Chapter 15: HUSBAND

POEKY

Napakalaki ng improvement ni homer, napaka dali niyang turuan pero minsan pasaway pero okay naman ang mahalaga ay may natututunan siya.

“ may cake ba kayo diyan?” nasa café lang kami ng kompanya.

“ meron po ma’am, ipapalabas ko lang po at sakto kagagawa” tumango ako, habang nag hihintay tumingin muna ako sa paligid ng may napansin ako.

“ poeky!!!!!!!!!!!” sigaw nila, minukhaan ko sila at ung mga ka batch ko pala, anong ginagawa nila dito? Nilapitan ko sila.

“ hi, anong meron?” tanong ko.

“ andito kami bisitahin ka, balita kasi namin buntis ka at asan na ung asawa mo??” sabi na eh.

“ busy kami at kung wala naman---”

“ ang taray mo naman, gusto lang namin makilala ung asawa mo” sabi ng isang ka batch ko.

“ baka ayaw ipakilala dahil true ang news na alam mo na, mahirap at janitor pa dito sa kompanya niya” nag ngitian sila.

“ gosh poeky isang janitor ang naka buntis sayo, kilalang kilala ka man din tapos ganun lang ang titira sayo. Hindi ka ba nahihiya na yang anak mo pag laki maging janitor din” kung hindi ko lang iniisip ung anak ko baka pinatulan ko na silang lahat.

“ poeky ko!!! “ napalingon kami sa likod.

“ good morning poeky ko, morning baby ko” sabay himas ng tiyan ko, teka ano?? Poeky niya??

“ sino sila?” tanong niya.

“ ka batch ko” walang gana kung sabi, ngumiti siya sakanila.

“ hi, im homer husband of poeky” tinignan nila siya mula ulo hanggang paa.

“ iba ka din poeky para maging ka level mo talagan binihisan mo pa” hindi ko na gusto talaga ang pananalita nila.

“ sino ba ang utos saiyo na pumunta kayo dito at manglait?? Magkanu binayad sainyo at dodoblehin ko???!!!” nag tinginan sila.

“ walang nag utos, gusto lang namin kumpirmahin na totoo ang balita which is true naman” nag ngitian sila at tinignan si homer.

“ totoo na gwapo ako?? Well I admit na gwapo talaga ako. Thank you” singit ni homer.

“ well kung ang ipinunta niyo kung totoong janitor ako? At isang cheap tsaka low class which is true, totoong totoo ang balita pero so what???? Inaano ko kayo ng charaacter ko? Kinikiliti ba ng mga ano niyo ang isang tulad ko?”

“ gusto ko lang sabihin sainyo na para lang ako kay poeky at kung sainyo din naman ako papatol baka mas gusto ko na lang mag druga kasi maski janitor hindi kayo papatulan, ikumpara niyo naman ung itsura niyong kasing kapal na ng pader ng make up niyo kay poeky na given na ang beauty”

“ you came here to insult poeky as well me, do you have still brains? What if poeky will going to sue you or what if I will lalong lalo na paninirang puri na ginagawa niyo, we can do that with a single blink. Money can do everything maski baliktarin pa ang batas” naka tingin lang ako kay homer, hindi ko akalain na ganito na siya mag salita ngayon.

“ now im going to count three at pag hindi pa kayo umalis dito ay baka makalimot ako na mabait ako so 1??” nag tinginan sila.

“ 2!” nag lakad na sila.

“ 3!!!”sigaw ko at nag takbuhan sila.

“ tsk! Mga takot pala eh, ano ako uurungan sila? Pasalamat sila at hindi ako pumapatol sa babae, okay ka lang??” tumango ako, he change a lot.

“ may meeting ako mamaya, okay lang bang ikaw ang pumunta??” tumango siya.

“ bakit may masakit ba sayo??”

“ wala, may tatapusin pa kasi ako” sagot ko.

“ sure, ako na bahala” pumunta muna kami sa café para kunin ung cake ko at pumunta na kami sa opisina.

“ ma’am meron po ang lolo niyo sa conference room” napa tingin ako kay homer.

“ ako na bahala sakanya, sige na gawin mo na ung trabaho mo” tinapik niya ako sa likod at umalis na, ano nanaman kaya ang binabalak ni papi ngayon? Nitong nakaraan ay napaka tahimik niya at hindi iyon maganda.

HOMER

Pumasok na ako sa conference room at andito na lahat ng ka meeting ni poeky, pinaaga niya ang mga tao. Nag bulungan sila sa pag dating ko, umupo ako sa bakanteng upuan at hinarap sila.

“ excuse me mr. janitor? Wala kang karapatan na umupo diyan” sabi ng lolo niya.

“ im not a janitor anymore, im already poeky representative” kumunot ang noo ng lolo niya

“ at sino ka----!!!!” medyo kinontrol niya ang sarili niya at umupo uli.

“ lets start the meeting” sabi ko.

“ anong alam mo sa business? Sa paglilinis lang ng floor ang alam mo dahil ni isang background ng business ay wala ka at high school pa nga natapos mo, ang lakas naman ng loob mong mag pa start ng meeting” natawa ang lolo ni poeky.

“ subukan natin, malay mo itong janitor mas may alam pa sayo” sagot ko, naningkit ang mata niya at walang nagawa kundi ipa start ang meeting.

Nakikinig lang ako habang ang lolo ni poeky ay busy sa phone, ung secretary niya lang ang nag tatake down notes. Natapos na silang mag present at tinanong kung may tanong kami.

“ I object” tinignan nila ako.

“ masyadong malaki ang budget niyo beside walang kasiguraduhan na tatalab ang pakulo niyo at ung product hindi pinag isipan” natawa ng malakas ang lolo ni poeky.

“ wala ka ngang talagang alam dahil saakin okay na okay plano nila” sabi niya.

“ talaga?? Parang buong meeting wala kayong ginawa kundi mag cellphone” sagot ko.

“ okay sige sir, ganito base sa presentation niya saang lugar ang target nila. Sampo ang binanggit pero kahit tatlo na lang ang ibigay mo” ngumiti ako sakanya.

“ ako ba-----”

“ hindi naman siguro masama mister leonardo ang mungkahi niya dahil maski ako ay pansin kong wala kayo sa meeting ngayon” singit ng isa, tinignan namin siya.

“ tsk, quezon, makati, rizal” sagot niya, tumayo na ako.

“ cancel that project, sasabihin ko na kay poeky yan. that’s all “