyang asawa” sagot ko.

“ homer” napa lingon kami sa likod, meron na pala siya.

“ hi po ma’am” bati ni nancy.

“ hi, I hope na makatulong ang kompanya ko sayo. Homer tara na at may kailangan pa tayong gawin” tinignan ko si nancy.

“ pards mauuna na kami” sabi ko.

“ sige, salamat po uli ma’am” sabi ni nancy, tinanguhan lang siya ni ma’am at naglakad na.

“ nakakatakot siya” bulong si nancy, napa ngiti ako at sumunod na kay ma’am.

“ next time don’t call me ma’am” tinignan ko siya, nasa elevator na kasi kami.

“ pero---”

“ your my husband now and alam na yan ng mga tao, dapat sanayin mo na ang sarili mo” bakit parang ang sungit niya ngayon.

“ sige poeky” napaisip ako.

“ poeky--- poeky ko—po----” natigilan ako dahil naka tingin pala siya saakin, bakit parang iba naiisip ko sa pangalan niya ‘poeky ko’ biglang bumukas ung elevator. Ay ano ba iyan, nakakadiri naman tong utak ko.