Chapter 13: INCIDENT
POEKY
Hindi maganda ang sinabi ng doctor saakin which is dapat na akong mag ingat sa susunod dahil kahit tapos na ako sa unang trimester ko ay pag hindi ako nag iingat ay pwede paring malaglag si baby. Natakot na din ako sa ginawa ni chris saakin at hindi ko kinaya kaya napa iyak na ako.
Ang hirap ng ganito, ang hirap na lagi na mag isang lumalaban. Hinimas ko ang tiyan ko at bigla kong naisip sila mama at papa, kung andito lang sila para palakasan ang loob ko. May lolo ako pero imbes na nakaalalay saakin ay isa siya sa rason para pabigatin ang loob ko.
“ poeky eto na ang food mo” duamating na pala sila.
“ salamat, sabayan niyo na ako” tumango sila.
Hinawakan ko ung kutsara pero nabitawan ko, tinignan ko ung kamay ko nanginginig. Tinignan ko sila na nakita nila iyon at pinulot ko na lang pero nanginginig parin.
“ ako na” si homer, sinubuan niya na ako at haawk hawak ko ang kamay ko nanginginig. Never nangyare saakin ung ginawa ni chris, akala niya siguro papalampasin ko iyon.
“ pilar nasan ngayon si chris??” nilingon niya ako.
“ balita ko ay umuwi na sa pinas” sagot niya.
“ turuan mo ng madala” utos ko.
“ hindi mo kailangang gumawa ng masama dahil sa ginawa niya” singit ni homer.
“ at ano hahayaan ko na lang? sa ginawa niya nalagay sa panganib ang anak ko” sagot ko.
“ bawian mo sa legal---”
“ nakakalimutan mo atang mayaman si chris at kayang kaya niyang balukturin ang batas, ang pera kayang kayang pagalawin ang lahat sa palad niya kung ano man ang gusto niya” tinignan ako.
“ baka kasi lumala ung iringan at hindi lang ganyan ang gawin niya sayo, tandaan mo buntis ka” napa isip ako at tama siya.
“ hayaan mo sa susunod lagi na akong naka bantay sayo” dugtong niya, hindi na ako umimik at kumain na.
Hindi na namin tinapos ung tatlong araw dahil umuwi na kami, wala naman na akong dapat gawin. Naka lapag na kami pero laking gulat ko na dinumog kami ng press, anong meron? Tinakpan na agad ako ni homer.
“ totoo po bang kayo ang asawa ni miss ledesma? “ tanong ng isa.
“ ung asawa niyo po ba ay totoong mahirap??” tanong uli ng isa.
“ easyy to get nga po kayo miss ledesma??” ano?? Kung ano ano ang pinagsasabi nila, pinilit ni homer akong harangan hanggang maka sakay sa kotse.
“ pilar anog nangyayare??” tanong ko.
“ relax, ung baby mo” paalala ni homer.
“ ah ma’am excuse lang po, may video kasing nag kalat” sabi ni manong driver.
“ video??!” tinignan agad ni pilar at ung video na sumigaw si homer na asawa niya ako, kaya pala.
" alam mo na gagawin pilar” tumango siya, napa sandal ako at pumikt tsaka nag isip kong anong sunod na gagawin.
“ gugulo na” sabi ko, tinignan ko si homer.
“ ako naman ang may kasalanan, hayaan mo na basta sumunod parin tayo sa kasunduan natin” sagot niya.
Hinatid na namin siya, nag iisip parin ako ng gagawin ko. May magandang maidudulot ito pero may masama din, panigurado ay dadalawin uli ako ng papi na galit na galit. Hinatid na ako at diretso uwi na ako, wala akong ibang gustong gawin kundi humiga sa kama at mag pahinga.
Kinabukasan gaya ng inaasahan ko dinudumog na ang kompanya ko ng press, dumaan ako na parang walang nangyayare. Madaming tanong pero hindi ko na sila pinapansin, nakita ako ni homer kaya mabilis na lumapit at doon mas lalong lumapit ang mga reporter.
“ excuse us please? Kita niyong buntis ung tao” sabi ni homer.
“ totoo bang asawa ka niya?”
“ kung oo wala na kayong pakialam doon” sagot niya..
“ mahirap ka ba at akssidente lang ang pagkakabuntis mo kay miss ledesma?” tanong uli nila, sasagot pa sana siya pero pinigilan ko na at nag patuloy kaming lumub sa office.
“ pwede ka bang makausap??” turan ko kay homer.
“ sige” pumasok na kami sa opisina ko.
“ nasayo naman kung gusto mo itong sasabihin ko pero para narin ito sayo, kailangan mo ng tumigil sa trabaho mo at mag aral” kumunot ang noo niya.
“ mag aral??” tumango ako.
“ kukuha ako ng magtuturo sayo para may kaalaman ka sa business industry, mukhang kaya mo naman ng tatlong buwan at pag tapos ng klase mo tuturuan naman kita sa mga dapat mongg malaman dito sa kompanya, alam kong sobra ito pero hindi ko kayang gawin lahat lalo pat buntis ako. Hindi ako nakakampante kapag wala ako sa kompanya, ikaw lang ang nakikita kong makakatuulong saakin homer”
“ inuulit ko nasayo parin ang desisyon” dugtong ko.
“ ginagawa mo ba ito dahil tingin mo hindi ko kayang maki pag sabayan sakanila dahil mahirap lang ako?” seryoso siyang naka tingin saakin.
“ gusto ko lang madagdagan ang kaalaman mo” sagot ko.
“ ma’am hindi ako bobo at manhid pero sige papayag ako, payag ako hindi dahil gusto kong matutunan kung anong klaseng mundo kayo pero ginagawa ko ito dahil naaawa ako sayo at sa bata” sagot niya, tumango ako.
“ thank you” lumabas na siya at napa hilamos ako ng mukha, hindi ko alam kung tama ito pero para narin walang masabi ang mga tao. Pasensya na pero kailangan kong baguhin kung ano ka homer para narin sayo ito at sa anak natin.
Ayokong sumbatan ako ng anak ko na hindi man lang kita tinulungan at ayoko din na may masabi ang mga tao sayo lalo na si papi, gagawin kitang weapon at sana ma aaprecaite mo ito pag dating ng panahon.
Knock knock
“ ma’am may mga applikante na pong bago and galing ito sa gusto niyong college school” tumango ako.